Dahil dito ay unti-unting nawala sa mapa ng mga pangunahing resort destinations ang umaakit sa mga turista para bisitahin ang islang-lalawigan ano mang araw sa buong taon, ang Bellarocca Resort, natagurian pa itong nag-iisang 6-star resort sa Pilipinas noon.
Sinamantala naman ng DOTC at CAAP para mailagay sa ayos ang paliparan sa pamamagitan ng paglaan ng sapat na pondo, at tinutukan nga ang pagkonkreto ng airport runway bukod pa sa mga pagpapaayos ng iba pang pasilidad ng paliparan.
Nagulantang na nga lamang ang mga Marinduqueno sa balitang ang kapitolyo ng Marinduque mismo ang naging dahilan kaya hindi matapos-tapos ang paglalagay sa ayos ng runway na isang national government project.
Bukod tanging pangyayari ito na local government ang humaharang sa pagpapagawa ng isang national government project. Matagal ding nalito ang mga taga-Marinduque tungkol sa bagay na ito.
Nagpahayag sa media ang mga opisyales ng Marinduque na bubuksan na raw ang airport bago dumating ang September 2014, Isang pangakong sumablay na naman.
Panghaharang!
Hanggang naging laman na lamang ng mga pahayagan ang pagsampa ng reklamo sa Ombudsman ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), sa pamamagitan ng kanilang pangulo, Martin Dino at pangalawang pangulo, Dante Jimenez kasama si Mel Go, may-ari ng construction firm na kinontrata ng DOTC para sa pagkonkreto ng isang bahagi ng runway.
Graft charges ang isinampa laban kay Gob. Carmencita Reyes at iba pang mga opisyales ng pamahalaang panlalawigan. Ito ay sa kadahilan ng paghaharang diumano sa pag-deliver ng graba na gagamitin para makumpleto ang airport strip. ("for blocking the delivery of gravel to be used in completing an airport strip in the said province").
Sinabi ni Go: "Ang proyekto ay naantala dahil sa personal na interes ng mga opisyales ng Marinduque."
*May 2013 ang huling biyahe ng Zestair sa Marinduque ayon kay Sheila Evano ng Bellarocca.
Pakikipagpulong ni Cong. Lord Allan Velasco sa mga opisyales ng CAAP hinggil sa pagseserbisyo ng Marinduque Airport |
Ito ang naging pahayag ni Congressman Lord Allan Velasco sa kaniyang facebook account ngayong araw:
Had a very informative meeting regarding resumption of Flights to Marinduque this morning with the Caap Dir. Gen. Hotchkiss; Deputy Dir. Gen. Joya and Acting Chief Raul Glorioso. Seems that as of date, no Airline has yet submitted an intent that they will fly to Marinduque anytime soon. But on a good note, that even if there is a portion of the runway that is not usable, the remaining length would be good enough to accommodate a 50 seater plane. Be assured that we will do what we can to make sure that flights to Marinduque will resume soon 🙏🏻😊
Nagkaroon si Cong. Velasco ng pakikipagpulong sa mga opisyales ng CAAP na sina director general Lt. Gen. William Hotchkiss III (Ret.), deputy director for operations Gen. Rodante Joya at acting department chief Raul Glorioso.
Ayon sa kanya, wala pa hanggang sa kasalukuyan na airline company na nakapagsumite na ng kanilang balakin na silbihan ang Marinduque.
Ayon din sa kanya, bilang isa namang positibong pangyayari, kahit may bahagi ng runway na hindi maaaring gamitin, ang natitirang haba ng runway ay sapat na para silbihan ito ng isang 50-seater plane.
Dahil dito isasagawa ang kinakailangan para maibalik ang regular na biyahe ng mga eroplano sa Marinduque sa madaling panahon.