Thursday, April 21, 2016

ISA NA NAMANG KATIWALIAN SHOCKER SA P 300-MILLION LOAN NG LALAWIGAN NG MARINDUQUE!

Ayaw na rin ng DBM (Department of Budget and Management) ng KATIWALIAN sa MARINDUQUE

Department of Budget and Management building in Manila

Matapos umalma ang COA, umalma naman ngayon ang DBM sa ginawang panggigiit ng mga opisyal ng Lalawigan ng Marinduque na ipasa ang isang Appropriations Ordinance No. 05 series of 2015 na inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan noong January 8, 2016 pero isinumite for review sa DBM noong February 1, 2016. Ito ay may kinalaman sa kontrobersyal na inuutang ng Lalawigan sa DBP na nagkakahalaga ng P 300-MILLION.

Maliwanag na inihayag ng DBM Regional Office sa Lalawigan ang pagtutol nito na may petsang Abril 7, 2016, dahil nilalabag nito ang IRR ng RA 7160, at sinabing:

"The Sanggunian cannot pass an Appropriations Ordinance covering a supplemental budget for the current fiscal year after December 31. Supplemental Budget No. 5 covers changes in the FY 2015 Annual Budget of the Province, thus, it should be authorized within FY 2015. Article 455 of the Implementing Rules and Regulations (IRR) of R.A. 7160 provides that:

"The official year of the LGUs shall be the period beginning with the first day of January and ending with the thirty-first (31st) day of December of the same year"

Marami ang nakapuna na sinubukan ng SP na isingit, madaliin at palusutin ang Appropriations Ordinance No. 5 na tinutulan ng ilan dahil tapos na ang fiscal year 2015, noong ito ay ipinapasa subalit hindi ito pinakinggan.

Dahil dito tahasang ibinalik ng DBM sa Kapitolyo ng Marinduque ang isinumiteng FY 2015 Supplemental Budget No. 5 na hindi inaprubahan. - Eli J Obligacion

‪#‎KorapPaMore‬
‪#‎NoToCorruption‬
‪#‎SoThePeopleMayKnow‬

Also read:

Paglabag sa batas sa Marinduque FMR bids atbp umusok na