Thursday, May 5, 2016

Today: #DuterteInMarinduque


Bakit Marinduque? Sapagkat Marinduque ang ‪#‎Puso‬ ng Pilipinas at ang pagbabago ay magmumula lamang sa PUSO!

Kuha sa Bataan Grand Rally. Makikita sa larawan si Mrs. Wen Velasco na nag-organisa ng rally sa Balanga, Bataan


Earlier today. Marinduquenos troop to People's Park in Gasan for Duterte Grand Rally. Photo: Bong R. Perlas





LordAllan Quinto Velasco:




530am Gising na gising na po at excited na sa pagdating ng ating Mayor Rodrigo Duterte Gusto ko lang pasalamatan ang aking nag-iisang maybahay na si Wen na siyang nagpursige na kumbinsihin si Mayor Duterte na mabisita ang ating lalawigan. Hindi po makapaniwala ang inyong lingkod dahil sa wala na talagang schedule si Mayor Duterte na pumunta dito sa ating lalawigan at magpapahinga na siya simula bukas para sa kanyang grand rally sa Mayo asiyete. Pinakansel po niya ang sorties po niya sa Isabela at Baguio na ngayon po nakaschedule, may 5 at dinesisyunan na dito po ang kanyang pupuntahan. Kaya isang napakalaking karangalan para sa ating probinsya na tayo ay kanyang bibisitahin.



Sa lahat lahat po ng kumokontra, sa lahat lahat ng mga napakadaming satsat at sa lahat na ayaw pauwiin ang ating butihing Mayor, hindi po ito para sa inyo....ito po ay para sa lahat ng naniniwala na darating na ang kalayaan ng ating lalawigan at darating na ulit ang tunay na kalayaan ng ating bansa!!!! Again maraming salamat sa aking butihing maybahay, sa mga tumutulong at sa mga sumusuporta! Magkita-kita po tayo mamaya sa People's park sa Gasan ng 1pm.

Mabuhay po ang Marinduque, Mabuhay po ang Sambayanang Pilipino!!!!