Dahil nga sumablay ang engineering designs para sa mga estruktura ng minahan, tulad ng naganap noong 1993 sa Mogpog sa failure ng Maguilaguila siltation impoundment na kung saan rumagasa ang mga debris na nagdadala ng acid generating mine waste sa Mogpog River, at ang pagiging sablay din ng Tapian drainage tunnel noong 1996 na nagresulta sa pagragasa ng tailings sa Makulapnit at Boac Rivers, nagresulta ang mga ito ng malawakang pagkasira sa kapaligiran ng Marinduque.
Mula ng hininto ang operasyon ng minahan at tumakas palabas ng bansa ang mga banyagang nasa iikod ng pagpapatakbo ng minahan ay wala nang ginawang pagpapaayos sa mga peligrosong esktruktura o dams ng minahan.
Dahil dito, walang tigil, araw at gabi, ang pagdaloy ng acid mine drainage mula sa mine waste dumps at sa Tapian pit lake, mula sa tailings deposits, ganun din sa large-scale erosions ng mine wastes mula sa malalawak na mine waste piles sa minahan.
Ang mga nabanggit sa itaas ay isang bahagi lamang ng isinagawang imbestigasyon, pag-aaral at konklusyon ng Independent Assessment Team ng USGS noong 2003 (natapos 2004).
Findings ng dalawang scientific teams
Kinumpirma ng mga siyentipiko ng USGS ang naunang pag-aaral na isinagawa ng Klohn-Crippen noong 2001. At batay sa pagsusuri ng USGS Independent Assessment Team, idiin nila ang mga serious deficiencies at kanilang pagkabahala sa apat na major impoundments (dams) sa minahan.
Mga usaping pangkaligtasan ang nakita nila na dapat daw tugunan sa Tapian Drainage Tunnel Bulkhead, Tapian Pit at East Highwall, at sa 310 Drainage Tunnel.
Mayroon pa rin pala silang short-term recommendations na inilatag, gayundin ang long-term recommendations hinggil sa mga peligrong ito. 'Paramount concern' nila ang kaligtasan at magiging kalagayan ng mga maapektuhang komunidad at ito ay binigyang diin ng Team.
Idiniin nila na mabilis daw namang magagawa ang kanilang mga rekomendasyon para sa short-term na hindi naman kalakihan ang magagastos.
Para sa long-term recommendations naman, ito raw ay mangangailangan ng mas malaking pananalapi. Inihayag ng Team na ang kanilang rekomendasyon ay ibinibigay nila bilang options para makagawa anila ng informed decisions ang mga stakeholders at policy makers kung paanong matutugunan ang potential safety concerns na may kinalaman sa mga estruktura, gayundin ang pinal na desisyon na gagawin sa mga impoundments at pits.
Hindi ipinaalam sa mga tao
Hindi inilapit, ipinaalam o inilatag sa mga stakeholders o mamamayan ang alin man sa mga rekomendasyong nabanggit. Nasayang lamang ang ginastos ng Malacanang at ipinatupad ng Kapitolyo na P20-million dahil tila pagka-sumite ng nasabing report na ang titulo ay Mining Impacts on Marinduque, Engineering, Health and Environmental Issues - Final Report of the Independent Assessment Team (2004) ay tila doon na rin nagtapos ang istorya.
Kung bubusisiin ang nasabing Final Report, mayroong mga ilang 'most pressing problems at Marcopper that are causing the greatest adverse environmental impacts on the surrounding waters', ayon sa Independent Assessment Team. At ito ay talagang kagulat-gulat.
Kagulat-gulat dahil naganap na at patuloy na nagaganap pa ang kanilang pinangambahan. Iyong sitwasyon sa Maguila-guila dam/river ay maaring hindi na lingid sa mga taga-Mogpog, pero yung sitwasyon sa Makulapnit ay hindi batid ng taumbayan. Kampante dahil sa paniguro ng mga magagaling na OK na ang Boac River.
Lalong hindi natin alam yung walang humpay na pagdaloy ng acid-mine drainage sa Bol River na sa hindi inaasahang pagdiskubre kamakailan at pagkabighani ng mga kabataan (maraming salamat sa kanila), dahil sa kulay nito (cloudy blue/dark green) ay inakala nilang "busilak" - kaya't sa tuwa nila ay ibinahagi sa Facebook ang mga larawan ng kanilang paliligo, pagtatampisaw at pag-dive sa ilog na ito.
Hindi pala busilak kundi toxic/acidic kaya blue. Photo: Jhonny Pereda |
Lumabas, ayon sa aking hindi naging madaling paghahanap at pananaliksik nitong mga huling araw, na noon pa pala (2004), naitala ng Team ang kanilang nadiskubre at pagkabahala sa Bol River.
Tinago nga lamang ng mga kinauukulan, at kahinahinalang hindi ito ipinaalam sa bayan.
Ito ay ang mga sumusunod ayon mismo sa Independent Assessment Team:
1). Acid-rock drainage from the Tapian Pit overflow and from mine waste piles into the Makulapnit, Bol and Maguila-guila rivers, and
2) Erosion of mine wastes into the siltation impoundments on the Makulapnit, Bol, and Maguila-guila Rivers. The Maguila-guila impoundment is currently filled and allowing mineralized sediment to flow directly into the Mogpog River system, and mine wastes from the central portions of the mine site are flowing unchecked into the Bol River.
Although the lower Makulapnit siltation impoundment is still trapping eroded mine wastes, it appears that, given sufficient time, it will eventually fill completely, allowing mine wastes to then flow unchecked from the south side of the mine site into the Makulapnit River.
Further, the potentially imminent failures (as identified by the Engineering Team) of the Makulapnit, Bol, and/or Maguila-guila Siltation Dams, coupled with the continued large-scale erosion of mine wastes into the siltation impoundments behind the dams, increases the likelihood of potentially catastrophic releases of large volumes of mineralized, acid-generating mine wastes into the Makulapnit, Bol and Maguila-guila rivers, similar to the release that occurred in 1993 from the failure of the Maguila-guila siltation dam.
Haka-haka bang maituturing ang abnormalidad na ng mga bahang nagaganap sa ating mga bayan kapag may bagyo o tuloy-tuloy na pag-ulan? Kasama na ang pagguho ng dantaon nang matataas na lugar na nasasaksihan ngayon ng ating mga mata?
Malayo ba sa katotohanan ang magpasya na dahil nga 'unchecked', walang control ang pagdaloy ng AMD sa ating mga ilog ay marami nang mumunting pagkasira at pagguho ng mga impoundments (dams) ang naganap noong mga nakaraang bagyo? Suwerte nga lamang natin dahil ang pagdaloy ng baha mula sa itaas ay tila dahan-dahan subalit malawak at nagmumula sa hindi matanaw na kalawakan ng mga apektadong lugar sa minahan?
Pero hindi tayo masuwerte dahil sa hindi nahaharang na pagdaloy ng mga lasong-mina sa ating mga ilog araw-araw, gabi-gabi lalo na kapag may bagyo. Hindi tayo masuwerte dahil hindi rin pinag-ukulan ng sapat na pansin kung ano talaga ang tunay na sanhi ng paglamon ng ilog sa mga matataas na lugar sa Boac.
Mga realidad
Sa loob ng 20 taon ay nagkaroon na tayo ng limang presidente, hindi mabilang na DENR secretaries at mas lalong hindi mabilang na mga direktor ng Mines and Geosciences Bureau. Sa mga ahensya ng gobyerno, kapag may bagong pinuno, maaaring hindi na makita (dahil sa anumang kadahilanan), ang mga dating mas mahahalagang reports o mga dokumento na magbibigay-linaw o higit na makakatulong sa kanila para makapagpasya.
Kaya't palaging nagsisimula ulit sa panibagong pagtatasa o imbestigasyon o umasa lamang sa mga impresyon at "feelings".
Mas masaklap na may mga taong hiyang na hiyang sa ganitong sistema dahil maaring nagagawa nilang manipulahin ang mga desisyon o kawalan ng desisyon, saan man sila makakakuha ng pansariling ganansiya.
Turn-over to new DENR sec Gina Lopez by old DENR sec Ramon Paje. Photo: MB |
Isang maliwanag na ehemplo na lamang yung $12-Million - $13-Million na inilagak ng Placer-Dome bilang escrow fund para magamit sa pagpapalinis ng Boac River. Matapos makumpirna ito ng mga nasa katungkulan, kasama na ang minahan at DENR, biglang walang alam daw ang DENR tungkol dito.
Pinangalandakan naman ng abogado ng Marinduque na ang escrow raw ay isang alamat at walang ganung salaping magagamit para maayos ang kinasapitan ng ilog.
Sa huli ay nadulas ang isa pang abogado ng lalawigan sa pakikipag-usap sa stakeholders at inamin na kasama na raw ang halagang iyon sa alok ng Barrick. Sa mga pribadong pulong naman kasama ang mga opisyal ng lalawigan ay hindi pala inilihim na kasama nga ang escrow doon sa alok at nagdagdag na lamang pala ng kaunting halaga ang kumpanya para maging $20-Million.
Mabuti na lamang at naunawaan ng mga Marinduqueno ang panglilinlang na ginagawa sa kanila, kayat may puwersa ang matinding pagtanggi sa imoral na alok.
Kuha sa Gasan sa pagbisita ni DU30. Photo: Dahlia N. Itturalde |
Maraming naniniwala na may bagong pag-asa dahil mismong ang bagong Pangulong Rodrigo Duterte sa isang pahayag sa telebisyon ay mismong nagbanggit ng tungkol sa sinapit ng ating islang-lalawigan sa kamay ng iresponsableng pagmimina. Maraming naniniwala na may magaganap na makabubuti para sa mga Marinduqueno at higit na ikapapasalamat ito ng mga kalipunang sibil na walang tigil sa kanilang ipinaglalaban para sa kalikasan at para sa tao.
Sana nga, sa wakas.