Pansinin mo kung ano ang inapalaganap kapag Halloween. Tingin sa paligid - di maitatanggi na ito ay pagpapalaganap sa kamatayan, mga diyablo, mga mangkukulam at tahasang pangagaya sa hitsura at masasamang gawain ng mga alagad ng dilim. (1 Thess. 5:22).
Kuha ni Romeo Ranoco |
Saan baga galing ang Halloween na yaan? Ay di hukayin natin ang mala-impiyernong puntod ng Halloween para palabasin ang "kasunduan sa kamatayan at impiyerno" tungkol dito.
Nagsimula ang Halloween 2,000 taon na pala ang nakaraan ng simulan ito ng mga Celts at ang kanilang mga paganong kaparian na tinaguriang Druids. Ang mga Druids ayon sa kasaysayan ang kinikila sa buong mundong hari ng occult. Ang Pangkukulam, Satanismo, paganismo at halos lahat na may kinalaman sa occult ay nangangailangan noon ng kautusan mula sa Druids. Itong mga popular na ngayon na jack-o-lantern, trick-or-treat, costumes, hanggang sa mga laro, mga ala-multo, demons, goblins at witches, halloween parties - ay utang na loob ng Halloween sa mga Druids.
Ang petsa pa lamang kung kailan ito dapat maganap ay nagmula sa Druids, kasama na ang mga ritwal at seremonya ng Halloween.
Dalawa ang selebrasyon ng mga Druids - Beltane at Samhain. Ang Beltane ay ginaganap sa May 1 bilang paggunita sa simula ng summer. Ang Samhain ay tuwing November 1 naman bilang kamatayan ng summer. Samhain (pronounced SAH-win), ang pinakamahalaga para sa kanila dahil ito ay tungkol sa kamatayan at impiyerno. Dito ginaganap ang mga kahindik-hindik na human sacrifices. Ito ang orihinal na Halloween.
Kuha ni Romeo Ranoco |
Ayon sa paniniwala ng Druids, dito nahahawi ang mystic veil na naghihiwalay sa mga patay at sa mga buhay. Paniniwala na itong mga nanaog sa mundo na mga kaluluwa (tanda mo pa yung kanta?), ay naghahanap ng mga katawang lupa na malilipatan. Kayat ang mga nasisindak na mga Celts ay magbabalatkayo bilang mga demons, evil spirits, o multo, sa paniniwalang makukumbinsi nila ang mga nanaog na mga evil spirit na sila ay mismo ring mga evil spirits, kaya't hindi sila gagambalain.
Ano pa man ang maganap, tuloy pa rin ang gawain ng mga Druids sa pagsasagawa ng mga human sacrifices, kasama na ang pagpaslang sa mga bata, at karumaldumal na mga ritwal para sa Samhain. Ginagawa ito bilang pasasalamat kay Baal, ang 'false god' na tukoy sa Bibliya. (Rogers, Nicholas. Halloween: From Pagan Ritual to Party Night, p. 17). Hanggang ngayon, pero kailangan mo ng sariling pananaliksik para makumbinsi ka.
Ang mga unang panganak (first-born babies), ay sinasakripisyo. (National Geographic. May 1977, pp. 625-626). Iniinom nila ang dugo ng mga biktima at kinakain ang kanilang karne.
Para sa mga Druid ay kagalang-galang na gawain ang kainin ang katawan ng kanilang mga ama at makipagtalik sa kanilang mga ina at kapatid na babae at iba pang babae. (Strabo, Geography)
Ipinagdiriwang din ng mga Druids ang pista ng Beltane ('mga apoy ni Bel'). Si Bel ang siya ring tinatawag na Baal, 80 beses binabanggit sa King James version ng Bibliya. Kasumpa-sumpa para sa Panginoon ang Baal worship dahil ito ay pagsamba sa isang 'false god'. Ang Baal ay isang pangalan ng demonyo.
Sa kasalukuyang panahon ay talamak na sa America ang pagsamba kay Baal at maraming simbahan at templo (sa London at New York), na ang ipinatayo para sa kanya.
Paano ba napunta sa mga Katoliko ang pagpapauso sa Halloween?
All Souls' Day kuha ni Romeo Ranoco/Reuters |
Nang dumami ang mga Catholic missionaries sa Britania at Ireland na pakay ang pag-convert ng masa sa Katolisismo, ang kautusan na galing kay Pope Gregory noong 601 A.D. ay gawing ritwal ng mga Katoliko ang dating mga ritwal ng mga Druids bilang pang-akit.
Kayat binago ang karumaldumal na Druid ritwal ng Samhain at ginawang pista ng All Saints' Day, araw ng selebrasyon at pagdarasal bigla para raw sa mga patay na "Santo" at "Kaluluwa".
Malayo ba na makiuso rin ang mga Katolikong Pinoy sa pagsamba kay Baal na uso na sa mga bansang kinokopya natin ang moralidad at anuman ang kanilang mga pinapauso? Gaya-gaya ay.