Saturday, October 29, 2016

Pahayag at Panawagan mula kay former-Bokal Lyn Angeles

Mula kay Adeline Lyn Angeles  
(Si Adeline Angeles ay dating Bokal ng Sanggunang Panlalawigan ng Marinduque at sa kasalukuyan ay Chairperson ng Mining and Environment Committee ng Marinduque Council for Environmental Concerns (MACEC)


Sa En Banc Hearing sa SP: Mula sa kaliwa, Bishop Junie Maralit, Fr. Arvin Madla, dating-Bokal Lyn Angeles, SBM Rolly Larracas (Boac) at SBM Mundoy Ola (Mogpog)

MGA MARINDUQUENOS: LET’S PRAY FOR OUR PROVINCIAL OFFICIALS. 
Maraming kaganapan sa Kapitolyo ngayon na kailangan ng kanilang malasakit at responsableng pagpapasya.

I. Dapat bang patuloy na kunin ang Amerikanong lawfirm na "Diamond McCarthy" at si "Skipp Scott" para isampa ang kaso sa Canada gayong ito ay hindi naman makakapag-practice doonat magha-hire din lamang sila ng isa pang Canadian lawfirm (Na BABAYARAN PA SA PAMAMAGITAN NG UUTANGING PERA NG PROBINSYA SA ISANG FUNDER) gayong maraming Canadian law firms naman ang nagnanais na direktang hawakan ang kaso on 'CONTINGENCY BASIS' (Meaning babayaran lang sila ng fee nila kapag nanalo o may nakuhang recovery ang Probinsya), at hindi na kailangang dumaan pa sa mga AMerikanong lawfirm na NAPAKALAKI NG KUKUNING SHARE sa maaaring masisingil ng probinsya (Re: Marcopper/PDI/Barrick) ?
II. TAMA BANG BUMOTO ANG ISANG BOKAL NA PIRMAHAN ANG MGA KONTRATA NA:
1. Inaamin nilang hindi kumpleto (incomplete), sapagkat wala ang mahahalagang bahagi (Annexes/Attchment), LALO NA ANG BUDGET NA MULTI-MILLION DOLLARS ANG HALAGA.
2.  Inaamin nilang hindi pa nila lubos na nauunawaan at napapag-aralan sapagkat kailangan pa din nila ng independent legal at technical guidance at tulong mula sa ibat-ibang sektor at tanggapan (DENR etc), na tutulong upang maayos itong mapag-aralan at tingnan sa kabuoan kung ano ang best available options para sa Lalawigan.

Ito po ang realities and facts na inamin ng halos lahat ng bokal kasama na ang Bise Gobernador sa En Banc Hearing na dinaluhan namin kasama ang ating Obispo, Bishop Junie Maralit at mga representatives mula sa NGO at multi-stakeholders kasama na ang ilang opisyal/representatives mula sa apektadong bayan noong UMAGA NG MARTES, October 25,2016.

SUBALIT LAKING GULAT NAMIN NG MALAMAN NA KINAHAPUNAN, SA GINANAP NAMAN NILANG SPECIAL SESSION NA PINATAWAG NG GOBERNADOR AY MINUNGKAHI AT PINILIT PA RING SUBUKAN NI BOKAL ALLAN NEPOMUCENO AT ILANG BOKAL NA MAG-BOTOHAN NA UPANG BIGYAN NA NG AUTHORITY ANG GOBERNADOR NA PUMIRMA NA SA MGA KONTRATA NA NOONG UMAGA LAMANG AY INAAMIN NILANG DI PA NILA LUBOS NA NAPAPAG-ARALAN AT NAUUNAWAAN AT KULANG-KULANG SA MGA MAHAHALAGANG BAHAGI.

WHAT WAS THAT??? HINDI LAMANG “APPROVE WITHOUT READING & UNDERSTANDING” KUNDI APPROVE WITHOUT EVEN SEEING THE COMPLETE DOCUMENTS TO BE APPROVED? GANITO NA BA TALAGA? MULTI-MILLION DOLLAR BUDGET TO BE APPROVED WITHOUT SEEING THE DOCUMENT MAN LANG?
Pero salamat sa mga Bokal na hindi pumayag: HONORABLES AGUIRRE, DAQUIOAG, PELAEZ, SALVACION, PAMINTUAN; at kay Hon. CABALLES NA RIN NA NAG-ABSTAIN (at least). 
SALAMAT DIN KAY VICE GOV. BACORRO FOR HIS SENSIBLE INPUTS.
Sa mga ibang Bokal naman (na dati ko ring nakasama at napalapit na rin sa akin), na bumoto na magbigay na ng authority sa Gobernador na mag-engage at pirmahan na ang kontrata sa kabila ng inaaming kakulangan ng sapat na pag-aaral at kumpletong mga dokumento, sigurado po akong hindi ito ang napag-aralan nila sa Training on Local Legislation kelan lamang s UP-NCPAG na Alma Mater ko din.

Alam kong nahihirapan din sila sa political situation at dynamics pero maikli lang ang buhay natin... Magawa sana nila ang tama para kahit wala na sa pwesto sila, sila pa rin ay maging payapa... May katapusan ang lahat... at masarap mabuhay ng MALAYA.
Kuha habang nakaupo si Vice-Governor Jun Bacorro, nakatayo sina Bokal Allan Nepomuceno na "minungkahi at pinilit pa ring subukan" na bigyan ang governor ng authority na pumirma sa kontratang ni hindi nila napag-aralan, nauunawaan at kulang-kulang sa mga mahahalagang bahagi; nasa kanan naman si Bokal Tet Caballes na nag-abstain.

PAALALA NG ISANG KAIBIGAN SA AKIN NOON: HINDI TAYO IGAGALANG AT ANG INSTITUSYONG ATING KINABIBILANGAN KUNG TAYO MISMO AY HINDI PINAPAKITA THAT WE DESERVE THAT RESPECT, AS AN OFFICIAL AND AS A PERSON. 

WE NEED TO PRAY FOR THEM!
AT SA ATING GOBERNADOR CARMENCITA O. REYES, SANA PO AY MABASA AT MAPAG-ARALAN NIYA ANG MGA POSITION PAPERS NA SINUMITE SA INYO NG IBA’T- IBANG STAKEHODERS, KASAMA NA ANG SANGG. BAYAN RESOLUTIONS, POSITION PAPERS MULA SA CIVIL SOCIETY ORGANIZATIONS GAYON DIN ANG MGA PUNTOS NA NABANGGIT NG BUTIHING OBISPO, BISHOP JUNIE MARALIT SA KANYANG SULAT SA KANYA. 

Tila sila na lamang ang kumbinsido na dapat pa ring i-engage ang Diamond McCarthy at si Skipp Scott (US firm) sa kabila ng iba pang mga available options na nakikita ng marami na mas advantageous para sa lalawigan.

MAGANDANG PANGKAKATAON NA SANA ITO UPANG MAKAPAG-IWAN SIYA NG MAGANDANG LEGACY--- ANG MAGING INSTRUMENTO NG HUSTISYA AT PAGTATAMA NG MARAMING MALING NAGAWA SA KALIKASAN AT SA MAMAMAYAN HINGGIL SA ISYU NA ITO. HUWAG NAMAN SANANG PATI SA PAGSASAMPA NG KASO AY LALO PANG MADAGDAGAN ANG MALI… AT LUGAR NA HUSTISYA AY DAGDAG PANG-AABUSO ANG MAKUHA NG LALAWIGAN SA PROSESONG ITO.
KAAWAAN NAWA NG PANGINOON ANG ATING LALAWIGAN AT GABAYAN ANG ATING MGA OPISYAL!
(PHOTOS ABOVE: w/permission from Kon. Larracas)

Marinduque landscape by Jerome Papa Lucas