Marcopper Disaster. Pagmumuni sa malisya o tila masamang hangarin ng mga kinauukulan tungkol sa kaso ng lalawigan:
Sa en Banc Committee Hearing na ginanap noon pang October 25, 2016, sa Sangguniang Panlalawigan na kung saan inimbitahan ng SP ang Obispo, tinalakay dito ang ilang dokumentong may kinalaman sa kaso ng Lalawigan laban sa Barrick Gold na ibinahagi sa kanya tulad, ng:
- Dati pang pirmadong kontrata noong 2005 sa pagitan ng Governor at ni Walter J. Scott at ang 'revision' na ginawa rito noong 2007 Confidential Memorandum (ni Scott kay Gov. Reyes).
- Bagong pinanukalang kontrata naman mula sa US legal firm, Diamond McCarthy (DM), para sa Pamahalaang Lalawigan na may titulong Restated and Amended Special Outside Appointment and Engagement (RASOAE).
Sa ngayon ay may lumitaw na bahagi ng nasabing pinanukalang kontrata na nagsasaad na wala naman palang commitment ang DM para maghain ng demanda o magsumikap para sa ano mang paglilitis ano pa mang klase ito, kung ang pakay ay maghabol ng ano mang danyos laban sa alin mang panig, ito man ay pagdedemanda, o arbitration.
Sa madaling salita lumilitaw na lahat yata ng kayabangan at ingay ng mga kinauukulan tungkol sa pagsasampa ng kaso ay pagwawari (contemplated) lamang, na halos katumbas sa tunog ng 'kunyari lamang'.
Bahagi ng RASOAE:
"While it is contemplated by the Parties that Law Firm will commence litigation against one or more Defendant(s) in the appropriate court(s) in the country of Canada, it is further expressly understood and agreed that Law Firm has not made and does not now make any commitment to file or otherwise pursue any particular proceedings of any type, whatsoever, in furtherance of any claims or causes of action against any parties, whether by way of litigation, arbitration or otherwise, and nothing herein or as otherwise discussed is intended or shall in any way alter this undertaking absent express written agreement specifically setting forth any adversarial undertaking and related expenses, in particular."
Binale wala pa rin ng mga kinauukulang opisyales ng Lalawigan ang mga sumusunod na tinalakay noong October:
- Mga Municipal Resolutions mula sa dalawang higit na naapektuhang mga bayan, Boac at Mogpog hinggil sa usapin sa DM LLP (pagkontra sa DM)
- Minutes at pinagsamang kinatatayuan sa huling Round Table Discussion / Environmental Forum noong Sept. 8, 2016 na dinaluhan ng ilang mga bokal.
Personal na inilahad ng Obispo sa pagkakataong iyon na 'unwarranted and unethical' na pagbantaan ng isang abogado ang Lalawigan na idedemanda raw niya ito sakaling wakasan ang dating kontrata. Ipinaliwanag na KARAPATAN ng abogado at ng client na i-terminate/discharge ang kontrata. Sa dating 2005 kontrata man o sa bagong panukalang kontrata man, ay nakasaad aniya ang karapatang ito ng pag-terminate, with or without cause.
Most Rev. Bishop Junie Maralit |
Sa naging panawagan sa Multi-Sectoral Forum ay maliwanag na nakasaad ang pagkumpirma ng isang Bokal sa pagbabanta ng abogado. Hindi naman natinag ang mga nakarinig na stakeholders:
As reaction to the sharing of BM Nepomuceno that they were informed that if the Province will get another lawyer (if not DM/Scott), it may be sued even if they do not have the authority to practice in Canada, many participants particularly the SB officials from Mogpog manifested their disgust and reiterated their past frustrations on DM specially Atty. Scott’s behavior on many occasions that threatened its clients, and offended the Marinduque community including its elected leaders, and in ways that as if he was lawyering for Barrick and not for the PGM/Province.
The participants voted favorably to recommend the termination of Diamond McCarthy/Atty. Walter “Skipp” Scott’s service related to the case without prejudice to their/his being fairly compensated for past services through proper process. (Note: Not even one from participants present manifested support to continue their service). - Multi-Sectoral Forum
Solidarity with Marinduque on the 21st Marcopper Tragedy Commemoration |
21 taon na, anila, ay naghihintay pa rin ang Marinduque sa rehabilitasyon ng mga lugar na minina at sinalanta ng iresponsableng pagmimina.
Mababasa sa kanilang mga placard ang ganito:
"FoE Stands in Solidarity with those affected by the Marcopper Mining Disaster!"
"People. Power. Now."
Larawan mula sa Friends of the Earth Asia Pacific