March 10, 2017- NAKATAKDA SANA SUBALIT HINDI NATULOY magbotohan sa Sangg. Panlalawigan hinggil sa hinihiling na "authority" ni Gov. Reyes na pumasok muli sa kontrata sa US law firm na Diamond McCarthy (DM) at sa Funder na uutangan ng Probinsiya para sa planong pagsasampa ng KASO laban sa Barrick Gold hinggil sa naging operasyon/epekto ng Marcopper.
Bagamat sumusuporta din na ITULOY ANG KASO, marami ang AYAW NA kay SCOTT/Diamond McCarthy bilang ABOGADO.
Habang ang grupo ng MACEC kasama si Bishop JUNIE MARALIT, mga Kaparian, at mga miyembro ng MACEC, SAC at BPK ay maaga pa ay nasa loob na ng capitol building, isang programa naman ang isinagawa sa Boac Covered Court ng isa pang grupong tinatawag ngayong "BANTAY-KASO" na sinamahan naman ni Cong. LORD ALLAN VELASCO, Mayor BERT MADLA, Vice Mayor Obet OPIS at ng inyong lingkod. Ang grupo ng "BANTAY-KASO" ay dumiretso din sa Kapitolyo kung saan, bitbit ang mga placards ay nag-alay ng mga panalangin sa harap naman ng capitol bldg. Habang tayo po kasama si Cong. Velasco ay umakyat din sa SESSION HALL upang malapitang mapanood ang session kasama sina Bishop, mga Kaparian at mga katuwang sa MACEC,SAC/BPK.
TAGUMPAY ANG BOSES NG MAMAMAYAN!!! HINDI NATULOY ANG PLANONG PAGBIGAY NG AUTHORITY KAY GOV. REYES! BAGKUS AY NAIPASA ANG 2 MAHALAGANG RESOLUTION -- Ang Pag-imbita sa iba pang interesadong law firms kasama na ang Canadian Firm na Trudel, Johnston & Lesperance (Trudel*) na dati nang nagpahayag ng interest na direktang hawakan ang kaso sa Canada.
WE ALSO WELCOME another new group/partner in this advocacy-- "BANTAY-KASO" ( Movement for Transparent & Accountable Dispositions in the PGM vs Barrick Case.)
Patuloy po ang responsableng PAGBABANTAY at PAKIKISANGGKOT ng MAMAMAYAN!
MAY GOD BE GLORIFIED!
"Trudel. Canadian law firm na opisyal na inimbitahan sa Marinduque ng Lalawigan noong Enero 2016.