Friday, March 10, 2017

MAKIALAM! MAKIISA! Unos sa Kapitolyo ng Marinduque ngayong araw!!

Marinduque Gob. Carmencita Reyes

MAKIALAM! MAKIISA! Unos sa Kapitolyo ng Marinduque!

Diamond McCarthy (DM) at Skip Scott ang talunang mga abogado sa kaso ng Lalawigan na ibinasura ng Korte sa Nevada.

Sila ang mga abogadong nagpumilit na tanggapin ng Lalawigan ang inialok na settlement agreement noon ($20-M), na ibinasura ng bayan dahil sa mga kasukasukang kondisyones. At dahil higit kalahati ng halagang iyon ay mapupunta deretso sa bulsa ng DM, Scott at mga kasamahan!

Bakit pinipilit ni Gob. Carmencita Reyes na pirmahan NGAYON ang isang MOA with Diamond McCarthy (DM)?

Para mabayaran kaya ang ano mang pinagkagastusan ng DM sa Pilipinas at US sa loob ng 10 taon? Samantalang pinaniwala ang mga tao noon ng paulit-ulit na walang babayaran ang Lalawigan kapag natalo ang kaso sa Nevada! 

Bakit ngayon, nakalatag na ang kasunduan na naman sa isang Third Party Funder sa US na maglalaan bilang pautang ng $8-million (P 400-million)? Halagang abayaran ng Marinduque, manalo o matalo!

Sa kasunduang hindi na kailangang basahin at pag-aralan dahil mabilisan, dating gawi,  inagipit ngani ang Sanggunian?

Hindi basta-basta ang halagang pinag-uusapan dito at hindi personal na salapi ito ng Gobernador, o mga Bokal, Bayang inaapi!

Parang sugal na tinatayaan lamang ang kinabukasan ng Lalawigan! Hindi pambili laang ng bislad at bigas!

Ang mga larawan ay kuha noong nakaraang Martes, 3/7 sa Committee en Banc Meeting sa Kapitolyo, matapos ipagpaliban ang pag-abruba sa MOA noong nakaraang Biyernes dahil sa kahilingan ng Macec at ilang Bokal na nagulat.

Sa araw na iyon, ginulantang na lamang ang SP ng pagdating ng antipatikong si Skip Scott na pakawala ng Gobernador, nino pa?

Igigiit muli ngayong araw ng Biyernes, Marso 10 sa Sanggunian Panlalawigan!

MAKIALAM MARINDUQUENO!



Ephesians 6:11 Put on the full armor of God, so that you will be able to stand firm against the schemes of the devil.

Epeso 6:11 Gamitin ninyo ang lahat ng kagamitan at sandatang pandigma na kaloob ng Diyos, upang mapaglabanan ninyo ang mga pakana ng diyablo.

Matthew 6:13 'And do not lead us into temptation, but deliver us from evil.'