Tuesday, March 21, 2017

'Malaking kabulaanan po Bokal Alan Nepomuceno' - sabi ng ex-Mayor at former Bokal

Radyo Natin Interview with APP Jun Timtiman and BM Alan Nepomuceno. 
Screenshot from PGO-ICT video

Pedrito Nepomuceno shared Marinduque Provincial Government's post
with his comments as follows:
March 19, 2017
Ginagamit ang Radyo Natin nina Bokal Alan Nepomuceno at Assistant Provincial Prosecutor (APP) Jun Timtiman spreading disinformation and outright lies.
Sa loob ng 45 minuto na interview, walang sinabing totoo ang dalawa, Assistant Fiscal Timtiman at Bokal Alan Nepomuceno. Panay ang paglilihis ng landas sa tunay na pangyayari at pinapalabas na magiging masalimuot ang simpleng problema kung hindi aaprubahan ng Sangguninag Panlalawigan ang hinihinging Awtoriti ni Gobernador Reyes.

Tulad ng sinabi ni APP Timtiman na ganun pa rin daw ang kontrata with Diamond McCarthy – Skip Scott at walang pinagbago. Eh it was much worse than before kasi nga ang daming parties involved like yung Parabellum na third party funder who will cover cost at $8-M according to the contract at yung Canadian law firm na LOLG. Ang claim ni Bokal Alan Nepomuceno, one of the top 10 lawyers daw po yun in Canada. I checked sa Internet, wala namang ganun kahit pa sa top 30. MALAKING KABULAANAN PO BOKAL ALAN NEPOMUCENO

Ang claim ni Bokal Alan Nepomuceno na nalabanan na raw ng LOLG ang Barrick Gold sa isang kaso at natalo ang Barrick. Mali, dahil ang totoo naging abogado nga ng Barrick ang LOLG. MALAKING KABULAANAN, BOKAL ALAN NEPOMUCENO.

Ang Diamond McCarthy ayon sa bagong kontrata “will act as global counsel” daw ng Provincial Government of Marinduque (PGM) kaya kahit pa po sa Pilipinas magsampa ng kaso sila pa rin ang hahawak at makikipag-partner na lamang sa local law firms.

Sabi ni Bokal Alan Nepomuceno hindi raw totoo yung lumabas sa diyaryo na mangungutang ng $8-M ang PGM para sa pagpapagawa ng structure at dams sa Marcopper. Lumabas daw sa diyaryo at social media. Ang totoo walang nagadikit sa $8-M sa rehabilitation kundi si Bokal Alan Nepomuceno lamang dahil walang ganung balita. Ang title pa nga ng Manila Bulletin ay "Loan to fund mining class suit opposed'. So ginugulo talaga ang issue. MALAKING KABULAANAN, BOKAL ALAN NEPOMUCENO.

Sabi pa ni APP Timtiman, kapag i-terminate daw yung 2005 contract tungkol sa Nevada case, ay pwedeng mag-file ng civil suit ang Diamond McCarthy vs. PGM. Ang claim ni APP Timtiman, yung napagkasunduan sa Nevada SC na hindi puwedeng gamitin sa Canada yung jurisdictional ground, at sabi niya "nobody can stop Placer Dome from using that... so di rin sigurado na mag-assume ng jurisdiction ang Canadian court". Kapag ganun daw ang mangyayari, babalik uli sa US ang kaso. Ang alam po namin, the case was dismissed in Nevada on the condition that jurisdiction will not be raised in Canada, period.

Kabulaanan pa ni Bokal Alan Nepomuceno. Napagkasunduan na raw sa Sangguniang Panlalawigan (SP) na bigyan ng authority ang provincial governor na pirmahan ang Memorandum Of Agreement (MOA) with Diamond McCarthey (DM) subject to ratification. Walang pong ganung pangyayari sa enbanc meeting dahil nung SP session March 10 ang naaprubang resolution ay mag-imbita ng iba pang Canadian law firms na interesadong humawak sa kaso, kasama na ang TJL.

Ayon sa ulat sa itaas mula diumano sa Prov. Prosecutor ay Parabellum ang 'magpapautang sa ating lalawigan upang may pondong magamit sa litigation process at services'.

Hindi raw utang ang $8-M na magmumula sa Parabellum. Ang totoo ay sila ang nauna pang magpahayag na UTANG ito para sa pag-finance ng costs ng litigation. eto ang pruweba. at hiwalay ang Agreement between PGM and Parabellum tungkol dito
Kung pag-aaralan ng husto ang strategy ng PGM at Scott na hanggang ngayon kahit walang personalidad ay may pakialam sa kaso sa utos ng Reyna at iba pa, lumalabas na ang gusto lamang nila ay mabayaran ang Scott-DM-at kung sino-sino pa, at iyon ang kanilang pangunahing pakay - hindi ang ipaglaban ang kaso ng Marinduque for damages.

Na ang kanilang abogado sa Canada (LOLG or Lax O'Sullivan Lisus Gottlieb) ay nag-abogado rin sa Barrick ng 2 beses at kung bakit yun ang kanilang pinili ay makikitaan ng patunay na hindi interes ng Marinduque ang pinoprotektahan dito, kundi interes ng mga abogado na mabayaran sila.

Isapubliko ang Kontrata
At dahil diniscuss nina APP Jun Timtiman at Bokal Alan Nepomuceno ang mga proposed contracts, at dahil napag-aralan na rin ito ng mga stakeholders like Macec, kaparian, at nakita na nilang hindi katanggap-tanggap ang mga nilalaman nito, at naiparating na rin nila sa SP officially with even the Bishop invited last year for his privilege speech, mas malaki ang dahilan ngayon na isa-publiko ang mga kontrata para magkaalaman kung sino ang nagsasabi ng totoo at kung sino ang nagpipilit na pirmahan dahil sa pansarili nilang dahilan at hindi para sa tao

Dapat wari na i-emphasize ng Marinduqenos na ang mga dahilan kaya hindi na dapat pagkatiwalaan ang DM ay sa usapin ng FINANCES ($12-MILLION ANG BAYARIN DAW SA KANILA DAHIL SA NEVADA CASE) AT SA USAPIN NG KAWALAN NA NG TIWALA NG MGA TAO (TRUST) DAHIL SA MARAMING TAONG PAMBU-BULLY AT PAGBUBULAAN SA MARINDUQUE NA LUMITAW LAHAT NG INASAKSAK SA LALAMUNAN ANG $20-M SETTLEMENT NOON NA SILA ANG HIGIT NA MAKIKINABANG AT NGANGA NA LAMANG ANG LALAWIGAN.

Kung susuriin talaga ng husto ay mukhang ang trato ng PGM at mga abogado nila sa kaso ng Marinduque ay isang malaking negosyo na sila ang makikinabang. Sa isang pahina ng dokumentong aking nakalap ay mababasa ang ganito sa Restated and Amended Special Outside Appointment and Engagement (of DM):

Sa 2nd paragraph:

 "While it is contemplated by the Parties that Law Firm will commence litigation against one or more Defendant(s) in the appropriate court(s) in the country of Canada, it is further expressly understood and agreed that Law Firm has not made and does not now make any commitment to file or otherwise pursue any particular proceedings of any type, whatsoever, in furtherance of any claims or causes of action against any parties, whether by way of litigation, arbitration or otherwise, and nothing herein or as otherwise discussed is intended or shall in any way alter this undertaking absent express written agreement specifically setting forth any adversarial undertaking and related expenses, in particular."

Sa tingin ko ay once the MOA is signed ay aregluhan laang wari uli ang magaganap dahil nandun lahat ng mechanics for aregluhan. At wala ng kawala ang Marinduque pag nagkataon dahil kahit anong gusto at idikta nila, hindi ng korte, ay masusunod. Di po ako abogado pero basahin nating mabuti.
 Nadulas pa si Bokal Alan Nepomuceno at sinabi niya na maaring isang taon lang ang abutin ng kaso kaya baka kaunti lamang ang magagamit dun sa $8-M mula sa third party funder. parang nahuhuli sa bibig pakiwari ko.