Monday, March 20, 2017

Hindi nagkabula. Tumirada na mandin ang mga crocs!

Para bayang hindi man laang nagkabula yung naisulat ko noon pang Sept. 25, 2016 na ang title ay Marcopper case: Crocs are just bidding for time to strike again? 
Atagalugin ko na laang po ngayon. 


Tumira mandin ng palihim kaya nag-alsahan ang mga gising

Para ipaalaala sa ating mga kababayan. Matatandaan na noong ikalawa mula sa pinakahuling session ng dating SP noong June, nag-adopt ng Resolution ang SP tungkol sa pagsampa ng kaso sa Canada. Ito ay para ipagpatuloy ang sigaw ng mga Marinduqueno para makamit ang environmental justice na sinira lamang ng pinakamapangahas na uri ng panlilinlang at manipulasyon ng ilan sa gobyerno at ng kanilang mga kasapakat na abogado.

May sumusunod sa etikong Canadian law firm na napangalanan base sa kanilang track record makaraan ang matagal na panahong paghahanap ng mga kaukulang stakeholders. Ang nasabing law firm ay pormal na inanyayahan para sa isang pagpupulong ng Lalawigan ng Marinduque noong January 2016. Ang nasabing law firm ay umasang makakatanggap ng isang maliwanag at direktang mandato mula sa Lalawigan para hawakan ang kaso sa Canada matapos maibasura ang kaso sa Nevada na dating hinawakan ng US lawyers.

Ang mga US lawyers ay biglang sumipot din sa usapang isinagawa sa Lalawigan, kasama rin dito ang mga stakeholders. Ayon sa mapagkakatiwalaang source, niliwanag ng mga Canadian lawyers ang kanilang kahandaan na makipag-usap din sa mga US lawyers.

Subalit matahimik na lumipas ang mga buwan, ay nabahala ang civil society groups dahil salungat sa napagkasunduan, ay tila nagpapalipas lamang ng panahon ang kinauukulan para maisagawa ang isang kakaibang plano.

Sa unang bahagi ng September 2016, nagpatawag ng meeting sa Kapitolyo ang SP Committee on Environment.

Meeting at Sangguniang Panlalawigan (SP)  Sept. 2, 2016 with U.S. legal counsel. FB photo: Carlo Manay

Bulaga! Naroon ang US legal counsel na ang "ang mga pagkilos, asta at mga pananalita sa maraming pagkakataon" ay matagal nang tinuligsa ng ilang miyembro ng dating SP, at ang pagpapatuloy ng kanyang partisipasyon sa binabalak na kasong isasampa sa Canada ay hayagang tinutulan ng pangunahing environmental org sa Marinduque. 

Lumitaw siya sa pagpupulong dala-dala ang isang powerpoint presentation tungkol anya sa kanyang plano at nang mga US lawyers na magsampa ng kaso sa Canada, kasama ang isang Canadian law firm na sila ang pumili.

(Bago mangyari ito, nakatala naman sa mga pagpupulong ng maraming ulit, na minungkahi ng abogadong Amerikano na maliit ang tsansa na manalo ang Lalawigan sa Canada dahil diumano poprotektahan lamang doon ang kanilang mga negosyo. Lumalabas na naging interesado lamang ang mga US lawyers ng pumasok sa usapan ang TJL. Maging sa court records ng Nevada, iginiit din noon ng mga US lawyers na sa Pilipinas dapat dalhin ang jurusdiction kung ibabasura ang kaso at hindi sa Canada).

Walang paliwanag kung bakit walang update sa napagkasunduang negosasyon sa pagitan ng dalawang law firms (mula sa US at Canada) na dumating nga sa Marinduque noon. Subalit sa pagkakataong ito, nagpahayag ang US lawyer na inihanda na niya ang draft contracts para aprubahan ng SP.  Sa kontrata ay hindi kasama ang sumusunod sa etikong Canadian law firm na napangalanan noon pa at opisyal na naimbitahan ng Lalawigan noon ngang January. (Ito na yung Trudels, Johnston and Lesperance, o TJL)

Ang mga kopya ng nasabing draft contracts ay naipamahagi rin sa mga kaukulang mga personalidad na may kinalaman sa usaping ito. Isa sa mga nakabasa ay nagsabing: "Mas masahol ito, nakakapangilabot, di hamak na mas masama kaysa doon sa 2005 agreement sa pagitan ng PGM at ng nasabing legal counsel".

MACEC reps including the Bishop of Boac were invited. 
FB photo: Carlo Manay

Sa isa pang follow-up meeting na inorganisa ng environmental group (MACEC), ang pangkalahatang sentimyento ng mga kinauukulan ay isa-isahin ang mga dahilan para sa pagpapahinto ng pakikialam ng mga kaukulang US lawyers. Sa katanungan kung bakit tila pinapaboran ang mga abogadong ito sa kabila ng kanilang poor performance at questionable actions na nakakadagdag lamang ng pagdududa sa kanilang integridad, isang opisyal ng lalawigan ang nagpaliwanag ng "maraming ulit" na sa kanilang palagay, kapag hindi kinuha ang mga US lawyers ay "baka mademanda ang probinsya!"

May mas masahol pa kaya sa ganitong sitwasyon? Paanong makikipag-kontrata ang Lalawigan sa isang law firm na diumano'y nagbabanta na magdedemanda kapag pumili ang Lalawigan ng ibang law firm? (Sa madaling salita, katumbas nito ay pangho-hostage sa Marinduque!) 

Ganito ba dinedepensa ang mga pilay na argumento at talamak at katawatawang pinapakalat sa Marinduque?

Sentido-komon na ang magsasabing hindi ganoon ang patakaran. Ang Lalawigan ay may karapatan na ihinto ang kanyang relasyon sa alin mang law firm. Hindi dapat kalimutan na ang kaso sa Nevada ay tapos na. Ang fair terms ay kailangan lamang pagkasunduan sa pagitan ng US at Canadian law firms na nabanggit, katulad ng napagkasunduan ng hakbangin, at hindi ito para sa Lalawigan para problemahin natin.

Bakit kailangang pagbantaan ang kliyente ng kanilang mga sariling abogado kung ganito ang pangyayari? Hindi bagat isang abusadong uri ng relasyon ito? O baka naman kaya may iba pang lihim na 'pagkakaunawaan' noon at ngayon na nasa likod ng mga ito?

Marami na tayong nagisnang trahedya-komedya noon pa. May panibagong katatawanan at trahedyang mala Moro-Moro at Zarzuela na parating? Sina Batman, Robin, Superman at maging si Darna ay malamang sumali dito para naman lumaganap na ang Katinuan at Hustisya sa ating minamahal na Marinduque.

Basahin din:

Tsunami ng Panloloko sa Marinduque