Sunday, March 19, 2017

Tsunami ng Panloloko sa Marinduque


Mga naninindigan laban sa mga panloloko

Walang duda. Garapalang TSUNAMI ng PANLOLOKO SA MARINDUQUE ang nagaganap.

Nagawa na raw ito sa hindi na mabilang na mga taon, bakit hindi kayang ipagpatuloy at gawin uli? Naging epektibo raw naman.

Ultimong LABANAN SA PAGITAN NG KABUTIHAN AT KASAMAAN ang nagaganap ngayon. Teleserye ng BATTLE BETWEEN GOOD AND EVIL!

Sa isang banda, naroon ang mga alagad ng Simbahan, kasama ang mga mananampalataya, kasama ang mga abang lingkod-bayan na may tiwala sa sarili na magahari pa rin ang Kabutihan. Nagadasal na mabasbasan ng Liwanag mula sa Kalangitan ang Mahal nilang Bayan. Hindi naantig sa inapaglaban nila, armado ng PAYAK NA KATOTOHANAN.

Sa isang panig naman, naroon ang mga alagad ng diyablo, gamit ang pananalaping mula sa kaban ng bayan, kasama ang mga tusong opisyales na sanay sa pagpapalaganap ng KABUKTUTAN. Nagadasal para sa pagpapatuloy ng Panlilinlang sa Bayan na paboritong kagamitan ng diyablo. Armado ng kasinungalingan at pagbubulaan sa Bayan at sa kanilang sarili.




BAKIT ITO NAGAGANAP? 

Dahil alam ng diyablo na ang kanyang panahon ay maikli na, kayat namamalayan niya na kailangang higpitan niya ang kapit sa mga nananampalatayang Kristiyanong kumakawala sa kanyang gapos. Mga Kristiyanong sumusunod sa utos ng Panginoon sa abot ng kanilang abilidad.

Alam ng diyablo at ng kanyang lehiyon ang kahinaan ng mga tao, maging ito'y kahambugan, katakawan, kahalayan, poot, pagkaganid at katamaran. Nagaantay laang ng tahimik na panahon kung kailan sa kanyang tantiya ay kaya nang madala ang mga tao sa mga panggulat. BIGLANG UMAATAKE.

Sa awa at tulong ng PANGINOON, salamat sa PANANAMPALATAYA. Sa ganitong panahon ng Kadiliman, buo ang loob na nagagawa ng mga Taong Naninindigan ang MANANGGALANG AT LUMABAN sa Kasamaan!

Kasama ang Kanyang Kabunyihan, Obispo Junie Maralit, ng ilang mananampalataya para tahakin ang makatuwirang daan tungo sa makatuwirang kalalabasan.

Isaias 5: 20
"Kawawa kayo, mga baligtad ang isip!
Ang mabuting gawa ay minamasama,
  at minamabuti naman iyong masama,
ang kaliwanaga'y ginagawang kadiliman
  at ang kadilima'y itinuturing na kaliwanagan.
Sa lasang mapait ang sabi'y matamis,
  sa lasang matamis ang sabi'y mapait.