Pormal nang binuksan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Indonesian President Joko Widodo ngayong araw Abril 30 sa Davao City ang RORO (Roll-on Roll-off) na ruta mula Davao-General Santos City hanggang Bitung, Indonesia.
Ang pagkakaroon ng ferry service na mag-uugnay sa Pilipinas at Indonesia ay lubos na ikinatuwa ng dalawang pangulo.
Ang RORO ay kabilang sa nilagdaang kasunduan kung saan saksi sina Duterte at Widodo sa MalacaƱang, nitong Abril 28.
Maliban pa sa ferry service na ito ay nagkaroon din ng Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia sa agricultural cooperation.
Labis ding nagpasalamat si Duterte sa Indonesia sa patuloy na pagsuporta nito sa peace process sa Mindanao habang binigyang-halaga ni Widodo ang pagkakaibigan at pagiging magka-partner ng dalawang bansa.
Ang M/V Super Shuttle Roro 12 ay nasa pangangasiwa ng Asian Marine Transport Corp.
Maiisagawa nito ang mas mabilis at mas murang transportasyon para sa mga pangangalakal sa mga mga pangunahing lungsod sa East ASEAN Growth Area (EAGA).
Kasama sa mga export goods para sa Indonesia ay animal feeds, fertilizer, construction materials, ice cream products, poultry, fresh fruits at synthetics. Ang mga import products naman ay matured coconut, copra, corn, feed ingredients, lumber, cement, high value crops at mga gulay.