Planong isagawa ito sa pakikipagtulungan ng DENR, DPWH, Phivolcs at LGU Boac. Isa sa mga naging dahilan sa pagsasagawa nito ay ang nadiskubreng mga leak sa isang lumang diversion tunnel ng Marcopper na kapag bumigay ay maaaring maglagay sa panganib sa buhay at ari-arian sa mga apektadong lugar.
Base sa mga naiulat na report, hindi malinaw kung naisagawa ng maayos ang assessment sa kabila ng naiulat din na pag-atubili ng minahan na papasukin sa mine site ang mga opisyales ng mga ahensya ng pamahalaan para sa pagsasagawa ng kanilang ocular inspection nitong huling linggo ng Abril 2017.
Dr. Toto Bacolcol ng Phivolcs. Larawan ni: Pongkoy Manrique |
Sa ngayon ay walang detalyadong mapa ng Central Marinduque Fault na tinatantiyang may 29.4 kilometro ang haba mula Boac hanggang Buenavista. Kaya't isa sa tinututukan ngayon ang pagsasagawa ng detalyadong mapa ng fault na ito, tulad ng mga barangay, mga sitio at mga estrukturang nahahagip nito.
Pagsusuri sa Pamahalaang Bayan ng Boac ng mapa ng Marcopper mine site. Larawan: Pongkoy Manrique |
Nitong mga nakaraang araw, sunod-sunod ang pagyanig ng lupa mula Sarangani, South Cotabato hanggang Batangas at Batanes. May M7.2 lindol na naramdaman sa Sarangani noong Abril 29 at pinakahuli ang M5.4 sa 56 km north of Itbayat, Batanes, April 30 1:57 UTC.
Sa loob ng nakaraang dalawang araw lamang ay gumalaw at naglikha ng malalakas na lindol ang pinakataas at pinakababa ng Philippine Fault!
Bisitahin natin ang mga fault lines at trenches sa Pilipinas.
Fault Lines at Trenches sa Pilipinas
Isinalin sa Filipino ni Eli J. Obligacion (mula sa artikulong Philippines Fault Lines and Trenches na nailathala sa AffordableCebu, Oct. 2013)
Ang fault ay isang bali/bitak sa isang bulto ng bato, na kung saan nagkaroon ng malalaking displacement sa mga bali/bitak na nagresulta sa paggalaw ng lupa. Ang paggalaw na ito ng lupa ang tinatawag na tectonic forces na dumidikdik sa lupain.
Halimbawa ng isang fault line ay ang San Andreas Fault sa Carrizo Plain, Central California, USA na makikita sa larawan sa ibaba.
San Andreas Fault aerial view |
Sa Pilipinas, ang mga pangunahing faults ay bumabagtas sa kahabaan ng bansa. Ito ay tinatawag na Philippine Fault. Ito ay nagmumula sa Bangui, Ilocos Norte sa hilaga, tumatawid sa Zambales, Digdig, Central Marinduque, at dumadaan sa Central Leyte hanggang sa Mati.
Sa hilagang-kanlurang Luzon, ang fault ay tila naging tinirintas na binubuo ng maraming mga hibla kaya't hindi na nag-iisa. Ang Philippine Fault, marahil naging aktibo mula noong Middle Miocene ay isang halimbawa ng north-south strike-slip fault zones ng Luzon.
Kasunod ng malaking lindol noong 1990 Luzon earthquake, muling isinaaalang-alang ng mga siyentipiko ang kanilang mga fault models alinsunod sa mga gawain nina Pinet at Stephan (1989), na nagsabing malamang diumano na ang Benham Plateau ay nagpapagalaw pa rin sa gitnang Luzon at sa Philippine Fault System sa kanluran, kayat naging sanhi ng 1990 Luzon earthquake. Ang 20 segundo o 50 segundong wave noong 1990 quake ay nakabuo ng isang bagong east-west sub-fault, na naging sanhi ng malaking pinsala sa Baguio.
Mapa ng Faults at Trenches sa Pilipinas
- Bangui Fault
- West Ilocos Fault System
- Dummon River Fault Sytem
- Abra River Fault
- Divalacan Fault
- Tubao Fault
- Casiguran Fault
- East Zamabales Fault
- Iba Fault
- Digdig Fault
- Infanta Fault
- Guinyangan Fault
- Valley Fault System
- Central Marinduque Fault
- Lubang Fault
- Sibuyan Fault
- Central Mindoro Fault
- Aglubang River Fault
- Lake Bato Lineament
- Southern Mindoro Fault
- Northern Samar Lineament
- Tablas Fault
- Masbate Fault
- Southern Samar Lineament
- West Panay Fault
- Central Negros Fault
- Cebu Linemanet
- Central Leyte Fault
- East Bohol Fault
- Cabanglasan Fault
- Tagoloan River Fault
- Lanao Fault System
- Davao River Fault
- Lianga Fault
- Eastern Mindanao Fault
- Central Mindanao Fault
- Mati Fault
- Tangbulan Fault
- Mindanao Fault Daguma Extension
- Zamboanga Fault System
Trenches sa Pilipinas
Ang Philippine Trench (tawag din dito ay Philippine Deep, Mindanao Trench, at Mindanao Deep) ay nasa ilalim ng dagat sa silangan ng Pilipinas. Ito ay may habang humigit-kumulang 1,320 km (820 mi) at ang lapad nito ay mga 30 km (19 mi) mula sa sentro ng Luzon papuntang timog-silangan (south-east) hanggang sa northern Maluku island ng Halmahera sa Indonesia. Ang pinakamalalim na bahagi nito, ang Galathea Depth, ay may lalim na 10,540 metro (5,760 dipa; 34,600 feet). Bago mag-1951, ang ekspedisyon ng HMS Challenger ang nagsukat na may lalim na 10,863 metro (5,940 dipa; 35,640 talampakan) sa Mariana Trench, ang Galathea Lalim ang kinilalang pinakamalalim sa karagatan. Ngayon, ito ang sadyang pinakamalalim na bahagi ng bansa at ika-3 sa buong mundo.
Sa mismong hilaga ng Philippine Trench naroon ang East Luzon Trench. Ang mga ito ay pinaghihiwalay, nagagambala at pinagagalaw ng Benham Plateau sa Philippine Sea Plate.
Ang Philippine Trench ang resulta ng isang banggaan ng tectonic plates. Ang Philippine Sea Plate ay lumulubog sa ilalim ng Philippine Mobile Belt sa tulin na 16 cm (6.3 in) bawat taon.
Listahan ng mga Trenches sa Pilipinas
East Luzon Trench / Trough
Manila Trench
Negros Trench
Sulu Trench
Cotabato Trench
Philippine Trench
Ang iyong lugar ba ay nasa isang fault line? Ano kaya ang iyong plano kapag ang fault line ay gumalaw o kapag ang isang lindol ay maabot ang iyong lugar at sirain ang iyong bahay?