Sunday, July 30, 2017

Matinding record baya (Part 4): Bombahan nadagdagan pa; mga banggaan; binasag pa ang world record!

Noong 2010, nanguna ang Pilipinas sa pagdiwang ng Día del Galeón. Naglayag mula Spain to China hanggang Manila ang isang replica ng Galeón Andalucía, isa sa mga bumida noong Galleon Trade (1565-1815).

PAGDATING NG BAGONG SIGLO.

July 17, 1902

SHEARWATER
NINETEEN DROWNED

U. S. Customs Steamer Lost in a Typhoon in the Philippines.

Manila, July 17,—A severe typhoon swept over the southern islands June 14 and 15. The United States customs steamer SHEARWATER was lost off the Island of Marinduque. Nineteen of her crew, including three Americans were drowned. - Manitoba Morning Free Press, July 18, 1902
...................
December 10, 1916
LANAO
Among the many incidents of the great storm was the wrecking of the steamer LANAO off the southwest coast of Marinduque with the loss of one life and one engineer seriously injured. The vessel belonged to Messrs. Findlay, Richardson and Company and was engaged in the lumber trade, plying between Manila and the Company's mills at Kolambugan, Mindanao.
The vessel was carrying two passengers at the time, one of whom, curious to say, was Mr. William Scott, the manager of the company. It seems to be little short of a miracle that the officers, crew and passengers, with the exception of one Filipino sailor, should have been saved, as it meant the survivors leaping in the darkness from the bow of the doomed vessel to a huge rock near the mainland while the ship was being buffeted by the waves as the tempest raged in all its fury. - North China Herald, January 8, 1916.
.....................
July 4, 1939
NURIA
CREW RESCUED AS SHIP SINKS
(On voyage from Masbate to Manila)
MANILA, July 5 (IP)—Four officers and twenty-nine crew members rowed to shore in lifeboats last night after the 463-ton inter-island freighter NURIA sank four miles off Buenavista, Marinduque island. The Nuria, loaded with lumber and charcoal, filled with water and sank when the propeller shaft broke off. -Reno Evening Gazette, July 5, 1939
..................

WORLD WAR II na!

Ang pag-atake naman ng mga Hapon sa Pearl Harbor ay naganap December 7, 1941 (December 8 sa Pilipinas dahil sa time difference), at isinunod na kaagad sa loob ng pitong oras ang pag-atake sa Pilipinas. Nilusob na ng Hapon ang overseas territories sa Asia ng United Kingdom, Netherlands at United States.

Wreck site of Meikai Maru and Indus Maru
Walang ipinatupad kaagad na plano ang US para depensahan ang Pilipinas kaya naiwan ang huli sa ere. Bagamat may mga lokal na puwersang lumalaban, madaling naokupa ng mga Hapon ang teritoryo - at ang Marinduque. 

Pagdating ng 1943 ay naging aktibo na ang palihim na operasyon ng US sa dagat ng Marinduque gamit ang mga submarino at pag-atake sa mga warships ng Hapon na umiikot sa Silangan, Kanluran, Hilaga at Timog ng isla ng Marinduque - sa gitna ng Pilipinas.

May 15, 1943
MEIKAI MARU and INDUS MARU

USS Gar (Lt.Cdr. P.D. Quirk) torpedoes and sinks the Japanese transport ships MEIKAI MARU (3197 BRT) and INDUS MARU (4361 BRT) between Dumali Point, Mindoro and Marinduque Island, Philippines in position 13.07N, 121.49E.

Indus Maru
Another account of the same incident:
On May 15th, 1943, US submarine Gar (SS-206) attacks a Japanese convoy screened by escort vessel Matsuwa, at the eastern entrance of Verde Island passage, and sinks Japanese army cargo ships Meikai Maru and Indus Maru between Dumali Point, Mindoro, and Marinduque Island, P.I.
..................
Isuzu Maru

July 2, 1943
ISUZU MARU
USS Trout (Lt.Cdr. A.H. Clark) torpedoes and sinks the Japanese transport ship ISUZU MARU (2866 BRT) off the north coast of Marinduque Island, Philippines in position 13.36N, 121.49E.
ISUZU MARU, army cargo steamship owned by Hinode Kisen K.K.; Built in 1939 by Tsurumi Seitetsu Kosen.
Ang USS Trout naman ay isang US submarine. Nakapagpalubog ng 23 barko ng kalaban, at nakasira ng 6 pa.  Nakapagdala rin ito ng ammunition para sa mga US forces sa Corregidor, at nakapagpuslit ng 20 tonelada ng gold bars at silver pesos mula sa PH currency reserve papuntang Pearl Harbor.


Dito napalubog ang Isuzu Maru base sa tala.

Ang steamship Isuzu Maru ay tinira (apat na torpedo ang pinakawalan), at pinalubog ng USS Trout sa Kanluran ng Marinduque. Noong April 1944, wala nang narinig sa Trout at ipinalagay na lamang na naglaho na ito.
..................
August 27, 1943
MEIZAN MARU
(Meizan Maru ang pinakahuling dagdag sa talaan ng mga lumubog na warships sa Marinduque noong WW2).
Cruising in the area, submarine USS Grayling recorded her last kill, the passenger-cargo MEIZAN MARU on 27 August. After passing Tres Reyes Islands her target turned towards the southern coast of Marinduque.
Grayling hit the target, with "several rounds of 20 MM fire hit the target forward and amidship" and the Maru ran aground.

Grayling was not heard from again after 9 September. She was scheduled to make a radio report on 12 September and all attempts to contact her failed. Grayling was officially reported "lost with all hands" 30 September 1943.



November 25, 1944
T.6 and T.10;
T.9 and TAKE

Balanacan Harbor, Marinduque

Planes from the U.S. Aircraft carrier Intrepid (CV-11) sink fast transports T.6 and T.10, and damage fast transport T.9 and escort destroyer TAKE. 

Full account of the Balanacan harbor bombing of the Japanese warships with aerial photos, official military documents and personal accounts could be accessed here courtesy of UlongBeach.com.


Actual Balanacan harbor bombing. Source: UlongBeach.com
Basahin din ang makasaysayang mga detalye, kasama na ang mga mahahalagang dokumento at mga larawan na may kinalaman sa pagpapalaya sa Marinduque mula sa mga Hapon at iba pang lugar mulang Enero 1945, sa US WW2 Marinduque Naval Invasion, Ulong.Beach.com.
..................

Peacetime na. Tuloy pa rin ang mga kabanata sa Sea of Marinduque. Mas naging kagimbal-gimbal pa.

June 25, 1955

NEPTUNO

186 PERSONS RESCUED FROM GROUNDED SHIP

MANILA, June 25-UP— The master of an American freighter told  Saturday night how his crew used small boats to remove 186 panicky persons mostly women and children from a grounded vessel.
Capt. James Brummelen of the Steel Admiral said everyone was removed from the Philippine coastal vessel NEPTUNO in the three-hour dawn rescue Friday. There were 111 women and 75 children aboard.
It was "simple luck" that led to the rescue in the Sibuyan Sea south of here Brummelen said afterwards he brought all survivors to Manila aboard his 8,000-ton freighter Friday night. The first clue he had that a ship was in distress was blinking lights in the distance.
The 680-ton Neptuno, a hole torn in its bottom, was perched atop a reef just off Marinduque Island.  His crew removed the passengers and crew In small boats on a basis of "women and children first” he said.  “Visibility was very poor and the sea current in the area was rather unusually tricky” the captain added...- Galveston Daily News June 26, 1955
...................
November 27, 1974
M/V HALCON
TYPHOON IRMA
The Philippines Constabulary said four persons drowned and three were reported missing from a boat that capsized off Boac, Marinduque, 100 miles southeast of Manila. The boat carried 102 passengers, the constabulary said.- Lima News, November 29 1974
Mula naman sa PH Coast Guard records:
M/V Halcon, BMI-223-74, (Grounding), Vicinity of Cawit, Boac, Marinduque, 27 Nov 74.
Dumali Point and Marinduque
May 12, 1978
M/V PACIFIC; LSCO Petro Parcel
BMI-348-78; Sinking/Collision; Vicinity of Dumali Point, Or. Mindoro; 12 May 78; Master suspended for 4 years, third mate suspended for 2 years.

April 22, 1980
M/V DON JUAN
400 LOST AS TANKER RAMS SHIP
MANILA,'Philippines (DPI) – An oil tanker rammed a crowded inter-island passenger ship in the Tablas Strait in the central Philippines. The Coast Guard reported 400 people aboard were missing.  The Coast Guard said more than 500 passengers and crew members were rescued by passing ships in the area, about 120 miles south of Manila.
The government-owned Philippines News Agency said there were 10 people known dead in the collision, but the government radio listed the death toll at seven. The tanker, the government-owned TACLOBAN CITY, reportedly was empty and was said to have left the scene of the collision without rendering assistance to those in the water. The passenger ship, the MV DON JUAN, sank near Mindoro Island.

The 1,349-ton Don Juan left Manila's South Harbor Tuesday afternoon for the central Philippine city of Bacolod with about 890 passengers including a complement of 19 officers and 69 crewmen.  Lloyd's Register of Shipping lists the Don Juan as licensed for only 736 passengers.
The coast guard said it had sent underwater rescue teams to scour the waters off Maestre de Campo for more survivors.
A Philippine air force plane also was on standby at the Gasan airport in Marinduque Island near Mindoro to ferry injured passengers...- Chicago Daily Herald,  April 23, 1980
...........
October 28, 1984
VENUS MV; LORCON 8

TYPHOON WARREN

Offshore Marinduque Island, strong waves generated by the storm sunk a 745 t (745,000 kg) vessel, VENUS within three minutes. Officially, the ship consisted of 83 passengers and 42 crewmen when it left Laoang for Samar Island, even though the captain claimed that there were as many as 240 aboard. Later reports indicate that vessel had 200 passengers and 42 crewman on board. A total of 174 were rescued including 96 people that were rescued via a fishing boat and many others that was rescued by fishermen. Twenty-nine people, including two children, drowned due to the incident.
Nearby, a cargo container ship, the LORCON 8, sank, but all 19 crewmen were rescued. Owned by N & S Lines.- Tropical Storm Warren, Wikipedia

December 20, 1987
DONA PAZ; MT VECTOR

4,386 DEAD IN ASIA'S TITANIC; 

World's greatest maritime tragedy - IMO; 
Deadliest peacetime maritime disaster of the 20th century - TIME


Dona Paz
Walang bagyo. Lumubog ang MV DONA PAZ, isang barkong pampasahero matapos ng banggaan sa isang oil tanker MT VECTOR noong December 20, 1987. Tinatayang 4,386 katao ang namatay at 24 lamang ang nakaligtas. Ito na ang pinaka-nakamamatay na peacetime maritime disaster sa kasaysayan ng mundo. Tinawag ito ng TIME magazine na 'deadliest peacetime maritime disaster of the 20th century'.

Nagpalabas noong August 25, 2009, ng isang documentary ang National Geographic Channel tungkol sa Dona Paz na ang titulo ay Asia's Titanic. Panoorin dito. (Kung ihahambing, ang RMS TITANIC na lumubog sa North Atlantic Ocean noong 1912, ay may tinatayang 2,224 na pasahero at crew, at higit sa 1,500 ang namatay).

Ang ruta ng Dona Paz na pag-aari ng Sulpicio Lines ay Manila-Tacloban-Catbalogan-Manila at vice versa dalawang beses isang linggo. Mga 10:30 ng gabi noong magpapasko, Dec. 20, 1987, nasa may Dumali Point, sa Tablas Strait, malapit sa Marinduque nang maganap ang banggaan habang tulog ang karamihan ng mga pasahero. Ang MT Vector oil tanker ay nanggaling sa Bataan papuntang Masbate. May dala itong 8,800 barrels ng gasolina at iba pang petroleum products na pag-aari ng Caltex Philippines.



Ayon sa ilang nakaligtas, ang apoy ay madaling nagliyab at kumalat sa barko, gayundin, ang dagat na nakapaligid sa barko ay umaapoy rin. Ang lalim ng dagat sa bahaging ito ng Tablas Strait ay 545 meters (1,788 ft), lugar na tirahan ng maraming pating.



Lumubog ang Dona Paz sa loob ng dalawang oras matapos ang banggaan. Ang Vector naman ay lumubog sa loob ng apat na oras. Ang liwanag na likha ng umaapoy na dagat ay napanood ng mga nasa western at southwestern coast ng Marinduque habang nagaganap ang trahedya. 
.............
June 11, 1988
PROPANE MARU
PROPANE MARU No. 2-79  546/66 MIPG Carrier owned by Galleon Navigation Co. S.A. Philippine Islands, went aground near Marinduque island during Typhoon Skip 6/11/88 and after being abandoned by her crew the following day sank in deepwater.
.................
August 12, 1989
M/T DON VICTOR
M/T DON VICTOR, BMI-724-89; Grounding; Dapdap, Beach, Sta Cruz, Marinduque; 12 Aug 89.
Ruta ng MV VIVA ANTIPOLO
May 16, 1995
MV VIVA ANTIPOLO

Walang bagyo. Nagkaroon ng pagsabog sa engine room, nasunog at lumubog ang ferry M/V VIVA ANTIPOLO VII, pag-aari ng Viva Shipping, Inc. sa may Dalahican Fish Port, Port of Lucena. Bumiyahe ang barko mula sa Santa Cruz, Marinduque kaya't karamihan sa lulan nito ay mga taga-Marinduque. Nangyari ang insidente mga 30 minuto na lamang bago makarating ang barko sa Dalahican.

Base sa tala ng Board of Marine Inquiry, 62 ang nasawi sa trahedya, 10 ang nawawala at 142 ang nakaligtas. Mula 1606 hanggang 1998 may 150 bilang ng mga barko sa ibat-ibang panig ng mundo na lumubog sa ganito ring petsa.

(TATAPUSIN)

Sources: 

Marinduque WW2 Homepage, UlongBeach.com;
WreckSite.eu;
Marine Accidents from 1972-2009, BMI, Philippine Coast Guard;
List of maritime disasters in the 20th century, Wikiwand;
Top 10 Catastrophic Shipwrecks, Listverse.com
List of Maritime Disasters in the Phil., Wikipedia
Tropical storm Warren, Wikipedia;
Dona Paz, Wikipedia
Manila Galleon, Wikipedia
Replica of Spanish galleon in Manila for Día del Galeón, GMA News;
1st int'l Galleon Day fest, ABS-CBN News;
Attack on Pearl Harbor, Wikipedia;
Japanese occupation of the Philippines, Wikipedia;
A live WW2 mortar, a narrow isthmus to the conical hill..., Marinduque Rising.

Saturday, July 29, 2017

Matinding record baya (Part 3): 'Sige bagyo!' Lumubog, nalunod, napadpad, kinain; 3 metrong taas ng baha sa Boac

Tiempo talaga na ang daanan ng Manila galleon ay siya ring nasa typhoon belt. Taon-taon ang tropical storms ay gumagalaw papuntang kanluran mula sa Caroline at Mariana Islands papuntang Pilipinas. Naisulat tuloy na ang trade route na ito na umaabot mula pa sa China hanggang Manila papuntang Mexico ang "isa sa pinakamahirap na mga tawiran para layagan sa buong mundo". ("This made the trade route reaching out from China through Manila Manila to Mexico one of the most difficult passages to navigate in the world".)


Corals. Photo: DSRF

Dagdag pa raw sa mga banta na dala ng bagyo at kasalungat na hangin ay ang iregular na mga baybayin at mga bahura dito, bankota (coral shoals), at iba pang mga nakalubog na palagiang panganib na para sa mga malalaking barko.

Taong 1622. Napasakamay ng mga Hesuita ang 'spiritual nourishment' ng mga katutubong Marinduqueno. Naisulat kaagad ng mga Hesuita (tingnan ang The Philippine Islands 1493-1803, 1700-1736 Jesuit Missions (Blair and Robertson), ang ilan sa karanasan nila sa Marinduque (mapapansin mo na sa panulat ay natawag din nila itong isla ng Malindig dahil sa pangalan ng mataas na bundok dito). Nagawa nila ang gayung pagkilala sa isla dahil inilipat sa kanila noong 1622 ng arzobispo ng Manila (Miguel Garcia Serrano), ang pangangalagang espiritwal ng mga nakatira dito. 

Ayon sa kanila, ang nasabing isla raw ay 40 leguas mula Manila, pahaba mula Hilaga hanggang Timog (hindi pa perpekto ang mapa nila ng Marinduque noon). 

Bahagi ng 1734 Philippine map ni Fr. Pedro Murillo na nagpapakita sa kakaibang hugis ng Marinduque at sa Manila-Acapulco trade route.

Naisulat pa rin na ang Marinduque raw ay nasa lugar na binabagtas ng mga galleon na papunta o pabalik mula Nueva Espana (Mexico at Central America). Dito natin mauunawaan kung paanong sa kahabaan ng panahon, maraming galleon ang dito na rin inabot ng masamang panahon at nangagsilubog sa kasamaang-palad. Masaklap na sa di-masukat na lawak ng Pacific Ocean na ilang buwan ding lakbayin, ang ilan sa mga galleon ay dito pa inaabot ng kamalasan. Pero wala silang ibang mas malapit o mas maayos na madaraanan sa Manila-Acapulco trade-route para makaikot sa tinatawag natin ngayong Verde Island Passage papuntang port ng Cavite, ang hantungan ng mga barko noon.

Vagios, baguios, tufones, typhoons 

Dahil sa mga bagyo (vagios o baguios sa panulat ng mga Kastila ayon sa tawag ng mga Filipino; tufones naman sa mga Portuguese, typhoon sa Ingles), matapos ang ilang taon at mga naranasan ay naisipan nilang pumili na ng isang santong patron laban sa mga bagyo at tama ng kidlat. Doon na pumasok si St. Elmo (San Telmo sa iba, pinag-ugatan naman ng salita sa Marinduque na 'santermo', mahiwagang bola ng apoy na nakikita sa ibat-ibang panig ng isla sa tamang pagkakataon).

Mga Hesuita, kinain

1709, panahon naman ni Domingo Zabalbaru (Spanish governor-general 1701-1709), ng ihanda niya ang isang barko para muling subukan na diskubrehin ang Palau islands sa Pacific. (Ilang taon na ang nakalipas nang una nilang narinig ang tungkol sa mga islang ito nang may napadpad na Palauans sa Samar dulot ng bagyo). 

Nasa karagatan pa lamang ng Marinduque ang barko na may lulang mga misyonaryong Hesuita, nang salubungin sila ng isang malakas na bagyo. May isang tinawag lamang na 'Brother Agnaron' na sa pagdating ng bagyo ay lulan na ng isang maliit na junk papuntang Boac para kumuha ng 'fresh supplies'. Tuluyan nang napahiwalay sa malaking barko ang junk subalit nagawa nito na manatiling nakalutang hanggang mapadpad sa isang daungan sa Romblon. Doon na sila nagpang-abot ng malaking barko na nakadaong. Hindi na rin naging matagumpay ang misyon ng barko na marating man lamang ang Palau. 

Sa Palau. Kuha ni Lux Tonnerre, Wikipedia

Nang sumunod na taon ay ipinadala naman ang Trinidad para sa pagdiskubre pa rin ng Palau. Dalawa sa lulan nitong mga misyonaryo ay lumapag sa isang isla para doon magpalipas ng isang gabi dahil sa sama ng panahon. Pero sa lakas ng bagyo, napadpad ang Trinidad laman ang kanilang mga kasamahan sa laot ng dagat hanggang mapunta sa Mindanao. Di na nabalikan ang dalawang pari. Nabalitaan na lamang nang mga sumunod na taon na ang mga pari ay kinatay ng mga katutubo doon at pinagkakain. (Jesuit Frs Jacques Du Beron at Joseph Cortyl). Masuwerte ang mga nauna, hindi sila ang nakain.

December 4, 1748. May napakaikling salaysay sa Selga Chronology na nangangailangan pa ng karagdagang pananaliksik. Pero isinama muna sa salaysay na ito para lamang magkaroon tayo ng ideya kung ano pa ang umiiral na mga paniniwala ng mga tao ng mga panahong iyon. Para na rin sa makakalap pang detalye. Ang sabi:

Sa isang nakakatakot na bagyo, isang alon ang umanod kay Padre Ignacio Generoso Serra kasama ang apat na mga pari na marahil ay kinain ng mga halimaw dagat, dahil isang bangkay lamang ang nakita sa kabila ng maraming pasaherong namatay. (In a horrible baguio, a wave carried away P.Ignacio Generoso Serra with four other Fathers who probably were eaten by the sea monsters, because only one corpse was found of the many passengers who perished).

Aminado ang iba pang mga gumamit ng mga tala ni Fr. Miguel Selga, isa siyang Kastilang Hesuita na nag-aral ng astronomiya (naging director din siya ng Manila Observatory mula 1926-1946), na hindi naman kumpleto ang mga datos at mga iba pang detalye na naitala ng pari tungkol sa mga bagyo at barko. Subalit anila ay mahalaga ito sa pag-aaral ng mga bagyo sa Pilipinas. 

Miguel P. Selga, SJ

Paglipas naman ng panahon ay nagkaroon na rin ang Observatory ng pakikipag-ugnayan sa mga observatories sa mga karatig bansa, at nadagdagan na rin ang iba pang maaaring pagkunan ng mga tala. 

November 14, 1844. Naitala ang isang mapanirang bagyo. Mula sa mga report na nanggaling sa mga gobernadorcillo patungo sa Governador-General, napag-alaman na maraming bahay, simbahan at gusali ang nasira ng bagyo sa Camarines Norte, Camarines Sur, Albay Batangas, Tayabas (Quezon), Burias at Marinduque. Tumagal ang bagyo ng 24 oras kaya maraming kabuhayan ang nasalanta, mga imprastruktura ang nawasak. Sa Albay ay 32 katao ang namatay.

Sa Karagatan ng Marinduque, ilang mga inter-island ships ang lumubog. (Some inter-island ships were lost in the sea of Marinduque). Ang simbahan ng Gasan ay nasira, at ilang mga kabahayan sa Mogpog ay nawasak. Sa Boac ay nasa '500 work animals' ang nangamatay dahil sa baha.

Ang bagyong ito raw ay mas malakas kaysa sa naramdaman sa Manila noong 1831. Para sa mga taga Tayabas naman, ito ang pinakamalakas mula noong 1811.

Isang panco na San Gabriel din ang pangalan
a nakadaong sa pier ng Manila, 1888.

November 2-4, 1871, May isang bagyong nagpalubog sa 'panco' na San Gabriel malapit sa Marinduque. Ang panco ay kapareho rin ng isang inter-island vessel na sa teritoryo lamang ng Filipinas bumibyahe. Naapektuhan din ng bagyo ang Nueva Ecija kung saan lumawak ang mga ilog sa tindi ng baha.

October 24-31, 1875. Tatlong metro ang taas ng baha sa Boac!

Isang mapanirang bagyo ang rumagasa sa Visayas at southern Luzon. Ayon sa Governador mas marami ang nasira ng bagyong ito kaysa sa mga lumipas na bagyo sa nasabing lokasyon. Sa Boac, ang baha ay umabot ng tatlong metro ang taas. Inanod nito papuntang dagat ang ilang kabahayan, sinira ang lahat ng mga tulay. Sa Santa Cruz, Marinduque, giba ng hangin ang bubong ng baluarte, ang lahat ng mga pananim ay sinira. Sa Gasan, 83 bahay ang nasira, pinahapay ang 35, at wasak ang bubong ng simbahan at kumbento. 

Baluarte, Sta Cruz. Photo: Manila Times

Sa dagat ng Ticao (Masbate), ang schooner na may pangalang San Miguel, puno ng bigas, ay lumubog. Sa kabuuhan, naapektuhan ang Camarines Norte, Camarines Sur, Batangas, Tayabas, Mindoro, Marinduque at Romblon.

Isang schooner

August 8, 1876,  Telegramang ipinadala mula Hong Kong:
MANILA.—By telegram from Hong Kong, Aug. 8, 1876
The MARIA YSASI barque, from Australia for this port, has been totally lost on Marinduque; crew saved.
Nailathala, August 21, 1876  ng London and China Telegraph

Susunod: Di inaasahang malampasan ang world record sa maritime disaster

Pagdating ng bagong dantaon 1900, mas lalong tumindi pa ang mga kabanatang naganap dito sa dagat ng Marinduque bago pa at pagkatapos ng Digmaang Pandaigdig II, dala ng maraming sakuna na totoong ikinagulat ng buong mundo! (Itutuloy)


Sources:

Typhoons in the Philippine Islands, 1566-1900;
Ricardo García-Herrera, Pedro Ribera , Emiliano Hernández and Luis
Gimenol;
The Selga Chronology;
The Philippine Islands, 1493-1898, Volume X!!, 1601-1604, Project Gutenberg;
UlongBeach.com
The Age of Trade: The Manil Galleons and the Dawn of the Global Economy, Arturo Giraldez;
Catholic Missions in the Carolines and Marshall Islands, Francis X. Hezel, SJ;
History of Palau, Wikipedia.

Thursday, July 27, 2017

Duterte on mining, corrupted airport, road projects, rebellion, etc.

President Rodrigo Duterte covered a wide range of policy issues in his second SONA. Here's just some of them from prepared speech and off-script comments.


Pagmimina

... The protection of the environment must be made a priority [applause] ahead of mining and all other activities that adversely affect one way or another. And this policy is non-negotiable. [applause]
I sternly warn… I am warning all mining operations and contractors to refrain from the unbridled and irresponsible destruction of our watersheds, forests, and aquatic resources. You have gained much from mining, we only get about 70 billion a year, but you have considerably neglected your responsibility to protect and preserve — and even the tax, it’s about five percent — environment for posterity.
I am holding all mining companies and its officials responsible for the full and quick clean-up, restoration [and] rehabilitation of all areas damaged by mining activities, and the extension of all necessary support to the communities that have suffered mining’s disastrous effects on their health, [applause] livelihood, and environment, among others...

Corrupted airports and roads

... Ayan itong isa. Babalik ko ‘yung lowest bid. Alam mo ganun ‘yan adre eh. Ang magbabagsak ng lowest bid, ‘yung walang pera. Ang magbabagsak ng lowest bid, sasabihin niya doon sa ano, “Magbibigay po ako sa inyo.” Kung sinu-sino ‘yang mga opisyal. So, lowest bid papanaluhin siya. So, with no capital, bibigay siya ng pera. Tapos ibigay, lahat bigyan niya, connected — lahat. Pagkatapos niyan, if it is a 100-million project, he has to pay so many guys, ang naiwan niya 100 — out of the 100, 40 million lang, so that is the cost of the project.
So, when I was campaigning for the Presidency, I was all over the Philippines. My God, I could see a — the appropriation, pero ang airport nila, three meters long. So ginawa na lang basketball court. [laughter]
And there is a province here. Hindi kayo, not you. If you look into the records back in time na puro na complex ang roads diyan. Talagang daan dito, daan doon. Pero ‘pag pumunta ka, isang daan lang. It’s only one highway. That is how corruption destroys the nation....




Martial Law

...There is rebellion in Mindanao. The extremists have declared it their purpose to establish a caliphate within Philippine territory along the teachings and beliefs of [the] Islamic State of Iraq and Syria or otherwise known as ISIS. The battle of Marawi has dealt a terrible blow to our quest for peace especially now that an alien ideology and a radical shift in purpose have been injected into the local setting.
I declared Martial Law in Mindanao because I believed that that was the fastest way to quell the rebellion at the least cost of lives and properties. [applause] At the same time, the government would be adequately equipped with the constitutional tool not only to prevent the escape of rebels who can easily mingle and pretend to be civilian evacuees only to re-group in another place to fight another day, but also to prevent them from spreading their gospel of hate and violence in the rest of Mindanao...


Investing on Health

... Investing in the health sector is never a cost to be endured but an opportunity to be explored.
If we are to embrace the vision of a prosperous Philippines, we have to start putting value to our people’s well-being – because the success of every Filipino’s pursuit in life, liberty and happiness directly mirrors the fulfillment of our aspirations as a Filipino.
I would like to reiterate my personal and this administration’s commitment to fully implement the Magna Carta of Women to the barangay level tapos na ito. [applause] To this effect, an executive order will be issued to local government units institutionalizing gender and development programs and services...


China help

... But anyway since I could not get any funding. I traveled to China and make friends with them, and the ambassador is here, Ambassador Zhao, thank you for the help. And as a matter of fact [applause] willing… He said, “If your Congress has no money, we will give you the money.” And China has committed to build two bridges to span Pasig River, free of charge. [applause] So that you will be comfortable in crossing Pasig...


Biggest tax settlement on record

...In the meantime, the Department of Finance and Bureau of Internal Revenue are strengthening and running after tax evaders. [applause]
I have directed the Department of Finance and the BIR to accept Mighty Corporation’s offer of P25 billion to settle its tax liabilities. [applause] After the settlement, Mighty will no longer engage in the tobacco business.
This will be the biggest tax settlement on record. [applause] It will produce a windfall for government, which is significant, since we face the unexpected costs of rebuilding Marawi and Ormoc...


Installed free Wi-Fi in 400 places

... We view Information and Communications Technology or ICT as an effective medium to implement positive and meaningful changes in our society.
To this end, my Cabinet approved the National Broadband Plan of 2017 to begin the work of bringing affordable Internet access to every community and improving broadband connectivity in the country.
We have also installed free Wi-Fi Internet in almost 400 public places around the country. [applause] We hope that the public will use them to access important information and services...


Prying persisting corruption
... My fellow citizens, much remains to be done. Corruption persists like a fishbone stuck in the throat. It pains and it is disconcerting. We need to pry corruption from the government corpus [where it] is deeply embedded. We also need to put an end to squabbles and bickerings within agencies [and] focus fully on the speedy provision of quality public services to our people.
Believe me, it is easier to build from scratch than to dismantle the rotten and rebuild upon its rubble...


Prayer
... Let me end by wishing everyone in the language of the old: “May God keep us forever sheltered in the hollow of His hand.”

Wednesday, July 26, 2017

Balangiga Bells at kung paanong ipinatupad muna sa Marinduque ang ginawa sa Samar ng mga Kano


Dalawa sa Balangiga Bells ay nasa Warren Air Force Base sa Wyoming, USA
"Ibalik niyo sa amin ang mga kampana ng Balangiga. Sa amin iyan. Ang mga iyan ay pag-aari ng Pilipinas. Bahagi ng aming pamanang pambansa," ("Give us back those Balangiga bells. They are ours. They belong to the Philippines. They are part of our national heritage,"). Bahagi ito ng talumpati ni President Rodrigo Duterte sa kanyang ikalawang State of the Nation Address noong Lunes, July 24.

"Isauli naman ninyo. Masakit 'yun sa amin," dagdag pa ni Duterte.

Kinabukasan, nagpahayag ang spokesperson ng Embahada ng US, Molly Koscina, na "magpapatuloy kaming makipagtulungan sa aming Filipino partners para makahanap ng kapasiyahan" ("We will continue to work with our Filipino partners to find a resolution.")

Ang ikatlong kampana ay nasa US military base naman sa South Korea. Ito yung ginamit na kampana bilang hudyat sa pag-atake sa mga Amerikano ng mga gerilya.

Nagawa kasi ng mga Amerikanong sundalo noong panahon ng labanan na kamkamin para iuwi sa US ang mga kampana ng Balangiga. Nang sila ay minalas sa tinawag na Balangiga Massacre, ipinatupad sa Samar ang ginawa ng mga Amerikano sa Marinduque.

Ang unang ginawang pahirap sa Marinduque ay ginawa rin sa Samar

Marinduque taong 1900: Dahil sa matinding galit ng mga Amerikano sa naganap na Labanan sa Pulang Lupa at para pasukuin si Col. Maximo Abad, agad isinagawa ang pinakaunang pagpapatupad sa polisiya ng pagsira sa mga kabuhayan at pinagkukunan ng mga pagkain, kakabit ng pagsunog sa mga tahanan ng mga naninirahan sa mga interior. Para gutumin at pahirapan ang mga mamamayan at mapilitang pasukuin nga si Abad. 
US 29th Infantry Regiment. 1899 (ipinadala sa Marinduque)

Dokumentado ng mga Amerikano na sa Marinduque sila unang nagsagawa ng mga concentration camps noong Philippine-American War.

Sa Marinduque, kautusan ni Military Governor, Maj. Gen. Arthur MacArthur, Jr.** (ama ni Gen. Douglas MacArthur), kay Brig. Gen. Luther Hare ang pagtrato sa lahat ng kalalakihang lagpas kinse-anyos bilang kaaway at arestuhin ang mga ito hanggang makarami sila, ituring silang mga hostage hanggang mapasuko si Abad. (MacArthur sent Hare with "orders to treat the entire male population over fifteen as potential enemies and to arrest as many as possible and hold them hostages until Abad surrendered.*")

Dahil sa kalupitan na dinanas ng mga sibilyan sa mga concentration camps, ang ilang mga maykaya at mga mangangalakal na dating sumusuporta kay Abad at kasamahan ay napilitang talikuran ang mga Filipinong sundalo.

(**Pagkatapos ng isang taon ay inalis sa posisyon si MacArthur, Jr. dahil sa matitinding alitan nila ng Civil Governor Howard H. Taft (Philippine Commission), tungkol sa US military actions at siya ay pinabalik sa US para mamuno sa Department of the Pacific).

Si Col. Maximo Abad (kaliwa) at mga kasama.
Samar taong 1901: Isang taon matapos ang Labanan sa Pulang Lupa at napasuko na rin si Abad April 1901, ay doon naman naganap ang pag-atake sa mga Amerikanong sundalo, Sept. 28. 1901. Dumating ang araw na nakatanggap naman ng kautusan ang military governor ng Pilipinas, Major General Adna R. Chafee mula kay US President Theodore Roosevelt na patahimikin na ang Samar. Inatasan ni Chafee si Brig. Gen. Jacob H. Smith na isagawa ang kautusan.

Bilang ganti, ang produksyon ng pagkain at mga kabuhayan sa Samar ay pinahinto para gutumin ang mga guerillang Filipino doon. Malawakang pagsira din ang stratehiya ni Smith para masindak at magutom ang populasyon hanggang mapilitang sumuko ang mga guerilla.


US 9th Infantry Regiment, 1899 (ipinadala sa Samar)
Nang tanungin si Smith ni Major Littleton Waller, ang commander ng 315 US Marines na itinalaga para sa Samar, kung papaano ang gagawing pacification, ito ang sagot ni Smith:

"Hindi ko gusto na may mga bihag. Ang gusto kong gawin ninyo ay pumatay at magsunog; habang mas marami ang mapatay at masunog, mas masisiyahan ako... Ang loob ng Samar ay dapat gawing isang umaalulong na kagubatan..." ("I want no prisoners. I wish you to kill and burn; the more you kill and burn, the better it will please me... The interior of Samar must be made a howling wilderness...")


"Kill Everyone Over Ten" ang naging caption ng New York Journal cartoon, May 5, 1902.  Ang caption sa ibaba nito ay nagdeklarang "Criminals Because They Were Born Ten Years Before We Took the Philippines".

Dahil doon ay nabansagan siyang si 'Howling Wilderness Smith' o Gen. Howling Smith. Nang tanungin ni Waller si Smith kung anong edad ng mga dapat patayin, ang sagot ni Smith ay sampung taon pataas. 

Marinduque at Samar

Labanan sa Pulang Lupa marker
Ang pagkatalo ng mga Amerikano sa Labanan sa Pulang Lupa kung saan nabihag ng mga Filipino ang buong tropa ng Company F 29th Infantry Regiment ay nagdala ng matinding pagkagimbal, shock waves, sa America. 

Hindi lamang dahil ito ang isa sa pinakamatinding pagkatalo ng mga Amerikano noon, kundi naganap ito sa panahong malapit na ang eleksiyon sa US. Ang magiging resulta ng eleksiyon sa US sa pagitan ng mga imperyalista at kontra-imperyalismo doon ang magpapasya sa kahihinatnan ng nagaganap sa Pilipinas. (Walang pinagkaiba sa mga nagaganap din doon ngayon).

Sa mga sukdulang ginawa sa Marinduque ng mga Amerikano bilang ganti ay ganito na lamang ang naging pahayag ng Philippine Commissioner Howard H. Taft (siya na bago maging US President ay makailang ulit na pumunta sa Boac). "Ang kabigatan ng nagawang pagtrato sa mga naninirahan ay hindi magiging maganda kung ang kumpletong kasaysayan nito ay maisusulat." ("The severity with which the inhabitants have been dealt would not look well if a complete history of it were written out*.")


Hindi maliwanag kung saang lokasyon pero ito ay kuha sa isang concentration camp sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano.

Nagdulot rin ng pagkagulantang sa mga mamamayan ng US ang naganap sa Balangiga, at ikinumpara ng mga pahayagan ang pagpaslang sa mga sundalong Amerikano noong 1876 Battle of the Little Bighorn ng kanilang kasaysayan.

Balangiga Massacre marker

Pagsauli ng ninakaw na Balangiga Bells

116 taon matapos kamkamin ang tatlong kampana sa Balanguiga, nanatiling nasa kanila ito (US) bilang 'booty' raw. Dalawa rito ay nasa Trophy Park sa isang air base sa Wyoming, at ang ikatlo ay nasa US military museum sa South Korea. (Baka kaya hindi masaya sa SONA ang mukha ng US ambassador na Koreano). 

Bago pa si Duterte, marami nang nag-apela na mga opisyales ng gobyerno, mga senador at maging ang Simbahang Katolika na isauli na ang mga makasaysayang kampana.

Sources:

*The Journal of Military History 61 (April 1997):  U.S. Army's Pacification of Marinduque, April 1900-April 1901;
Philippine-American War 1899-1902, Arnaldo Dumindin;
The Balangiga Massacre monument, gerryruiz photobloblog;
Marinduque Rising, Battle of Pulang Lupa blogs;
UlongBeach.com
Battle of Pulang Lupa, Wikipedia;
Balangiga massacre, Wikipedia;
Arthur MacArthur, Jr., Wikipedia.

Tuesday, July 25, 2017

Matinding record baya (Part 2): Dutch fleet pa pala; anim na galleong naglaho isang araw lamang sa Marinduque


Kumpirmado, sa nabaon sa limot na kasaysayan ng Marinduque, noong panahong sumadsad ang San Ildefonso sa baybayin ng isla 1590, ay lulan ng barko ang naging pangunahing historian sa bansa ng mga Kastila, si Padre Pedro Chirino. Magandang halukayin sa kanyang bantog na Relacion de las Islas Filipinas kung dinetalye man doon ni Chirino ang kaniyang tiyak na di makakalimutang dinanas sa Marinduque, naganap pagkarating pa lamang niya sa Las Islas Filipinas.

Subalit hindi ito ang unang direktang encuentro sa isla ng Marinduque ng mga Kastila, dahil 1579 pa lamang, may Franciscanong prayle na nagtanim na rito ng unang Krus. Para simulan ang conversion sa Kristiyanismo ng mga katutubo sa isla. Nang sumunod na taon 1580, ay itinayo na ang unang visita sa Boac na tinawag nilang Monserrat de Marinduque. (May historical awareness marahil ang may-ari ng super Italian gourmet deli sa may Isok II kaya't tinawag naman nila itong Monserrat de Boac).

Ilang mga old world Italian gourmet sa Monserrat de Boac sa Isok II

Paglipas naman ng anim na taon mulang sumadsad ang San Ildefonso sa baybayin ng Marinduque, noon pa lamang naitala ang totoong nangyari sa San Felipe

Umalis ng Cavite ang San Felipe (700 toneladas), ng July 12, 1596 papuntang Acapulco. May lulang 300 katao kasama ang pitong prayle. Pagdating ng September 18 sa karagatan ng Japan, doon ito sinalubong ng nagngangalit na bagyo. Anim na kataong sakay nito ang nalunod kapagdaka. 

September 25 ay sira na ang lower deck ng San Felipe. Pagdating ng October 3 ay may sumalubong na namang bagyo na tumagal ng 5 araw.  Dito na naglayag ang barko na walang masts at sails, at hinila na ng 200 funcas papuntang baybayin ng Chopongame. 

Doon ito napuno ng tubig hanggang first deck at hindi na nakapaglayag. Ang halaga ng cargo, 1.3 million pesos sa Mexico. Ayon sa naitala ay sobrang ikinaluksa ng mga taga-Maynila ang trahedya ng San Felipe.


Modelo ng isa pang San Felipe. Parepareho pala ang sukat at hitsura
ng San Juan Bautista at Santiago.

Kadikit sa istorya ng San Felipe ay ito: Bago maganap ang trahedya, binabagtas pa lamang nito ang Embocadero (San Bernardino Strait), ay doon nasilayan ng mga pasahero sa kalangitan ang pamosong Kometa ng 1596, ang unang kometa na nadokumento sa Pilipinas.


Kometa at Buwan sa Pacific Ocean. Larawan ni: S.Deiries/ESO

Noong 1599 naman, nagkaroon ng kamalasan ang mga Hesuitang pari sa isang byaheng Manila papuntang Visayas na pinangunahan ni Padre Diego Garcia kasama ang 8 pang Hesuita. Ayon sa panulat ni Padre Chirino: 
"Hanggang Octubre 21 maayos ang lagay ng panahon, pero sa araw na ito, nakasalubong ng mga Pari ang isang bagyo na bagamat hindi naman kalakasan, ay dinala ng alon ang mga barko sa isang tabi na puno ng corals at mga bato, sobrang delikado na ang mga barko at halos mabiyak sa maraming piraso. Sa ika-23 ng buwan ding iyon, may dumating na namang isang bagyo na mas malakas kaysa sa nauna. Dahil sa lakas ng hangin, pinaghiwa-hiwalay (ng direksiyon) ang mga barko. Ang barko na kung saan si Padre Visitor ay lulan kasama ang lima pang mga misyonaryo ay napadpad ng alon papunta sa dakong Marinduque.
"Sa wakas ay nakapasok sila sa isang ilog para kumubli sa sama ng panahon. Nang sumunod na araw, na maaliwalas na katulad ng nangyayari pagkaraan ng bagyo, naglayag ang mga barko sa paligid ng Bondoc point, at pumondo malapit sa tabi. Lumipas ang apat na araw at may malakas na hanging dumating na naman, napilitan ang mga misyonaryo na pumasok muli sa isang maliit na ilog para kumubli sa bagyo, na tumagal ng araw na iyon at kasunod, na araw ni San Simon at Judas."
Marinduque-Bondoc topographic map

"Napadpad ng alon papunta sa dakong Marinduque?". Iyon ang nakalagay kaya maliwanag na di naman nawasak ang barko ayon sa salaysay ni Chirino, 1599. Base naman sa The Selga Chronology (si Selga ay isa ring Hesuita na nagtala naman ng lahat ng mapanirang bagyo sa Pilipinas mula 1348), maraming bagyo pa ang rumagasa sa Pilipinas higit sa isang dekada. Bagamat marami sa mga ito ang nasira wala namang naitalang lumubog sa panahong nabanggit.

St, Joseph Parish Church na ngayon sa Gasan.
"Ereccion del pueblo del San Bernardo de Marinduque. El ano de 1609 fue separada de su matriz monserrat una visita, con la cual se forma este pueblo, teniedo por primer ministro el. R.P. Fr. Juan Rosado. Dicho religisioso construyo iglesia bajo la advocacion de San Bernardo, de quien tomo el nombre, y su administracion, como la anfriores fue cedida el ano de 1613 a la Sagrada Mitra." 

Sa Marinduque pagdating ng 1609, sinimulang itayo ng mga Franciscano ang visita sa Sta. Cruz na 'San Juan de Marinduque' ang ipinangalan nila, at sa Gasan naman ay ang 'San Bernardo de Marinduque'. Ayon sa The Jesuits in the Philippines ni Horacio de la Costa, ang isla ng Marinduque pala ay ipinagkatiwala ng Arzobispo ng Manila Miguel Garcia Serrano sa mga Hesuita noong 1621. Kaya nang sumunod na taon 1622 itinatag na ng mga Hesuita ang bayan ng Boac. 

(Noong 1864 sa tibay ng Spanish royal decree ng May 19, 1864, sa mga Agustinian Recollect Fathers naman naisalin ang 'spiritual administration' ng Boac - kapalit, ayon din sa tala, ng mga posisyon ng kaparian na iniwan nila sa kamay ng mga Hesuitang misyonaryo sa Mindanao).

Paggawa ng galleon sa Marinduque

1609 din nagsimula ang termino ni Governador Juan de Silva bilang Governador-General ng Pilipinas.

Ito rin iyong panahon kung kailan nasimulan naman sa Marinduque ang paggawa ng galleon at almiranta. Si de Silva mismo ang nag-utos para sa konstruksyon ng mga sampung malalaking galleon at walong galley sa ibat-ibang astillero. Kasama na rito ang paggawa ng galleon na San Juan Bautista at almirantang San Marcos sa Marinduque. (Hiwalay na paksa sa mga susunod). 

Pagsapit ng 1616 anim sa pitong malalaking galleon ang nakadaong na sa Manila, gawa sa ibat-ibang astilleros.

At may lumubog na galleon na naman sa Marinduque. Sa isang bagyuhan lamang, marami!

Sabi sa Selga Chronology:

10-15Oct 1617A very severe typhoon crossed Visayas. Six ships were wrecked near Marinduque with the loss of over a thousand persons. It was considered as the greatest calamity during the administration of Jeronimo de Silva 

Sa iba pang source ay ganito lamang ang nakasulat na pinaulit-ulit lamang ng iba pa kaya may kakulangan sa detalye:
OCTOBER 10-15, 1617 - Six large ships were reduced to floundering hulks by a mighty tidal-wave-generating sea churner off Marinduque.
May isa namang maikling panulat na nagsabing ang anim na barko ay papunta ng Marinduque para ipakumpuni, subalit ang naging kapalaran ng mga ito aniya noong 1617, ay "katulad din ng sinapit ng ibang barko sa rutang ito." 

Ito pa lamang ang karagdagang nasaliksik ko tungkol sa naganap 1617, mula sa isang primary source:

Isang licentiate (auditor), si Alonso Fajardo na ipinadala ni Felipe III (Hari ng Espana) sa Pilipinas at kararating lamang niya nang nangyari ang nasabing sakuna ay sumulat sa hari tungkol sa mga nagaganap sa bansa sa mga usapin ng pamamahala. Tungkol sa nasabing sakuna ay ganito ang bahagi ng sinulat niya mula sa:

Letter to Felipe III. Alonso Fajardo de Tenza; August 10, 1618. The Philippine Islands, 1493–1898, Volume XVIII, 1617–1620 (Blair and Robertson): (Tulad ng ibang quotes sa itaas ay isinalin ko na rin sa Tagalog dahil iyon ang lenguahe ng salaysay na ito).
"Nangyaring hindi ako nakagawa ng ano mang imbestigasyon tungkol sa pagkawala ng anim na galleon na naganap kararating ko pa lamang sa bansang ito, at ipinaalam ko naman kaagad sa inyong Kamahalan. Dahil, si Don Geronimo de Silva ang dapat managot doon, dahil siya ang capitan-general sa dagat at lupa, at kung siya ay mapawalang sala, ang pananagutan ay dapat ipataw sa iba... Hindi ko pa nagagawang imbestigahan ito ng buo, subalit gagawin ko kung ano man ang ipag-uutos ng iyong Kamahalan, kapag natanggap na ang iyong mga kautusan...
Sa aking opinyon ang ganoong pangyayari at mas matitindi pang mga sakuna ay maaaring mangyari, nang walang kaparusahan na naghihintay sa sino mang nagbigay ng pag-uutos, o sa kanila man na sumunod sa utos. Maraming mga ganoong uri ng sakuna ang nangyari na, sa karagatan, kapag ito ay nabulabog ng alinmang marahas na bagyo - at isa pa, dahil ito ay nasa mga isla, kung saan walang lugar para sa mga barko para tumakbo ng malaya."
Tidal wave? O tsunami o storm surge kaya ang nagpalubog sa anim na barko?

Storm surge kaya ang nangyari?
'Loss of over a thousand persons'.
 Tsunami kaya dala ng lindol tulad nito?

Labanan ng Spanish vs Dutch

1646 naman naganap sa pagitan ng Marinduque at Banton ang bombahan sa pagitan ng dalawang Spanish galleons at pitong Dutch warships. Ito ang labanan sa Karagatan ng Marinduque na itinuturing ng mga Kastila at Filipino hanggang ngayon ay isang milagro. Magkahiwalay na sumumpa baga naman ang General Orellana at Admiral Lopez na kapag napanalunan nila ang laban na ito ay maglalakad silang nakayapak mula Cavite hanggang sa Santo Domingo Church sa Manila sa ngalan ng Virgen ng Santo Rosario.

Naganap sa karagatang ito ang pinakamadugong labanan na mula mga alas-siete ng gabi, July 29, 1646. Pinaligiran ng pitong Dutch ships ang Encarnacion. Palitan ng mga putukan at may napuruhan sa panig ng mga piratang Dutch. Ang Rosario naman ay nasa labas ng nakapaligid na kaaway sa Encarnacion. Walang hirap sa pambobomba ang Rosario mula sa likuran at lumala ang kalagayan ng mga kaaway. Sinubukan ng mga Dutch na pasabugin ang Encarnacion sa pamamagitan ng isa nitong fire ship, subalit sinalubong ito ng mga kanyon kayat umurong. Binalingan naman ang Rosario subalit sinalubong din ng sampung sabay sabay na kanyon. Nahagip ang mga fireworks ng fire ship at sumabog ito, nasunog at lumubog, kasama ang mga tripolante.

Walang namatay sa Encarnacion pero nalagasan ang Rosario ng limang sundalo. Nang sumunod na araw ay ang Spanish-Filipino fleet naman ang humabol sa kaaway. Nakorner ng dalawang galleon ang mga Dutch noong July 31, 1646 mga alas-dos ng hapon. Nakarating ang labanan sa pagitan naman ng Mindoro at isla ng Maestre de Campo. Inihalintulad ang putukan ng magkabilang panig sa animoy "pagsabog ng maraming bulkan". Nalampang isa-isa ang mga barko ng kaaway at lumubog na naman ang isang barko ng kaaway kasama ang crew at mga armas sa ilalim ng dagat.

"Ave Maria! Ave Maria! ang sigaw ng mga bida, "Viva la fe Cristo y la Virgen Santissima del Rosario!" (Long live the Faith in Christ and the Most Holy Virgin".

Pagsasalarawan ng tinawag na Battles of La Naval de Manila

Ito ay bahagi na ng Fiesta ng Virgen ng Santo Rosario sa Santo Domingo Church sa Maynila na hanggang ngayon ay ipinagdiriwang tuwing ikalawang Linggo ng Oktubre taon-taon. Ito na po iyong Mahal na Ina ng Santo Rosario ng La Naval de Manila, tawag din dito ay Santo Rosario o Our Lady of La Naval de Manila.

25 November 1659

Inabot na ng 1659, bago may lumubog na galleon o galley na naman. At sa Marinduque na naman!

Galing naman kay Padre Pedro Murillo (siya yung nagpagawa ng mapa na tinaguriang 'mother of Philippine maps na nagpapakitang ang Scarborough Shoal ay bahagi ng bansa noong una pa man), ang bahagi ng salaysay na ito:
"Noong November 25, 1659, si Padre Juan del Castillo (Jesuit), taga Manila, ay nalunod sa Tablazo ng Marinduque dahil sa bagyo... siya ay naging Encomendero, Regidor, Capitan at Procurador ng Ciudad ng Manila... Nawasak ang maliit na barko... tatlong mga katutubo lamang ang nailigtas ang buhay nila at naibahagi nila ang kasaklap-saklap na pangyayari".

At marami pang galleons, galliots at almirantas ang malalaman nating lumubog sa pinakang-puso ng Las Islas Filipinas, at sunod-sunod na! (Itutuloy)

Sources:

The Philippine Islands, 1493-1898, Vol. XVIII, Blair and Robertson;
The Selga Chronicles na itinuloy nina R. García-Herrera, P. Ribera, E. Hernández, L.Gimeno:'Typhoons in the Philippine Islands 1566-1900';
Treasure Ships of the Pacific, Tom Bennett;
TSEATC.com (tungkol sa 1617 na kinuha sa The Philippine Storm Logbook, 1617 to 1876);
Battles of La Naval de Manila, Wikipedia;
Juan de Silva, Wikipedia;
Pedro Chirino, Wikipedia
Anthony Reid and the Study of Southeast Asian Past, Geoff Wade and Li Tana;
Diocese of Boac webpage.