Tuesday, September 19, 2017

Hudyat, senyales, palatandaan, babala mula sa Revelation 12 ngayong Sept 23, 2017


Sa panahon na natin, ngayon na! Makaraan ang pagkahaba-habang panahon mulang kapanahunan ng Panginoon, at simula ng maisulat ni Apostol Juan sa Isla ng Patmos (93 AD), ang tungkol sa isang kamangha-manghang celestial event ay narito na. Di mabilang na mga mananampalataya sa ibat-ibang panig ng mundo ang buong kaluluwang naniniwala na magaganap na ang sinulat ni Juan.


St. John the Apostle and Evangelist
Di na mabibilang ang dami ng mga Propeta na iisa ang sinasabi: Ang magaganap na celestial event sa September 23, 2017, ang katuparan ng Revelation 12. 

Base sa siyensiya diumano, ang magaganap na alignment ng Araw, Buwan, Bituin at mga Planeta kasama na ang Daigdig, na naaayon sa detalyadong pagsasalarawan ni Juan ay ngayon na magaganap. 

Dagdag pa rito, ang mga constellation ng Leo, Virgo at Hydra sa mga araw na ito ay sa Jerusalem lamang makikita ng buong buo.


Ngayong kasalukuyang mga araw ng September ay ganito ang makikitang pagkakahilera ng mga planeta. Sa umaga, bago sumikat ang Araw. Larawan ni Alan Dryer, SpaceWeather

Ang Revelation 12 ay tungkol sa isang Babae, sa isang Anak na Lalake at sa isang Dragon... Ang babae ay nadadamitan ng Araw, ang Buwan ay nasa kanyang paanan, habang ipinapanganak naman ang isang batang lalake, at sa kanyang ulo ay may putong (Putong as in!) na 12 mga bituin.


REVELATION 121 At ang isang dakilang tanda ay nakita sa langit: isang babae na nararamtan ng araw, at ang buwan ay nasa ilalim ng kaniyang mga paa, at sa kaniyang ulo ay may isang putong na labingdalawang bituin; 2 At siya'y nagdadalang tao; at siya'y sumisigaw, na nagdaramdam sa panganganak, at sa hirap upang manganak.



Checklist:

1. Nadadamitan ng Araw. PUWEDE

2. Ang Buwan ay nasa kanyang paanan. PUWEDE

3. Nagsisilang ng batang lalake. Sa ibang mga taon ipinapanganak ng babae ang ibang planeta tulad ng Mercury, Saturn o Venus. Ngayong 2017 daw lamang isisilang ang Jupiter, ang 'Haring Planeta''. Sa pagkakataong ito, ang Jupiter ay tumagal sa sinapupunan ng Virgo sa loob ng panahong dapat ipagbuntis. Ang Jupiter pa sa pagkakataong ito ay makikita sa pagitan ng kanyang mga hita at sa ibaba ng sinapupunan. PUWEDE

4. May putong sa ulo na 12 mga bituin. Ang Virgo ay palaging napuputungan sa ulo ng 9 na mga bituin ng Leo. Ngayon lamang  madadagdan ng tatlo pa para maging 12. Ang Mercury, Mars at Venus. PUWEDE

REVELATION 12
At ang ibang tanda ay nakita sa langit: at narito, ang isang malaking dragong mapula, na may pitong ulo at sangpung sungay, at sa kaniyang mga ulo'y may pitong diadema. 4 At kinaladkad ng kaniyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit, at ipinaghagis sa lupa: at lumagay ang dragon sa harapan ng babaing manganganak na, upang lamunin ang kaniyang anak pagkapanganak niya. 
5 At siya'y nanganak ng isang anak na lalake, na maghahari na may panghampas na bakal sa lahat ng mga bansa: at ang kaniyang anak ay inagaw na dinala hanggang sa Dios, at hanggang sa kaniyang luklukan. 6 At tumakas ang babae sa ilang, na doon siya'y ipinaghanda ng Dios ng isang dako, upang doon siya ampuning isang libo dalawang daan at animnapung araw.


The Dragon with Seven Heads. Woodcut ni Albrecht Durer

May iba pa palang tanda na nakita si Juan. May malaking dragon daw na mapula at ito yung pinaniniwalaang "ang ahas noon, na tinatawag na Diyablo at Satanas" (Rev 12:9+), nagbibigay sa 'beast' ng kanyang kapangyarihan, trono, at dakilang awtoridad (Rev. 13:2+), at tumatanggap ng pagsamba kasama ang hayop. (Rev 13:4+)

Para sa ilang Propeta naman, ang pitong mga ulo at sampung mga sungay ang kumakatawan sa mga orihinal na sampung hari sa panahon ng katapusan, tatlo rito ay nagapi ng munting sungay kayat naging pito (Dan. 7:8)

Sino naman ang Babae o sinisimbulo nito?

Alam natin na tinangka ni Satanas (ang pulang dragon) na sirain ang anak na lalake (Jesus) ng babae, sa pamamagitan ng pagpapako sa Krus. Gayunpaman, si Jesus - ang inapo ng Judah "na maghahari sa lahat ng mga bansa na may bakal na setro", ay nabuhay na mag-uli at naupo sa trono ng Diyos sa langit (Apocalipsis 12: 4b, 5). 

Sa isang diwa, ang "babae" na ito ay ang Jerusalem, sagisag ng babae ang mga Israelita, at ang kanilang pangunahing tahanan ay ang Jerusalem. Ang Jerusalem ay itinuturing din na "asawa" o "nobya" ng Diyos (Jeremias 2: 2). Sa loob ng Bagong Jerusalem naman ay mananahanan "yaong mga pangalan na nakasulat sa aklat ng buhay ng Kordero" (21:27).

Ang "babae" naman ay hindi kumakatawan lamang sa mga Hudyo, na mga inapo ng Judah, kundi kasama ka, ikaw na malinis at handang tumanggap sa Panginoong ipinapanganak.


Ang malinis at dalisay na "babae" ay tatakas naman sa 'disyerto', puprotektahan doon ng Diyos, sa loob ng 1,260 araw (Apocalipsis 12: 6).

Sources: 
Unsealed.org
BibleStudyTools.com
TheSeraphim: The Great Sign - Rev 12 Sign on Sept 23, 2017