Friday, June 8, 2018

Di matapos-tapos na Kagilagilalas na Epiko ng Marinduque: Ano ang latest tungkol sa usap-Marcopper

Napaurong ang SP sa pag-ratify ng panibagong kontrata na pirmado na ni Gov. Carmencita O. Reyes

Aerial view ng dredge channel sa bunganga ng Boac river na dinaanan ng tailings papuntang dagat taong 1996. Larawan mula sa Newsbreak/ Marcopper Mine Post-Spill Impact Assessment December 2001 report

Sa kasagsagan ng kampanyahan para sa Barangay at SK Elections sa Marinduque, nagulantang ang maituturing na pinaka-aktibong organisasyon sa islang-lalawigan. Ito ang Marinduque Council for Environmental Concerns (MaCEC).


Biyernes, Mayo 11, 2018, 2:00 n.h. sa Sangguniang Panlalawigan ng Marinduque.

Naka-agenda na ang opisyal na hiling ng Governor Carmencita O. Reyes na iratipika ang isang kontrata, Restated and Amended Contract of Diamond McCarthy na pirmado na ng Gobernador.

Di naputol kahit kailan kayat tuloy-tuloy, sa loob ng maraming taon, ang pagtutol ng MaCEC bilang isa sa pangunahing stakeholders at ng Simbahan, pagtutol na bigyan ng authority ang Gobernador na pumasok sa isang kontrata sa Diamond McCarthy. Ito ay hinggil pa rin sa kaso laban sa Marcopper/Placer Dome, Inc./Barrick Gold na napagkasunduang isasampa sa Canada.

‘Onerous and unacceptable’, ('Nakagagambala at hindi katanggap-tanggap', ang ginamit na mga salita patungkol sa nasabing kontrata sa isang position paper ng MaCEC.

Nagsimulang dumating ang mga miyembro ng MaCEC para makinig sa labas ng session hall.

Sa pagkakataong ito ay dumalo ang blogger na ito sa Sanggunian para manood at makinig ng opisyal na pag-uusap tungkol dito. Nadatnan ko sa labas ng session hall ang may mga 50-katao na mga miyembro ng MaCEC na nakahanda ring makinig. Naroon din ang Obispo ng Diocese of Boac, ang Most Rev. Marcelino Antonio M. Maralit, si Rev. Fr, Arvin Madla, Chairperon ng MaCEC, si Ms. Beth Manggol bilang Secretariat Head at iba pa nilang mga kasamahan.

Most Rev. Bishop Marcelino Maralit at ang blogger na ito

Pagkakita sa akin ng isang nakangiting bokal na babae ay kaagad akong pinapasok sa loob ng session hall, kasabay ng Mahal na Obispo na sa unang pagkakataon ay nakadaupang palad ko. Isa-isang dumating ang mga opisyales, sina BM Tet Caballes, BM John Fernandez, BM Mark Seno, BM Primo Pamintuan, BM Harold Red, BM Alan Nepomuceno, BM Mely Aguirre at Vice-Governor Romulo Bacorro, Jr.

Nang sinimulang talakayin ang hinggil sa ratification ng kontrata ay tinawag ang Obispo para hingan ng kanyang mensahe. Binanggit ng Obispo na umaga pa lamang ay naisumite na niya ang position paper ng MaCEC na kanya ring pinirmahan, kaya’t ito na lamang aniya ang kanyang babasahin para sa kaalaman ng lahat.

Panalangin para sa kaliwanagan sa simula ng SP session.

Sa nasabing position paper ay nakahayag ang salitang ‘vehemently’ o  mainit na pagtutol ng MaCEC bilang pangunahing organisasyon at ng Simbahan na nagsusulong ng environmental protection at social justice, pagtutol sa Ratipikasyon ng pirmado nang kontrata.

Bahagi lamang ng nasabing dokumento ay ang mga sumusunod:

“Whereas, the organization and the local church for several times have strongly expressed its objection as articulated in the previous position papers submitted to the Provincial Governor and the Sangguniang Panlalawigan in relation with the continuous engagement of PGM with Atty. Skip Scott/Diamong McCarthy Law Firm, specifically the granting of authority to the Governor, Hon. Carmencita O. Reyes, to enter into contract with the said law firm on their Restated and Amended Contract for the filing of case in Canada.

“Whereas, several comments and recommendations have been clearly expressed by the organization and other stakeholders but none of these was acted upon by the PGM and or said law firm thus, for every new contract presented before the stakeholders and Marinduquenos in general have been onerous and unacceptable.

“Whereas, all previous contract between the PGM and Atty. Skip/DM has been expired since the Nevada Court Decision dismissing the case due to lack of proper jurisdiction. All obligation was due only with the case in Nevada, since there is no recovery, Atty. Skip/DM could not demand litigation cost, under the contingency clause. Therefore, services rendered terminated.


Kopya ng position paper ng MaCEC na isinumite sa SP 'vehemently expressing opposition to the ratification of the signed restated and amended contract of the PGM with Diamond McCarthy law firm.

“Whereas, the organization is in receipt of the invitation from the Sangguniang Panlalawigan Committee on Environmental Protection, Human Ecology & Disaster Preparedness on the committee hearing scheduled on May 10, 2018 to discuss the letter of Governor Carmencita O. Reyes requesting ratification of the Restated and Amended Contract of Diamond McCarthy as already signed by her.

“Whereas, it is the power of the Sangguniang Panlalawigan to give authority to the Local Chief Executive to enter into contract with any program and/or projects to be implemented by the province, thereby in relation with the the above-mentioned request of the Hon. Governor, it is now in the powerful hands of the Sangguniang Panlalawigan to properly scrutinize the said request before rendering its decision, to avoid putting themselves and the people they represent at risk. This, always in accordance to the conditions of the law under Republic Act. 9184, to which all civil servants are to be held accountable for any contract or project that are considered not in accordance to the same principles as provided for by the same Republic Act.

Consistently, we oppose the granting of authority to the Governor to enter into contract with DM for the case against Marcopper/Placer Dome, Inc./Barrick Gold in Canada. Unless the proper process is followed and an objective manner of procuring our legal representation in this case is done, this is onerous and unacceptable. In this particular request, we vehemently express opposition and call the attention of the Sangguniang Panlalawigan not to ratify the signed Restated and Amended Contract of the Provincial Government of Marinduque and Diamond McCarthy Law Firm…"

The said document was signed by Rev. Fr. Arvin Anthony J. Madla, J.C.L. as Chairperson of MACEC and noted by Most. Rev. Marcelino Antonio M. Maralit, Jr., D.D., Bishop, Diocese of Boac.

'The calm... before the storm' ang pinost ni Fr. Arvin Madla at larawang ito, kuha sa harapan ng Kapitolyo. Facebook page ng MaCEC

Bilang tugon sa matinding pagtutol ng MaCEC, pagtutol na inihayag ng Obispo ng Boac sa mga kinauukulan, walang Ratification na naganap sa Sangguniang Panlalawigan. 

Sa halip ay inirekomenda na lamang ng Sanggunian na isumite ang lahat ng kaukulang dokumento sa bagong itinalagang Provincial Legal Officer at iba pang mga kinauukulan na dapat makaalam para sa kanilang makabuluhang pag-aaral sa bagay na ito - ang di matapos-tapos na kagilagilalas na Epiko ng Marinduque. Ngayon ay ika-22 taon na mula ng maganap ang makasaysayang kadustahang ito, tinaguriang isang 'significant historical infamy'.