Habang lumalaon, mas maliwanag na walang katiwatiwala ang mga nababahalang Marinduqueno sa pirmado nang kontratang inilatag sa Sangguniang Panlalawigan ng Marinduque. Pirmado na ni Gov. Carmencita O. Reyes.
Dahil kaya ang nasabing kontrata ay itinuturing na napakalupit, walang habag, walang pakundangan, at walang respeto sa mga mamamayan ng Marinduque? Ang kontrata ay tila inurungan naman ng Sangguniang Panlalawigan - sa ngayon. Eh, bukas kaya?
Most Rev. Bishop Marcelino Antonio Maralit, Jr. and Rev. Fr. Arvin Anthony Madla, Chair, MaCEC |
Anong kontrata nga ito? Ang Restated and Amended Contract of the Provincial Government of Marinduque (PGM) with Diamond McCarthy (DM) Law Firm para sa pagsampa ng kaso sa Canada. (DM ang US law firm na dating humawak sa kaso ng PGM sa Nevada, USA).
Pangunahin ang MaCEC at ang Simbahan sa mga nagsuri sa kontrata o kasunduang nabanggit. Sila bilang stakeholders ang pangunahin ding iniimbitahan/pinapakiusapan ng SP na maging bahagi at katulong ng SP sa mga deliberations tungkol sa bagay na ito.
'Urgent' na sulat ni Gov. Reyes sa Sangguniang Panlalawigan for ratification of the contract. |
Sa dami ng negatibong mga obserbasyon/komento ng stakeholders tungkol sa mga nakasaad sa kontrata ay kakayanin kaya ng mga kababayan natin na masikmura bilang halimbawa lamang ang mga sumusunod?
Sa nakasaad na Waiver of State Immunity. Ayon sa MaCEC, (No.14 sa kanilang position paper), dapat daw pakaisipin ng Lalawigan ang probisyon na ito. Maraming beses na pakaisipin at seryosohin, at pag-aralan sa tulong ng legal experts. Bakit daw? Binubuksan nito ang Lalawigan at/o ang mga opisyales na kasuhan sila sa kasalukuyan o sa darating na panahon.
Isa pa, ang Paragraph B of XII ng kontrata ay nagpapahintulot din sa future execution against assets of the Province in the present and in the future resulting from waiver of its rights. Ayon sa nakakaunawang Diocese of Boac at pangunahing pangkalikasang organisasyong MaCEC.
“... the Province irrevocably and unconditionally acknowledges that the execution, delivery and performance of this agreement constitute PRIVATE AND COMMERCIAL (and not Public) acts of the province” |
Masasabi kayang isinasangla pa sa di pangkaraniwang pagkakataong ito ang mga paglalagay sa alanganin ng mga assets ng Lalawigan? Baka mapadilat pa ang mga mata ng mga minamahal nating Marinduqueno sa mga sumusunod:
On the Private and Commercial (Not Public) Nature of the Agreement. Ayon sa MaCEC, VII.C. of the document mentioned “that the Province irrevocably and unconditionally acknowledges that the execution, delivery and performance of this agreement constitute PRIVATE AND COMMERCIAL (and not Public) acts of the province”.
Ano nga naman ang mga implikasyon nito sa katunayang ang Client ay isang Government Institution/Local Government Unit at ang mga Opisyales na nakikipagkasundo sa law firm/pagpipirma ng mga dokumento bilang mga kinatawan ng mga mamamayan na kanilang pinagsisilbihan – ang PUBLIKO?
Dapat daw isaalang-alang na ang mga opisyales ng bayan bilang mga kinatawan ng mga taumbayan ay nanumpa ng Oath of Office at nasasailalim ng Civil Service Laws, Code of Conduct and Standards of Public Officials and Employees, maliban pa sa iba. At ang Konstitusyon daw mismo ay nagsasaad na sila bilang mga namumuno ay may pananagutan sa taumbayan, accountable to the people.
Ang Diocese of Boac at MaCEC na matagal nang nakatutok sa usaping ito at palaging imbitado sa mga pagpupulong nang nagsumite na noon pang nakaraang taon (maging noon pang 2016), ng kanilang masasabi o kinatatayuan sa usaping ito at kanilang mga rekomendasyon. Subalit ayon nga sa kanilang position paper ay “none of these was acted upon by the PGM and or the said law firm thus, “for every new contract presented before the stakeholders and Marinduquenos in general have been onerous and unacceptable.”
Isang pagkakataon ng pagbabantay ng mga miyembro ng MaCEC sa Session Hall para makinig |
Para sa kaalaman ng lahat, direktang isinumite ng Diocese of Boac at ng MaCEC ang kanilang pinakahuling position paper (English) submitted to the Governor at SP noon pang November 2017, at muling isinumite noong May 10, 2018, na nagsasaad (translated, see copy of original document for cross-checking), na:
1. Ang kontrata ay hindi patas at makasasama pa sa interes ng Lalawigan. Mas binibigyang diin ng kontrata ang karapatan ng law firm, pero may kalabuan pagdating sa obligasyones at pananagutan nila sa Lalawigan (paulit-ulit lamang na sinasabi na ang maisasad lamang nila sa kontrata ay kanilang opinion at kawalan ng katiyakan, (“opinions”… “no assurance”), magiging napakamahal para sa Lalawigan at walang magagawa ang Lalawigan kundi tanggapin ang kanilang magiging desisyon base sa kanilang “opinions” na nangangahulugan lamang na magiging mas magastos ito para sa probinsya; labis na diskresyon ang ibinibigay sa law firm kasama na rito ang sole discretion pagdating sa arrangement with local lawyers, kasama ang marami pang iba.
2. Matapos hinawakan ang kasong ito ng lagpas na sa isang dekada, sa dokumentong ito ay ni hindi mabigyan ng katiyakan ng Diamond McCarthy na magsasampa sila ng kaso at/o dalhin ito sa paglilitis. Matatandaang mula pa noong 2005, ng hinawakan ni Walter Scott ang kaso, ang intensiyon ng probinsya mula pa sa simula ay magsampa ng kaso, litisin, at usigin para magkaroon ng favorable court decision, at hindi pangunahan ang pagkakaroon ng “out of court negotiation o settlement”, dahil kung ganito rin lamang ay maaaring kumuha na lamang noon ng batikang mediator o broker.
3. Sa dokumento, isinasaad na walang Kasunduan o pakikipagkasundo na magaganap na hindi muna kinukunsulta ang law firm at pinapayagan ang law firm na makibahagi sa mga ganoong negotiations. Subalit, ang kabaliktaran naman nito ay wala. Walang sinasabi ang dokumento na anuman tungkol sa mga direktang representante ng Lalawigaan na dapat makisali sa negotiations na isasagawa ng law firm. In substance, pagsusumite ng payo at resulta lamang ng negotiation sa lalawigan ang nakasaad.
4. Palaging nakasaad sa dokumento ang mga katagang “reasonable time… for valid reasons”, must not unreasonable withhold or accept (Firm’s advise)… subalit ano ang basehan kung ano ang ‘reasonable at not reasonable’ na dapat gawin ng mga partido? Paano kung ang inihahain ay labis na mapang-abuso at di katanggap-tanggap para sa probinsya tulad ng mga kondisyones at ‘stipulated facts’ na inilatag ng law firm para tanggapin ng Lalawigan noong nakaraan, na kapag hindi tanggapin ay maituturing na ngayong “Termination Without Cause”?
Mga sakit dulot ng mga lasong kemikal, pagwasak ng karagatan na naging sanhi kung bakit ang lugar na ito sa Calancan Bay ay isang 'No Swim Zone'. |
6. Sa pag-aanalisa ng mga probisyon sa kontrata, bagamat hindi tahasang sinasaad, ang panukalang Restated and Amended Contract ay halatang nakatuon at nakatutok sa “out of court negotiation and settlement”, at ang pagtitiyak na kung ano man ang dikta ng law firm ay dapat tanggapin ng Lalawigan kahit ito pa ay hinding-hindi katanggap-tanggap, sapagkat ang kapalit nito ay magiging pagkalugi (halimbawa, ang di pagtanggap sa settlement advise ay maaaring maging dahilan ng pag-urong ng law firm at maaaring gamiting dahilan bilang “termination without cause”. Kaya’t no choice ang Lalawigan kundi tanggapin na lamang ang isang unacceptable settlement offer/terms na dinidikta ng law firm.
7. Ang dapat isagawa ay ang pagtutok una sa lahat sa pag-uusig ng kaso sa korte at paghahanda para sa ganung pakay, at hindi ang pakikipag-ayos sa labas ng korte at settlement na lumalabas na doon napaka-interesado ang law firm. Nakasaad na “Firm’s conduct of any and ensuing negotiations” ay nakamandato na sa dokumento at ang law firm ay binibigyan ng blanket authority na gawin ito para sa probinsya na hindi naman dapat… ang Lalawigan ang dapat magkaroon ng sole authority na magdesisyon sa bagay na ito at dapat magkaroon ng direktang partisipasyon sa proseso. Hindi maaaring bigyan ng blanket authority ang Firm kung kailan at papaano at sa anong pagkakataon ito dapat simulan at maganap. Kaya, ito ay dapat mapasailalim sa ibang agreement/pagbibigay ng authority ng Lalawigan sa Firm.
8. Walang garantiya. Ang dokumento ay maraming beses na nagsasaad na hindi nagbibigay ng guarantee ang Firm kundi ang ibinibigay nito ay mga opinyon lamang. Ano ngayon ang pananagutan ng Firm sa mga isasagawa nito na mapapatunayang prejudicial sa interes ng Lalawigan na sanhi ng kanilang failed professional judgment? Ano ang kanilang accountability? Kundi ang oportunidad lamang na ma-terminate sila with cause na kung saan makatatanggap pa rin sila ng kabayaran?
9. Magkano ba ang dating halaga na nagasta na? Ito ay dapat malaman at stipulated… di pwedeng hula lamang at isaad lamang na “it is the sole and only agreement of the parties and supersedes any prior written or oral understandings or agreements between parties”. Kayat bawat detalye ay dapat nakasulat sa kontrata at matanggap ng mga partido. Ang mga detalye ng halaga ng serbisyo ni Scott at DM na isinama na sa dokumento ay dapat munang ipaalam at matanggap ng lalawigan.
Sa pagsali ng LOLG (Canadian law firm) bilang local counsel ay hindi dapat automatic. Ang Lalawigan ay dapat maging bahagi ng selection process sa pagpili ng law firm na magrerepresenta dito sa Canada at tiyakin na hindi ito nag-abogado para sa Barrick/Placer Dome at/o alinman sa mga subsidiaries nito. Ang DM ay dapat magpakita ng pruweba na sila ay kumunsulta at nagbigay ng patas na oportunidad sa iba pang law firms. Ang profile ng LOLG gayun din ang track record at nahawakang mga kaso na may kinalaman sa defendants ay dapat iprisinta/isumite sa lalawigan para maisaalang-alang.
Isinuka na ng bayan makailang-ulit ang mga abogadong Amerikano at mga ginawa nilang paghawak sa kaso sa Nevada, US. Bakit kaya iginigiit ng ilang nakaupo sa katungkulan sa pangunguna ni Gov. Reyes? |
11. Sa pagsali ni Scott. Dapat ay labas na siya sa kaso “without prejudice” sa kabayarang dapat mapunta sa kanya para sa dati niyang ginawa.
12. On Warranty. Karamihan kung di man lahat ng mga provision sa “Client’s Representations and Warranties” ay dapat munang liwanagin dahil napaka-mapanganib para igarantiya ng Lalawigan. Kung may maging kamalian sa mga ginagarantiyahan ng Lalawigan, maaari itong maging dahilan ng Withdrawal of the Firm or Termination Without Cause at maging dahilan ng pagdedemanda sa Lalawigan.
On V.2, Ang Lalawigan ng Marinduque ba talaga ay may “exclusive right”? Ano ang implikasyon nito sa mga kasong naihain na ng iba pang mga partido, lalo na ang mga kasong ni-recognize na ng PGM at ng law firm sa dating naisagawang mediation process. Kayat alam ng Lalawigan na may mga ganitong kaso.
On V.3., Magiging mas tumpak para sa Lalawigan na tiyakin muna na walang Notice or Approval of Third Party ang talagang kakailanganin.
On V.3., Ang katiyakan na walang counterclaim ng alinman sa mga Defendants ang magaganap ay hindi magagarantiyahan.
13. On Covenants and Agreements (VB). Ang mga ito ay hindi katanggap-tanggap. Halos lahat ng mga stipulations na gagarantiyahan ay prejudicial sa interes ng Lalawigan, at magiging labas na sa control ng Lalawigan kung isasaalang-alang ang mga proseso ng gobyerno at democratic/representative nature ng Gobyerno ng Pilipinas. V.B.3. ay maaring tukuyin bilang tangkang pagpapatahimik hindi lamang sa Lalawigan kundi maging sa mga stakeholders.
V.B.b. Dapat baguhin ang pananalita dito na ang ibig sabihin ay magsisimula lamang ang proseso ng negosasyon para sa settlement kung may offer at matibay na posibilidad na may makuhang claim na hindi bababa sa $300M.
V.B.e. na nagsasabi tungkol sa settlement na mas mababa pa sa $75M ay hindi dapat banggitin, hindi naaayon sa iba pang mga probisyon at dapat alisin.
Sitwasyon sa Brgy. Booboc kung saan dumadaloy ang isang ilog na permanente nang namatay ng walang kalaban-laban dahil sa lason na galing sa minahan |
On determination of Cost. Ano ang magiging papel ng Lalawigan? Ano ang Procedure? Paano ang pag-monitor? Ano ang magiging standard rate? Ang control ng Lalawigan para tiyakin na ang provision for cost ay hindi aabusuhin? Ang Cost ay walang identified ceiling/limit. Dapat ito ay maayos na nakasulat para matiyak na ang Lalawigan ay hindi maiwanan na napakaliit lamang ang net proceeds. Ang Cost ng previous engagement with Scott and DM tungkol sa kasong isinampa sa Nevada na dapat i-recognize at isama sa bagong dokumento ay dapat munang i-scrutinize, i-audit at i-apruba ng Lalawigan at dapat nakalahad ng detalyado sa bagong dokumento. Hindi ito dapat maging bukas sa iba pang interpretasyon dahil ang dokumento ay nagsasabing it supersedes even previous verbal agreement. Ang financial provisions ng dokumento kasama na ang katotohanan na ang Lalawigan ay may little say lamang sa halaga ng acceptable settlement ay nangangahulugan na ang Lalawigan ay maaaring maiwan ‘with very little’. Ang mga lawyers’ billing fees and costs ay isasama (maaaring balikan pa ang Nevada case) ngunit ang Lalawigan ay mababayaran lamang ng 55% ng kung ano man ang matira pagkatapos noon – at maaaring napakaliit na nito.
14. On Firm’s representation on matters related to the Province’s claim. “anywhere in the world”, ay dapat ituwid dahil hindi kailanman ito naging intention ng lalawigan noong 2005 kung isasaalang-alang ang konteksto ng panahong iyon. Katawatawa na kung ang Lalawigan ay magdesisyon na ituloy ang kaso sa Philippine courts, ay kakailanganin pa rin na gamitin ang DM sa ganoon ding mga kondisyones. Ang particular na probisyon na ito ay lalo pang naglalagay sa Lalawigan sa isang napaka-lopsided position. Matibay ang pakiramdam namin na ito ay isang mas masahol, mas restrictive at hindi balanseng kontrata kaysa sa dating kontrata. May kadahilanan kung bakit gusto nilang palitan ang dating kontrata at ito’y tila sa kagustuhan na bigyan ang mga abogado ng mas unfettered decision at mas marami pang mga karapatan, habang matinding restrictions naman sa ahensya ng Lalawigan.
15. Waiver of State Immunity. Dapat isipin ng Lalawigan ang probisyon na ito ng maraming beses at seryosohing mabuti sa tulong ng legal experts dahil binubuksan nito ang Lalawigan at/o ang mga opisyales/mga kinatawan sa posibilidad na kasuhan sila sa kasalukuyan o sa darating na panahon. Paragraph B of XII ay nagpapahintulot din sa future execution against assets of the Province in the present and in the future resulting from waiver of its rights.
16. On the Private and Commercial (Not Public) Nature of the Agreement. VII.C. of the document mentioned “that the Province irrevocably and unconditionally acknowledges that the execution, delivery and performance of this agreement constitute PRIVATE AND COMMERCIAL (and not public act) of the province”.
Ano ang mga implikasyon nito samantalang ang Client ay isang Government Institution/Local Government Unit at ang mga Opisyales nito ay nakikipagkasundo sa Firm/pumipirma ng mga dokumento bilang mga kinatawan ng mga mamamayan, ang sinasakupan nito – ang PUBLIKO. Dapat isaalang-alang na ang mga opisyales ng bayan bilang mga kinatawan ng taumbayan ay nanumpa ng Oath of Office kayat nasasailalim ng Civil Service Laws, Code of Conduct and Standards of Public Officials and Employees, bukod pa sa iba. Ang Konstitusyon mismo ay nagsasaad na sila bilang mga namumuno ay may pananagutan sa bayan.
17. On “XIV. Your Independent Determination as to Fairness and Reasonability”. Ang Lalawigan ay sinisiguro na “the Province had ample opportunity to review the Agreement independently and to the extent that the Province has chosen to do so, reviewed the Agreement with a separate law firm.” Dapat munang gawin ito ng Lalawigan bago ito mag-warrant. Ang ilang araw lamang para pag-aralan ang mga mahahalagang dokumentong ito ay hindi maaaring sabihing sapat na panahon para makapag-desisyon. Pag-susuri ng independent firm na katanggap-tanggap sa stakeholders ay marapat gawin at ang resulta ng pag-aaral ay ilahad sa mga stakeholders para sa impormadong partisipasyon at desisyon.
(May kasunod)