Friday, November 23, 2018

Aprubado sa third reading ang Energy Virtual One-Stop-Shop (EVOSS)


Si Cong. Lord Allan Velasco bilang chairperson ng House Committee on Energy

 
Inaprubahan sa third reading sa Mababang Kapulungan ang Energy Virtual One-Stop-Shop (EVOSS Bill), o House Bill No. 8147.


Ang Pilipinas sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ay naglalayong maging isang high middle income economy pagdating ng 2022.

Sa inaasahang pagtaas ng economic activities ay inaasahan din ang pagtaas ng pangangailangan sa enerhiya. Dahilan dito, higit na mahalaga na maakit ang mga power generation developers pati na rin ang pagpapabilis sa konstruksyon ng mga power plants sa bansa.

Napag-alaman na daan-daang pirma ang kinakailangan at dose-dosenang mga permits mula sa iba’t-ibang mga tanggapan ng pamahalaan para lamang ang mga energy resource investors ay makapagpagawa ng power plants, isang bagay na nakakapigil sa mga power generation companies na mag-invest sa Pilipinas.

Bilang chairperson ng House Committee on Energy at co-author ng bill, nasabi ni Velasco na “Gusto naming i-streamline ang napakahabang proseso ng pagbibigay ng mga permit, at bawasan ang gastos ng mga generation companies para makapagsimula silang mamuhunan sa bansa, at ito’y magpapababa rin sa generation charges bilang resulta ng bumabang cost of doing business.”

Inihayag ni Velasco ang kanyang pasasalamat at sinabing inaasahan din niya na ito’y magiging batas sa madaling panahon para mabiyayaan ang electric consumers sa buong bansa.

A wind power project in Ilocos Norte

On Nov 20, 2018, the House of Representatives approved on Third Reading House Bill No. 8147 or The Energy Virtual One-Stop-Shop Bill (or “EVOSS bill”).

The Philippines, under the administration of President Rodrigo Roa Duterte, aims to become a high middle income economy by 2022. The expected increase in economic activity entails an increase in energy demand. As such, it is important to attract power generation developers, as well as fast-track the construction of power plants. However, it has been observed that it takes hundreds of signatures and dozens of permits from different government offices for energy resource investors who want to put up power plants, thus discouraging many power generation companies to invest in the Philippines.

Cong. Lord Allan Velasco, chairperson of the House Committee on Energy, as well as co-author of this bill, worked for its passage with the aim of addressing the situation “ We want to streamline the lengthy permitting process and reduce the cost of doing business for generation companies, which in turn would encourage competition by attracting more power generation companies to invest in the country, and would indirectly reduce generation charges as a result of reduced cost of business.”

Cong. Velasco expresses his sincere gratitude, and says he expects the said bill to be passed into law shortly for the benefit of Filipino electricity consumers nationwide.