Monday, March 18, 2019

Sad tale of two blue rivers in Boac and Mogpog (Marinduque); Run for a Cause for Environmental Justice


Bahagi ng ilog na asul na kontaminado ng acid mine drainage (AMD) na umaagos sa Hinulugang Amerikano Falls, sa may Puting Buhangin, Boac.
Larawan ni John Oliver Hermosa

Dito dumadaloy ang tubig na nagmumula sa Bol River (Sta. Cruz) na bahagi ng minahan. Dito rin tumatagas sa araw at gabi ang AMD na nagmumula sa iba pang dams ng Marcopper.  Hindi ito naging bahagi ng Boac River mine tailings disaster sa may Hinapulan noong 1996. Mapanganib.




Ilog sa bahagi ng Bocboc, Mogpog. Umaagos ang acid mine drainage, Marso 2019.
Kuha ni Richard Nardo
Karaniwan na ang ganitong tanawin sa ilog ng Bocboc (Mogpog).
Kuha ni Richard Nardo.

Mula noong 1993 nang bumigay ang Maguilaguila siltation dam ng Marcopper ay namatay na ang Mogpog River. Nanatiling naging lingid sa kaalaman ng mga Marindukenyo ang totoong nangyari. Tikom ang bibig ng mga dapat manguna.

Lumaganap lamang ang katotohanan noong 1996, dahil sa nangyaring sakuna sa Boac River.
At nananatiling mapanganib ang Dam at Ilog.


May isang RUN FOR A CAUSE at isang Banal na Misa na gaganapin para gunitain ang 23rd MARCOPPER MINE TAILINGS SPILL sa Boac River. 
Ang Theme: SAMA-SAMANG PAGTAKBO 2019 para sa KATARUNGAN ng KALIKASAN NATIN.

When : March 24, 2019
Where : Boac Covered Court 
Time : 7 A.M. (Mass and assembly)

Registration : Adult P 20.00 Youth P 10.00


SUMALI AT MAKIALAM !!!