Friday, April 5, 2019

Discovered!: Naglahong kabayanan sa Marinduque at ang unang Jesuit martyr sa Pilipinas

Detalye ng mapa ng Marinduque ni Murillo Velarde mula sa kanyang mapa ng 'Philipinas', 1734

Isang malaking palaisipan talaga para sa sino mang kahit papaano ay nahirati sa mga usaping pangkasaysayan dito sa ating bukod-tanging islang Marinduque na mabatid ang ganito. Noong panahon pala ng mga Kastila ay may isang munting kabayanang naisulat sa lumang kasaysayan subalit ito ay napaglimutan na.

Sa pangkasaysayang aklat, The Philippine Islands, 1493-1898, Volume XLIV, 1700-1736 (Blair & Robertson) ay nabanggit ang lugar na ito, gayun din sa Historia de la provincial de Philipinas de la Compania de Jesus (Pedro Murillo Velarde). 

Sa maraming lumang panulat namang may kinalaman sa geography ay naisama na rin ito. May mga maiikling pagtukoy sa nasabing lugar ang mababasa sa A New Universal Gazetteer: Or Geographical Dictionary (Jedidiah Morse, Richard Cary Morse), Memorias sobre las Observaciones astronomicas, Vol. 2 (Josef Espinosa y Tello), The Nautical Magazine and Naval Chronicle for 1869, at iba pa.

Sa mga sinaunang imperpektong mapa man ay hindi rin ito nakaligtaang ipakita ang ngayo'y di na natin kilalang lugar pero talagang markado noon. Pangunahin ang itinuturing na ‘Mother of Philippine Maps’, ang Mapa de las Yslas Philipinas ni Pedro Murillo Velarde at ang marami pang sumunod pa sa naumpisahan ni Velarde.

Old Map ng Marinduque ni Vandermaelen. Di nakaligtaan ang 'P. Mahanguin'

Unti-unti namang mabibigyan ng liwanag kung nasaan sa mundo ang kabayanang ito sa pamamagitan ng grid coordinates bagamat iba-iba pa rin ang nasusulat. May mga kadahilanan naman. Mabibigyan lamang tayo ng ideya kung saang banda ito pero di naman magkatugma ang mga pini-pinpoint nila. By design kaya?


Ang Manila-Acapulco trade route ay tila kailangang humalik
muna sa southern Marinduque.

Una kong nabasa ang tungkol sa Mahanguin sa The Philippine Islands, 1493-1898, Volume XLIV, 1700-1736. Bagamat napakaikli ng nabanggit tungkol dito:

[Fol. 22:] The island of Malindig--named thus on account of a high mountain that is in it, and which the Spaniards call Marinduque—is more than forty leguas from Manila, extends north and south, and is in the course which is taken by the galleons on the Nueva España trade-route… and in the year 1622 this island was transferred to the Society by his illustrious Lordship Don Fray Miguel Garzia Serrano, the archbishop of Manila… and desirous that his sheep should have the spiritual nourishment that is necessary for their souls--for it was exceedingly difficult for him always to find a secular priest to station there, on account of the distance from Manila…

The Society gladly overcame these difficulties for the sake of the spiritual fruit which could be gathered among those Indians; and our ministers, applying themselves to the cultivation [of that field], went about among those rugged mountains--from which they brought out some heathens, and others who were Christians, but who were living like heathen, without any spiritual direction. They baptized the heathens and instructed the Christians; and, in order that the results might be permanent, Ours gradually settled them in villages which they formed; there are three of these, Bovac, Santa Cruz, and Gasan, and formerly there was a visita in Mahanguin.

“Formerly there was a visita in Mahanguin”. Di yata natin alam iyun kung saan sa Isla de Marinduque ito makikita.

Hindi na ngayon.

MAHANGUIN

Ang mapa ni Murillo Velardo ay nariyan lamang para sa mga interesado at makikita doon kaagad na napaka-prominente ng pagkasulat niya ng mga letra ng pangalang ‘Mahanguin’ sa isla Marinduque. Kahit kitang-kita ay tila di naman kailanman nabigyan ng kaukulang pansin ang bagay na ito sa kasalukuyang panahon.

Sa kung nasaan ito kung gustong puntahan, hindi naman pare-pareho ang pagsasalarawan ng mga may akda ng mga panulat. Higit sa lahat, ang pangalan ay tila matagal nang tinangay ng misteryosong hangin sa karimlan. Higit sa isang century na itong nabura sa mapa. At wala nang taga-Mahanguin na nakatatanda nito.

Southern Marinduque. Google map

Location
“Mahanguin, the S. extremity of the island of Marindugera (sic). Lon. 121(deg) 51’E. Lat. 13(deg)16’N.” (A New Universal Gazetteer: Or Geographical Dictionary by Jedidiah Morse, Richard Cary Morse)'
Sa Memorias sobre las Observaciones astronomicas, Vol. 2 (Josef Espinosa y Tello) naman ay nakatala:
Isla MarinduqueExtremo N ……………………..........13 45 00 128 6 30
Idem S. o punta Mahanguin……..............13 7 00   128 21 30

Pansinin na may idinagdag naman na ‘punta’ kadikit ng ‘Mahanguin’. Punta, point, tip, dulo.

Sa isang panulat naman ay 'Port Mahanguin' (port, harbor, pier, daungan) ang binabanggit. Kaya may daungan din dun para sa mga barko:

Maranduque (sic) is a large island with a very lofty peak on its southern extremity, which is barren, rugged, and rocky, to the waters’ edge, - a detached rock south of it... The Vineges are three small islands westward of Port Mahanguin, they stand much further from the land than as marked on the chart.  (The Nautical Magazine and Naval Chronicle for 1869, a Journal of Papers on Subjects).


(German) Asia, Sammlung von Denkschriften in Beziehung auf die Geo-und Hydrographie dieses Erdtheils (Heinrich Karl W. Berghaus). May sariling detalye tungkol sa Punta Mahanguin at southern Marinduque.
Alalahanin na hindi pa perpekto ang kanilang mga mapa noon. Ganun pa man, culturally important ang mga ito, kapareho rin ng ibang panulat na walang mapa, pero may mga nakatalang detalye.

Ang Tres Reyes Islands halimbawa sa ilang panulat ay tinawag na 'The Vineges'. Ito raw tatlong pulo ay nasa bandang kanluran daw ito ng daungang Mahanguin. Kung pagsasama-samahin naman natin ang mga datos, ikumpara sa isat-isa, ang Mahanguin na nasa southern extremity ay napupunta minsan sa kaliwa, gitna at minsan ay sa gawing kanan ng mapa. Pero magkatugma lahat na ito ay nasa southern Marinduque. (Tulad ng makikita sa mga mapa dito).

1734. Detail of Murillo Velarde map with Mahanguin,
also called 'The Holy Grail of Philippine Cartography'
1744. May pagbabago. Maaari ring mas nauna ito. Another Murillo Velarde map

1760. Map with Mahanguin, 


1899. Map of US Coast and Geological Survey.
Napalitan na ang ilang mga pangalan. Tuluyang nawala ang Mahanguin.


1903 (US). Rand McNally map. Mahanguin no more

Ganito naman ang nakasaaad sa isa pa at may kakaiba: 
“S. Cape Mahanguin” naman:

“S. Cape Mahanguin, S. extremity of the island of Marindugera (sic), Lon. 121.51. E. Lat. 13.16.N.” (Geographical Dictionary, Or Universal Gazetteer: Ancient and Modern (Joseph Emerson Worcester, Flagg and Gould, 1817)

Cape: In geography, a cape is a headland or a promontory of large size extending into a body of water, usually the sea. A cape usually represents a marked change in trend of the coastline which makes them prone to natural forms of erosion, mainly tidal actions.

Lumang kabayanan ng Mahanguin
Hindi naman nalalayo ang aktuwal na geography ng southern Marinduque sa depinisyon ng ‘cape’. Di baga’t sa katimugang Marinduque nakahimlay ang matarik na Mt. Malindig at ang malawak na ibabang bahagi nito pa-dagat ang sumasakop sa mga baybayin ng mga kilala natin ngayon bilang mga barangay Tungib-Lipata hanggang Dampulan at katabi pang lugar; na may mga bangin, paliko-liko at hindi pare-pareho ang taas at mayroon ding malalawak na bahagi sa ibaba na parang dila patungong dagat. May mahabang bahagi rin ng naglalakihang mga batong tiyak na ibinuga at gumulong mula sa sumabog na Bulkang Malindig. Walang nakatalang kasaysayan kung kailan ito naganap.

Mahanguin: Southern extremity of the island of Marinduque

Kaya’t ang kalawakan at kahabaan ng southern Marinduque ang tinatawag nila noong Mahanguin. At sa patunay ng mga naninirahan, mahangin talaga sa kanila, baka pwede pa ngang subukan ang wind power.

Alalahanin din na lumitaw ang Mahanguin sa panahon ng Manila-Acapulco Trade tulad ng nabanggit sa itaas. Doon mismo sa parteng iyon ang daanan o ruta ng lahat ng mga galleon na bumibiyahe noon. Pinakamalapit na bahagi pa ito ng Marinduque na kanilang madaraanan sa paglalayag o makikita o daungan marahil kung kinakailangan.

Ano naman kaya ang mga naganap sa Mahanguin? Sino kaya ang mga pari at mga personalidad na nagkaroon ng kaugnayan sa lugar na ito?

Ang paring gumawa ng ‘ina ng lahat ng mga mapa ng Pilipinas’ ang siya ring sumulat ng Historia de la provincial de Philipinas de la Compania de Jesus, si Padre Pedro Murillo Velarde kung saan nabanggit din niya ang Mahanguin. Mauunawaan natin tuloy kung bakit prominente ang palaisipang lugar sa kanyang mapa. Marami siyang nalalaman.

Panulat pa rin ni Murillo Velarde

Isinulat ni Murillo Velarde sa kanyang wika (sa Historia de la provincial de Philipinas de la Compania de Jesus, Pedro Murillo Velarde):
Por esto D. Fr. Miguel Garzia Serrano Arzobispo de Manila, lo llevo a la visita de su Arzobipo, y trestificaba, su talent,su zelo, y su infatigable aplicacion al Confesonario: fue Ministro en Maragondong, y en Marinduque, donde fucedio ai venerable Martyr Juan de las Misas, hizo Misiones en Bondoc, y en Mindoro con gran provecho de los Gentiles, y Christianos, en que padecio grandes incomodidades. Era tan humilde, y amigo de trabajar, que siendo estudiante Theologo, iba varias vezes a ayudar a la Cozina, y a amasar el pan, y otros oficios humildes.
Sa tulong muna ng imperpekto ring Google Translate ay subukan nating isalin ang nakasulat. Iyon ang kaagad mababasa kasunod nito. Baka sakaling matulungan naman tayo bukas-bukas ng sino mang may magandang loob na pari sa ating bayan, mahusay sila sa 'habla Espanol tambien', para maituwid at maitama ng husto ang pagsasalin para sa ganap na unawa.
(For this reason, Fr. Miguel Garzia Serrano, Archbishop of Manila, took him for a visit to his Archbishop, and testified to his talent, his zeal, and his tireless commitment to the Confessional: he was Minister in Maragondong, and in Marinduque where he went, Venerable Martyr Juan de las Misas, did Missions in Bondoc, and in Mindoro with great benefit of the Gentiles, and Christians, in which he suffered great discomforts. He was so humble, and a friend to work with, that being a Theology student, he went several times to help in the kitchen, and to knead the bread, and other humble trades).
Serrano, Misas, Gentiles, Christians
Ituloy natin:
Siendo Ministro en Maragondong, ayudaba a la obra, cargando la piedra, y trabajando con los Indios: se semeraba en la pobreza, en la obediencia, y en la caridad, de que dio varios exemplos:
Estando en Mahanguin, un furioso baguio derribo la Casa, en que vivia el Padre, pasose a otra de un Indio, derribola tambien, conque se quedo en la calle, donde lecogio toda la inclemencia, frio, y agua del baguio, que penetrandole hasta los huesos, le rindio enteramente. Hizo, que de llebasen a la Cabezera, donde tuvo el del Consuelo de no aver Padre, que le diese los Sacramentos: pero Dios por medio de una rara casualidad, de pasar por alli un Clerigo de Zebu, dispuso, que los Ecibiese, y sosiego. Y aun se solpecho, que un Indio le avia dado veneno, irritado, porque el Padre solicitaba el bien de su alma.
Mahanguin binagyo pala, nagiba ang bahay ni Misas at iba pang mga bahay hanggang tila naging basang sisiw at ang lamig ay tagos sa buto ng pobreng padre.

(When he was Minister in Maragondong, he helped with the work, carrying the stone, and working with the Indians: he was semantic in poverty, in obedience, and in charity, of which he gave several examples:
Being in Mahanguin, a furious typhoon demolished the House, in which the Father lived, went to another of an Indian, but it was knocked down as well, so he stayed in the street, where he caught all the inclemency, cold, and rain of the bagyo, which penetrated him up to the bones, he entirely surrendered. He made them go to the Cabezera, where he had the Consolation of no Father (?), to give him the Sacraments: but God by means of a rare chance, to pass through there a Clerigo of Zebu, arranged…. And I still shudder, that an Indian gave him poison, irritated, because the Father requested what is good for his soul (?)

Tila ang dating ay nilason ang kawawang padre base sa nakasulat dito ng kanya pang kakampi? Maliliwanagan din natin. Pero sa unang bahagi ng panulat ni Murillo ay tinawag niyang ‘venerable martyr’ si Padre Juan de las Misas. May isa pang salaysay tungkol sa isa pang kalunos-lunos na kaganapan at dito po ay maliwanag na binawian ng buhay ang banal na padre sa isang marahas at madugong pangyayari.
Maikling kasaysayan ni Juan de las Misas.
Si Murillo Velarde pa rin ang source. Mababasa sa 

Diccionario histórico de la Compañía de Jesús: Infante de Santiago-Piatkiewicz

By Charles E. O'Neill

Ganito ang nakasaad tungkol kay Misas:

MISAS, Juan de las. Misionero, victim de la violencia.
N. 1593, Mexico; m. 4/17 octubre 1625, en el mar, cerca de Mindoro, Filipinas.
E. 18 mayo 1609, Manila, Filipinas; o antes de 1620.

Estudio en el colegio San Jose antes de entrar en el noviciado San Pedro de Manila. Por su mala salud, no pudo dares de lleno a los estudios, y por el momento fue enviado a la residencia de Antipolo. A los sietemeses mejoro lo suficente como para acabar la teologia y ordenarse, aunque sin tener nuna Buena salud. Dominaba el tagalo y su genio affable le ganaba la voluntad de la gente. En 1620, trabajaba en la mission de Naujan, en Mindoro. A la vuelta de predicar a los tagalos de la isla de Marinduque en la fiesta de san Francisco, una nave de camucones de las islas cercanas a Borneo se les acerco a su barca. Estos, al enterarse de que habia un sacerdote a bordo, dispararon contra ellos y mataron a M. Despues, se apoderaron de embarcacion y se Ensenaron con el cadaver y lo decapitaron. Ademas, atacaron los pueblos costeros, matando a muchos, y profanando Iglesias y ornamentos liturgicos.

Pagsasalin sa English:

MISAS, Juan de las. Missionary, victim of violence
Born in 1593, Mexico; Died 4/17 October 1625, at sea, near Mindoro, Philippines. (32 years old)
Arrived May 18, 1609, Manila, Philippines; or before 1620.

Studied at the San Jose school before entering the San Pedro de Manila as a novitiate. Due to his bad health, he could not give full time to the studies, and for the moment he was sent to a residence in Antipolo. After seven months of sufficient improvement, he went on to finish the theology and was ordained, although without having any good health. He was proficient in the Tagalog and his affable genius won the goodwill of the people. In 1620, he worked at the mission of Naujan, in Mindoro. 

Upon returning from preaching to the Tagalogs of the island of Marinduque on the feast of St. Francis, a ship of Camucones from the islands near Borneo approached their boat. When they heard that there was a priest on board, they fired on them and killed Misas. Afterwards, they seized the boat and went to the corpse and beheaded him. In addition, they attacked the coastal towns, killing many, and desecrating churches and liturgical ornaments.

Beheading of Longhino
Pinaslang ng mga Camucones ang mabuting pari at pinugutan ng ulo na parang si Longhino. Inatake rin ang iba pang mga kabayanan sa tabi ng dagat, marami pa ang napaslang at winasak pa ang mga simbahan at mga ornamentong pang-misa.

400 years na ang nakaraan, pero hindi pa rin naman nawala sa ibang lugar sa loob at labas ng Pilipinas ang ganoong uri ng karahasan.

Mula sa History of the Jesuits in the Philippines III A Brief Sketch (Thomas B. Cannon, SJ):
“MARINDUQUE MARTYR. On Oct. 4th 1625, Fr. Juan de las Misas, a Mexican, was martyred in Marinduque by Moros from the south. He had studied at San Jose.”
Karamihan sa mga paring Kastila noon ay talagang sa Mexico pa nanggaling na nasa ilalim din ng pananakop ng Espanya. Kamakailan lamang ay iginiit ng gobyerno ng Mexico na humingi ng paumanhin ang Espanya sa mga karahasan at pagyurak ng dangal na ginawa sa kanilang mga katutubo/lumad ng panahong nagdaan. Sa pagkakataong ito ay isang Kastila naman ang nabiktima ng mga tulisang dagat mula sa timog (Camucones ang tawag sa kanila).

Unang martir sa Pilipinas na paring Jesuita!

Tanong ngayon: Dahil naganap ito sa mga unang taon ng kanilang misyon para palaganapin ang Kristianismo, si Juan de las Misas kaya o “John of the Masses” ang pinakaunang  martir na paring Jesuita sa Pilipinas?

Iyon ang maliwanag at positibong nakasaad sa sumusunod. (Nasa footnote* ang translation):

“Hubo martires en las Islas Visayas y en la de Moros. En aquellas fue el primero el mejicano padre Juan de las Misas (+ Marinduque, 1624); le siguio el calaritato Juan Domingo Aressu (+ Cabalian 1645); el ano 1649 hallaron la muerte en la isla de Samar el siciliano Vicenzo Damiani y al aragones Miguel Ponce. El ultimo martir jesuita de los visayas fue el catalan Esteban Jaume (castellanizado en Jayme), asesinado en la isla de Negros en 1659.” 
Paano na ngayon?
Napakalayo na ng narating ng pananampalataya ng mga Marinduqueno sa isla mula ng itinatag ang unang ‘visita’ noong 1580, isinuko ng mga Franciscans ang pamamahala sa isla kay Archbishop Miguel Garcia Serrano 1613, at ipagkatiwala naman sa Society of Jesus ang isla noong 1621.  

Kahit pa napaglimutan na ang visita sa Mahanguin, gayun din sa alaala ng mga sinapit ng unang martyr na Jesuita sa bansa, si Juan de las Misas, 1625, sa kamay ng mga pirata sa karagatan, mahalagang maalala ito bilang bahagi pa rin ng ating makulay na kasaysayan at pananampalataya

Kung marami pang mga manuskritong nabaon na rin sa mga aklatan pero makakalap pa, baka may sapat na batayan para mas kilalanin si Misas, (sa pamamagitan ng pilgrimage ng mga mananampalataya o pilgims mula sa kanila tulad ng kay Padre Diego de Saura na gusto nilang gawing santo pero di naman naging martir, historical marker o monumento bilang permanenteng alaala). 

Tuloy baka magmilagro pa ang kapuri-puring si Padre Juan kapag may humiling.

Ang lokasyon ng Mahanguin ang isa sa, kung hindi man ito na ang pinaka-magandang tanawin sa ating lalawigan. Naroon ito sa paanan mismo ng maalamat na Mt. Malindig. Nadayo na sa huling dalawang dekada ng libo-libong turista mula sa ibat-ibang panig ng mundo kahit pa ito ay tinaguriang “off the beaten track” pa noong mid 90s hanggang sumapit ang bagong siglo.

Ngayon naman ay kongkreto na ang mahabang daan, di na mapanganib tulad ng dati. Unti-unti na naman itong pinupuntahan bilang pasyalan kahit pa sarado na ang isang dating sikat na resort doon.


Ano pa kaya ang makikita sa kabayanang ito maliban sa magaganda at kakaibang mga tanawin? May mga labi pa kaya ng kahapon na natitira pa at matatagpuan saan mang sulok nito? Sa aking ginawang pagpasyal noong nakaraang linggo, may nakalap akong mga kwento na tila doon ang pinupuntahan. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataong mag-explore dahil kumagat na ang dilim.

Part of Mahanguin. Southern coast below. Photo: TravelingUp
Baka sakaling maging hamon naman ito sa mga mananaliksik, mahiligin sa kwento ng nakalipas, mga mag-aaral, mga mananampalataya, mga explorers, mga manlilikha at mga tagapagtaguyod ng turismo at ating kalikasan.

Kayat makakabuting ikaw naman!

(*"There were martyrs in the Visayas Islands and in the Moors. Among those was the first Mexican father Juan de las Misas (+ Marinduque, 1624); he was followed by the calaritato Juan Domingo Aressu (+ Cabalian 1645); In 1649 the Sicilian Vicenzo Damiani and the Aragonese Miguel Ponce were killed on the island of Samar. The last Jesuit martyr of the Visayas was the Catalan Esteban Jaume (Castilianized in Jayme), murdered on the island of Negros in 1659.")