Monday, August 31, 2020

House body OKs February 21 as Araw ng Marinduque

 

Rep. Velasco also made the announcement during the recent unveiling ceremonies of Bantayog-Wika for Tagalog Marindukenyo.

Marinduque Rep. Lord Allan Velasco on Wednesday welcomed the approval of his bill by the House committee on local government declaring February 21 as Araw ng Marinduque, calling it a recognition of the colorful history of the province and its people.

Under House Bill (HB) 6552, which Velasco sponsored, the commemoration of the founding anniversary of the Province of Marinduque, considered the “Heart of the Philippines” and home of the Moriones festival (Moryonan) will be declared a special nonworking holiday to allow the Marinduquenos to celebrate the occasion.

“The foundation day of a province is a reminder to the local community about the long standing culture and tradition of the province,” Velasco said. “The festivities that accompany the celebration are part of the Filipino culture. They boost the morale of our people and forge a stronger bond among the local population.”

In his proposed legislation, Velasco noted the “ambivalent history” of Marinduque before it could finally call itself “The Province of Marinduque”.

For decades since the 1500s during the Spanish regime, Marinduque had been made part of Laguna, Mindoro, Batangas and Quezon.

Along with Mindoro, on the southeast portion of Laguna and Camarines, Marinduque was made a part of Batangas when it was founded in 1581 by the Spaniards.

It also became part of Mindoro in the early 1700s.

On April 28, 1898, Marinduque separated from Mindoro and from Spanish rule.

It was ratified by the ruling class from different towns of the island province.

Martin Lardizabal, the military governor of Marinduque’s first revolutionary provincial government led the local struggle.

On May 1, 1901, Marinduque finally became a new province by virtue of Philippine Commission Act No. 125. Its status as a province was shortlived after it was annexed to the Province of Tayabas (now Quezon) by virtue of Act No. 499 on November 10, 1902.

Five years later, Marinduque was declared a sub-province of Tayabas under Act No. 1649 with Juan Nieva as lieutenant governor.

Finally, on February 21, 1920, Act No. 2880 reestablished the Province of Marinduque as a separate and independent province from Tayabas.

This article first appeared on Journal Online

The Spirits of Andres Bonifacio and Hermenegildo Flores, the forgotten Marinduque Hero


"Andres Bonifacio" by Raymond C. Kawataki Go of Boac, Marinduque was the Grand Prize Winner of the Bonifacio Centennial Art Competition (1997). It hangs in the wall of the Bonifacio Trial House in Maragondon, Cavite.

The Tagalog poet Hermenegildo Flores who spent the last years of his life as the leader of the revolutionary struggle in Marinduque during the Filipino-Spanish War wrote the poem, “Hibik ng Filipinas sa Inang Espana” prior to his involvement in the Marinduque struggle

The said poem elicited a poetic response from Marcelo H. del Pilar (“Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas”), and eventually from Andres Bonifacio (“Katapusang Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya”).

The final Bonifacio poem of this historic poetic triad has been described as “the climactic moment to the history of Tagalog poetry during the 19th century” (Mabangio).

Flores, the Marinduque Hero

Flores led the first direct assault on the Spanish quarters at Casa Real of Sta. Cruz, Marinduque on March 4, 1897. But it was a short-lived victory. 

He was eventually captured together with his comrades and incarcerated at the Casa Real in Boac. He was executed as a prisoner of war on October 10, 1897. Slain by the Spanish leader Fresnede after an attempt by the revolutionists from Mogpog to free him and his comrades including Remigio Medina, the leader from Torrijos. 

The daring attempt to free the prisoners was timed during the procession of the venerated image of Virgen Santo Rosario. 

Five months earlier on May 10, 1897, Andres Bonifacio met his death together with his brother Ciriaco in the mountains of Maragondon, Cavite on orders of Emilio Aguinaldo. 

On October 10, 1897, it was the killing of Hermenegildo and his comrade Remigio, in the hands of the Spaniards, their corpses burned at the Boac River bed.  


Bonifacio Trial House in Maragondon, Cavite










"Andres Bonifacio" by Carlos Botong Francisco










Katapusang Hibik Ng Pilipinas 

Tula ni Andres Bonifacio


Sumikat na, Ina sa sinisilangan
Ang araw ng poot ng Katagalugan,
Tatlong daang taong aming iningatan
sa dagat ng dusa ng karalitaan.

Walang isinuway kaming iyong anak
sa bagyong masasal ng dalita't hirap,
Iisa ang puso nitong Pilipinas
at ikaw ay di na Ina naming lahat.

Sa kapuwa Ina'y wala kang kaparis
Ang layaw ng anak: dalita't pasakit;
pag nagpatirapang sa iyo'y humibik, 

lunas na gamot mo ay kasakit-sakit.

Gapusing mahigpit ang mga Tagalog;
hinain sa sikad, kulata at suntok
makinahi't ibiting parang isang hayop
ito baga, Ina, ang iyong pag-irog?

Ipabilanggo mo't sa dagat itapon
barilin, lasunin, nang kami'y malipol.
sa aming Tagalog, ito baga'y hatol
Inang mahabagin, sa lahat ng kampon.

Aming tinitiis hanggang sa mamatay
bangkay nang mistula'y ayaw pang tigilan,
kaya kung ihulog sa mga libingan,
linsad na ang buto't lumuray ang laman.

Wala nang namamana itong Pilipinas
na layaw sa Ina kundi pawang hirap
tiis ay pasulong, patente'y nagkalat
recargo't impuwesto'y nagsala-salabat.

Sari-saring silo sa ami'y inisip
kasabay ng utos na tutuparing pilit
may sa alumbrado bayad kami'y tikis
kahit isang ilaw ay walang masilip.

Ang lupa at buhay na tinatahanan
bukid at tubigang kalawak-lawakan
at gayon din pati ng mga halamanan
sa paring Kastila ay binubuwisan.

Bukod pa sa rito'y ang iba't-iba pa
huwag nang saysayin, O Inang Espanya
sunod kaming lahat hanggang may hininga
Tagalog di'y siyang minamasama pa.

Ikaw nga, O Inang pabaya't sukaban
kami'y di na iyo saan man humanggan
ihanda mo, Ina, ang paglilibingan
sa mawawakawak na maraming bangkay.

Sa sangmaliwanag ngayon ay sasabog
ang barila't kanyong katulad ay kulog
ang sigwang masasal sa dugong aagos
ng kanilang bala na magpapamook.

Di na kailangan sa Espanya ang awa
ng mga Tagalog, O Inang kuhila
paraiso namin ang kami't mapuksa
langit mo naman kung kami'y madusta.

Paalam na Ina, itong Pilipinas,
paalam na Ina, itong nasa hirap,
paalam, paalam, Inang walang habag,
paalam na ngayon, katapusang tawag.


Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya
Tula ni Hermenegildo Flores


Inang mapag-ampon, Espanyang marilag,
nasaan ang iyong pagtingin sa anak?
akong iyong bunsong abang Pilipinas
tingni't sa dalita’y di na makaiwas.

Ang mga anak kong sa iyo’y gumigiliw,
sa pagmamalasakit ng dahil sa akin;
ngayo’y inuusig at di pagitawin
ng mga prayleng kaaway mong lihim.

Sa bawat nasa mong kagaling-galingan,
ayaw ng prayleng ako’y makinabang,
sa mga anak ko’y ang ibig lamang
isip ay bulagin, ang bibig ay takpan.

Nang di maisigaw ang santong matuwid
na laban sa madla nilang ninanais
palibhasa'y wala silang iniisip
kundi ang yumaman at magdaya ng dibdib.

Sa pagpapalago ng kanilang yaman
bendita't bendisyon lamang ang puhunan,
induluhensiya't iba't ibang bahay
ng mga sagrado naman ang kalakal.

Sapagkat anumang bilhin sa kanila,
kaya namamahal, dahil sa bendita,
kahit anong gawin pag may halong kanta
ay higit sa pagod ang hininging upa.

Ibig ng simbaha't kumbentong marikit
organo't kampana aranyang nagsabit;
damasko't iba pa, datapwa't pawis
ng bayan kukunin, mahirap mang kahit.

Ani sa asyenda't kita sa simbahan
sa minsang mapasok sa mga sisidlan
ng mga kumbento'y di na malilitaw
kaya naghihirap, balang masakupan.

Ang dulo'y marami sa mga anak ko
ang di makabayad sa mga impuwesto
sa gayong katataas ng mga rekargo
pagka't kailangan naman ng estado.

Sa bagay na iyan, ang mga mahirap
na walang pagkunan ng dapat ibayad,
sa takot sa Sibil, aalis ngang agad,
iiwan ang baya't tutunguhi'y gubat.

Dito pipigain naman ang maiiwan,
na di makalayo sa loob ng bayan,
siyang pipiliting magbayad ng utang
kahima't wala ng sukat na pagkunan.

Maghanapbuhay ma'y anong makikita
wala nang salapi, ibayad ang iba
pagkat naubos nang hititin ng kura
sa pamamagitan ng piyesta't iba pa.

Sa limit ng mga piyesta't mga kasayahan
ay walang ginhawang napala ang bayan
kundi ang maubos ang pinagsikapang
sa buhay ng tao'y lalong kailangan.

Ang kapalaluang paggugol ng pilak
nang dahil sa pyesta ay di nag-aakyat
sa langit, kundi ang santong pagliyag
ng puso ang siya lamang hinahanap.

Niyong ang ating Amang hindi madadaya
sa inam ng pyesta at lagi ang ganda,
sapagkat ang ating gawang masasama
ay di mangyayaring bayaran ng tuwa.

Ibigin ang Diyos nang higit sa lahat
at ito ang siyang lalong nararapat
ngunit ang prayle'y walang hinahangad
kungdi magpalalo't ang baya'y maghirap.

Ang pangako nila sa mga anak ko
ay magbigay lamang sa mga kumbento
ng kuwalta'y sa langit naman patutungo
at ligtas sa madlang panganib sa mundo.

Saka sasabihing ang kanilang aral
ay utos ni Kristong dapat na igalang
bago hindi'y gayo't kauna-unahang
lumalabag sila sa Poong Maykapal.

Ang mga anak ko'y turuan nga lamang
ng bala-balaking dapat matutuhan
kahima't maubos ang lahat ng yaman
kikilanlin ko pang darakilang utang.

Dapwa'y sa akin daya at pag-api
ang siyang nakayang pawang iginanti,
kaya hanggang ngayon sa ikabubuti
ng kalagayan ko'y wala pang masabi.

Gayunmay'y ako pa ang siyang masama
kung aking idaing yaring pagkaaba,
sarisaring dusa nama'y nagbabala
sa balang dumamay sa aking pagluha.

Yamang may hustisyang hindi humihibik
kung dili sa balang ayon sa matuwid
sa di natutulog na awa ng langit
ipauubaya yaring pagkaamis.

Ngunit hindi kaya ngatngatin ng pula
ng ibang potensya sa balat ng lupa
ang kamahalan mo kung mapag-unawang
sa anak ay inang tunay ang dumusta?

Hanggang dito ina't ang bahala'y ikaw
dangal mo'y tanghalin ng sansinukuban
ang pagkakasundo ng lahat mong kawal
ay lumagi nawa sa kapayapaan.


Noong taong 1872 ay pinatay sa garote sina Padre Gomez, Burgos at Zamora at nagkaroon ng pag-aalsa sa Cavite.  Ito ang naging simula ng matatawag na panahon ng pagbabago at paghihimagsik sa ating kasaysayan.  Itinuring na isa sa mga matatapang at magiting na manunulat ng panahong iyon ay si Hermenegildo Flores, ang nalimutang Bayani ng Marinduque.

Pinasinayaan ang Bantayog-Wika para sa Tagalog Marindukenyo noong Agosto 26, 2020. Ito ay bilang bahagi ng Sentenaryo ng Marinduque at kasabay ng Buwan ng Wika. Nakasulat sa Bantayog ang bahagi ng tula ni Andres Bonifacio, "Pag-ibig sa Tinubuang Lupa". Ang blogger na siyang tumayong tagapangasiwa sa programa ay makikita sa larawan. Inaasahan din na pagdating ng panahon may karapat-dapat na marker para sa mga lokal na bayani at para higit na malaman ng buong bansa ang naging buhay at kabayanihan ni Hermenegildo Flores.


    Sunday, August 30, 2020

    Sa Pagpapasinaya ng Bantayog-Wika para sa Tagalog Marindukenyo



    Sina Gob. Presbitero J. Velasco, Jr., Bise-Gob. Romulo A. Bacorro, Jr, Kongresista Lord Allan Q. Velasco at Prov. Admin. Vincent Michael Velasco ang nanguna sa pagpapasinaya ng Bantayog-Wika para sa Tagalog Marindukenyo.  
    .

    Matagumpay na naisagawa sa lalawigan ng Marinduque ang pagpapasinaya sa Bantayog-Wika bilang pagkilala sa Tagalog Marindukenyo. Ito ay proyekto ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA), Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa pakikipagtulungan ng tanggapan ng dating Senadora at ngayo'y Kongresista ng Antique, Loren B. Legarda, sa inisyatiba ng Pamahalaang Panlalawigan ng Marinduque sa pamumuno ni Gobernador Presbitero J. Velasco, Jr.

    Ang pagpapasinaya na ginanap noong Miyerkules, Agosto 26, 2020, ika 8:00 ng umaga sa Liwasan ng Kapitolyo ay bahagi pa rin ng paggunita sa Sentenaryo ng Marinduque mula Pebrero 21, 2020 hanggang Pebrero 20, 2021.


    Nagbigay ng pambungad na pananalita at pagtanggap sa mga panauhin si provincial administrator, Vincent Michael Q. Velasco. Ibinahagi ni PA Velasco na isang makabuluhang karagdagan ang Bantayog-Wika sa mga di-materyal na pangkulturang pamana na ating mga ninuno, bilang dagdag pa aniya sa "Moryonan, Tubong o Putong, Kalutang, mga Kapistahan at ngayon ay ang kamalayan, pagkilala, at halaga ng ating katutubong wika".
           

           Ang Pambansang Awit ng Pilipinas ay masiglang tinugtog ng Banda de Mogpog



    Naging tampok ang grupong ng mga mang-aawit na I Baritoni, kinabibilangan nina Ronnel Mauzar, Jezreel Mangui at Joseleo Logdat. Sila ang umawit ng Panalangin (Prayer) at Marindukeng Minamahal, isang orihinal na komposisyon nina Dominic S. Saet at Zeus Ivy Paguntalan ng Maestrong Benito Selva Learning Center ng Gasan, Marinduque.


    Dahil hindi makadalo ang mga taga-KWF dala ng travel restrictions dulot ng kasalukuyang pandemya, ang kanilang mensahe ay binasa sa publiko ni Gng. Florie M. Regencia, Education Program Supervisor - Filipino mula sa DepEd.  

    Ipinaalam ng KWF na 19 na Bantayog-Wika sa buong Filipinas mulang Batanes hanggang Tawi-Tawi ang naitayo. Kasalukuyang gumagawa ang Komisyon ng paraan, aniya upang mabigyang akses ang lahat sa mga naitatag nang Bantayog-Wika lalo’t higit sa panahong hindi tayo maaaring lumabas ng ating mga tahanan.

    Ipinarating ng Tagapangulo ng KWF, Dr. Arthur Casanova ang pasasalamat sa Pamahalaang Panlalawigan ng Marinduque sa pamumuno ni Gobernador Velasco para sa inisyatiba na magkaroon ng sariling Bantayog-Wika ang Tagalog-Marinduque.



    Si dating Punong-Bayan ng Mogpog, Senen M. Livelo, Jr., na kilala bilang historyador ng bayan at tagapagsulong ng Kulturang Marindukenyo ang naglahad ng mensahe mula sa NCCA Punong Tagapagpaganap Al Ryan Alejandre.

    Bahagi ng kanyang mensahe: "Sa pagkakataong ito, magsasamasama tayo sa probinsiya ng Marinduque upang pasinayaan ang Bantayog-Wika para sa wikang Tagalog ng mga taga-Marinduque, o sa salitang lokal, Marindukenyo.

    "Kasabay ng kanilang selebrasyon ng sentenaryo ngayong taon, ang Bantayog-Wika na ito ay kumikilala sa natatanging wika na bahagi ng makulay na kasaysayan at kultura ng Marinduque.

    "Nawa'y magsilbing sagisag ang Bantayog-Wika na ito hindi lamang sa patuloy na pagtataguyod ng ating kultura ngunit maging isang paanyaya upang palalimin pa ang kaalaman ng bawat Filipino pagdating sa mga katutubong wika ng bansa."


    Binasa naman nina G. Rolando Larracas, Senior Administrative Assistant III ang teksto ng isa sa tatlong marker tungkol sa Bantayog-Wika ng Marinduque. 

    Bahagi ng tekstong ito ang sumusunod: "Naiiba ang Tagalog ng Lalawigang Marinduque (na tinatawag ding Marindukenyo) sa iba pang Tagalog dahil sa pagkakabukod ng isla ng Marinduque sa Luzon. Mapapansin sa wikang sinasalita sa silangang bahagi nito ang impluwensiya ng mga nanahan na Bisaya at Bikolano sa lugar."

    "Ang Marindukenyo ay inilalarawan bilang "ugat na pinagmulan ng makabagong porma ng wika", (Cecilio Lopez, 1923), na sinasabing kakikitaan ng mga sinaunang katangian ng wikang Tagalog."

    Binigyang pansin din sa marker ng Bantayog-Wika ang tradisyon ng tubong o putong. Ayon sa marker ang mga salitang ginagamit sa ritwal na ito ay kinapapalooban ng mga sinaunang Tagalog at itinuturing na sagrado.



    Ang teksto ng iba pang marker ay binasa naman ni Bokal John Pelaez ng Unang DIstrito. Ito aniya, ay sumasagisag sa halaga ng mga wikang katutubo bilang baul ng yaman ng katutubong kaalaman, halagahan, gawi, tradisyon, at kasaysayan ng mga Filipino. Kasama sa kanyang binasa ang mga nasa likod ng makasaysayang proyekto.

    Binasa rin ni Pelaez ang teksto ng ikatlong marker kung saan naroon ang ilang taludtod mula sa tulang Pag-ibig sa Tinubuang Bayan ni Gat Andres Bonifacio. 




    Ang Bantayog ay dinisenyo ng bantog na eskultor na si Luis Yee, Jr. o "Junyee" sa art circles. Si Junyee ang nanalo sa isang pambansang kompetisyon sa disenyo ng Bantayog-Wika. 

    Ito ay may taas na 10-talampakan, pintadong stainless steel bamboo kung saan naroon ang mga linya mula sa tula ni Gat Andres Bonifacio na ang mga titik ay nasa katutubong Baybayin. Ito ang sinaunang writing system sa Luzon at ibat-ibang bahagi ng bansa kasama na ang islang Marinduque.


    Ibinahagi naman ni Bise-Gobernador Romulo A. Bacorro, Jr. ang mga unang pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa ilalim ng ibat-ibang pangulo na sa panahon ni Pangulong Fidel V. Ramos ay ganap na binigyang halaga ang pagdiriwang at ginawang Buwan ng Wika. 

    Kaagapay ang Sangguniang-Panlalawigan sa pagsasabantayog ng wikang Tagalog Marindukenyo, kasama na ang pagpapasa ng mga kaukulang resolusyon na naglalayong ihinto at ipinag-utos na ihinto ang mga kalituhang ipinakalat sa isang  kolehiyo sa pamamagitan ng pagtawag sa wikang Marindukenyo ng ibang likhang salita (coined word), bagamat walang seryosong pag-aaral ito ni basehan sa kasaysayan.


    Nagbigay din ng kaniyang mensahe SI Kongresista Lord Allan Q. Velasco. Sa simula ng kanyang talumpati ibinalita ng kongresista na naipasa na noong nakaraang araw ang kanyang House Bill 6552 na naglalayong ideklara ang ika-21 ng Pebrero ng bawat taon bilang "Araw ng Marinduque", na isang special nonworking holiday para ito maipagdiwang ng mga Marindukenyo. 

    Umaasa ang kongkresista na sa tulong ng Senado at ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay madali nang maisasabatas ang "Araw ng Marinduque".

    Ayon sa kongresista, "Ang wika, tulad ng mga halaman at puno, ay umuunlad at lumalago kapag ito ay inaalagaan at minamahal. Nawa'y higit pa nating pag-ibayuhin ang ating mga gawain at magbuhos ng panahon upang linangin ang ating wika." 

    "Atin pong itanghal sa buong mundo na dito sa Puso ng Pilipinas, ang mga Marinduqueno ay may pagmamahal sa wika at kailanma'y hindi mababahiran ng lansa ng bilasang isda," dagdag ng kongresista. 


    Sa kaniyang talumpati masiglang pinasalamatan ni Gob. Velasco (nasa itaas), ang mga lingguwistang tulad nina Rosa Pelaez Soberano at Christopher Sundita na ang kanilang isinagawang pag-aaral tungkol sa Tagalog Marindukenyo ay higit na nagbigay-liwanag tungkol sa naging impuwensa ng mga nanahan na mga taga karatig-lugar na mga Bisaya at Bikolano, maging ang impliuwensya ng mga Asi ng Romblon. 

    Binigyang diin ng Gobernador na "noong nakaraang pagdiriwang naman ng International Mother Language Day, Pebrero 21, nagkataon na kasabay pa ito ng pagdiriwang ng Sentenaryo ng Marinduque, ayon sa UNESCO, ang pinakamakapangyarihang kasangkapan para mapangalagaan at paunlarin pa ang mga material at di-materyal na pamanang pangkultura."  ("Languages are the most powerful instruments of preserving and developing our tangible and intangible heritage.")

    Pinapurihan din ng punong-lalawigan ang obra ng eskultor na si Junyee Yee, Jr.











    Bago magsimula ang programa, pag-uusap ng blogger bilang tagapangasiwa, at ng mga tagapagtukoy na sina Ms. Mayda Lagran at G. Abet Faundo para sa maayos na daloy ng programa.

    Photo credits to Zelo J Salvacion, Cyril Manguera and Eli J Obligacion.

    Friday, August 28, 2020

    FLORES-DEL PILAR-BONIFACIO. Mapagpalayang wikang Tagalog. Nalimot nang Bayani ng Marinduque

     


    Si Hermenegildo Flores ay kaliga nina Marcelo H. del Pilar at Andres Bonifacio bilang mga makata na sukdulan ang pagmamahal sa bayan. Silang tatlo ay nagkaroon ng katangi-tanging ugnayan sa pamamagitan ng trilohiya (trilogy) ng mga tula na nagpapahayag ng mga sentimyento mula sa konsepto ng repormismo hanggang sa paghihiwalay ng Pilipinas sa Espanya. Lumitaw ang trilogy na ito sa huling dekada ng ika-19 na siglo.

    Si Flores, bayani ng Marinduque, ang sumulat ng una sa trilohiyang ito sa TAGALOG noong 1888. Ito ang “’HIBIK NG FILIPINAS SA INANG ESPANYA”.

    Ang “Hibik” ay binubuo ng 66 quatrains (mga saknong), kung saan ang makata ay nagsasalita bilang isang pinahihirapan na anak na babae at nagbubuhos ng kanyang pangunahing karaingan sa Inang Espanya – tulad ng mga pang-aabuso ng mga prayle, ng mga pari!

    (Ang anak na babae ay ganito ang bahagi ng reklamo):

    "Sa bawat kapaki-pakinabang mo, ayaw ng prayleng ako'y makinabang, sa mga anak ko ay ibig lang isip ay bulagin, ang butas ay takpan ".

    (At tinukoy niya):

    "Sa pag-unlad ng kanilang yaman bendita't bendisyon lamang ang puhunan, induluhensiya't iba't ibang bahay ng mga sagrado naman ang kalakal ".


    Si Flores ay isang propagandista na may ginampanang papel din sa buhay ni Marcelo H. del Pilar, ang nangunguna sa mga propagandistang Pilipino noong panahong iyon.

    Si Flores pala ay "dating guro at kapwa propagandista", ni Del Pilar. (Tagalog Poetry, 1870-1898: Tradisyon at mga Impluwensya sa Pag-unlad nito, ni Bienvenido Lumbera).

    Sinagot ni Del Pilar ang tula ni Flores sa “Sagot ng Espana sa Hibik ng Pilipinas” (1889). Mas mahaba at may 82 quatrains.



    Ang nagtatag ng Katipunan, si GAT ANDRES BONIFACIO ay sumulat din ng kanyang kasagutan sa FLORES-DEL PILAR COMPANION POEMS!

    Ito ang “Katapusang Hibik nang Pilipinas sa Ynang Espana” na tinawag na “the climactic moment to the history of Tagalog poetry during the 19th century”.

    Sa tula ni Bonifacio, ang terms of endearment na ginamit sa mga tula nina Flores at Del Pilar ay hindi na ginamit. Ang Espanya ay tinurang “Inang pabaya’t sukaban” at “Inang walang habag”.


    Alam mo bang may marker sa Liwasan ng Kalayaan sa Casa Real ng Boac tungkol kay Flores? Nabanggit lamang doon ang pagpaslang sa kanya sa Casa Real. Subalit ang pamumuno niya sa Himagsikan dito noong panahon ng Kastila, at tungkol sa kanyang tula at kung paanong kinaladkad ang kanyang bangkay sa may ilog Boac, sinunog at hindi binenditahan, ay hindi nabanggit.

    Ang iba pang detalye tungkol kay Flores na sinaliksik sa loob ng maraming taon ni Eli J Obligacion ay makikita sa link sa ibaba at iba pang mga link sa Marinduque Rising blog, tungkol sa ating tunay na bayani.

    Ito na ngayon ang ginagamit na source ng mga mananaliksik tungkol kay Flores


    Also read:

    Hermenegildo Flores, Rebolusyonaryong Bayaning Filipino

    Kasaysayan ng 1 de Noviembre St. sa Boac, Marinduque

    Ngayong Araw sa Kasaysayan ng Boac: 10 de Octubre 1897

    Throwback: 1 de Noviembre 1897, Boac, Marinduque

    Hermenegildo Flores, Forgotten Hero from Bulacan to Marinduque

    Ressurecting Hermenegildo Flores

    'Mis Lagrimas a Ti', Kapitan Bindoy

    Remembering Bonifacio: The spirit of Hermenegildo Flores isn't far behind

    Casa Real of Boac





    Tuesday, August 25, 2020

    "Tagalog mandin". Bantayog-Wika for Marinduque

     

    Workers cover the monument to be unveiled on Wednesday, August 26 at 8:00 am at the Capitol Grounds.


    When asked about what language do Marinduqueños speak, the answer would be: "Tagalog mandin" (Tagalog indeed).

    Tagalog is one of the major languages in the Philippines; it is spoken by about one third of the country's population. In 1937, it was chosen as the basis for the national language. Tagalog has eight major regional dialects listed in Ethnologue, which include Bataan, Batangas, Bulacan, Lubang, Manila, Tanay-Paete, Tayabas and Marinduque.

    Marinduque is part of the Tagalog region, but it's speech is not easily understood by speakers from the Manila area. In Rosa Soberano's The Dialects of Marinduque Tagalog (1980), the language is divided into two dialects: the Western and Eastern Marinduque Tagalog. The Western dialect is spoken in Western Marinduque, which comprises the coastal towns of Gasan and Buenavista, the capital town of Boac and it's adjacent town on the north, Mogpog. The Eastern dialect is spoken in Eastern Marinduque, which comprises the highland towns and barrios of Santa Cruz and Torrijos. She also noted that “The Tagalog dialects of Marinduque are more similar to each other than they are to Manila Tagalog. When a native of Marinduque speaks, another native listener can readily tell the dialect area from which the speaker hails. His speech is marked by a characteristic intonation, the presence or absence of non-phrase-final glottal stop, a few items of different vocabulary and morphological structures. On the other hand , when a speaker of Manila Tagalog hears Marinduque Tagalog for the first time, he will notice the same variation in phonology as has been recognized by a native speaker of Marinduque Tagalog but more differences between their vocabulary and morphological forms. Apparently, many handy terms, such as dayag (wash dishes), muuk (wake up late), labun (boil bananas, corn or root crops), have not found their way in current Tagalog dictionaries".

    Furthermore, according to Cecilio Lopez (1925), Father of Philippine Linguistics: "When listening to a conversation between people belonging to the speech-group here in question, a native from the country around Manila is likely to receive the impression that Boak Tagalog is simpler, more imperfect form of his own, more highly developed speech. We should not forget, however, that although they have followed a different development, such provincial forms of speech have been originally the roots, or among the roots, from which modern national forms have sprung, and that in them may, therefore, be found remnants of the more archaic speech of our forefathers, remnants long forgotten by our modern parlance but nevertheless of great interest to the linguist".

    Soon a Bantayog-Wika monument in Marinduque, an initiative of the Provincial Government, Komisyon sa Wikang Filipino and the National Commission for Culture and the Arts (NCCA) has been constructed, in recognition of Marinduque Tagalog, the language from which our modern national forms have sprung and from where remnants of ancient Tagalog forms can be found.

    Text by    Sigfredo D. Paala | NM MRAMSO

    Mababasa sa Bantayog-Wika ang bahagi ng tula ni Gat Andres Bonifacio sa Baybayin. Ito ay naiilawan sa gabi.