Monday, October 19, 2020

Mabuting alamin pa! Virgin coconut oil bilang antiviral agent laban sa COVID-19 ayon sa research


 

Ayon sa mga eksperimentong isinagawa, lumitaw ang ebidensya na ang virgin coconut oil ay may kakayahang talunin ang new coronavirus disease o COVID-19.

“May mga alternatibong solusyon pa rin laban sa COVID-19 bukod sa mga bakuna. Bagaman kailangan ng karagdagang pagsisiyasat bago pa makabuo ng isang posibleng pag-iwas o pagpipiliang paggamot, hangarin naming bigyan ang mga Pilipino ng pag-asa sa pamamagitan ng aming patuloy na mga isinasagawang lokal na pananaliksik", ito ang pahayag ni Science Secretary Fortunato de la Peña sa isang pahayag.

Makaraan ang anim na buwang pag-eksperimento, nakita sa mga resulta na ang mga compound mula sa langis ng niyog at virdin coconut oil o VCO, na madaling magagamit na mga produkto sa Pilipinas, ay may kakayahang magbawas ng bilang ng coronavirus mula 60 hanggang 90 porsyento sa low viral load.

Natuklasan din ng mga mananaliksik na ang mga compound ay may kakayahang mapabuti ang cell survival.

Gayunpaman, maraming mga eksperimento pa ang kinakailangan upang matukoy kung ang mas mataas na konsentrasyon ng mga compound na ito ay mas makakapagbawas pa ng replication rate of the virus.

"Ang mga resulta ay napaka-promising, dahil hindi lamang ipinapakita na ang VCO, sa pamamagitan ng kanyang sarili, ay maaaring sirain ang virus, ngunit mayroon din itong mekanismo sa pagkontrol ng immune response laban sa COVID-19. Sa katunayan, inaasahan namin ang mga resulta ng mga clinical trials sa iba't ibang paggamit ng VCO bilang isang karagdagan para sa paggamot ng COVID-19", ayon kay Dr. Jaime Montoya, executive director ng Philippine Council for Health Research and Development.

Pinondohan ng Department of Science and Technology, ang pananaliksik na pinangunahan ni Dr. Fabian Dayrit ng Ateneo de Manila University ay nagsagawa ng pagsisiyasat kung ang coconut oil compounds ay epektibong agents upang maiwasan o mabawasan ang COVID-19 infections, kasunod ng mga ulat mula sa mga nakaraang pananaliksik na ang mga VCO compound ay epektibo rin sa pagpatay ng iba pang mga virus.

 

Mula sa mga ulat.