TUNGKOL SA ATAS: EO No. 42-2020
Pabatid mula kay Gov. Presby Velasco:
May halong kalungkutan ko po na pinababatid sa inyong lahat
na tayo po ay kailangan magpatupad ng bagong Atas Tagapagpaganap (EO) sa
paglalakbay papasok sa ating probinsya mula sa araw na ito hanggang Enero 31,
2021.
Ito po ay ang Executive Order No. 42-2020 sasaklaw sa bagong
alintuntunin ng “Travel Restrictions” sa Probinsiya ng Marinduque. Ito po ay
alinsunod sa karagdagang pag-iingat ng ating Presidenteng Rodrigo Roa Duterte
sa bisa ng rekomendasyon ng Department of Health (DoH).
Bukod po sa kamakailan na bagong variants (iba-iba) ang
SARS-COV-2 (B.1.1.7), nadagdagan po ito ng 501Y mula sa bansang South Africa.
Kaya tayo po ay magpapatupad ng karagdagang kahigpitan tulad ng hindi
pagpapasok ng mga nagnanais umuwi sa ating probinsya na galing sa mga bansang
kasama sa talaan ng Inter-Agency Task Force (ITAF) o mahigpit na pagpapatupad
ng 14-day quaratine at iba pa. Ito po ay napapasailalim sa IATF-MEID Resolution
No. 92 at DOH Memo No. 2020-0540, maliban sa mga residente ng Marinduque na
mananatili ng permanente.
Hangad ko po ang inyong pang-unawa upang lubusan
maprotektahan ang ating probinsya at mamamayan sa pandemya na nananatiling
salot sa buong mundo.
Narito po ang mga bansang kasama sa talaan ng IATF: United
Kingdom, Ireland, Japan, Australia, Israel, The Netherlands, Hong Kong (SAR),
Switzerland, France, Germany, Iceland, Italy, Lebanon, Singapore, Sweden, South
Korea, South Africa, Canada, Spain, Portugal, India, Finland, Norway, Jordan,
Brazil, Austria, United States of America (USA) at Denmark.
Dalangin ko po ang kaligtasan ng lahat. God bless us all. 🙏 - FB Gov. Presby Velasco