Wednesday, February 17, 2016

Kasaysayan ng mapanlinlang na utang at kinalaman nito sa eleksiyon

Madali kitang makalimot ay, kaya balikan natin at paala-ala lemeng sa mga nakaraang kaganapan...


AUGUST to OCTOBER 2012 - Dahil sa pabago-bagong resolusyon ng Sangguniang Panlalawigan ng Marinduque, lumitaw na walang maliwanag na ideya ang SP kung magkano ang pinupuntiryang uutangin sa bangko at wala ring ideya kung saan nila ibig gastahin ito. 

Unang kapasyahan ay P300M, binawasan at ginawang P250M, at sa huli ay ginawang P150M (para raw sa pagpapagawa ng airport runway, P100M; at para sa farm-to-market roads ay P50M). 

Binigyang diin ng Gobernadora na kailangan daw ipagawa ang airport runway na responsibilidad naman at pinondohan na ng DOTC at CAAP. September 12, 2012 ay kinumpirma na sa sulat ng DOTC kay Cong. Velasco ang nakalaang pondo. Iginiit naman ng gobernadora na kapitolyo ang magpapagawa at sisingilin na lamang ang DOTC, taliwas sa sinusunod na mga patakaran ng pamahalaan.

Nagpasa ng Resolution No. 2012-12 Oct. 20, 2012 ang MARINDUQUE MOVERS bilang pagtuligsa at paglaban sa hakbangin ng kapitolyo para mangutang dahil sa nabanggit na mga kadahilanan. Sinusugan naman ito ng Sangguniang Bayan ng Boac na nagpasa rin ng resolusyon para hadlangan din ito.

Para bigyang diin ang panlilinlang na ginagawa sa taumbayan, inihayag ng Marinduque Movers ang sadyang hindi pagsunod sa mga patakaran ng SP, tulad ng hindi pagpapaalam sa minority group. Anang Movers: "it was not discussed nor presented formally as the proponent has not submitted any financial feasibility study and program of works for the proposed projects, and, most notably without the endorsement of the Treasurer, Accountant, PPDO, and most importantly the Provincial Development Council, and its approval was allegedly railroaded.” 

Dagdag pa nito: “the flip-flopping SP Resolutions only show how the proponent of the loan has no clear idea on the exact amount they need and it follows that they do not have, again, a clear idea on what projects are to be undertaken”.




FEBRUARY 2013: Tumahimik muna ang kapitolyo, subalit tatlong buwan bago dumating ang Eleksyon 2013, biglang binuhay na naman ang gustong gawing pangungutang.

Dahil bistado na kung saan talaga gustong gamitin ang utang, nagsampa ng injunction case sa Marinduque RTC ang Marinduque Movers laban sa provincial government at Philippine National Bank (PNB). Iminungkahi at pinayagan ng Korte na isama ang mga mayor ng Sta. Cruz, Boac, Gasan at Buenavista bilang mga nagrereklamo rin, o plaintiffs. Pumirma rin ang 1,465 referendum petitioners na lumaban sa pakau ng kapitolyo.

Binansagan ng abogado ng Movers, Atty. Benjo Buenviaje, ang pangungutang na isang masamang hakbang "sinister (evil) measure". 

At tila nanahimik muli ang provincial government.




FEBRUARY 2014: Pormal na humiling sa SP ang Gobernadora ng Marinduque na bigyan siya ng awtoridad na makipag-negotiate sa Land Bank of the Philippines (Landbank) para mangutang ng P500M naman.

Umalma naman ang Sangguniang Panlalawigan. Sa kanilang pag-aaral na pormal na nakasaad sa kanilang Joint Committee Report No. 21-2014 petsa May 14, 2014, ay bahagi ng kanilang sinabi ang ganito:

- Ang gustong utangin ay P 500-million, pero kapag isinuma-total ang paglalaanan ay may discrepancy kaagad na P 50-million (P 250-M sa farm-to-market roads/provincial roads; P 75-M para sa heavy equipment; P 50-million para sa waterworks; P 75-M para sa other priority projects like sports complex at tourism - Total P 450-M).

Ilan pa rin sa dapat pansinin na bahagi ng nasabing Joint Committee Report ay ang sumusunod:

- Base sa report ng provincial engineer, ang isang kilometro ng konkretong daan ay magkakahalaga ng P 6-million; kinumpirma ng engineer ang pangangailangan sa heavy equipment para sa pagpapagawa at maintenance ng mga kalsada. 

- May nakalaan nang P 77-million para sa infrastructure development mula sa 20% Developmet Fund-Annual Investment Program pero ayon sa provincial engineer, ang P14-million na nakalaan para sa PEO ay hindi ginagamit dahil si Honorable Congresswoman Gina Reyes ay naka-secure na ng funding assistance mula sa national government na nagkakahalaga ng P 214-million para sa pagpapagawa ng farm-to-market roads.

Ito ang eksaktong nakasaad sa nabanggit na Report tungkol dito:


The Provincial Government has allocated a total of P 77-Million for infrastructure development under the 20% Development Fund - Annual Investment Program. Out of this according to the Provincial Engineer, only P 14-Million were under the Provincial Engineering Office, and this amount is not being utilized since the Honorable Congresswoman Gina Reyes has secured funding assistance from the National Government amounting to P 214 Million which will be used for the construction of Farm-to-Market roads.

Ang laman ng Joint Committee Report na nabanggit ay pormal na inadopt ng SP sa Resolution No. 318 Series 2014 (May 14, 2014).

Sa hindi malamang dahilan, nasundan ito ng matagal at misteryosong katahimikan.

OCTOBER 2015: Bumulaga ang bagong panggulat! Proposed loan na naman pero luto na. Sumusunod ang bahagi ng aking blog noong October 14, 2015, na ang titulo ay 'Marinduque racing for resurrection of pre-election P 300-M loan; missing funds?':
Isinasagawa na naman ngayon nang mabilisan matapos ang matagal na pananahimik, ang panibagong pangungutang ng P 300-Milyon ng Kapitolyo ng Marinduque sa Development Bank of the Philippines (DBP) naman. (Dahil sumablay yung sa PNB at Landbank na naunang mga target).
Sa isang pulitikal na pamiting sa Sta. Cruz kamakailan, may kinalaman sa parating na eleksyon at dinaluhan ng mga barangay captains ay panay ang pagbibida ng isang opisyal ng Kapitolyo sa mga Kapitan na aprubado na aniya ng bangko ang halagang P 300-M na uutangin at babayaran ng probinsya sa loob ng 13 taon. 
Tatrabahuhin na lamang ang pagsasaayos ng mga papeles, quiet lang kayo. "Basta may maaasahan na tayo", sabi pa nga raw. 
Naalaala ko tuloy yung isang blog ko noong September 8, 2012:
But are they engaged now in a race at troubleshooting of some sort to legalize their blunders? (Sins?) Of course, there’d be arguments that no official agreement has been signed yet, nothing’s been ratified yet by the SP. But shall we just throw up our hands in frustration, or just simply throw up, and there… they go?
...So they now in fact, and very soon for the rest, will go the rounds of the campaign trail, while we watch them laugh, tickled to the bone for getting away with their sinister deeds. 
Just like a walk in the park, it is, plotting to conduct and promote baluktot na daan, in direct defiance of Pnoy’s ‘tuwid na daan’, towards what is now seen as potentially the craziest, most expensive Marinduque election campaign of all time?
Then, Gov. Carmencita Reyes signed a 10-year P 300-M loan contract with DBP on Oct. 20, 2015, or 12 days after she was ordered suspended for 60 days by Sandiganbayan in relation to her alleged involvement in the P728-million fertilizer fund scam.

The said loan contract was signed in the midst of questions from some SP members like 'what loan is that?', 'where are the necessary pre-loan documents we have requested a long time ago for the customary studies?', etc. etc.

JANUARY 2016: May report mula sa Philippine Daily Inquirer:
A group of taxpayers has asked the Makati Regional Trial Court (RTC) to nullify a P300-million loan deal entered into by the provincial government of Marinduque with the Development Bank of the Philippines (DBP), saying the beneficiary projects have already been funded by national government agencies.
In an 11-page petition filed on Dec. 28 last year in the Makati RTC Branch 145, the group sought the issuance of an injunction order to prevent the release of the fund.
The petitioners included former Marinduque Gov. Aristeo M. Lecaroz; former Mayor Pedrito Nepomuceno of Boac town, Marinduque; retired Philippine National Police chief Recaredo Sarmiento II; Eliseo J. Obligacion and Milton Mendoza.


Dinidinig pa rin ang kasong ito hanggang sa kasalukuyan.

Malalim na pagtatanong, pag-iisip

Napakahaba na po ng listahan ng Commission on Audit (COA) tungkol sa mga anomalyang nagaganap sangkot ang milyon-milyong pisong pondo sa loob ng kapitolyo ng Marinduque nitong mga nakaraang taon. Basahin ditodito, dito at dito.

Panahon na para sa makabuluhang pagtatanong at malalim na pag-iisip ang mga magigiting na mga kababayang Marinduqueno kung dapat pang patagalin ang tila walang humpay at walang katapusang mga anomalya at corrupt practices na ito gamit ang kaban ng bayan.

Aba si FPJ ang nagsabi at nakatatak na rin sa puso ng mga Filipino, higit sa mga Marinduqueno na: "Kapag puno na ang salop, kailangan ng kalusin!"