Tuesday, March 11, 2014

Magkano ang halaga ng mga pinsala ng iresponsableng pagmimina sa Marinduque?


TANTIYANG HALAGA NG MGA PINSALA AT MGA PINAGBATAYAN NG HALAGA NG PINSALA:

Mungkahi ng isang mamamayan sa ginawang konsultasyon ng MaCEC


"...muling ireview ang mga kasong isinampa upang marefresh kung ano ang mga reklamo at kahilingan sa korte"

Narito ang kasagutan.



Singil ng bayan ng Boac na ikinabit sa kasong kriminal laban sa mga opisyal ng Marcopper na nakalagak sa Municipal Trial Court ng Boac kaugnay sa pinsala sa kalikasan noong Marso 1996 at paglalaan ng isang health risk guarantee fund: P 1,234,177,630.00

Isang larawan ng Calancan Bay. Photo: Alex Felipe
Singil ng bayan ng Sta. Cruz na ikinabit sa kasong kriminal laban sa mga opisyal ng Marcopper na nakalagak sa Municipal Trial Court ng Boac kaugnay sa pinsala sa Calancan Bay na may kaakibat ding SB Resolution No. 60-A na may petsang Oktubre 24, 1996: P 500,000,000.00
Mga volunteers ng Mogpog nagsasagawa ng sandbagging
sa Bocboc River
Singil ng ilang mamamayan ng bayan ng Mogpog kaugnay sa sakuna noong Disyembre 6, 1993 sang-ayon sa Kasong Sibil No. 01-10 na nakasampa sa Branch 38, RTC-Marinduque: P 37,448,425.00
Ang 7-kilometrong causeway sa Calancan Bay sanhi ng pagtatapon ng basurang mina deretso sa dagat. Image: Google earth
Singil ng mga mamamayan mula sa paligid ng Lawa ng Calancan sa pinsala sa kanilang kabuhayan at kalusugan sang-ayon sa Kasong Sibil na nakasampa sa Branch 94 ng RTC-Marinduque: P 44,720,000,000.00

Aktuwal na damage compensation na natanggap ng 5,318 claimants mula sa bayan ng Boac para sa taong 1996 kaugnay sa pinsala noong Marso 1996 na binayaran ng Marcopper-Placer: P 38,452,929.61
News clip hinggil sa damage compensation at panggagapang sa
mga barangay para pumirma sila ng QUIT CLAIM.  Headline: 

"GINAGAPANG NAMAN ANG MGA BOAC 
BARANGAY NGAYON!"
Ito ay noong Marso 2004, nanindigan ang bayan sa tama. Ngayon ay Marso 2014, matindi ang hakbang ng ilan para huwag manindigan ang bayan sa matuwid!

Aktuwal na damage compensation na tinanggap / tatanggapin ng 4,225 claimants mula sa bayan ng Boac para sa taong 1997-1998 kaugnay sa pinsala noong Marso 1996 na binayaran/babayaran ng Marcopper-Placer: P 50,548,001.00
Aktuwal na damage compensation na tinanggap / tatanggapin ng 1,017 claimants mula sa bayan ng Mogpog para sa taong 1997-1998 kaugnay sa pinsala noong Marso 1996 na binayaran / babayaran ng Marcopper-Placer: P 13,183,155.00
Isang larawan ng  palayan sa Mogpog na hindi na mapakinabangan
dahil sa pagbaha ng mine tailings
Tantiyang damage compensation na laan para sa pinsala ng 1999, 2000, 2001 para sa mga claimants mula sa bayan ng Boac at Mogpog kaugnay sa pinsala noong Marso 1996 na kinuwenta ng EGF Assessment Team: P 37,500,000.00

KABUUAN (Bilyong Piso):
P 46,631,310,140.61*
- o - 
*Hindi pa kasama rito ang mga hindi binayarang buwis ng Marcopper sa lalawigan ng Marinduque mula ng sila ay magbukas ng minahan hanggang sa kasalukuyan. Ang delinquencies na ito ay bayarin pa rin sa mga munisipalidad at pamahalaang panlalawigan. Hindi pa rin kasama sa batayang ito ang tungkol sa usapin ng nawawalang Escrow Fund noong 2001 na $12-million para sa rehabilitation ng Boac River.

Hindi pa rin kasama rito ang halaga ng pagsasaayos ng mga peligrosong dam sa minahan at iba pang dapat isagawa ayon sa USGS Survey na isa sa naging basehan ng kaso para sa danyos na isinampa sa Estados Unidos.  

Source: PANDARAMBONG SA KALIKASAN, Myke Magalang, Pahina 18

"...kapag kinaltas ang bayad sa abugado na $7 Milyon at iba pang gastos ay tinatayang ang matitira lamang ay P520 milyong piso na kulang pa para sa isang konkretong flood control sa Bocboc sa bayan ng Mogpog.." - MaCEC