Tuesday, March 11, 2014

'Tanggihan!': Ito ang hinaing ng mga Marindukenyo sa inilatag na kondisyon sa Marinduque Govt-Barrick Gold

Jaybee Garganera, National Coordinator, Alyansa Tigil Mina (ATM), Beth Manggol, Marinduque Council for Environmental Concerns (MaCEC) and Gerry Arances, Coordinator, Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ) during a press conference held yesterday in Quezon City
Mga nakasaad sa konsultasyong isinagawa ng MACEC sa mga komunidad


"Ang $20 million settlement offer ng Barrick Gold ay masyadong maliit, hindi ito marapat at lalong hindi makatarungan sa laki ng pinsalang idinulot ng 30 taong iresponsableng pagmimina sa lalawigan"
"Hindi sapat at hindi makakatulong sa mga napinsalang Marinduqueno, mas malaki pa ang pakinabang ng abugado"
"Tuluyan ng mawawalan ng pagkakataong maisagawa ang rehabilitation ng mga naapektuhang kalikasan ng Marinduque"
"Kung magkakaroon ng re-negotiation ay iparating sa Barrick Gold na hindi tayo namamalimos, ang hinahabol natin ay hustisya" 

Sa paggamit ng pondo:
"Bakit hindi pwedeng gamitin sa napinsalang kapaligiran ang pondo samantalang kung hindi sila nagmina sa Marinduque ay hindi masisira ang kapaligiran..."
"Hindi katanggap-tanggap na sila ang magdidikta kung saan gagamitin..."
"Ang mga binabanggit na paggagamitan ay sakop ng regular na pondo ng gobyerno... Paano ang mga dam, open pit at iba pang struktura na nagbibigay ng peligrong maulit muli ang trahedya"
"...bigyang prayoridad ang mga dam at iba pang strukturang nanganganib bumigay kasama na ang paglilinis ng ilog ng Mogpog sapagkat ang basurang mina dito ay kapantay na ng kalsada at mga bahayan na siyang nagbibigay ng mataas na pagkalantad ng mga residente sa panganib ng baha. Ang mawala man lamang ang takot ng mga mamamayan na maulit ang mga trahedya ay isang malaking kabawasan sa mga problemang idinulot ng pagmimina..."




Sa condition and facts to be admitted by the province:
"Hindi katanggap-tanggap at lalong hindi makatarungan ang mga kundisyon at bakit sila ang kailangang magbigay ng kundisyon, tayo na ang naapektuhan, sobrang argabyado ang mga mamamayan sa usapang ito"
"... mahirap tanggapin ang settlement offer na ito na ang kapalit ay tuwirang pagpapabulaan sa mga reklamong isinampa sa korte"
"Kung itutuloy ang negosasyon kasama ng mga kundisyon, tuwirang maapektuhan ang iba pang kaso laban sa mga kumpanyang ito, ang pamahalaan na ba ang mananagot sa mga plaintiffs nito? Kasama din sa mga prayers (Rita Natal, Writ of Kalikasan, etc.) and rehabilitasyon, ang pamahalaan na din ba ang mananagot dito?"
"Hini katanggap-tanggap at hini makatarungan ang mga kundisyon. Kapag tinanggap natin ito ay parang binibili nila ang ating pagkatao. Sayang ang napakatagal na panahon nating ipinaglaban. Bababa ang moral at pagkilala sa karapatan ng mga mamamayan. Magreresulta ito ng kawalan ng kakontentuhan at tiwala na kaya ng pamahalaang ipagtanggol at itaguyod ang karapatan ng mga mamamayan" 
"Kung itutuloy ang negosasyon ay igiit na tanggalin ang mga hindi makatarungang kundisyon. Hindi na mapapabulaanan pa na nagmina ang Marcopper/Placer Dome at ang kanilang 30 taong operasyon ang dahilan ng mga kapinsalaan sa lalawigan"

          "Hindi dapat pinapayagan na insultuhin tayo ng mga minahan na yan"
"Sana maging matalino sa pagdidisisyon ang ating pamahalaang panlalawigan at laging isaalangalang ang kagalingang panlahat ng mamamayan nito""



Sa final settlement option sa kabuuhan:

"Hindi fair ang negosasyong ito dehadong dehado ang pamahalaang panlalawigan, kung totoong nais ng makipagsettle ng Barrick Gold sa Marinduque bakit mayroong hindi katanggap-tanggap na kundisyon, alam nilang matagal na tayong  naghahabol ng hustisya para maisaayos ang mga kabuhayan, ang kalikasan, ang kalusugan..."
"Ginastusan ng pamahalaan ang USGS Survey noong 2004 at ito ang isa sa naging batayan ng pagdedemanda laban sa Marcopper/Placer Dome/Barrick Gold - $100 Million ang kailangan for rehabilitation ibig sabihin kung magkakaroon ng panibagong survey ay higit na mas malaking halaga ang kailangan.
"... sa Canada's Teck Resources ay gumastos sila ng $55 million para lamang sa pag-aaral, at sa actual rehabilitation ng Columbia River ay tinatayang mahigit $ 1 billion ang gagastusin. Nagbayad sila ng multa sa Chile ng $16 million sa isang maliit na problema samantalang sa Marinduque ay 30 taon nilang pininsala...Nagbayad sila ng bagong co-chair ng $17 million noong 2012, at $11.9 million signing bonus, bakit sa Marinduque ay halos ayaw nilang managot sa responsibilidad?"
"Hindi kami pumapayag sa ganitong uri ng settlement ginagawa nitong mangmang ang mga Marinduqueno"


Tailings sa bumulwak sa Boac River

"Tayo na ng ang nadehado sa matagal na panahon at mas masakit na tayo mismo ang magbibigay sa mga kumpanyang ito ng total impunity sa anumang paghahabol hindi lamang ang kasalukuyang epekto pati ang anumang epekto sa hinaharap"

"Kapag nangyari ang hindi katanggap-tanggap na settlement sa Marinduque ay magiging precedent itong gamiting stratehiya ng mga kumpanya sa mga mining related cases sa Pilipinas"

"...muling ireview ang mga kasong isinampa upang marefresh kung ano ang mga reklamo at kahilingan sa korte"

"...iconsider ang mga babayaring buwis (unpaid taxes ng Marcopper) batay sa kuwenta ng mga municipal at provincial treasurer na higit na mas malaki kaysa sa settlement offer"

"Kung igigiit ng Barrick ang alok na di katanggap-tanggap hindi kaya dapat ng itigil ang negosasyon at sama-samang pag-aralan na ituloy na lamang ang kaso, tayo ang nasa panig ng tama at katotohanan, nasa atin ang simpatiya ng buong bansa at ng mga sumusuporta maging sa ibang bansa"