Hindi naman pala bumagyo sa Sangguniang Panlalawigan kaninang hapon (3/22), pero parang may tinamaan ng kidlat!
Matatandaan na nagkaroon na ng desisyon noong nakaraan na mag-imbita ng ibang Canadian law firms kasama ang TJL para sa selection ng magariprisinta sa Lalawigan sa kaso sa Canada.
Bilang matinding pagbalewala sa nasabing desisyon ng Sanggunian, iginiit pa rin ni Allan Nepomuceno na bigyan ng authority ang gobernador para pumirma sa MOA with Diamond McCarthy, Parabellum at LOLG. Nagkaroon ng botohan. DISAPPROVED!
Maliwanag na rejection ng mga nanggagalaiting mga abogadong umabuso sa kabaitan ng mga Marinduqueno.
Ang mga leaders ng MACEC ay matiyagang nagbantay at nakinig sa labas para sa mga kaganapan. Naghiyawan sa tuwa, nagpalakpakan. Maging ang ilang bokal na kumontra ay nakipalakpak na rin.
Bokal John Pelaez kasama si Bokal Amelia 'Mely' Aguirre |
Tumayo naman si Bokal John Pelaez pagkaraan at base sa video naipost sa FB na late ko ng napanood ay ganire ang bahagi ng aking narinig. Tila baga reaksyon sa mga 'kabulaanan' ni Allan Nepomuceno gamit pa ang Radyo Natin (o Radyo Nila?):
',,, he consistently promotes defends and justifies the interests of Diamond McCarthy to the detriment of the people's welfare... in blatant prolonged and unabated fashion'. Meron pang 'abuse of authority', 'conduct prejudicial to the best interest of the service'.
Sa huli ay may narinig akong 'he has lost his moral ascendancy to chair the Committee on Environment'...
Nagkaroon ng botohan. Tinanggal si Nepomuceno sa komite bilang chairman! Hindi ko matandaan kung nagpalakpakan pa ang mga naroon.
Allan Nepomuceno (kanan) kasama si APP Jun Timtiman sa radio interview. 'Kabulaanan' |
Parang KARMIC RETRIBUTION kaya ito'ng masasabi?
Mga leaders ng MACEC na nagbantay, nakinig sa SP session. |
Ilan sa mga komentaryo sa naganap na pangyayari. "Legislative bodies must never be made an avenue for sinister programs aimed to self-aggrandize a partisan group or an enterprising nincompoop" |
VIVA MARINDUQUE!
Also read: