Bahagi ng The Treatment of Tropical Dysentery with Sulphur ni T.H. Weisenburg, MD |
“It is said that drinking of this water would stop diarrhea of any kind. It is possible even now to buy water from this spring in any drugstore in Manila”.
Bantog na tubig na bago pa man dumating ang mga Amerikano
Noong unang panahon sa Maynila, ang naging bantog na tubig na gamot galing mismo sa Malbog sulfuric spring ay nakabotelya at ibinibenta bilang gamot sa sakit sa balat.
Ang exclusive distributor ay ang Botica de San Nicolas sa Maynila na pag-aari ni Celestino Mercader ng Boac.
Ang marka nito ay "Agua de Boac" at maaaring inumin bilang gamot sa disenteria. Maari namang ipahid bilang gamot sa mga sakit sa balat.
Maraming mga taga ibang bansa ang bumibisita noon sa sulphur springs mismo sa bayan ng Buenavista kahit pa may todong kahirapan talaga ang biyahe papuntang Marinduque.
Si Anacleto del Rosario, isang naging bantog na pharmacist at chemist ng mga panahon ng Kastila ay maraming pag-aaral na isinagawa sa ibat-ibang mineral springs at mga may gamot na tubig sa Pilipinas. Pinag-aralan niya ang chemical components ng "Agua de Boac" at ayon sa kanya ay maaaring ihambing ito sa ibang bantog na curatives sa Europa tulad ng "Agua de Carbana" at "Agua de Vichy".
Agua de Boac ay kasama sa Philippine Exposition sa 1904 St. Louis World's Fair
Sa kaunaunahang Philippine Exposition noong 1904 St. Louis World's Fair, libo-libong mga bagay mula sa Pilipinas ang naka-exhibit. Ito yung panahon na pati mga katutubong Filipino, ibat-ibang tribo (higit 30 ang bilang), mga bata, mga babae at lalaki ay nakadisplay bilang living exhibits.
Brochure ng Philippine Exposition |
Ang pamosong "Agua de Boac" ay napasama pa nga sa nasabing exhibit. Hindi na naibalik sa bansa ang libo-libong mga piraso ng Philippine exhibits. Base sa huling impomasyon tungkol dito ay nasa isang government storage house sa Maryland nakalagak ang mga ito hanggang ngayon dahil hindi na kayang pangalagaan ng Smithsonian.
Paanong nasalba ang mga sundalong Amerikano ng ma-asupreng tubig ng Malbog?
Noon namang panahon ng pananakop sa Marinduque ng mga Amerikano, ang mga sundalo ng 14th US Infantry na nagkasakit ng disenteria ay ipinadala sa Buenavista. Ito ay dahil lamang sa isang 'may malawak na bumubulwak na sulphur spring na may dati nang tradisyunal na reputasyon sa mga katutubo ng komunidad', ("large effervescing sulphur spring which has quite a traditional reputation among the natives of the communty".)
Ang mga panulat tungkol sa treatment of tropical dysentery with sulphur noong mga panahong iyon ay limitado.
Mga larawan mula sa Philadelphia Medical Journal. Ito ang kanilang naging pagamutan. 'Roof made of bamboo and nipa leaves'. |
Kaagyat na paggaling kaagad ang napansin sa dalawang pasyente, isinulat ni Weisenburg. Sa huli, ang lahat ng pasyente ay gumaling mula tatlo hanggang anim na linggo mula ng simulan ang paggamot. Subalit may isang sundalo na isinuka ang sulphur, kaya siya ay ginamot sa dating pamamaraan. Pero nalaman na siya ay isa palang 'Vino fiend' (lasinggero) at ipinadala na lamang sa Maynila.
Malbog Sulfuric Resort ngayon (mga larawan ni Angelica Marquez):
Hot spring therapy and relaxation |
Ang bumubulwak at bumubulang Malbog sulfuric spring.
Patuloy naman ang rehabilitation and development ng Malbog Sulfuric Resort sa ilalim ng pamamahala ni Mayor Russel S. Madrigal ng Buenavista (larawan: LAV Marinduque)
May isang team mula sa DOT, Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) at DENR kasama si Cong. Lord Allan Velasco na bumisita na sa sulfuric springs na kinikilala naman bilang isang mahalagang bahagi ng Marinduque's site inventory for tourism development.