Tuesday, July 18, 2017

Malakas na lindol at mga lindol sa ilalim ng bulkan sa Pilipinas kasabay ng solar flare at CME


Nag-anunsiyo ang SpaceWeather.com noong July 14, 2017 na isang malaking sunspot AR2665 ang sumabog at bumuga ng napakalakas na solar flare at coronal mass ejection (CME). Naitala ito ng NASA's Solar Dynamics Observatory sa pamamagitan ng kanilang extreme ultraviolet telescopes.

Ang pagsabog ay tumagal ng higit sa dalawang oras na pagratrat ng mga X-rays at energetic protons na nag-ionise ng atmosphere ng Mundo. Dahil dito, nagkaroon ng shortwave radio blackouts sa Pacific Ocean at lalo na sa Arctic Circle.

Inihayag din ng SpaceWeather.com na interesanteng bantayan ang coronal mass ejection (CME) na Earth-directed at parating ng July 16 (July 17 sa Pilipinas), na maaaring magresulta sa geomagnetic storms at high-latitude auroras.


LINDOL
Naipost ko sa FB July 15 ang tungkol sa mga debate kung ang malalakas na CME ay may kapasidad na mag-trigger ng malalaki ring lindol at ma-aggravate ang volcanic activities. Kung tutuusin ay may napakahaba nang tala ang ilang siyentipiko bilang pruweba na ganito nga ang nangyayari lalo na sa kaso ng malalaking paglindol.

Binanggit ko rin na sa kaso ng CME ay hindi naman ma-forecast kung saang panig ng mundo yayanig. Kaya't mabuting abangan ikako kung ano ang magaganap at "may maganap kayang naglalaro naman sa M7?"



Kaya July 16 ay naka-watch mode pa rin. Ito ay sa dahilang ang Pilipinas ay maliwanag na kasama sa lugar na tinamaan ng solar flare at ultraviolet radiation. Nasa ibaba ang larawan mula sa NASA's Solar Dynamics Observatory na nagpapakita nito. Tumama nga sa Pacific Ocean at hagip ang mga bahagi ng Indonesia, Pilipinas, Japan at Russia.


Dumating ang July 17, 2017 at naitala ng Phivolcs ang isang moderate earthquake sa dakong Masbate: Magnitude 4.4 at 19 Km ang lalim.
.
Nasundan ito ng araw ding iyon ng isang Magnitude 6.2, may lalim na 10 Km na naitala sa Russia.
At biglang dumagundong ang balita:

7.7-magnitude quake hits off Russia, tsunami threat

Ayon sa balita, ito ang ikalawang pinakamalakas na lindol sa taong 2017.
(Ang deepest earthquake naman na naitala sa kasaysayan ng mundo ay naganap sa Pilipinas ngayong taon din).
Magnitude-7.7 earthquake shakes northern Pacific Ocean near Alaska's Aleutian Islands
A powerful earthquake shook areas off the coast of eastern Russia late on Tuesday morning, local time.
The epicenter of the magnitude-7.7 earthquake was located about 123 miles (199 km) east-southeast of Nikol'skoye, Russia, according to the USGS.
The National Tsunami Warning Center (NTWC) issued statements shortly after the quake warning of a possible tsunami for areas nearby the epicenter. This included part of Alaska's Aleutian Islands.
However, the NTWC later said that the threat of a tsunami had passed.
According to the NTWC, a 0.3 foot tsunami was measured at Shemya, Alaska, at 5:12 p.m. PDT Monday and that some nearby areas may continue to see a small sea level change.  - AccuWeather
 
Kumusta naman ang sitwasyon sa mga bulkan ng Mundo?


Makikita sa itaas ang datos ng Volcano Discovery tungkol naman sa mga lindol na naitala sa loob ng nakaraang 24 oras sa mga lugar na malapit sa mga bulkan (20 Km radius).

Kapansin-pansin na biglang naisama sa talang ito ang isang nananahimik na bulkan sa Pilipinas - ang Mt. Mahagnao na nasa Burauen, Leyte. Ayon sa Volcano Discovery lumindol ng 2 ulit malapit (sa ilalim) ng bulkang nabanggit na M2.5 at M2.8 at ang lalim ay 1.0 Km:




Walang indikasyon na volcanic ang origin ng nasabing mga lindol. Mukhang malabo rin na mag-trigger ito ng volcanic activity. Subalit matatandaan natin na sa kaso ng Mt. Pinatubo noong 1991 eruption nito, sumagi din sa isipan ng mga volcanologists na ang nag-trigger sa pagsabog ng Mt. Pinatubo ay ang 1990 Luzon earthquake na may magnitude 7.7 na tumama sa northern Central Luzon at Cordilleras.

Bilang pangwakas, interesanteng makita na pati ang Mt. Malindig sa Marinduque ay monitored ng Volcano Discovery. Ito ang kanilang huling tala tungkol sa mga huling lindol malapit dito:



Kumusta naman ang Araw ngayon?

Ayon sa SpaceWeather ay ganito:

DEPARTING SUNSPOT: The biggest sunspot of the year, AR2665, is rotating off the face of the sun today. NASA's Solar Dynamics Observatory recorded this parting shot:

The sunspot's towering magnetic canopy appears to be waving goodbye. For the next two weeks, AR2665 will transit the far side of the sun, out of sight and unable to affect our planet. Geoeffective solar flares could resume in early August when the sunspot is due to return, provided it does not disintegrate between now and then.

Volcano enthusiast

Buenavista's Angelo M. Calimlim is one mountain climber who loves volcanoes. Below are his recent photos of Mt. Pinatubo and Mt. Malindig.

Mt. Pinatubo

Mt. Malindig