Friday, July 14, 2017

Senyales ng Bulkang Malindig?


Nabighani sila sa kapal ng ulap at ulap na hamog na bumabalot sa Mt. Malindig. Napukaw tuloy sa isipan nila ang nagaganap na pagsabog ng mga bulkan sa ibang lugar. Kuha ni: prnl benj

May mga panahon na ang pagdating ng monsoon trough ang nagiging hudyat ng simula ng tag-ulan makaraan ang tag-init. Sa mga lugar na apektado ng trough system ay nagiging makapal ang ulap at sa matataas na lugar naman ay naroon ang mga ulap na hamog (fog). May mga panahon din na maaring magkaroon ng lightning flashes na humahalo sa mga ulap at ulap na hamog at pwedeng akalain ng mga nakakakita na may usok sa lugar ng isang bulkan. 

Iyon ang nagiging ilusyon kamukha ng nakunang retrato ng Mt. Malindig noong nakaraang araw lamang. 

Kung ang bulkang ito ang pag-uusapan, matagal na panahon na hindi ito nakakitaan ng ano mang kakaiba - pagyanig, ligalig, pagtaas ng temperatura sa mga hot springs sa paanan nito, o ano pa man.

Basta pabago-bago lamang ang paglalaro ng ulap sa paligid ng mapang-akit na bulkang ito ang nagaganap. Nagiging atraksyon sa mga bumibisita rito, o sa kanila na masayang tinatanaw ito mula sa malayo.

Near real time view ng Mt. Malindig mula sa Google. Produkto ng processing ng mga geostationary at low-earth orbit satellites. Project ng NOAA/CIMSS. ang Volcanic Cloud Monitoring.
Ang tawag pala sa mga hot springs sa paanan ng bulkan, o mudpots, o geysers, ay hydrothermal features, at hindi volcanic. Tulad ng sa 'Malbog'.
Kumukulong asupre, sulfur, sa paanan ng Malindig sa dakong Buenavista.
Malbog Sulfuric Hot Spring. Photo: Eli J Obligacion

Bakit mainit ito? Napakahabang panahon pala ang kailangang para lumamig ang magma na nasa crust ng mundo dahil una, napakainit ng magma kapag ito'y dumadaloy, mahigit sa 700 degrees C at, ikalawa, ang bato (rock) ay mahusay na insulador. Maaaring abutin pala ng milyong taon bago lumamig at tuluyang tumigas ang malaking magma sa ilalim ng lupa at para maging kasing lamig ng temperatura ng mga batong nasa paligid nito.

Hindi baga ito maputok? Ayon naman sa Phivolcs ang mga sumusunod ang senyales ng namumuong pagputok ng bulkan. Mas maiging alamin na laang natin wari.
Kasama ang Mt. Malindig ng Marinduque sa listahan ng mga
active at potentially active volcanoes ng Pilipinas.

Precursors of an Impending Volcanic Eruption

The following are commonly observed signs that a volcano is about to erupt.  These precursors may vary from volcano to volcano.

1. Increase in the frequency of volcanic quakes with rumbling sounds; occurrence of volcanic tremors;
2. Increased steaming activity; change in color of steam emission from white to gray due to entrained ash;
3. Crater glow due to presence of magma at or near the crater;

4. Ground swells (or inflation), ground tilt and ground fissuring due to magma intrusion;
5. Localized landslides, rockfalls and landslides from the summit area not attributable to heavy rains;
6. Noticeable increase in the extent of drying up of vegetation around the volcano's upper slopes;

7. Increase in the temperature of hot springs, wells (e.g. Bulusan and Canlaon) and crater lake (e.g. Taal) near the volcano;
8. Noticeable variation in the chemical content of springs, crater lakes within the vicinity of the volcano;

9. Drying up of springs/wells around the volcano;
10. Development of new thermal areas and/or reactivation of old ones; appearance of solfataras. (Solfatara, ( Italian: “sulfur place”) a natural volcanic steam vent in which sulfur gases are the dominant constituent along with hot water vapor)



Kaya sa ano mang oras, pwedeng magtampisaw ang buong pamilya sa Malbog Sulfuric Hot Spring sa Buenavista. Maganda pa sa kalusugan ang therapeutic effect ng paliligo sa mainit na tubig nito, ganun din ang taglay na sulfur ng tubig na maigi raw sa balat. Kaya patuloy namang dinarayo.