Isa lamang sa maraming pinagtaguan. Dito naman ay may sadyang ginawang dungeon gawa sa mga bato at maitim na semento. May maliit na lagusan papunta sa isang malaking kuwarto. Larawan: Eli Obligacion |
Huwag ka nang magtaka kung bakit may ilan sa Marinduque na tila obsessed sa paghahanap at paghukay ng mga nakatagong yaman sa ilalim ng lupa. Maging ang lolo ng lolo mo marahil ay nagnais na rin na isang araw ay makatisod o makahukay sa bundok, burol, kaparangan o dalampasigan, ng ginto - sa tulong ng mga duwende o engkantong nakapaligid o ng dasal.
Pangunahing kokontra naman ang ilang 'taong-Simbahan' dahil "sa demonyo" raw 'yun, bagamat may mga naitala na sa kasaysayan na para sa ilan sa kanila, dala ng kanilang 'banal' na posisyon ay sila dapat daw ang mauna nang makinabang sa mga ganoong uri ng kayamanan "para sa Diyos".
Ang iba naman ay may kakayahang magsagawa ng paghuhukay o akuin ang mga ano mang nahukay ng iba na na walang makakapiyok. Iyun ang kwento.
Hindi sila lahat masisisi. Ang pinakamaagang naitalang archaeological expeditions ng Pilipinas ay nasimulan sa Marinduque. Bago pa nga dumating dito si Antoine-Alfree Marche, isang French naturalist at explorer noong 1881 ay may nauna pa nga sa kanya, si Fedor Jagor isang German-Russian explorer ding naparito noong 1860s.
Sa isang kuweba nakuha ang mga ito ni Marche. |
Ayon sa panulat ni Marche iang islang-lalawigan ng Marinduque ay kilala noon bilang isang 'Isla ng mga Kuweba". Hindi mabilang na mga yungib at kuweba ang narito at malamang na hindi lahat dito ay napasok na.
Sa modernong kasaysayan
Sa modernong kasaysayan naman, may mga archaeological exploration projects na isinagawa sa Bathala Cave (Sept. 9 - Oct. 12, 1983), at marine archaeology sa may baybayin ng Pinggan (1981 at April-June 1982), muli itong binalikan ilang taon pagkatapos. Mga panahon ito ng Martial Law. Panahong kung may gustong ilihim na mga nasa kapangyarihan ay di hamak na kanilang nagagawa.
Napunta ang ilan sa National Museum Branch sa Marinduque. Ang iba ay sa mga pribadong collection. |
Ayon kay Eduardo Conete ng National Museum na naging kasama sa underwater excavations noong 1982, ay may 1,186 na pirasong artifacts ang na-retrieve sa wreck site.
Ming dynasty plate |
Paano ito naduskubre?
Matatandaang naging daan ang isang mangingisda na taga Brgy. Pinggan sa pagdiskubre ng shipwreck na ito na pinaniniwalaan ngayong isa diumanong Ming Dynasty* Chinese vessel. (Walang ano mang bahagi ng wreckage ng barko ang na-retrieve).
Nagawang sumisid ng maningisda sa wrecksite ng paulit-ulit para manguha ng mga 'antiques', bagamat wala siyang maayos na diving equipment. Nang panahong iyon ay may kamalayan na sa islang-lalawigan tungkol sa kahalagahan ng mga ganitong uri ng 'antiques'.
Sa ilalim ng dagat sa pagitan ng Gaspar at Brgy. Pinggan sinisid ang mga kayamanan. Larawan: Jun Villegas |
(*Ming Dynasty - 1368-1644)
Basahin din:
A day in the bushes to back up their hidden treasure stories
Treasure object magically surfaced!
Kagulat-gulat! Marinduque noong wala pang nakatalang kasaysayan o prehistory
Notes on underwater archaeological finds