Wednesday, September 27, 2017

Binugang solar wind na naman parating, kasabay ng mga nakaambang pagsabog ng mga bulkan

Sa loob ng 24 oras lamang, laman ng mga balita sa ibang bansa ang nakaambang pagsabog ng tatlong bulkan - Mt. Agung at Mt. Sinabung sa Indonesia, at Mt. Monaro sa Vanuatu, South Pacific. Libo-libo na ang nagsilikas sa nasabing tatlong lugar.

Habang parating naman ang malalakas na solar wind...


Coronal Hole. Mula sa SpaceWeather, Sept. 27, 2017 

GEOMAGNETIC STORM PARATING: Sabi ng NOAA  65% na magkaka-polar geomagnetic storms sa Sept 27 (28 Pilipinas), tataas pa sa 80% ng Sept 28 (Sept 29 sa Pilipinas). Habang isang buga ng high-speed solar wind ang hahampas sa magnetic field ng ating Mundo. Na naman.

Ang laging kadikit ng mga anunsiyong tulad nito ay kung gaano magigimg makulay at kahanga-hanga ang epekto nitong Northern Lights o Auroras.

Hindi kailanman matanggap ng siyensiya lalo na ng mga climate change zombies at freaks na may kinalaman ang Araw at mga binubuga nitong nga cosmic forces at particles sa pagbabago ng panahon sa palibot ng mundo at mga dagundong sa ilalim ng lupa. Magkakaugnay, konektado ang lahat ng ito.


Paglalarawan. Approximate size of Earth (blue) para maikumpara sa sukat ng Araw.

Dahil naman ang gustong isaksak sa kukote nina Sabel at Paeng ng mga diyablo ay ang paniniwalang sina Sabel, Paeng, kasama na ang lahat ng kamag-anak nila, kalahi, kakilala at lahat ng mga utaw sa mundo ang may kagagawan at kasalanan sa pagbabago ng panahon (man-made nga raw iyon). Kaya paulit-ulit yun walang humpay, patid, o patumangga araw-araw, buwan-buwan, taon-taon. 

Sadyang inililihis ang kinalaman ng Araw, na hindi kailanman isinasama sa usapan at siyentipikong pag-aaral kuno. At kapag nag 'amen' na ng sabay-sabay sa mga hokus-pokus ng diyablo ay kanila na ang mga kaluluwa at isip ng mga utaw sa mundo.

Samantala, kinumpirma ng Solar Dynamics Observatory ng NASA na isang malaking butas ang bumukas sa atmosphere ng Araw. Nakaharap ito sa buong hemisphere ng Araw, walang lusot ang Mundo. Gaano kalaki ang butas sa atmosphere ng Araw na pinagbubugahan ng mga puwersang ganito? 200,000 km wide at 'a million km southward from the sun's pole'.

Ang coronal hole ay isang rehiyon sa Araw kung saan bumubuga naman ang solar wind sa bilis na 600 km per second. Kaya mga dalawang araw pataas na wham-wham-wham at boom-boom-boom ang puwede nating asahan. Tulad ng dati.



Panay naman ang picture ng mga turista sa mga ganiring Aurora. 
(Image from SpaceWeather, Sept. 27, 2017))


... at hindi sa ganiri - ngayon lamang na petsa (TheTelegraph Sept. 27, 2017).