Isang video na ginawa ko para sa YouTube noong Dec. 2009, tungkol sa sinaunang Marinduque, "My Ancient Marinduque".
Ang arkeolohiya ng Pilipinas ay dito mismo ipinanganak sa Marinduque.
Bago pa dumating ang 1900, nang sinakop ng mga Amerikano ang Pilipinas, isang mahalagang sistematikong pagsisiyasat na arkeolohikal pa lamang ang naisagawa sa bansa: ang eksplorasyon ni Antoine Alfred Marche sa Marinduque mula Abril hanggang Hulyo 1881.
Bagamat may ilan pang hindi sinasadya na natuklasan at naitala sa pana-panahon noong araw, at ilang mga kuweba o mga yungib na libingan ang nagalugad na ating bansa ng ilang mga siyentipikong banyaga o lokal, walang sistematikong gawain ang naganap kahit saan bago ang mga pagtuklas ni Marche. Nauna naman kay Marche sa pagtuklas ng ilang mga katulad na artifacts sa Marinduque si Fedor Jagor (German ethnologist).
Takip ng ataol na may ukit ng mga dragon. Galing sa Pamintaan Cave na bahagi ng mga nahukay ni Marche. |
Isang masaganang ani ng Chinese urns, vases, gintong alahas, mga bungo at iba pang mga palamuti na narito na bago pa dumating ang mga Kastila ang mga nahukay na ito. DInala ni Marche pabalik sa Pransya ang 40 crates ng Marinduque artifacts na kanyang natuklasan sa tulong din ng mga naninirahan sa isla.
Kasama rin sa mga natuklasan ang ilang kahoy na estatwang anito, na ang tawag ng mga katutubo ay 'Pastores'.
Pastores ng Marinduque |
Where do we come from? What are we? Where are we going? ni Paul Gauguin |
Pamintaan Jar. Itinuturing na ngayon na isa sa tatlong pinakamahahalagang tapayan ng bansa sa sinaunang kasaysayan, kahanay ng Maitum Jar at Manunggul Jar. |