Photo courtesy of Paul Jaysent Fos, GMA News stringer |
Bumangga ang isang barko sa bayan ng Calatrava sa isla ng Tablas sa Romblon dakong alas-5:00 kaninang umaga.
Batay sa ulat, galing Batangas Port ang barkong M/V Maria Matilde at papunta sana ito ng Romblon Port via Odiongan nang sumalpok ito.
Tinataya namang nasa 33 pasahero ang sugatan nang tumilapon ang mga ito dahil sa lakas ng pagkakabunggo.
Nabatid na nayupi rin ang harapang bahagi ng sasakyang pandagat.
Harapang bahagi ng MV Maria Matild. Kuha ng Romblon News Network |
Bandang alas-7:00 naman ng umaga nakarating nang ligtas sa pantalan ng Romblon ang mga pasahero ng nasabing barko.
Isa sa hinihinalang dahilan ay ang pagpalya umano ng global positioning system (GPS) ng vessel.
Kasalukuyan namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Philippine Coast Guard sa sanhi ng aksidente. - BomboRadyo
Photo courtesy of Paul Jaysent Fos, Romblon News Network |
Photo courtesy of Roberto Madeira, Romblon News Network |
Also read: