Fb post ni Kyle David V. Atienza, Sept. 12, 2017 |
Mga Roro na nabansagang 'floating coffins'.
Kyle David V. Atienza added 4 photos and a video.
September 12 at 5:13am ·
We thought it was the end. People were in their life jackets, praying. The trip was supposed to be from 12:30 to 3:30. It's 5 in the morning and we're still on board.
Kalma ang dagat sa unang oras. Lumipas ang dalawang oras... tatlo, para kaming sabaw na hinahalo. Tumutunog ang mga bakal. Kumakalas ang mga kadena. Humahampas nang malakas ang alon, umaabot sa bintana. Yung nanay ko nagdadasal na ng arabic. Ako paulit ulit na nagchachant ng "Lord, pakalmahin niyo po yung dagat". Wala na kaming magawa kundi magdasal at maging faithful na makakarating kami kahit gaano katagal.
Mga alas tres, may crew na lumabas ng bintana. Nagsisigaw. Akala namin lulubog na ang barko. Yun pala tumagilid na yung truck na may lamang mga bottled beverages. May sumigaw na babae. Galing sa loob nung truck. Kasama yung anak niya. Kung hindi raw sila tumalon sa bintana, dala raw sana sila ng napatilapon sa dagat.
5:20 nasa barko pa rin kami. Salamat sa kapitan ng barko, buhay pa rin kami. Hindi po ako naninira ng shipping line, kinukwento ko lang po yung nangyare.
Mga delikadong RoRo na nalagay pa sa seryosong peligro.
Nangyari naman ang sumusunod sa isa pang barkong Roro biyaheng Lucena-Balanacan din noong mga oras ding iyon. Bale dalawang barko pala ang nalagay sa panganib, halos magkasabay na nalagay sa peligro!
Roro (roll-on roll-off, o roll over?), ang mga sasakyang dagat sa Pilipinas na kapag lagpas na sa 20 taon ay hindi na pinapayagang maglakbay sa kanilang bansa dahil itinuturing na itong mga 'junk' o scrap.
Roro na karamihan ay dinisenyo at ginawa para makapaglayag sa kalmanteng inland waters ng Japan (mga malalaking ilog, lawa), at hindi dinisenyo para sa karagatan o coastal waters tulad ng sa Pilipinas. (Maaari pa ito ayon sa ibang nakakaalam, kung sa lawa ng Laguna de Bay o Taal Lake maglalayag).
Basta masungit ang panahon ay sadyang delikado ang mga Roro dahil sa stability issues nito at dahil flat ang ilalim ayon sa mga panulat. Di hamak na mas delikado ang sitwasyon kapag pinayagang maglayag ito basta masama ang panahon o kapag may masamang panahon sa malapit.
Isang metrong taas ng malakas na alon lamang ay maaaring maglagay sa Roro sa panganib, ayon sa mga eksperto.
Tungkol naman doon sa isa pang barko...
Isang post ko sa Facebook ang nakakuha ng higit sa 2,000 likes at 2,451 shares. Tungkol ito sa isa pang insidente na naganap sa isa pang Roro biyaheng Lucena-Dalahican same date, September 12, 2017, at isang oras lamang ang pagitan. Kasagsagan noon sa 'Northern Quezon' ng bagyong Maring. Basahin:
My post on a similar roro incident same day, Sept. 12, 2017. |
Alberto Besmonte
Kasama ako sa mga pasahero nyan, 1st time ko naranasan ang ganung takot sa pagsakay ng barko..
Rezel Retardo Peñarubia Narfe Valenzuela
juskooo muntikan na talaga ako kanina d2 mabuti at d lumubog..nilagay pala sa fb????d ako kumuha ng lifejaket pero lahat nakasuot na sila??..wala pa nman ako kasama umuwe....
Bkit pinayagan mglayag ng coast guard? Alam nman nila my tropical depression..
Nek Naf Urb
Wala po.kasing Signal Number 1
September 12
.
Alejandro C. Melaya Jr.
Kc mahina p lng td kya wla p cgnal... later nag cgnal 1 din.
Delma Laylay
Takot ngani q kagabi lahat ng santo natawag kuna sa laki ng alon mantakin mo inabot kami ng 6 na oras sa laot
Jeneath Ilao Solis
Diba po sa quezon ang bagyo at pag may signal ang quezon automatic walang byahe, bkit sila nagpaalis ng barko.
Erleen Peregrino ·
Dapat po sa panahon ngayon kahit nasa kalapit probinsiya ang signal at wala sa ta2hakin karagatan ay wag na muna magapprove ng mga biyahe ng mga barko....di natin alam ang pihit ng bagyo...tulad niyan...wala signal pero sumama din bigla ang panahon...naabutan na sa kalagitnaan ng dagat...disaster talaga ang aabutin ng ating mga kaba2yan...mabuti na laang at wala nangyari masama..pero ang trauma ay mahirap mawala..lalo na sa mga mata2nda.
Yumico John Alcantara
Oo nga.e mahina nman tlga yan sa alon.magalaw tlga yan.
Maureen Bantang Rubion
Kasi nga, luma na.
Rosemarie Marasigan Fausto ·
grabe talaga ang lakas, kahit malaki ang barko halos bumigay sa lakas ng hangin at laki ng alon. thank God nakauwi pa rin po kami. di na po ako uulit.
Margarita Chico Palasigue
Oo ngani daw sabi n ate SUSAN PINEDA 3 times daw tumagilid kaya ako natatakot umuwi
Ginger Reginio
d2 n ko sa atin..mga 2am naka alis sa lucena yang barko yan 3am nagsimula ng magkagulo sa barko lakas ng alon...
Steve Javier
Eh yong PAG-ASA rin naman ang may pagkukulang dito sa babalâ na hindi daw magiging bagyo itong LPA dati na nasa east of Mauban, Quezon tapos biglang nag-announce sila na bagyo na. Kulang pa sa high tech forecast hindi yong advance declaration kasi minsan hindi natutuloy kayâ dagdagan pa nila ang mga lugar na malagyan ng mga radar at satellite office tulad sa atin sa marinduque ni isang forecasting equipment o office at radar walang tinayô ang PAG-ASA. Ay kailan pa PAG-ASA ninyo lalagyan ng radar at satellite office ang Marinduque malalakas po ang mga bagyo sa amin sa Marinduque kapag buwan ng November at December!!! Helpful suggestion lang po....
#pagasadost #dost #tropicaldepressionmaring #marinduque #maringPH
Millar Jovy Semilla ·
May mali din ang dalahican pier... alam na yan na may bagyo kagabi pa binalita na sa quezon maglalandfall nagpabyahe pa sila. Kagabi bago mag Ala syete ng gabi binalita na si typhoon maring kya dilikado na magpabyahe. Mga tga dalahican pier din may kasalanan nyan diba nila npanuod balita?pano ba nman nila malalaman eh puro movie pinapalabas nila sa flat screen nila sa pier.kya salamat at ligtas mga kababayan kong tiga marinduque.
Jerwin Ola
yhup John Paulo Quinto. .muntik na tlgang lumubog
Lhen Dp ·
Nanjan kami kanina grabe sobra yung nerbiyos ko nasa lalamunan lang. Salamat sa Diyos at ginabayan niya kami sa byahe na yan kanina.
September 12 at 7:29pm
Chichi Arellano ·
Wag na po magsisihan isa po ako sa pasahero nyan kasama asawa ko. Hindi po exagearted ung nagpost nyan para lang takutin kayo. Nagpanic lang po talaga ung ilan lalo na ung may mga anak. Opo totoo na malalaki ang alon kay nagpanic ung ilan kahit kami po ng asawa ko medyo kinabahan din kahit alam naming hindi naman malubog un. PANIC po ung pinagumpisahan kaya nagkuhaan na ng life jacket. Pero thank's god at ligtas po kaming lahat. Kahit ung katabi ko eh hinahabilin na ung anak sa akin kung sakaling may mangyaring masama. Tapos ung lalaki sa likod namin eh sumisigaw na kaya po lalong nagpanic ung ilan dahil sa pagsigaw nung ilang mga pasahero.
September 12 at 10:00pm
Chichi Arellano
Lahat naman po kaso kalaban talaga nila PANIC. kahit kausapin namin silang kalma lang pag nagulong na ung alon nasigaw talaga sila.
September 12 at 10:06pm
Beth R Pestaño
Totoo baga na tumagilid barko? Tapos napisan daw mga truck sa kabilang side?
September 12 at 11:01pm
Chichi Arellano
Totoo po tumagilid pero ung truck po na tumagilid sa starhorse po un nauna sila samen pero nauna parin kaming mkapundo.
September 13 at 6:19am
Odette Quimora ·
Magandang araw po
Maganda po Sir ang post nyo at mga opinion
Pero sa TV patrol inanunsyo na ang sama ng panahon at may ilang lokasyon na may signal baka po hindi sila naka monitor sa pag asa tapos magha hatinggabi inanunsyo po ulit kung alas dos sila umalis nakadalawang pagbalita na po ng tungkol sa bagyo maraming salamat po
September 13 at 1:18pm
Ehra Jam Aicah ·
Grabe tlga yung naging karanasan namin nung gabing yun..it was my first tym na magsuot ng life jacket at masasabi qng ayoko n umulit magbyahe ng masama ang panahon..grabe takot takot tlga kaming lahat..
September 13 at 2:50pm
Ehra Jam Aicah
Actually halos isang oras p lng kami s barko nun at sobrang tagal p ng hihintayin naming oras bago makarating ng balanacan..buti n lng tlga ndi kami pinabayaan ng nsa taas..-)
September 13 at 2:54pm
ang alam po nmin kpg my signal na bagyo sa part ng Quezon province, aurora or lucena man wala ng byahe papunta dito mga barko cancelled na matic na yun bakit inallow pa natural masakay ang mga pasahero kase nagtiwala sila but yun ang mahirap 3hrs nsa dgat ang buhay ng mga pasahero and bgla anjn n bagyo supla nmn wg nmn mangyri mga bagay na hndi dpt..sa mga pasahero nmn po wg po tau magtake ng risk kc isa lng po buhay ntn wag nmn na sana maulit ganito pangyyari mahal po nmin kau mga kababayan nmin concerned lang po.ingat po tayo and Godbless!
September 13 at 6:47am
Ronn Rocha ·
Ang Marinduque kelan man ay least priority sa mga updates lalo sa mga major disasters; di manlang natututukan ng media...
Aj Jawili Decena ·
Pasahero ang asawa ko ng barkong yan.. Unforgetable nga daw experience nya.. May mga photos nga xa naka life vest..
At maging makulit man, may dagdag pang ilang facts na dapat ilahad:
"Most of the Philippine vessels are far below the international maritime safety standards.
"The latest surprise inspection by the Maritime Industry Authority (MARINA) revealed that some ROROs lack the proper safety equipment for passengers, including ill-maintained life boats and insufficient supply of life vests..."
6 images showing how greatly affected the Lucena and Marinduque coasts were on that day. |
Above are images that prove potential error/neglect from PAGASA in warning only against 'sea travel in the eastern seaboards of Aurora, Quezon and Bicol'. (Some larger images below).
Did PAGASA fail to see the dangers of travel in the western seaboards brought about by the same 'tropical depression' with huge waves entering via Verde Island Passage in the west?
Two Roro vessels plying the Lucena-Balanacan route were definitely placed in danger when the warning issued was only for the eastern seaboards. The above story with photo and first-hand accounts of lives endangered are enough proof.
No typhoon signal was raised for 'Southern Quezon', possibly the basis PCG considered in allowing the sea vessels to travel in the wee hours of Sept. 12. However, after the incidents, PCG suspended sea travel the next day, Sept. 13 for the route in question - even without a PAGASA Typhoon Signal Warning for the said location.
Iri naman ang images from US-based Joint Typhoon Warning Center (JTWC), (Image 1-3), Sept 12 at 0000Z, and Typhoon path projections Sept 12-17; Image 4: Himawari Satellite, last Sept 10 (inadaanan baga yung isla nina Marin at Duke o hindi):
Image 5-6 naman ay real time images ng Wind Speed at Wind Gusts na nagapakita baya na hindi sa Eastern Seaboard naentrada kundi galing sa Western Seaboard papunta sa Islang mahalaga. Ina-factor in din kaya yun? Mas maliwanag kung sa animation atingnan. Tingni at anung ganda baya.
Tama si Gerry Jamilla (tourism officer), na nagsabing may isang bagay na dapat gawin para sa panahong hinaharap. Aniya, "kailangan pong magkameron ng PAGASA Weather Station dito sa atin para mapasama officially ang Marinduque sa mga weather advisory nila, yan po ay advice din ng PAGASA".
Aulitin: "YAN PO AY ADVICE DIN NG PAGASA"
Sources for the Images:
ABS-CBN
PAGASA Warning on September 11-12, 2017: Travel dangerous in the eastern seaboard:
"tropical depression is expected to make landfall in the Quezon-Aurora area on Tuesday afternoon, September 12.
"PAGASA also warned that sea travel is dangerous in the eastern seaboards of Aurora, Quezon, and Bicol."
Dalawa silang masungit, Sept. 12 (JTWC) |
Isa pang satellite image mula sa JTWC Sept. 12 |
Himawari Satellite, Sept 10 pa lamang (inadaanan baga yung isla ni Marin at Duke o hindi? Tingning maigi. |
Paalaala tungkol sa mga Roro kung hindi mo pa alam