Paglalarawan ng dagat na malalaki ang alon. |
Paalalahanan ang mga lokal na pamahalaan para mabigyan ng karampatang aksyon ang problemang ito ng paglalaro sa buhay ng mga Marinduqueno?
Pagsulong ng 'PAGASA Weather Station (Synoptic Station) sa Marinduque
Mayroong nang tinatawag na 'automated weather station' (AWS) sa Marinduque, pero mukhang hindi kayang sakupin noon ang usapin ng malalakas na alon kaya at mas epektibong pagbibigay ng mga babala? Ang AWS ay isang stand-alone device na sumusukat ng rainfall at kumukulekta ng iba pang weather information (hangin, temperatura) na pinapadala in real-time via text message o SMS sa PAGASA head office. Sa maraming sulok ng bansa ay mayroon na nito.
SYNOPTIC STATION
Romblon Synoptic Station ng Pagasa.
Sa Masbate ay mayroon din, gayun din sa Calapan.
|
Sa ibang mga lalawigan naman ay may tinatawag na mga Synoptic Station. Sa stations na ito ginagawa ang pagbabantay sa halos lahat ng meteorological elements sa mga takdang oras at ang mga datos ay pinapadala sa Central Office.
Pagasa ang nagpapatakbo sa mga istasyon, reponsable sa pagpapalaganap ng pampublikong taya ng panahon, mga bulletin, babala at advisories higit sa nasasakupang lokalidad. Ginagawa para protektahan ang mga buhay at ari-arian ng pangkalahatang populasyon.
Synoptic Station sa Virac. Sa Masbate naman ay parehong may AWS at Synoptic Station. |
Nasabi na noong nakaraan ang isang mungkahi. Base diumano sa 'advise' ng Pagasa, kailangang ng isang 'PAGASA Weather Station' (Synoptic Station), sa Marinduque. Pahayag ng tourism officer, Gerry Jamilla ito, bagamat hindi maliwanag kung saang forum binitiwan ng Pagasa ang ganitong pahayag. Iminungkahi ito diumano para "mapasama officially ang Marinduque sa weather advisory nila".
Bakit kailangan ang isang Pagasa Weather Station naman? Remember Typhoon Nina (Nock Ten)?
Isang AWS sa Luzon. Nasa maraming sulok na
ng Pilipinas kasama ang Marinduque. |
The last time Marinduque was DIRECTLY HIT hit by a devastating typhoon (Typhoon Nina) and suffered extreme hardship? On December 23 or three (3) days before the typhoon ravaged the island-province, US-based Accuweather, already stated that the typhoon "will blast westward over FAR SOUTHERN LUZON and NORTHERN MINDORO and will threaten lives and property on Christmas Day".
Using said AccuWeather's forecast (see below), on Typhoon Nock Ten (NinaPH), this blogger posted on Dec 23, 2016 thus:
"Based on data, the typhoon will simply not just jump over Marinduque Island and leave it untouched", adding that there's 'Extreme risk for Marinduque in this AccuWeather map'. (see image)
Dec 23/16: Above forecast from AccuWeather shows Category 3 typhoon traversing Marinduque. In contrast, next day 24th, Pagasa issued Signal No. 1 that excludes Marinduque (see below)
Dec 24/16 11 am PAGASA Warning Signal No. 1 (Marinduque not included) |
Ang nasa itaas ay bahagi ng blog ko posted 12/23/16 or 3 days before Typhoon Nina hit the island-province. |
Dec. 25/16 8 am: Christmas Day, December 25, Marinduque was placed by PAGASA under Signal No. 2 (Hindi dumaan sa No. 1)
Pagdating ng 5 pm ay ganito naman ang Pagasa forecast:
Forecast: Stormy Weather will be experienced over Bicol region, CALABARZON and the provinces of Marinduque, Oriental Mindoro and Romblon.
(Oo nga naman. 'Stormy Weather' which is anywhere from Category 1 to Category 5, so take your pick, ganun?)
Forecast naman ang nasa itaas ng Weather Philippines Dec. 22, 2016 pa lamang. Nakaumang na kaagad sa Marinduque ang bagyo sa projection nila.
Dec. 26/16: Actual typhoon path sa Marinduque mula Dec. 26 (4am to 7am)
as tracked by Boac MDRCC.
Huli man daw at magaling?
Inquirer, Dec, 26, 2016 at 6:55 am:
Dec 26/16: 'Typhoon “Nina” (international name: Nock-Ten) slightly weakened early Monday as it traversed Marinduque' - Inquirer, 12/26/16 at 6:55 am (That's AFTER the province was already directly hit)
Ang online post ng Inquirer Dec 26 ay may kasamang video kung saan nag-uulat ang isang taga weather bureau. Ito ang sabi niya:
"...alas-7 po ng umaga ay namataan ang Bagyong Nina sa layong 60 km timog ng Tayabas, Quezon. Ito po ay may malakas na hangin na 140 kms na lamang, mula sa sentro 140 kph, ang gustiness po nya ay umaabot ng 230 kph. Sa ngayon po ay west-northwest ang pag-ikot nito, bumilis po ano... nadaanan po ng bagyong Nina kahapon 6:30 ang Bato, Catanduanes at naglandfall din po ito sa Sangay, Camarines Sur, sa San Andres, Southern Quezon and finally sa Torrijos, Marinduque. At ngayon po approaching na ito sa may Southern Batangas..."
Ayon naman sa kadikit na balita ng Inquirer:
Sabi pa:
"Nina was last spotted 85 kilometers north of Romblon, Romblon, traversing Mompog pass. It was moving westward with a speed of 20 kph."
(Romblon! May synoptic station kasi doon kaya kahit nasa Marinduque na ang bagyo ay datos na nakasentro sa Romblon pa rin ang pinagbabasihan. Marahil, kung may synoptic station sa Marinduque, ang tono ng report ay magiging "Nina was last spotted 8.5 kilometers east of Torrijos, Marinduque, traversing Mompog pass towards mainland Marinduque." Tama ba?)
Dumaan na sa islang-lalawigan ang bagyo, kaya naisama na tuloy sa Signal No. 3 ang Marinduque kinaumagahan. Kaya lamang, bagsak na lahat ng linya ng kuryente dito at tapos na ngang rumagasa ang mapanirang bagyo! Report ng Pagasa kinaumagahan:
"Signal No. 3 was raised over Camarines Sur, southern Quezon, Marinduque, Batangas, northern Oriental Mindoro, Lubang Island, Cavite and Laguna."
Bagsak na sa bagyo ang Marinduque.
Dinaanan ng Bagyong Nina sa Torrijos, Marinduque. Kuha ni Ariel Reginio |
Mga resulta:
- Ilang araw pa ang lumipas bago magkaroon ng national awareness na 'Marinduque was the hardest hit' in Mimaropa. Lumalabas na tila hindi inasahan ng mainstream media na direktang dadaanan o seriously threatened man lamang ang Marinduque kung saan may 2 casualties. Naipaliwanag na sa itaas ang malaking kakulangan ng Pagasa sa pag-issue ng kaukulang warnings.
- Maging ang ilang local LGUs at mga naninirahan dito ay hindi inaasahan na direktang daraanan ng bagyo ang lalawigan, na magiging malawakan ang pagwasak nito sa agrikultura at mga ari-arian.
- Facebook, blogs, social media lamang ang kaagad tumugon sa pagpapakalat ng impormasyon at para maiparating ng malawakan sa mga kinauukulan ang mga pangyayari sa Marinduque.
- Huling nabigyan ng tulong kaysa sa ibang lalawigan, ng mga may kakayahang LGUs, ang Marinduque. Dahil hindi nga ito natutukan ng mainstream media, ang pangunahing batayan ng mga kinauukulan sa pagtulong kapag may disaster.
- Baka kaya nakagawian na ng Pagasa ang ganitong sistema? ('World-class' na daw sabi ng isang presidente). Kaya pala wala sa kanilang gunamgunam ang Marinduque palagi? At dahil wala namang pananagutan ang siyensiya ng Pagasa kapag may disaster?
- Paulit-ulit na lamang! Sa gitna ng panahon ngayon ng 'freak weather conditions', 'climate chaos', 'weather that can change in the blink of an eye'.
Kuha sa Balanacan pagkaraan ng bagyo. Larawan ni Manny Pinol |
Kaligtasan muna
Paanong makakapaghanda ng sapat ang mga tao at komunidad kung palaging huli o hindi maliwanag o hindi kumpleto ang mga anunsiyo ng isang weather bureau? Para makapaghanda laban sa mga panganib sa kalupaan o karagatan man na dala ng bagyo man o 'tropical depression' man? (Sa karagatan ay mas maraming buhay ang direktang nalalagay sa peligro nang walang laban).
Sa ibang bansa, may mga estado na na nagdedeklara ng state of emergency kahit parating pa lamang ang peligrosong bagyo, base pa lamang sa mga forecast at intensity ng bagyo. Paano kung ang forecast ay experiencing 'stormy weather' lamang ang sinasabi at mga oras na lamang ang hinihintay?
Itigil na muna marahil ang mga 'world class' pronouncements. Unahin muna natin ang kaligtasan ng ating mga mamamayan, ano po? Bago malaktawan na naman ang Marinduque sa oras ng peligro!
Maraming mga bahay at gusali ag nasira ng Bagyong Nina. Isa lamang ito. Kuha sa Gasan ni Dahlia Nunez Iturralde.
Also read:
|