Tuesday, September 26, 2017

Ric Manrique, Jr., Hari ng Kundiman, namaalam na

Ric Manrique, Jr. Ang larawan sa kaliwa ay mula sa kanyang album 'Kapalaran', ang nasa kaliwa ay kuha ng kanyang anak, Ronald T. Manrique.
Ricardo "Ric" Manrique, Jr. (23 May 1941 - 23 September 2017), may dugong Marinduqueno (Boac), ay mang-aawit ng mga Kundimang Filipino. "Hari ng Kundiman" ang naging bansag sa kanya. Unang nakilala siya noong 1960, bilang kampeon sa loob ng 12 linggo ng sikat na paligsahan sa pag-awit, ang Tawag ng Tanghalan.

Nagsimula siya bilang miyembro ng Mabuhay singers noong 1950s. Ang kanyang iba pang kasabayang mga mang-aawit noon ay sina Ruben Tagalog at Diomedes Maturan.

Gumawa si Manrique ng isang album bilang solo singer noong 1960s sa ilalim ng Villar Records. Ilan sa kanyang mga awitin ay naging theme song din ng ilang pelikula, tulad ng Ang Daigdig Ko'y Ikaw, Dahil sa Isang Bulaklak, Florinda at Maruja.

Ilan pa sa kanyang mga awitin ay Saan Ka Man Naroroon, Sapagkat Kami ay Tao Lamang, Tanging Diyos Lamang ang Nakakaalam, Ikaw, Mahiwaga, Ikaw ang Ligaya Ko, Kundiman, Ang Pasko ay Pag-ibig, Sa Piling Mo, Magbalik Ka Lamang, Alaalang Nagbabalik, Bituing Marikit, Hindi Kita Malimot, Giliw, Magbalik Ka Lamang, Kahapon Lamang, Limutin Mo't Mamamatay Ako, Iniibig Kita, Magandang Bituin at napakarami pang iba.

Ilan lamang sa kanyang mga album ay ang mga sumusunod.




Nag-migrate si Manrique sa US noong 2001, kasama ang kanyang pamilya, subalit patuloy pa rin siyang naging abala doon bilang mang-aawit para sa Filipino communities. 

Noong nakaraang taon ay nagawaran siya ng isang Lifetime Achievement Award ng Outstanding Pilipinos in Los Angeles (TOPLA).

Mananatiling buhay naman ang kanyang mga iniwang mga awitin sa puso ng mga Filipino.

Manrique sa kanyang pagtanggap ng TOPLA Lifetime Achievement Award, 2016

Kuha naman noong 2001 sa Amerika kasama sina Cely Bautista, Rita Rivera, (Manrique), German Moreno, Diomedes Maturan, Raye Lucero at  'Tatay Naning' ng Mabuhay Singers.