Tuesday, August 28, 2018

Buhay at kasaysayan ni Thomas Puertollano, Marinduquenong nangibang bansa 1891 at hindi na bumalik


Si THOMAS PUERTOLLANO ay tubong baryo Suha, Sta. Cruz, Marinduque, nangahas bumiyahe papuntang Australia noon pang 1891. Nagtrabaho siya dito bilang pearl diver. Isa siya sa naging founding father ng Lombadina, isang lugar sa Broome, Australia. 

Ang Thomas Bay na isang white sand beach dito ay isang napakagandang lugar na ipinangalan sa kaniya.

Old photo of Thomas Puertollano.

(Ang sumusunod ay hango sa isang dokumentaryo ng I-Witness na isinulat ni HOWIE SEVERINO at isinahimpapawid sa GMA-7, Nobyembre 26, 2016.)

Malimit isipin sa kanyang buhay ni Kevin Puertollano ang tungkol sa kaniyang dakilang lolo na hindi na niya nasilayan.

Kanyang lolo ang dalawampu't-isang-taóng-gulang na si Thomas (Tomas) Puertollano ng umalis mula sa kaniyang sinilangan sa baybaying-dagat ng Marinduque noong 1891, papuntang Australia at hindi na bumalik kailanman.

Fr. Martin Puertollano of Sta. Cruz, Marinduque was instrumental
in unearthing the baptismal records of Thomas.

Sumama siya sa libu-libong iba pang mga kabataang lalaki mula sa buong Asya tungo sa isang sumisikat na bayan sa hilagang-kanluran ng Australya kung saan sila naging mga pearl divers. Ang mga Pilipinong sumama sa adventure na ito ay tinawag na 'Manila Men' saan man sila nagmula.

Book launch was held in 2016, at the Cultural Center of the Philippines (CCP) with its President, Dr. Raul Sunico, Australian Ambassador Amanda Gorely, and the author herself who welcomed these descendants of the first “Manila Men”, including those of Thomas Puiertollano  – now balikbayans.

Sa pearl diving ay malaki ang kita bagamat isang mapanganib na trabaho, nalalantad ang mga divers sa mga pating at mga buwaya ng tubig-tabang. Mga walong oras sila sa isang araw sa pagkokolekta ng mga shell na kinukuha sa karagatan.

Si Thomas ay nag-asawa ng isang aboriginal na babae at naging isang respetadong miyembro siya ng lipunang Australya, ngunit hindi kailanman binigyan ng pagkamamamayan. Tinaguyod niya ang isang pamilya na hanggang ngayon ay wiling-wili pa rin sa pagluluto pa ng adobo. Napanatili rin nila ang relihiyong Katolisismo simula noong una.

Birth records of Thomas (Tomas) Puertollano were recorded here.

Pagkalipas ng 125 taon, sinamahan ng kanyang kapatid na babae at pinsan si Kevin papuntang Pilipinas sa wakas at naglalakbay sa unang pagkakataon sa tinubuang-bayan ni Thomas. Pakay na makipag-ugnayan sa mga kamag-anak sa Marinduque na hindi niya nakilala.

Sinaksihan ni Howie Severino at ng kanyang kasamahan upang kunan ng dokumentaryo ang hindi pangkaraniwang pagkikita at ugnayang ito at nagpasiyang sundan din si Kevin pabalik sa Australia.

Isinaboy sa puntod ni Thomas ang mga puting buhangin mula sa kaniyang lupang tinubuan.

Si Kevin, ang kanyang kapatid na si Roma, at ang kanilang pinsan na si Patricia ay nagdala ng isang bagay mula sa Marinduque, at sa isang simpleng seremonya sa libingan ni Thomas, ginamit ito upang muling kumonekta ang dakilang si Thomas Puertollano sa kanyang sariling lupain – mga puting buhangin mula sa Suha, Sta. Cruz, Marinduque.



Monday, August 13, 2018

US confirms plan to return Balangiga bells to Philippines



"Ibalik niyo sa amin ang mga kampana ng Balangiga. Sa amin iyan. Ang mga iyan ay pag-aari ng Pilipinas. Bahagi ng aming pamanang pambansa," ("Give us back those Balangiga bells. They are ours. They belong to the Philippines. They are part of our national heritage,"). President Rodrigo R. Duterte SONA 2017, July 24, 2017.

Lookback: Before turning Samar into a 'howling wilderness' US first mastered the technique in MARINDUQUE by establishing concentration camps in all the towns, burning houses by the hundreds (in one account 324 houses were burned in just one town in five days), burning tons and tons of rice so the people would go hungry, killing cattle, carabaos, horses and treating males 15 years old up as enemies. Some 600 males were taken to Polo island in Sta. Cruz as prisoners. In Samar it was worse, 'Kill everyone over 10' was the order. 


But of the Marinduque experiment Gov.Gen. William H. Taft said: 'The severity with which the inhabitants have been dealt with would not look well if a complete history of it were written out.'


MANILA, Philippines — Taken as war booty by American soldiers more than a century after they last tolled to signal an attack on their comrades, the Balangiga bells may finally return home.

The United States embassy in Manila yesterday confirmed the intention of the US Defense Department to return the Balangiga bells to the Philippines.

Trude Raizen, the embassy’s deputy press attaché, said Defense Secretary James Mattis has notified the US Congress of their intention to return the bells more than a century after they were removed by US soldiers from the church of Balangiga town, Eastern Samar in 1901.

“No specific date has been identified for the return of the bells. We’ve received assurances that the bells will be returned to the Catholic Church and treated with the respect and honor they deserve,” Raizen told The STAR.

“We are aware that the Bells of Balangiga have deep significance for a number of people, both in the United States and in the Philippines,” she added.

The return of the Balangiga bells was among the constant demands of President Duterte from the US government.


On Friday, prominent Eastern Visayas historian Rolando Borrinaga shared initial information about the possible return of the bells.

He cited Bellevue, Nebraska Mayor Rita Gomez Sanders, a Filipino-American, who heard of the news from her district congressman.

Borrinaga said the announcement was apparently made to time with the fiesta of San Lorenzo de Martir in Balangiga last Friday.

Asked why Mattis has to notify the US Congress of their intention, Borrinaga said concurrence of the legislators is necessary as provided for in the US National Defense Authorization Act (NDAA) for 2018.

“I think the lobbying for the concurrence would not be as ‘bloody’ as the lobbying for inclusion of the provisions to return the bells in the NDAA 2018,” he told The STAR yesterday.

The ringing of the bells signaled an attack by Filipino guerillas on US troops belonging to the 9th US Infantry Regiment. The attack killed 48 US soldiers, including their commander.

In retaliation, Gen. Jacob Smith ordered troops sent on a punitive mission to turn Samar into a “howling wilderness.” The US soldiers set the town on fire and killed all Filipinos 10 years old and above or those fit enough to carry a rifle, as ordered by Smith. The operation left more than 2,500 Filipinos dead.

One of the bells is currently in the possession of the 9th Infantry Regiment in South Korea, while the other two are in F. E. Warren Air Force Base in Wyoming.



It was in 1994 during the Ramos administration that a request for the return of the bells was first made. No action was taken on Ramos’ request, which was repeated in 1996.

In 2012, Wyoming Governor Matt Mead wrote a letter to then US Secretary of State Hillary Clinton and then Defense Secretary Leon Panetta opposing the return of the bells.- Philstar

Also read:

Balangiga Bells at kung paanong ipinatupad muna sa Marinduque ang ginawa sa Samar ng mga Kano


Wednesday, August 1, 2018

Labanan sa Paye, Kapitan Teofilo N. Roque, iba pang labanan sa Marinduque laban sa Kano

Kapitan Teofilo Navaroso Roque

Ipinagdiwang kahapon dito sa Marinduque ang makasaysayang Labanan sa Paye (July 31, 1900), na isang mahalagang bahagi ng Philippine-American War sa Marinduque (1900-1902). Isa ito sa dalawang makasaysayang kabanata noong 1900 na hindi na makakalimutan sa lokal na kasaysayan. 

Ang Digmaan sa Marinduque

Si Martin Lardizabal, military governor ng Marinduque ang nag-organisa ng Hukbong Rebolusyonaryo ng Marinduque ayon sa pag-uutos ni Mariano Trias ng Southern Command. 

Nagsimula naman ang panibagong pakikibaka, sa panahong katatapos pa lamang ng Spanish-Philippine War, nang dumating noong Abril 25, 1900 ang dalawang US Navy ships. Dumaong malapit sa Puerto Laylay, lulan ang isang batalyon ng 29th USV Infantry sa ilalim ni Col. Edward Hardin.

US soldiers wading ashore at Laylay, Boac, April 25, 1900

Matapos ang pakikipag-usap sa ilang mga prominenteng residente ng Boac, dumeretso ang mga sundalong Amerikano sa mala-citadel na simbahan ng Boac at ito ang ginawa nilang kuta. Walang pagtanggi o labanan na naganap. 

Pagkatapos ng ilan pang pagmamanman na wala pa ring anumang insidente, nagpasya si Hardin na tahimik ang isla. Iniwan ang Company A at naglayag papunta sa iba pang masasakop na mga isla sa labas ng Marinduque.

Si Lardizabal naman ay nagkasakit at hindi na magampanan ang kanyang tungkulin. Hinirang niya si Lt. Col. Maximo Abad bilang kanyang kapalit na mamuno sa hukbong rebolusyonaryo. Mayo 6, 1900 nang ang Hukbo ay hinati sa apat na guerilla units.

Si Teofilo Roque ang namuno sa 2nd Guerilla para mangalaga sa teritoryong Boac-Mogpog (kung saan naganap ang Labanan sa Paye).

May mga prominenteng personalidad sa kilusan na may kaugnayan sa isat-isa. Halimbawa, biyenan ni Abad si Kapitan Fausto Roque ng 1st Guerilla, at pinsan naman ni Fausto si Teofilo. Dahil dito, naisulat ni Andrew Birtle, isang US historian, na ang revolutionary struggle daw sa Marinduque ay matatag na nakaugat sa middle at upper classes ng isla na may kakayahang gamitin ang kanilang kapangyarihan at pagkilala ng mga tao para ang kilusan ay suportahan ng mga mamamayan.


Lumang larawan sa may simbahan ng Sta. Cruz, Marinduque


Labanan sa Sta .Cruz


Noong ika-19 ng Mayo 1900, umabot sa 57 ang mga kawal Amerikano ng Company D/38 na nagmartsa papuntang Sta. Cruz, at nakarating doon ng 7:00 ng umaga, Linggo. Nadatnan nila ang may mga 1,000 katao na dumalo sa maagang misa.


Karamihan sa mga tao ay sakop ng paningin ng mga Amerikano bagamat pansin din nila na ang mga gerilya ay naka-deploy sa ibabaw ng isang burol.

Nagsagawa ng tinatawag na ‘bush tactic o Indian style’ na paglusob ang mga Amerikano. Sa pangunguna ni Major Charles H. Muir biglaang rumatrat at nasapol kaagad ang ilang mga Filipino mula sa kanilang pinagkukublihan. Nagtalsikan papunta sa ibat-ibang direksiyon.

Anim kaagad ang namatay na mga Filipinong sundalo at isa ang nabihag. Napagtagumpayan ng mga Kano ang unang labanan sa Marinduque na wala silang casualty.

Matapos ang pangyayari, nagpasya ang may karamdamang si Martin Lardizabal na sumuko na lamang. Nanatili para sa pakikipaglaban sina Abad at mga kasamahan sa kabundukan.

Battle of Paye Historical Landmark

Labanan sa Paye

Samantala, ang komandanteng Amerikano sa Boac, si First Lieutenant William S. Wells ng Company A, 29th USV naman ay tila naging kampante sa panahong iyon dahil tag-ulan. At dahil walang nagaganap na ano mang insidente o engkuwentro sa lugar. Nanatili na lamang sila sa loob ng simbahan.

Sa isang pambihirang pagkilos ni Wells, nagsagawa siya ng isang reconnaissance march sa kanayunan hanggang makarating sa Balimbing. Ito na ang naganap na pagsalakay sa kanila ng mga gerilya ni Teofilo Roque noong Hulyo 31, 1900.

Habang nasa tabing ilog ang mga sundalong Amerikano, sinalakay sila ng mga pwersa ni Roque, nasugatan ang dalawang Amerikano at binihag ang dalawa pa. Ang isa sa mga binihag ay nakilalang isang negosyanteng Ingles na matagal nang naninirahan sa Boac, kilala lamang bilang si ‘Macky’ o R.D. Macky.
Kuha ito sa Simbahan sa Sta. Cruz, Marinduque na ginawa ring kuta ng mga Kano.
Ganito rin ang naganap sa simbahan ng Boac na una nang ginawa nilang kuta.
Larawan mula sa mga Koleksyon ni Curtis Shepard.

Ang nagulantang na mga Amerikano ay umatras at tumakas sa kahabaan ng mga 7-milyang layo mula sa Paye hanggang nakabalik sila sa Simbahan ng Boac.

Ayon sa tala, nang gabing iyon, ang mga nagwaging mga gerilya ang nagsunog sa isang bahagi ng Boac na tinatawag na Mataas na Bayan, malapit sa simbahan sa pagsisikap na tuluyang palayasin ang mga Kano.

Nagsilikas ang mga naninirahan sa bayan at halos walang taong natira. Paralisado naman, di makagalaw, nanginig sa takot, 'cowering', ang Company A sa loob ng simbahan.  

Ang pagkatalo ng mga Amerikano sa Paye ay isang maliwanag na babala, sapagkat ito ay hahantong sa isa pang malaking pagkatalo ng puwersang banyaga, pagkaraan ng anim na linggo sa Labanan sa Masaguisi, mas kilala sa tawag na Labanan sa Pulang Lupa -  ang tinaring mismo ng mga US historians bilang “one of the worst reversals suffered by US forces...  sending shock waves through the American high command."




(May kasunod)