Monday, January 7, 2019

"If you want to get rich, you must go to Mao-li-wu" (Marinduque) - Old Chinese saying

HO-MAO-LI (also called MAO-LI-WU), Marinduque's place-name in Chinese records: Ho-mao-li
'is a small country in the sea... It is also called Mao-li-wu... When Chinese go to this country they dare not cheat or impose themselves. Its laws governing trade are extremely equitable, so the Chinese have a saying: "IF YOU WANT TO GET RICH, YOU MUST GO TO MAO-LI-WU" '

Among others, this version of what Mao-li-wu was in those years also appeared in 'Development and Decline of Fukien Province in the 17th and 18th Centuries' edited by Eduard B. Vermeer

Former NHCP and NCCA chairman Ambeth Ocampo once wrote in his PDI editorial-page column about his surprise discovery of the whereabouts of some Marinduque artifacts. Those were Chinese jarlets excavated by the French naturalist Antoine-Alfred Marche from some Marinduque caves. Such jarlets together with some skulls and bones were brought to Paris, according to Ocampo, some of them eventually ending up “in a museum bodega outside Washington D.C.”- the Smithsonian Institution.

  
Ocampo wrote that “part of our history lies in museums abroad and it will take sometime to analyze these artifacts to piece together our pre-colonial past”.

It becomes more significant when the archaeological work carried out by Marche in Marinduque in 1881 was considered the first detailed and systematic exploration conducted in the Philippines, and it was commissioned by the French government.

What Ocampo failed to mention is that during the last two decades there has been a rapid increase in the number of local publication by Chinese professional and amateur historians. Painstaking indeed to say the least is the process one must undertake in piecing together our pre-colonial past. 

But exploring these deep waters does offer a greater promise now for historians and historical researchers.

What this blogger has written so far on Marinduque's 'other' ancient name:


Trivia: 'Mao-li-wu' ang Marinduque ayon sa Tsina taong 1405 (Nov. 26, 2018)



Sa mga Chinese records, ang kinikilalang pinaka-unang naitalang pakikipag-ugnayan ng China sa Pilipinas ay noong Song dynasty (971 o 972). At ito ay ang pakikipag-ugnayan nila sa Ma-i (Mindoro), na kung saan pagdating ng 982 ay dala ng mga mangangalakal mula sa Ma-i ang kanilang mga produkto papuntang Guangzhou (Canton).

Pagdating ng 1206 nakipagkalakalan na ang China sa Mindoro, Palawan at Basilan at lumawak na ito kasama ang Babuyanes, Lingayen, Luzon, Manila at Lubang Island.

Kapagdaka, ang mga emperador ng Ming at Ching dynasties ay nag-imbita na makipagkalakalan na rin sa kanila ang iba pang mga isla.

MAO-LI-WU ang MARINDUQUE

Doon na umentrada ang munting isla ng MARINDUQUE. Kilala ang Marinduque sa Tsina sa tawag nilang MAO-LI-WU.

Noong Oktubre 17, 1405 ang mga kinatawan ng Lu-sung (Luzon) at Mao-li-wu (Marinduque), kasama ang embahador mula sa Java ay nagpunta para sa isang tribute mission sa China.

May naitala pa rin tungkol sa mga pirata mula sa Wang-chin-chiao-lao (Maguindanao) at ang pag-atakeng ginawa ng mga pirata sa Mao-li-wu. 

May naitalang isang hari* (o pinuno), mula sa Mao-li-wu subalit hindi nabanggit ang kanyang pangalan. Ang nakatala ay ang pangalan ng kanyang kinatawan (envoy): Tao-nu-ma-kao (Taonu Makao), isang Muslim.

Kasunod nito, nagpadala na rin noong September 23, 1406, ang pinuno ng Pangasinan (Feng-chia-hsi-lan), ng isang tribute mission. Nasundan ito ng ganun ding misyon noong 1407 at 1408.

Noong 1411, isang state banquet ang inihandog ng China. Ang pagkilala sa Pangasinan at Mao-li-wu (Marinduque), ay napakaliwanag.

Para sa ilang mga mananaliksik ay maaring manghang-mangha sila kung paanong ang munting isla ng Mao-li-wu ay nagkaroon ng ganoong mahalagang papel sa pakikipag-ugnayan sa China. Kaya baka raw naman ang Mao-li-wu ay ang Mindoro kahit pa maliwanag na ang tawag nila sa Mindoro ay Ma-i.

Baka raw pinalitan ang dating pangalan ng Mindoro bilang Ma-i at ginawang Mao-li-wu ayon sa isang manunulat. (Scott in 1984 ang nagsulat ng ganito: ‘a polity known as Mao-li-wu or Ho-mao-li as Mindoro or Marinduque island, or perhaps related to the prior Ma-i).


Ang masasabi ko po, basta sa ngayon, bukod pa sa iba pang maraming panulat na nagsasabing ang Mao-li-wu ay ang Marinduque, may nahalukay pa akong isang source na mahirap salungatin. Tinukoy ang latitude at longitude coordinates nito.

Sinasabi dito ang sumusunod:  Sha t’ang ch’ien San Andres islands, 13 ̊34’N, 121 ̊ 50’E, off the north-western extremity of Mao-li-wu, Marinduque island, in the Philippine islands (Chang Hsieh, p 123). (Hanapin sa ‘The Overall Survey of the Ocean’s Shores (1433) by Ma Huan).


Intriguing narrative on the changing fortunes of Mao-li-wu, Marinduque in pre-colonial period.



"Mao-li-wu", the pre-colonial place name for Marinduque by ancient Chinese dynasties is recorded in Chang Hsieh’s Tung His Yang K’ao.

Ito ang nakasaad doon (isinalin ko):

Mao-li-wu ang bansa ng Ho-mao-li. Ang lupain ay maliit at ang lupa ay tigang; ang loob nito ay bulubundukin, at sa kabila ng mga bundok ay ang karagatan. 

Ang dagat ay puno ng mga laman-dagat na lahat ng uri. Marunong din ang mga tao ng pagsasaka.

Sa ikatlong taon ng Yung Lo [1405] ang hari ng Mao-li-wu ay nagpadala ng Muslim, si Tao-nu-ma-kao bilang emisaryo upang ipresenta ang kanyang mga kredensyal; dumating siya sa korte at nag-alay ng mga handog na mga katutubong produkto.

Ang bansang ito ay kapitbahay ng Lu-sung (Luzon), kaya nga dumating siya kasama ang kinatawan ng Lu-sung. 

Portrait of the Yongle Emperor (ruled in 1402–24).
Ang hari ng Mao-li-wu ay nakipagkita sa kanya. (Wikipedia)

Paglipas ng panahon, ang lupa ay dahan-dahang naging mataba, at ang mga simpleng tao ay naging malikhain, kaya nga’t ang mga mandaragat ay may naging kasabihan, "Kung nais mo ng yaman, siguraduhin na pumunta sa Mao-li-wu, dahil ito ay isang napakahusay na lupain para sa ganoong kaliit na bansa. "

Mayroong ilang taga Wang-chin-chiao-lao [Maguindanao] na mga pirata sa mga dagat. Naglalakbay sila sa mga bangka gamit ang mga mahahabang sagwan na ang mga dulo ay parang biniyak na mga patola.

Paminsan-minsan, ang mga nagsasagwan ng banka ay napapapunta sa tubig pero nagiging doble ang bilis kapag ganito ang nangyari. Natatanaw sa laot ng dagat ang mga ito na animo ay tuldok lamang, pero minsan ang lahat ay nabigla, dahil biglang umatake ang mga pirata, kayat hindi nagawang tumakas at magtago ng mga tao, at wala ngang nakatakas.

Nagdusa ang Mao-li-wu dahil sa maraming mapanirang pagsalakay at maraming buhay na nakitil, kaya’t ito ay naging mahirap at kahabag-habag. Iniwasan tuloy ito ng mga barkong pangkalakal na nagpupunta roon dahil sa pagkatakot sa mga pirata, at naglalayag na lamang sila papunta sa iba pang isla.

Dito ay may bantog na tanawin. Bundok Lo-huang: ang tuktok nito ay may puting bato.


Sa isang tuktok ng Mt. Malindig ay may puting bato mandin. Makulilis ang tawag.
Paboritong lugar ito ng mga espiritista na naniniwalang ito ay lagusan papunta sa daigdig ng kababalaghan. Tanunga.

Photo: Morion Mountaineers Sta. Cruz, Marinduque

Mga produkto: Brazilwood (Sappanwood). "Seed flowers"
Sappanwood. Locally abundant throughout the Philippines at low and medium altitudes in dry thickets, parang, etc. Introduced, and probably of prehistoric introduction.
Dito kinukuha ang tangal para makulayan ang tuba.

Komersyo: Kapag nakita ng maliit na bansang ito (Mao-li-wu) ang mga barko ng taong Tsino, sila ay nagagalak at hindi kailanman nag-isip ng pagmamaltrato sa kanila, kaya napaka-mapayapa ang kalakalan.

Iranun/Ilanun pirate originally from Maguindanao (Wikipedia)

Para sa mga Chiao-lao (Maguindanao) naman na gumagawa ng pandarambong ay gusto nilang bisitahin ng ibang mga tao ang lupaing iyon, at para sa kanila (Chiao-lao) ang mga barko na pumupunta doon upang mangalakal ay tinatrato ng mahusay dahil ito ay diskarte ng mga taga roon pero lihim nilang plano na patayin diumano ang mga mangangalakal.


Mahiwagang bundok sa Marinduque na naisulat na bago pa man ang pananakop ng mga Kastila (Dec. 5, 2018)



Ang mahiwagang tuktok na bahagi ng Mt. Malindig (Lo-Huang), na tinaguriang Makulilis Peak & Rockies. Precolonial era pa lamang ay naisulat na ito. Ming dynasty period.
Sa Mao-li-wu (Marinduque) ay may naisulat nung unang panahon tungkol sa pangangalakal ng mga taong Tsina sa ating panig ng mundo. Panahon ito ng Yong-le Emperor ng Ming dynasty.

May tinagurian silang isang “bantog na tanawin”. Ito raw ang Bundok Lo-Huang at sa tuktok daw nito ay may puting bato.

Sa Marinduque, ating magandang islang-lalawigan, ay iisa lamang ang maaaring pinupuntirya ng banyagang manunulat at ito ay ang Bundok Malindig. Lalo na at mayroon naman sa isang tuktok nito na ‘puting bato’ na nakabibighani kapag makita mo ng malapitan at maglakbay ka sa bahagi nito na sakop ng Torrijos.

Kung mahiligin ka namang maghalukay sa mga lumang paniniwala ng mga katutubong Marinduqueno, mga iningatang paniniwalang namana nilang nakatira malapit sa bundok ay maaaring maibahagi sa iyo ito. Ang kuwentong lihim tungkol sa isang lagusan doon papunta sa daigdig ng kababalaghan.




Ang kanilang paniniwala ay doon sa puting bato, Makulilis Peak (ang bansag dito sa ating panahon), nagsisimula ang isang mahiwagang lagusan. Sa kaisipan ng mga may ganoong paniniwala at kayang ipagtanggol ito, ay doon mismo sila nagtutungo para makasalamuha ang mga taong nakatira sa kabilang daigdig na iyon. Daigdig ng mga ginintuang palasyo, ginintuang caruaje, mga dwende, engkanto, engkantada, kasiyahan at kakaibang kapangyarihan.

Subukin mo kaya namang akyatin at makihalubilo sa kanila?


Google Earth confirms: Marinduque was Mao-li-wu (also called Ho-mao-li by the Ming dynasty Chinese) Dec. 6, 2018


Latitude and Longitude 13 ̊34’N, 121 ̊ 50’E. Photo by Google Earth.


Marinduque was Mao-li-wu and that’s fairly conclusive.
Research studies on the identity of Mao-li-wu (also called Ho-mao-li), were generally ambiguous and uncertain whether that name referred to Marinduque or Mindoro. This, even with Ma-i as the name the Chinese called Mindoro had been generally accepted for centuries and never mind the skeptics for now.

In Chinese records, the first appearance of the Philippines was in 971 (or 972), during the Song dynasty when Ma-i (Mindoro) was mentioned as part of the ‘jurisdiction’ of the “superintendent of maritime trade” in Guangzhou, Hangzhou and Mingzhou. In 982 traders from Ma-i brought goods for sale in Guangzhou (Canton).

Like what goods? Like aromatics, coral, pearls, sea-turtle leather, tortoise shell, sapan wood, and others.

A footnote in Scott says “Ma-i or Ma-it, seems clearly to be Mindoro: it was so known to early Spanish missionaries (chapter 36 of Juan Francisco de San Antonio’s 1738 Chronicas is entitled, “De la Provincia y Isla de Mait o Mindoro); the word is still used by Panay fishermen and Mangyans around Bulalakaw”.

Nevertheless, the following statement appeared in Scott that apparently was made by historians thereafter as their basis for repeating the same indecision on pinpointing Mao-li-wu without equivocation:

“On 17 October 1405, Luzon and Mao-li-wu presented tribute together with envoys from Java.  (Mao-li-wu, also called Ho-mao-li, was on either Mindoro or Marinduque, and its representative was a Muslim called Taonu Makaw.)”






But also in Scott, was cited specific books that contain "true facts" that “are available in careful studies" like JJL Duyvendak’s “The true dates of the Chinese maritime expeditions in the early fifteenth century,” T’’oung Pao, Vol. 34 (1939), and J. V. G. Mills’ Ma Huan/ Ying-yai Sheng-lan: “The overall survey of the Ocean's shores ” 1433 (Cambridge 1970).


That leads us to the last-mentioned book by Ma Huan edited by J.V.G. Mills where we find on the page titled "China in South Asia, 1433", the following that specifies the latitude and longitude of what's described as:
Sha t’ang ch’ien San Andres islands13 ̊34’N, 121 ̊ 50’E, off the north-western extremity of Mao-li-wu, Marinduque island, in the Philippine islands (Chang Hsieh, p 123)."

Screencap of the relevant page titled, China in south Asia 1433
So this blogger had to make use of Google Earth tools to scientifically validate the specified latitude and longitude coordinates based on centuries old data that predates Spanish colonization of the Philippines.  

And voila!  “The overall survey of the Ocean's shores" 1433 by Ma Huan was quite accurate! (See Google Earth screenshot). It readily points indeed to the uninhabited San Andres island off the north-western extremity of Marinduque in the Philippine islands!

Northern side of San Andres Island with rock shelters.
Photo: Eli J Obligacion



How was that arrived at by the ancient Chinese traders in the first place? The following editorial notes by JVG Mills clearly explain it all under 'Astronomy' and 'Compass'.


Here's a Google Earth photo again of Sha t’ang ch’ien, San Andres island, in wider coverage that includes part of Lu-sung and Ma-i:


The uninhabited San Andres island and the white beaches of the populated Brgy. Silangan northwest of Marinduque. By Google.