Thursday, June 28, 2018

Pres. Duterte signs PH Mental Health Act of 2017; Marinduque Cong Velasco expresses gratitude

President Duterte. Help is here.

Marinduque Congressman Lord Allan Velasco expressed gratitude to President Rodrigo Roa Duterte for signing into law Republic Act No. 11036 or the Mental Health Act of 2017. Velasco coauthored House Bill No. 6452 for the purpose of safeguarding the fundamental rights and welfare of people who require mental health services.


Velasco said, “The passage of this law will definitely help Filipinos as it will develop better facilities, treatment and service in relation to mental health. This law furthers our advocacy to promote mental health awareness and the delivery of timely, affordable and high-quality mental health care to the public.”

Further thrust for the protection of the public against mental health illness has been thrown into the picture by the recent suicides committed by two famous figures, Kate Spade and Anthony
Bourdain.

With its passage, this law will fill the void existing in Philippine legislation and remove the stigmatization and discrimination that society engenders about the issue of mental health problem.

Marinduque Rep. Lord Allan Velasco coauthored
House Bill No. 6452 that fills the void in existing legislation.

Philippine Mental Health Law or Republic Act 11036 finally sets the path for the government’s policy in integrating mental health care in the general health care system.


The law secures the rights and welfare of persons with mental health needs, mental health professionals, provide mental health services down to the barangays, integrate psychiatric, psychosocial and neurologic services to be undertaken in regional, provincial and tertiary hospitals. It will also help improve mental health education in schools and workplaces.

Research shows that every day, 7 Filipinos turn to suicide and one in 5 Filipino adults suffer from some form of mental disorder. Mental health issues will now cease to be an invisible sickness spoken only in whispers.

Mga Balinsasayaw sa Marinduque nanirahan na sa isang mansion




Ang ibong Balinsasayaw (Philippine swiftlet) ay likas sa Pilipinas. Naninirahan sila sa mga gubat maging sa bundok man o patag. Karaniwang sa malalamig na kuweba ang paborito nilang tahanan. Sa mga ilalim ng tulay ay makikita rin sila.

Subalit minsan nakikitira rin sila sa mga bahay kahit pa okupado ito ng mga tao. May mga lugar na matapos nilang tirhan ay binabalikan nilang muli. Mayroon namang mga bahay na hindi nila magawang umalis at tila igigiit ang kanilang kagustuhang manirahan dito.

Sa Hilagang Marinduque, may isang mansion dito na dekada na ang inabot ay ayaw talagang umalis ng mga masasayang ibon. Hanggang animo ay nagkaroon ng direktang kasunduan ang mga Balinsasayaw at mga taong nakatira sa nasabing bahay na ang mga ibon ay may pahintulot nang akuing kanila ang isang malaking silid, at hindi na sila makikialam sa iba pang silid.


Sa araw ay palipad-lipad lamang sila sa pali-paligid at padapo-dapo sa kanilang puwesto, pero pagdating ng alas-6:00 ng hapon hanggang mga 6:30 n.h. ang kanilang mga kasamahan ay datingan na. Libo-libo ang bilang at halos di na magkasya sa isang bahagi ng kisame na kanila ngang inako na, ayon sa may-ari.

Dun makikita ang mga maraming pugad na ginawa at pinagdikit-dikit nila gamit ang kanilang mga laway. Mahal kung bibilhin ang mga pugad ng Balinsasayaw dahil ang mga ito ay pambihirang gawa sa tumigas na laway ng mga Balinsasayaw at ginagawang sopas, lalo na ng mga Intsik. Mataas daw ito sa calcium, iron, potassium at magnesium kaya maganda sa kalusugan at mahal ang halaga.


Ang mga pugad ay ginagawa ng mga lalaking Balinsasayaw kapag breeding season sa loob ng mga 35 araw. Hugis tasa na mabababaw ang mga ito at nakadikit sa mataas na bahagi ng kuweba o kuwarto.

Sa ating bansa ay mahigpit na ipinagbabawal pakialaman ang mga pugad ng Balinsasayaw.



Sa kaso ng mga Balinsasayaw na iri at kanilang mga pugad sa bahay na aming nabisita, hindi pinapakialaman ng may-ari ng mansyon ang mga ibon at mga pugad nila. Ayon sa may-ari maliwanag na pinagbigyan sila ng mga ibon sa kanilang pakiusap na isang kuwarto na lamang ang kanilang okupahin, kaya’t iginagalang naman nila ang pagsang-ayon ng mga Balinsasayaw.

Ehemplo baga ng maayos at mapayapang magkakasamang buhay, peaceful coexistence. Sa pagitan ng mga tao at mga ibon.

Ang may-ari ng bahay (kaliwa) at ang blogger na ito.

Video of Balinsasayaw in a Marinduque mansion:


Wednesday, June 20, 2018

Other details of Dr. Jose Rizal's significant encounter with the Marinduque cabin boy

Other details on how Rizal's Noli and El Fili were smuggled into the Philippines. The role a Marinduqueno played when he agreed with Rizal to help enlighten the masses.


Sta. Cruz, Marinduque in those days. Curtis Shepard collection

From FilipiKnow; Sources: How the Noli was smuggled into the Philippines', Augusto De Viana; The Revolutionary Spirit


While Rizal was on board the ship Don Juan bound for Hongkong in 1888, he recruited a young cabin boy by the name of Perfecto Rufino Riego. Riego was a native of Santa Cruz, Marinduque. "I am looking for a Tagalog," Rizal said, "and from your looks, I know that you are one."

Rizal talked to Riego at length about the plight of the Filipinos. He left instructions which Riego was able to follow faithfully.

Riego met with Dr. Jose Ma. Basa in Hongkong. Basa supplied Riego with sacks of books which Riego smuggled to Manila on board the Don Juan hidden among his soiled shirts. Upon arriving in Manila, Riego would hire a caretella to Calle Calamba. 

Halfway to his destination, Riego would tell the cochero that he forgot something in the ship leaving the sack of books behind. Riego would not return and the bored cochero would open the buri sack out of curiosity and find the books. The cochero's friends (and maybe family) learned of the books and asked for copies.

Several sacks of books were distributed this way in Sampaloc and Sta. Ana while some others were given to five Filipino priests listed by Rizal, Filipino students, and Spanish mestizos. Riego's "caretella method" showed that Rizal intended for his books to be read by ordinary Filipinos and not just by Spaniards.

In 1928, already in his 80's, Riego was asked if it would have been better for Rizal to have lived. Riego replied that it was better that Rizal died a hero's death. "Otherwise he would have been another forgotten old man like me."

Sunrise in Sta. Cruz, Marinduque. Photo: Manila Times


Also read:

Lihim na pagkikita ni Gat Jose Rizal at ng isang Marindukenyong cabin boy


Tuesday, June 19, 2018

Lihim na pagkikita ni Gat Jose Rizal at ng isang Marindukenyong cabin boy


Naging papel ng Marinduque cabin boy sa pamamahagi ng mga aklat ni Rizal sa Pilipinas

 May hindi gaanong nalalaman na kaganapan tungkol sa lihim na gawain ni Rizal at ng isang batang katutubong Marinduque na nakilala ng pambansang bayani ng mga panahong iyon.

Ang aklat ni Dr. Augusto V. de Viana, "The I Stories", (sumulat na rin siya ng ilang mga libro tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas), ay isang kompilasyon ng mga karanasan ng mga naging saksi sa mahahalagang pangyayari sa kasaysayan. Isa na ang kwento na nagmula kay Perfecto Rufino Riego ng Sta. Cruz, Marinduque.

Ang mga interbyu sa The I Stories ay orihinal na inilathala sa The Manila Times at sa Philippines Free Press mula 1920 hanggang 1950s.



Isa sa mga kwento dito ang tungkol sa mga pagsisikap ni Rizal na protektahan ang kanyang mga libro na "Noli Me Tangere" at "El Filibusterismo" sa pamamagitan ng mga patotoo ng isang kamag-anak ng pamilya ng bayani, si Dr. Jose Francisco, at ng isang dating cabin boy na si PERFECTO RUFINO RIEGO.

Si Perfecto Rufino Riego ay isang tubong Sta. Cruz, Marinduque. Ang mga detalye ng unang pagpupulong ni Riego kay Rizal ay ibinahagi ni de Viana noong nagkaroon ng pangkasaysayang komperensiya tungkol sa Marinduque. Ginanap ito sa bayan ng Mogpog noong 2008, at sinimulan ng blogger na ito.


Larawang kuha sa National Conference on Marinduque, 2008

Ayon kay de Viana, sa bahay ng ama ni Francisco, si Don Higino, naganap ang mga lihim na pagpupulong kasama si Rizal at ang ilang mga pinuno ng kilusang kalayaan. Kabilang dito ang pag-iingat sa orihinal na manuskrito ng Noli.

Nangyari naman na si Riego, ay nagtatrabaho bilang isang cabin boy ng barko na nagbibiyahe mula HongKong at Manila. Si Riego ang naatasan ni Rizal matapos nilang magkakilala sa barko sa pagpupuslit ng mga kopya ng Noli at Fili sa Pilipinas mula sa Hong Kong. 

Ang mga kopya ng mga aklat ay naipadala muna lulan ng barkong "Don Juan" mula sa Alemanya kung saan ito nai-publish. Sa pagbabalik ni Riego sa Maynila ay nagkaroon din siya ng papel sa pamamahagi naman ng mga libro sa mga lumang lungsod ng Manila gamit naman ang isang caleza.

Ito ring si Riego, ayon sa panulat ni de Viana, ang batang Riego na tumulong sa isa nating bayani na si Graciano Lopez Jaena. Ito naman ay tungkol sa pagtakas ni Lopez Jaena sa mga awtoridad ng Espanya nang bumisita siya sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagbabalatkayo niya (disguise) sa kanyang sarili bilang isang "apprentice" ni Riego mula Manila papuntang Hong Kong para sa kanyang pagbabalik sa Espanya para sa pagpapatuloy ng Propaganda Movement.

Sa kanyang mga takip-silim na taon naibahagi Riego kay De Viana ang kanyang kwento na may mga kagiliw-giliw na mga detalye tungkol sa kanyang nakatagpong pambansang bayani.

Trivia: Rare wood carving ni Dr. Jose Rizal na para sa ilang eksperto ay masasabing kanyang self-portrait. Mula sa FB Post ni Eliseo Silva



Sa 'Revolutionary Spirit: Jose Rizal in Southeast Asia' by John Nery (Iseas Publishing, Singapore 2011), mababasa naman natin ang sumusunod:

"A feature in the Philippines Free Press of 25 December 1948 tells the story of how Rizal recruited Perfecto Rufino Riego, a cabin boy on a ship that plied the Manila-Hong Kong run, to help smuggle in buri sacks full of copies of the Noli. Augusto de Viana's The I-Stories, a helpful compendium of "alternative" eyewitness accounts of the Revolution and the Philippine-American War, recounts the interesting details. There are some inconsistencies in Riego's account (by the time the story came out he was already in his eighties), but the basic facts seem authentic".

Wednesday, June 13, 2018

Walang pakundangan sa mga mamamayan ng Marinduque: Bagong pirmadong kontrata na with US lawyers

Kaya mo ba 'to? Ito ay kaso ng Provincial Government of Marinduque, pero nakasaad sa kontrata na ito ay isang PRIVATE AND COMMERCIAL (AND NOT PUBLIC) Agreement of the PROVINCE. Kaya walang pananagutan sa PUBLIKO?


Habang lumalaon, mas maliwanag na walang katiwatiwala ang mga nababahalang Marinduqueno sa pirmado nang kontratang inilatag sa Sangguniang Panlalawigan ng Marinduque. Pirmado na ni Gov. Carmencita O. Reyes.

Dahil kaya ang nasabing kontrata ay itinuturing na napakalupit, walang habag, walang pakundangan, at walang respeto sa mga mamamayan ng Marinduque? Ang kontrata ay tila inurungan naman ng Sangguniang Panlalawigan - sa ngayon. Eh, bukas kaya?

Most Rev. Bishop Marcelino Antonio Maralit, Jr.
and Rev. Fr. Arvin Anthony Madla, Chair, MaCEC

Anong kontrata nga ito? Ang Restated and Amended Contract of the Provincial Government of Marinduque (PGM) with Diamond McCarthy (DM) Law Firm para sa pagsampa ng kaso sa Canada. (DM ang US law firm na dating humawak sa kaso ng PGM sa Nevada, USA).

Pangunahin ang MaCEC at ang Simbahan sa mga nagsuri sa kontrata o kasunduang nabanggit. Sila bilang stakeholders ang pangunahin ding iniimbitahan/pinapakiusapan ng SP na maging bahagi at katulong ng SP sa mga deliberations tungkol sa bagay na ito.

'Urgent' na sulat ni Gov. Reyes sa Sangguniang Panlalawigan for ratification of the contract.

Sa dami ng negatibong mga obserbasyon/komento ng stakeholders tungkol sa mga nakasaad sa kontrata ay kakayanin kaya ng mga kababayan natin na masikmura bilang halimbawa lamang ang mga sumusunod?

Sa nakasaad na Waiver of State Immunity. Ayon sa MaCEC, (No.14 sa kanilang position paper), dapat daw pakaisipin ng Lalawigan ang probisyon na ito. Maraming beses na pakaisipin at seryosohin, at pag-aralan sa tulong ng legal experts. Bakit daw? Binubuksan nito ang Lalawigan at/o ang mga opisyales na kasuhan sila sa kasalukuyan o sa darating na panahon.

Isa pa, ang Paragraph B of XII ng kontrata ay nagpapahintulot din sa future execution against assets of the Province in the present and in the future resulting from waiver of its rights. Ayon sa nakakaunawang Diocese of Boac at pangunahing pangkalikasang organisasyong MaCEC.

“... the Province irrevocably and unconditionally acknowledges that the execution, delivery and performance of this agreement constitute PRIVATE AND COMMERCIAL (and not Public) acts of the province”

Masasabi kayang isinasangla pa sa di pangkaraniwang pagkakataong ito ang mga paglalagay sa alanganin ng mga assets ng Lalawigan? Baka mapadilat pa ang mga mata ng mga minamahal nating Marinduqueno sa mga sumusunod:

On the Private and Commercial (Not Public) Nature of the Agreement. Ayon sa MaCEC, VII.C. of the document mentioned “that the Province irrevocably and unconditionally acknowledges that the execution, delivery and performance of this agreement constitute PRIVATE AND COMMERCIAL (and not Public) acts of the province”.

Ano nga naman ang mga implikasyon nito sa katunayang ang Client ay isang Government Institution/Local Government Unit at ang mga Opisyales na nakikipagkasundo sa law firm/pagpipirma ng mga dokumento bilang mga kinatawan ng mga mamamayan na kanilang pinagsisilbihan – ang PUBLIKO?

Dapat daw isaalang-alang na ang mga opisyales ng bayan bilang mga kinatawan ng mga taumbayan ay nanumpa ng Oath of Office at nasasailalim ng Civil Service Laws, Code of Conduct and Standards of Public Officials and Employees, maliban pa sa iba. At ang Konstitusyon daw mismo ay nagsasaad na sila bilang mga namumuno ay may pananagutan sa taumbayan, accountable to the people.

Ang Diocese of Boac at MaCEC na matagal nang nakatutok sa usaping ito at palaging imbitado sa mga pagpupulong nang nagsumite na noon pang nakaraang taon (maging noon pang 2016), ng kanilang masasabi o kinatatayuan sa usaping ito at kanilang mga rekomendasyon. Subalit ayon nga sa kanilang position paper ay “none of these was acted upon by the PGM and or the said law firm thus, “for every new contract presented before the stakeholders and Marinduquenos in general have been onerous and unacceptable.”

PARA SA KAALAMAN NG LAHAT. Anong mga dark secrets kaya ang nasa likod ng pagpipilit gamitin ang mga abogadong Amerikano sa kasong isasampa sa Canada or 'anywhere in the world' kasama na ang Pilipinas?

Isang pagkakataon ng pagbabantay ng mga miyembro ng
MaCEC sa Session Hall para makinig 

Para sa kaalaman ng lahat, direktang isinumite ng Diocese of Boac at ng MaCEC ang kanilang pinakahuling position paper (English) submitted to the Governor at SP noon pang November 2017, at muling isinumite noong May 10, 2018, na nagsasaad (translated, see copy of original document for cross-checking), na:

1.       Ang kontrata ay hindi patas at makasasama pa sa interes ng Lalawigan. Mas binibigyang diin ng kontrata ang karapatan ng law firm, pero  may kalabuan pagdating sa obligasyones at pananagutan nila sa Lalawigan (paulit-ulit lamang na sinasabi na ang maisasad lamang nila sa kontrata ay kanilang opinion at kawalan ng katiyakan,  (“opinions”… “no assurance”), magiging napakamahal para sa Lalawigan at walang magagawa ang Lalawigan kundi tanggapin ang kanilang magiging desisyon base sa kanilang “opinions” na nangangahulugan lamang na magiging mas magastos ito para sa probinsya; labis na diskresyon ang ibinibigay sa law firm kasama na rito ang sole discretion pagdating sa arrangement with local lawyers, kasama ang marami pang iba.

2.      Matapos hinawakan ang kasong ito ng lagpas na sa isang dekada, sa dokumentong ito ay ni hindi mabigyan ng katiyakan ng Diamond McCarthy na magsasampa sila ng kaso at/o dalhin ito sa paglilitis. Matatandaang mula pa noong 2005, ng hinawakan ni Walter Scott ang kaso, ang intensiyon ng probinsya mula pa sa simula ay magsampa ng kaso, litisin, at usigin para magkaroon ng favorable court decision, at hindi pangunahan ang pagkakaroon ng “out of court negotiation o settlement”, dahil kung ganito rin lamang ay maaaring kumuha na lamang noon ng batikang mediator o broker.

3.      Sa dokumento, isinasaad na walang Kasunduan o pakikipagkasundo na magaganap na hindi muna kinukunsulta ang law firm at pinapayagan ang law firm na makibahagi sa mga ganoong negotiations. Subalit, ang kabaliktaran naman nito ay wala. Walang sinasabi ang dokumento na anuman tungkol sa mga direktang representante ng Lalawigaan na dapat makisali sa negotiations na isasagawa ng law firm. In substance, pagsusumite ng payo at resulta lamang ng negotiation sa lalawigan ang nakasaad.

4.      Palaging nakasaad sa dokumento ang mga katagang “reasonable time… for valid reasons”, must not unreasonable withhold or accept (Firm’s advise)… subalit ano ang basehan kung ano ang ‘reasonable at not reasonable’ na dapat gawin ng mga partido? Paano kung ang inihahain ay labis na mapang-abuso at di katanggap-tanggap para sa probinsya tulad ng mga kondisyones at ‘stipulated facts’ na inilatag ng law firm para tanggapin ng Lalawigan noong nakaraan, na kapag hindi tanggapin ay maituturing na ngayong “Termination Without Cause”?

Mga sakit dulot ng mga lasong kemikal, pagwasak ng karagatan na naging
sanhi kung bakit ang lugar na ito sa Calancan Bay ay isang 'No Swim Zone'.

 5.      Almost blanket authority. Halos blanket authority ang ibinibigay ng kontrata sa law firm sa pagtantiya sa resulta/kalalabasan ng claim. Sinasabing nasa Lalawigan nga ang final decision, subalit ang mga nakasaad sa kontrata ay nagtatali sa kamay ng lalawigan para makahanap pa ng ibang options at direksyon kahit pa ito’y makakasama ng todo sa interes ng lalawigan.

6.       Sa pag-aanalisa ng mga probisyon sa kontrata, bagamat hindi tahasang sinasaad, ang panukalang Restated and Amended Contract ay halatang nakatuon at nakatutok sa “out of court negotiation and settlement”, at ang pagtitiyak na kung ano man ang dikta ng law firm ay dapat tanggapin ng Lalawigan kahit ito pa ay hinding-hindi katanggap-tanggap, sapagkat ang kapalit nito ay magiging pagkalugi (halimbawa, ang di pagtanggap sa settlement advise ay maaaring maging dahilan ng pag-urong ng law firm at maaaring gamiting dahilan bilang “termination without cause”. Kaya’t no choice ang Lalawigan kundi tanggapin na lamang ang isang unacceptable settlement offer/terms na dinidikta ng law firm.

7.       Ang dapat isagawa ay ang pagtutok una sa lahat sa pag-uusig ng kaso sa korte at paghahanda para sa ganung pakay, at hindi ang pakikipag-ayos sa labas ng korte at settlement na lumalabas na doon napaka-interesado ang law firm. Nakasaad na “Firm’s conduct of any and ensuing negotiations” ay nakamandato na sa dokumento at ang law firm ay binibigyan ng blanket authority na gawin ito para sa probinsya na hindi naman dapat… ang Lalawigan ang dapat magkaroon ng sole authority na magdesisyon sa bagay na ito at dapat magkaroon ng direktang partisipasyon sa proseso. Hindi maaaring bigyan ng blanket authority ang Firm kung kailan at papaano at sa anong pagkakataon ito dapat simulan at maganap. Kaya, ito ay dapat mapasailalim sa ibang agreement/pagbibigay ng authority ng Lalawigan sa Firm.

8.       Walang garantiya. Ang dokumento ay maraming beses na nagsasaad na hindi nagbibigay ng guarantee ang Firm kundi ang ibinibigay nito ay mga opinyon lamang. Ano ngayon ang pananagutan ng Firm sa mga isasagawa nito na mapapatunayang prejudicial sa interes ng Lalawigan na sanhi ng kanilang failed professional judgment? Ano ang kanilang accountability? Kundi ang oportunidad lamang na ma-terminate sila with cause na kung saan makatatanggap pa rin sila ng kabayaran?

9.      Magkano ba ang dating halaga na nagasta na? Ito ay dapat malaman at stipulated… di pwedeng hula lamang at isaad lamang na “it is the sole and only agreement of the parties and supersedes any prior written or oral understandings or agreements between parties”. Kayat bawat detalye ay dapat nakasulat sa kontrata at matanggap ng mga partido. Ang mga detalye ng halaga ng serbisyo ni Scott at DM na isinama na sa dokumento ay dapat munang ipaalam at matanggap ng lalawigan.

       Sa pagsali ng LOLG (Canadian law firm) bilang local counsel ay hindi dapat automatic. Ang Lalawigan ay dapat maging bahagi ng selection process sa pagpili ng law firm na magrerepresenta dito sa Canada at tiyakin na hindi ito nag-abogado para sa Barrick/Placer Dome at/o alinman sa mga subsidiaries nito. Ang DM ay dapat magpakita ng pruweba na sila ay kumunsulta at nagbigay ng patas na oportunidad sa iba pang law firms. Ang profile ng LOLG gayun din ang track record at nahawakang mga kaso na may kinalaman sa defendants ay dapat iprisinta/isumite sa lalawigan para maisaalang-alang.

Isinuka na ng bayan makailang-ulit ang mga abogadong Amerikano at mga ginawa nilang paghawak sa kaso sa Nevada, US. Bakit kaya iginigiit ng ilang nakaupo sa katungkulan sa pangunguna ni Gov. Reyes?


11.   Sa pagsali ni Scott. Dapat ay labas na siya sa kaso “without prejudice” sa kabayarang dapat mapunta sa kanya para sa dati niyang ginawa.

12.    On Warranty. Karamihan kung di man lahat ng mga provision sa “Client’s Representations and Warranties” ay dapat munang liwanagin dahil napaka-mapanganib para igarantiya ng Lalawigan. Kung may maging kamalian sa mga ginagarantiyahan ng Lalawigan, maaari itong maging dahilan ng Withdrawal of the Firm or Termination Without Cause at maging dahilan ng pagdedemanda sa Lalawigan.
On V.2, Ang Lalawigan ng Marinduque ba talaga ay may “exclusive right”? Ano ang implikasyon nito sa mga kasong naihain na ng iba pang mga partido, lalo na ang mga kasong ni-recognize na ng PGM at ng law firm sa dating naisagawang mediation process. Kayat alam ng Lalawigan na may mga ganitong kaso.
On V.3., Magiging mas tumpak para sa Lalawigan na tiyakin muna na walang Notice or Approval of Third Party ang talagang kakailanganin.
On V.3., Ang katiyakan na walang counterclaim ng alinman sa mga Defendants ang magaganap ay hindi magagarantiyahan.

13.   On Covenants and Agreements (VB). Ang mga ito ay hindi katanggap-tanggap. Halos lahat ng mga stipulations na gagarantiyahan ay prejudicial sa interes ng Lalawigan, at magiging labas na sa control ng Lalawigan kung isasaalang-alang ang mga proseso ng gobyerno at democratic/representative nature ng Gobyerno ng Pilipinas. V.B.3. ay maaring tukuyin bilang tangkang pagpapatahimik hindi lamang sa Lalawigan kundi maging sa mga stakeholders.
V.B.b. Dapat baguhin ang pananalita dito na ang ibig sabihin ay magsisimula lamang ang proseso ng negosasyon para sa settlement kung may offer at matibay na posibilidad na may makuhang claim na hindi bababa sa $300M.
V.B.e. na nagsasabi tungkol sa settlement na mas mababa pa sa $75M ay hindi dapat banggitin, hindi naaayon sa iba pang mga probisyon at dapat alisin.


Sitwasyon sa Brgy. Booboc kung saan dumadaloy ang isang ilog na permanente nang namatay ng walang kalaban-laban dahil sa lason na galing sa minahan


On determination of Cost. Ano ang magiging papel ng Lalawigan? Ano ang Procedure? Paano ang pag-monitor? Ano ang magiging standard rate? Ang control ng Lalawigan para tiyakin na ang provision for cost ay hindi aabusuhin? Ang Cost ay walang identified ceiling/limit. Dapat ito ay maayos na nakasulat para matiyak na ang Lalawigan ay hindi maiwanan na napakaliit lamang ang net proceeds. Ang Cost ng previous engagement with Scott and DM tungkol sa kasong isinampa sa Nevada na dapat i-recognize at isama sa bagong dokumento ay dapat munang i-scrutinize, i-audit at i-apruba ng Lalawigan at dapat nakalahad ng detalyado sa bagong dokumento. Hindi ito dapat maging bukas sa iba pang interpretasyon dahil ang dokumento ay nagsasabing it supersedes even previous verbal agreement. Ang financial provisions ng dokumento kasama na ang katotohanan na ang Lalawigan ay may little say lamang sa halaga ng acceptable settlement ay nangangahulugan na ang Lalawigan ay maaaring maiwan ‘with very little’. Ang mga lawyers’ billing fees and costs ay isasama (maaaring balikan pa ang Nevada case) ngunit ang Lalawigan ay mababayaran lamang ng 55% ng kung ano man ang matira pagkatapos noon – at maaaring napakaliit na nito.

14.   On Firm’s representation on matters related to the Province’s claim. “anywhere in the world”, ay dapat ituwid dahil hindi kailanman ito naging intention ng lalawigan noong 2005 kung isasaalang-alang ang konteksto ng panahong iyon. Katawatawa na kung ang Lalawigan ay magdesisyon na ituloy ang kaso sa Philippine courts, ay kakailanganin pa rin na gamitin ang DM sa ganoon ding mga kondisyones. Ang particular na probisyon na ito ay lalo pang naglalagay sa Lalawigan sa isang napaka-lopsided position. Matibay ang pakiramdam namin na ito ay isang mas masahol, mas restrictive at hindi balanseng kontrata kaysa sa dating kontrata. May kadahilanan kung bakit gusto nilang palitan ang dating kontrata at ito’y tila sa kagustuhan na bigyan ang mga abogado ng mas unfettered  decision at mas marami pang mga karapatan, habang matinding restrictions naman sa ahensya ng Lalawigan.

15.   Waiver  of State Immunity. Dapat isipin ng Lalawigan ang probisyon na ito ng maraming beses at seryosohing mabuti sa tulong ng legal experts dahil binubuksan nito ang Lalawigan at/o ang mga opisyales/mga kinatawan sa posibilidad na kasuhan sila sa kasalukuyan o sa darating na panahon. Paragraph B of XII ay nagpapahintulot din sa future execution against assets of the Province in the present and in the future resulting from waiver of its rights.

16.   On the Private and Commercial (Not Public) Nature of the Agreement. VII.C. of the document mentioned “that the Province irrevocably and unconditionally acknowledges that the execution, delivery and performance of this agreement constitute PRIVATE AND COMMERCIAL (and not public act) of the province”.
Ano ang mga implikasyon nito samantalang ang Client ay isang Government Institution/Local Government Unit at ang mga Opisyales nito ay nakikipagkasundo sa Firm/pumipirma ng mga dokumento bilang mga kinatawan ng mga mamamayan, ang sinasakupan nito – ang PUBLIKO. Dapat isaalang-alang na ang mga opisyales ng bayan bilang mga kinatawan ng taumbayan ay nanumpa ng Oath of Office kayat nasasailalim ng Civil Service Laws, Code of Conduct and Standards of Public Officials and Employees, bukod pa sa iba. Ang Konstitusyon mismo ay nagsasaad na sila bilang mga namumuno ay may pananagutan sa bayan.

17.   On “XIV. Your Independent Determination as to Fairness and Reasonability”. Ang Lalawigan ay sinisiguro na “the Province had ample opportunity to review the Agreement independently and to the extent that the Province has chosen to do so, reviewed the Agreement with a separate law firm.” Dapat munang gawin ito ng Lalawigan bago ito mag-warrant. Ang ilang araw lamang para pag-aralan ang mga mahahalagang dokumentong ito ay hindi maaaring sabihing sapat na panahon para makapag-desisyon. Pag-susuri ng independent firm na katanggap-tanggap sa stakeholders ay marapat gawin at ang resulta ng pag-aaral ay ilahad sa mga stakeholders para sa impormadong partisipasyon at desisyon.

Mga lokal na opisyal ng lalawigan ng Marinduque at bayan ng Boac na nakikipagpulong sa MaCEC hinggil sa usaping ito. Mula kaliwa, Kon. Rolly Larracas, BM Reynaldo Salvacion, BM John Pelez, BM Mely Aguirre,  Ms. Catherine Coumans (bisita), Vice-Gov. Romulo Bacorro, Ms. Beth Manngol (Secretariat Head ng MaCEC), Engr. Luna Manrique, Kon. Sonny Paglinawan, BM Primo Pamintuan at dating Bokal Lyn Angeles.

(All photos courtesy of MaCEC)

(May kasunod)

Friday, June 8, 2018

Di matapos-tapos na Kagilagilalas na Epiko ng Marinduque: Ano ang latest tungkol sa usap-Marcopper

Napaurong ang SP sa pag-ratify ng panibagong kontrata na pirmado na ni Gov. Carmencita O. Reyes

Aerial view ng dredge channel sa bunganga ng Boac river na dinaanan ng tailings papuntang dagat taong 1996. Larawan mula sa Newsbreak/ Marcopper Mine Post-Spill Impact Assessment December 2001 report

Sa kasagsagan ng kampanyahan para sa Barangay at SK Elections sa Marinduque, nagulantang ang maituturing na pinaka-aktibong organisasyon sa islang-lalawigan. Ito ang Marinduque Council for Environmental Concerns (MaCEC).


Biyernes, Mayo 11, 2018, 2:00 n.h. sa Sangguniang Panlalawigan ng Marinduque.

Naka-agenda na ang opisyal na hiling ng Governor Carmencita O. Reyes na iratipika ang isang kontrata, Restated and Amended Contract of Diamond McCarthy na pirmado na ng Gobernador.

Di naputol kahit kailan kayat tuloy-tuloy, sa loob ng maraming taon, ang pagtutol ng MaCEC bilang isa sa pangunahing stakeholders at ng Simbahan, pagtutol na bigyan ng authority ang Gobernador na pumasok sa isang kontrata sa Diamond McCarthy. Ito ay hinggil pa rin sa kaso laban sa Marcopper/Placer Dome, Inc./Barrick Gold na napagkasunduang isasampa sa Canada.

‘Onerous and unacceptable’, ('Nakagagambala at hindi katanggap-tanggap', ang ginamit na mga salita patungkol sa nasabing kontrata sa isang position paper ng MaCEC.

Nagsimulang dumating ang mga miyembro ng MaCEC para makinig sa labas ng session hall.

Sa pagkakataong ito ay dumalo ang blogger na ito sa Sanggunian para manood at makinig ng opisyal na pag-uusap tungkol dito. Nadatnan ko sa labas ng session hall ang may mga 50-katao na mga miyembro ng MaCEC na nakahanda ring makinig. Naroon din ang Obispo ng Diocese of Boac, ang Most Rev. Marcelino Antonio M. Maralit, si Rev. Fr, Arvin Madla, Chairperon ng MaCEC, si Ms. Beth Manggol bilang Secretariat Head at iba pa nilang mga kasamahan.

Most Rev. Bishop Marcelino Maralit at ang blogger na ito

Pagkakita sa akin ng isang nakangiting bokal na babae ay kaagad akong pinapasok sa loob ng session hall, kasabay ng Mahal na Obispo na sa unang pagkakataon ay nakadaupang palad ko. Isa-isang dumating ang mga opisyales, sina BM Tet Caballes, BM John Fernandez, BM Mark Seno, BM Primo Pamintuan, BM Harold Red, BM Alan Nepomuceno, BM Mely Aguirre at Vice-Governor Romulo Bacorro, Jr.

Nang sinimulang talakayin ang hinggil sa ratification ng kontrata ay tinawag ang Obispo para hingan ng kanyang mensahe. Binanggit ng Obispo na umaga pa lamang ay naisumite na niya ang position paper ng MaCEC na kanya ring pinirmahan, kaya’t ito na lamang aniya ang kanyang babasahin para sa kaalaman ng lahat.

Panalangin para sa kaliwanagan sa simula ng SP session.

Sa nasabing position paper ay nakahayag ang salitang ‘vehemently’ o  mainit na pagtutol ng MaCEC bilang pangunahing organisasyon at ng Simbahan na nagsusulong ng environmental protection at social justice, pagtutol sa Ratipikasyon ng pirmado nang kontrata.

Bahagi lamang ng nasabing dokumento ay ang mga sumusunod:

“Whereas, the organization and the local church for several times have strongly expressed its objection as articulated in the previous position papers submitted to the Provincial Governor and the Sangguniang Panlalawigan in relation with the continuous engagement of PGM with Atty. Skip Scott/Diamong McCarthy Law Firm, specifically the granting of authority to the Governor, Hon. Carmencita O. Reyes, to enter into contract with the said law firm on their Restated and Amended Contract for the filing of case in Canada.

“Whereas, several comments and recommendations have been clearly expressed by the organization and other stakeholders but none of these was acted upon by the PGM and or said law firm thus, for every new contract presented before the stakeholders and Marinduquenos in general have been onerous and unacceptable.

“Whereas, all previous contract between the PGM and Atty. Skip/DM has been expired since the Nevada Court Decision dismissing the case due to lack of proper jurisdiction. All obligation was due only with the case in Nevada, since there is no recovery, Atty. Skip/DM could not demand litigation cost, under the contingency clause. Therefore, services rendered terminated.


Kopya ng position paper ng MaCEC na isinumite sa SP 'vehemently expressing opposition to the ratification of the signed restated and amended contract of the PGM with Diamond McCarthy law firm.

“Whereas, the organization is in receipt of the invitation from the Sangguniang Panlalawigan Committee on Environmental Protection, Human Ecology & Disaster Preparedness on the committee hearing scheduled on May 10, 2018 to discuss the letter of Governor Carmencita O. Reyes requesting ratification of the Restated and Amended Contract of Diamond McCarthy as already signed by her.

“Whereas, it is the power of the Sangguniang Panlalawigan to give authority to the Local Chief Executive to enter into contract with any program and/or projects to be implemented by the province, thereby in relation with the the above-mentioned request of the Hon. Governor, it is now in the powerful hands of the Sangguniang Panlalawigan to properly scrutinize the said request before rendering its decision, to avoid putting themselves and the people they represent at risk. This, always in accordance to the conditions of the law under Republic Act. 9184, to which all civil servants are to be held accountable for any contract or project that are considered not in accordance to the same principles as provided for by the same Republic Act.

Consistently, we oppose the granting of authority to the Governor to enter into contract with DM for the case against Marcopper/Placer Dome, Inc./Barrick Gold in Canada. Unless the proper process is followed and an objective manner of procuring our legal representation in this case is done, this is onerous and unacceptable. In this particular request, we vehemently express opposition and call the attention of the Sangguniang Panlalawigan not to ratify the signed Restated and Amended Contract of the Provincial Government of Marinduque and Diamond McCarthy Law Firm…"

The said document was signed by Rev. Fr. Arvin Anthony J. Madla, J.C.L. as Chairperson of MACEC and noted by Most. Rev. Marcelino Antonio M. Maralit, Jr., D.D., Bishop, Diocese of Boac.

'The calm... before the storm' ang pinost ni Fr. Arvin Madla at larawang ito, kuha sa harapan ng Kapitolyo. Facebook page ng MaCEC

Bilang tugon sa matinding pagtutol ng MaCEC, pagtutol na inihayag ng Obispo ng Boac sa mga kinauukulan, walang Ratification na naganap sa Sangguniang Panlalawigan. 

Sa halip ay inirekomenda na lamang ng Sanggunian na isumite ang lahat ng kaukulang dokumento sa bagong itinalagang Provincial Legal Officer at iba pang mga kinauukulan na dapat makaalam para sa kanilang makabuluhang pag-aaral sa bagay na ito - ang di matapos-tapos na kagilagilalas na Epiko ng Marinduque. Ngayon ay ika-22 taon na mula ng maganap ang makasaysayang kadustahang ito, tinaguriang isang 'significant historical infamy'.

On Marcopper: Cloud over ADB

Parang mahirap nang makinig ng awiting, "Could we start again please?" Kahit ano pa ang sabihin ng NGO Forum on ADB, a civil society organization, sasabayan ko ng "It's more than a miracle..."
Anang nasabing org, ADB must be held liable for the environmental destruction caused by projects funded under its portfolio, in particular, the Marcopper Mining project which the ADB funded until 1994. In 1996, the drainage tunnels of Marcopper Mining Corp. open pit broke, causing the mine waste leakage to drain into and pollute the Boac River.

Google Earth image of cloud reflected on abandoned Marcopper dams.

Cloud over ADB


The Philippines hosted the 51st Annual Meeting of the Board of Governors of the Asian Development Bank (ADB) attended by about 3,000 delegates—including finance ministers, central bank governors, bankers and officials.

Such annual meetings have become a premier forum for discussions on economic and social development issues in Asia and the Pacific. Some of the country’s top public officials and investors will be delivering talks about the prospects of the Philippine economy, and testimonials on doing business in the country.

But not everything is rosy for the Manila-based multilateral lender. A few months after its last annual meeting in Yokohama, Japan, there were calls for the ADB to be stripped of its immunity from suit. The NGO Forum on ADB, a civil society organization, claimed that the ADB must be held liable for the environmental destruction caused by projects funded under its portfolio, in particular, the Marcopper Mining project which the ADB funded until 1994. In 1996, the drainage tunnels of Marcopper Mining Corp. open pit broke, causing the mine waste leakage to drain into and pollute the Boac River.

The ADB’s immunity from suit was again challenged in January 2018 after a petition was filed by former ADB employee Matthew

Westfall in the Court of Appeals, seeking to hold the bank and its officers accountable for “abuse of right” and defamation for supposedly bypassing him for promotion unceremoniously and allegedly fabricating “allegations of ineptitude, lack of professionalism and incompetence against him to justify their (action)” despite having full knowledge of his credentials.

Westfall had also previously filed criminal charges for libel and grave slander against said officers, after which ADB terminated him. This is reminiscent of the case of Liang versus People where the Supreme Court ruled that the immunity granted to officers and staff of the ADB was not absolute and was limited to acts performed in an official capacity. Furthermore, the Supreme Court held that the immunity could not cover the commission of a crime such as slander or oral defamation in the name of official duty.

Will this case find its way into the annals of jurisprudence as the case of Liang did? Only time will tell. 

Thursday, June 7, 2018

Duterte plans to shut down open pit mining by year’s end; will he find time to visit Marinduque's abandoned open pits?

Is President Duterte also thinking about abandoned open pits such as those in Marinduque's Marcopper mine? These were abandoned after the so-called Marcopper mine disaster of 1996 that polluted the Boac River. 

The episode was officially declared as a 'significant historical infamy'. Yet until today, 22 years after the disaster the heavily polluted open pit freely discharges into the rivers below and more so during storm events.

And guess what? Concerned government units and agencies are practically prevented from inspecting the site when undertaking needed inspection related to threats to lives and property. These threats such as one caused by leaks in a diversion tunnel and dams in danger of collapse have been validated by the science community.

In various forums related to irresponsible mining the Marcopper case has consistently been a favorite subject for more than two decades now, probably the most documented among all such tragedies earning for itself the title, 'poster child of irresponsible mining'.

Nothing has happened to perennial calls for environmental justice to this never-ending Marinduque saga. In spite of repeated promises and applause - whoever is sitting as President. 'O bakit kaya?....' the song goes.




Duterte plans to shut down open pit mining by year’s end
By Genalyn Kabiling, Manila Bulletin

President Duterte is mulling the shutdown of open pit mining by the end of the year if such mineral development operations don’t clean up their act.

President Rodrigo Roa Duterte delivers his departure statement at the Ninoy International Airport before leaving for the Republic of Korea where he is scheduled for a three-day on June 3, 2018. The President is set to meet with South Korean President Moon Jae-in in a summit which aims to further strengthen the bilateral relations between the two nations. 

Addressing the Filipino community in South Korea, the President admitted that he opposes open pit mining due to the damage caused on the environment.

“Marami tayong problema. Mining – ‘yan open pit, it’s destroying the country… Baka ipasara ko talaga ang mining na open pit [We have many problems. Open pit mining is destroying the country… I might close down open pit mining],” Duterte said in his remarks.

“Either we have to reinvent mining in Philippines or sarado kayo lahat [you’ll all be shut down] by the end of the year,” he said.

Despite the huge revenues from mining operations, Duterte said the government must make “compromise” to prevent the further degradation of the environment caused by mining. “We have to limit destruction of the environment,” he said.

Marcopper's open pit mine in Marinduque. Maybe just lip service and 'action' by many presidents?

Last April, the President ordered mining firms to conduct tree planting projects and threatened to ban open pit mining next year. The government has banned new open pit mines last year due to the alleged widespread destruction to the soil and environment.