Wednesday, September 27, 2017

Binugang solar wind na naman parating, kasabay ng mga nakaambang pagsabog ng mga bulkan

Sa loob ng 24 oras lamang, laman ng mga balita sa ibang bansa ang nakaambang pagsabog ng tatlong bulkan - Mt. Agung at Mt. Sinabung sa Indonesia, at Mt. Monaro sa Vanuatu, South Pacific. Libo-libo na ang nagsilikas sa nasabing tatlong lugar.

Habang parating naman ang malalakas na solar wind...


Coronal Hole. Mula sa SpaceWeather, Sept. 27, 2017 

GEOMAGNETIC STORM PARATING: Sabi ng NOAA  65% na magkaka-polar geomagnetic storms sa Sept 27 (28 Pilipinas), tataas pa sa 80% ng Sept 28 (Sept 29 sa Pilipinas). Habang isang buga ng high-speed solar wind ang hahampas sa magnetic field ng ating Mundo. Na naman.

Ang laging kadikit ng mga anunsiyong tulad nito ay kung gaano magigimg makulay at kahanga-hanga ang epekto nitong Northern Lights o Auroras.

Hindi kailanman matanggap ng siyensiya lalo na ng mga climate change zombies at freaks na may kinalaman ang Araw at mga binubuga nitong nga cosmic forces at particles sa pagbabago ng panahon sa palibot ng mundo at mga dagundong sa ilalim ng lupa. Magkakaugnay, konektado ang lahat ng ito.


Paglalarawan. Approximate size of Earth (blue) para maikumpara sa sukat ng Araw.

Dahil naman ang gustong isaksak sa kukote nina Sabel at Paeng ng mga diyablo ay ang paniniwalang sina Sabel, Paeng, kasama na ang lahat ng kamag-anak nila, kalahi, kakilala at lahat ng mga utaw sa mundo ang may kagagawan at kasalanan sa pagbabago ng panahon (man-made nga raw iyon). Kaya paulit-ulit yun walang humpay, patid, o patumangga araw-araw, buwan-buwan, taon-taon. 

Sadyang inililihis ang kinalaman ng Araw, na hindi kailanman isinasama sa usapan at siyentipikong pag-aaral kuno. At kapag nag 'amen' na ng sabay-sabay sa mga hokus-pokus ng diyablo ay kanila na ang mga kaluluwa at isip ng mga utaw sa mundo.

Samantala, kinumpirma ng Solar Dynamics Observatory ng NASA na isang malaking butas ang bumukas sa atmosphere ng Araw. Nakaharap ito sa buong hemisphere ng Araw, walang lusot ang Mundo. Gaano kalaki ang butas sa atmosphere ng Araw na pinagbubugahan ng mga puwersang ganito? 200,000 km wide at 'a million km southward from the sun's pole'.

Ang coronal hole ay isang rehiyon sa Araw kung saan bumubuga naman ang solar wind sa bilis na 600 km per second. Kaya mga dalawang araw pataas na wham-wham-wham at boom-boom-boom ang puwede nating asahan. Tulad ng dati.



Panay naman ang picture ng mga turista sa mga ganiring Aurora. 
(Image from SpaceWeather, Sept. 27, 2017))


... at hindi sa ganiri - ngayon lamang na petsa (TheTelegraph Sept. 27, 2017).

Tuesday, September 26, 2017

33 sugatan sa pagsalpok ng barko sa isang isla sa Romblon

Photo courtesy of Paul Jaysent Fos, GMA News stringer

Bumangga ang isang barko sa bayan ng Calatrava sa isla ng Tablas sa Romblon dakong alas-5:00 kaninang umaga.
Batay sa ulat, galing Batangas Port ang barkong M/V Maria Matilde at papunta sana ito ng Romblon Port via Odiongan nang sumalpok ito.
Tinataya namang nasa 33 pasahero ang sugatan nang tumilapon ang mga ito dahil sa lakas ng pagkakabunggo.
Nabatid na nayupi rin ang harapang bahagi ng sasakyang pandagat.

Harapang bahagi ng MV Maria Matild. Kuha ng Romblon News Network
Bandang alas-7:00 naman ng umaga nakarating nang ligtas sa pantalan ng Romblon ang mga pasahero ng nasabing barko.
Isa sa hinihinalang dahilan ay ang pagpalya umano ng global positioning system (GPS) ng vessel. 
Kasalukuyan namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Philippine Coast Guard sa sanhi ng aksidente. - BomboRadyo
Photo courtesy of Paul Jaysent Fos, Romblon News Network

Photo courtesy of Roberto Madeira, Romblon News Network
Also read:

Marinduque 'boat coffins' sinabayan ng nakakabahalang 'floating coffins': Attention PAGASA, PCG, authorities







Ric Manrique, Jr., Hari ng Kundiman, namaalam na

Ric Manrique, Jr. Ang larawan sa kaliwa ay mula sa kanyang album 'Kapalaran', ang nasa kaliwa ay kuha ng kanyang anak, Ronald T. Manrique.
Ricardo "Ric" Manrique, Jr. (23 May 1941 - 23 September 2017), may dugong Marinduqueno (Boac), ay mang-aawit ng mga Kundimang Filipino. "Hari ng Kundiman" ang naging bansag sa kanya. Unang nakilala siya noong 1960, bilang kampeon sa loob ng 12 linggo ng sikat na paligsahan sa pag-awit, ang Tawag ng Tanghalan.

Nagsimula siya bilang miyembro ng Mabuhay singers noong 1950s. Ang kanyang iba pang kasabayang mga mang-aawit noon ay sina Ruben Tagalog at Diomedes Maturan.

Gumawa si Manrique ng isang album bilang solo singer noong 1960s sa ilalim ng Villar Records. Ilan sa kanyang mga awitin ay naging theme song din ng ilang pelikula, tulad ng Ang Daigdig Ko'y Ikaw, Dahil sa Isang Bulaklak, Florinda at Maruja.

Ilan pa sa kanyang mga awitin ay Saan Ka Man Naroroon, Sapagkat Kami ay Tao Lamang, Tanging Diyos Lamang ang Nakakaalam, Ikaw, Mahiwaga, Ikaw ang Ligaya Ko, Kundiman, Ang Pasko ay Pag-ibig, Sa Piling Mo, Magbalik Ka Lamang, Alaalang Nagbabalik, Bituing Marikit, Hindi Kita Malimot, Giliw, Magbalik Ka Lamang, Kahapon Lamang, Limutin Mo't Mamamatay Ako, Iniibig Kita, Magandang Bituin at napakarami pang iba.

Ilan lamang sa kanyang mga album ay ang mga sumusunod.




Nag-migrate si Manrique sa US noong 2001, kasama ang kanyang pamilya, subalit patuloy pa rin siyang naging abala doon bilang mang-aawit para sa Filipino communities. 

Noong nakaraang taon ay nagawaran siya ng isang Lifetime Achievement Award ng Outstanding Pilipinos in Los Angeles (TOPLA).

Mananatiling buhay naman ang kanyang mga iniwang mga awitin sa puso ng mga Filipino.

Manrique sa kanyang pagtanggap ng TOPLA Lifetime Achievement Award, 2016

Kuha naman noong 2001 sa Amerika kasama sina Cely Bautista, Rita Rivera, (Manrique), German Moreno, Diomedes Maturan, Raye Lucero at  'Tatay Naning' ng Mabuhay Singers. 



Sunday, September 24, 2017

Marinduque Synoptic Station ng Pagasa: Sagot sa paulit-ulit na paglaktaw sa Marinduque?

Karugtong ito ng istorya tungkol sa dalawang Roro biyaheng Balanacan na nalagay sa peligro ng sabay kamakailan lamang. Maaari po kaya na imungkahi sa mga kinauukulan na bigyang pansin ang nagiging paulit-ulit nang kalagayan ng Marinduque pagdating sa kakulangan ng pagbibigay ng babala mula sa Pagasa?


Paglalarawan ng dagat na malalaki ang alon.

Paalalahanan ang mga lokal na pamahalaan para mabigyan ng karampatang aksyon ang problemang ito ng paglalaro sa buhay ng mga Marinduqueno?

Pagsulong ng 'PAGASA Weather Station (Synoptic Station) sa Marinduque 

Mayroong nang tinatawag na 'automated weather station' (AWS) sa Marinduque, pero mukhang hindi kayang sakupin noon ang usapin ng malalakas na alon kaya at mas epektibong pagbibigay ng mga babala? Ang AWS ay isang stand-alone device na sumusukat ng rainfall at kumukulekta ng iba pang weather information (hangin, temperatura) na pinapadala in real-time via text message o SMS sa PAGASA head office. Sa maraming sulok ng bansa ay mayroon na nito.


SYNOPTIC STATION


Romblon Synoptic Station ng Pagasa. 
Sa Masbate ay mayroon din, gayun din sa Calapan.

Sa ibang mga lalawigan naman ay may tinatawag na mga Synoptic Station. Sa stations na ito ginagawa ang pagbabantay sa halos lahat ng meteorological elements sa mga takdang oras at ang mga datos ay pinapadala sa Central Office. 


Pagasa ang nagpapatakbo sa mga istasyon, reponsable sa pagpapalaganap ng pampublikong taya ng panahon, mga bulletin, babala at advisories higit sa nasasakupang lokalidad. Ginagawa para protektahan ang mga buhay at ari-arian ng pangkalahatang populasyon.


Synoptic Station sa Virac.  Sa Masbate naman ay parehong may AWS at Synoptic Station.

Nasabi na noong nakaraan ang isang mungkahi. Base diumano sa 'advise' ng Pagasa, kailangang ng isang 'PAGASA Weather Station' (Synoptic Station), sa Marinduque. Pahayag ng tourism officer, Gerry Jamilla ito, bagamat hindi maliwanag kung saang forum binitiwan ng Pagasa ang ganitong pahayag. Iminungkahi ito diumano para "mapasama officially ang Marinduque sa weather advisory nila".
Isang AWS sa Luzon. Nasa maraming sulok na 
ng Pilipinas kasama ang Marinduque.
Bakit kailangan ang isang Pagasa Weather Station naman? Remember Typhoon Nina (Nock Ten)?

The last time Marinduque was DIRECTLY HIT hit by a devastating typhoon (Typhoon Nina) and suffered extreme hardship? On December 23 or three (3) days before the typhoon ravaged the island-province, US-based Accuweather, already stated that the typhoon "will blast westward over FAR SOUTHERN LUZON and NORTHERN MINDORO and will threaten lives and property on Christmas Day".

Using said AccuWeather's forecast (see below), on Typhoon Nock Ten (NinaPH), this blogger posted on Dec 23, 2016 thus: 

"Based on data, the typhoon will simply not just jump over Marinduque Island and leave it untouched", adding that there's 'Extreme risk for Marinduque in this AccuWeather map'. (see image)


Dec 23/16: Above forecast from AccuWeather shows Category 3 typhoon traversing Marinduque. In contrast, next day 24th, Pagasa issued Signal No. 1 that excludes Marinduque (see below)


Dec 24/16 11 am PAGASA Warning Signal No. 1
(Marinduque not included)


Ang nasa itaas ay bahagi ng blog ko posted 12/23/16 or 3 days before Typhoon Nina hit the island-province
Makikitang salungat sa AccuWeather forecast dated Dec. 23, 2016 ang anunsiyo ng Pagasa dated Dec. 24, 2016. Para sa US-based weather agency ang Marinduque ay nasa 'Extreme risk' na spot. Para sa 'world-class' Pagasa walang threat (na naman) sa Marinduque. Maliwanag.



Dec. 25/16 8 am: Christmas Day, December 25, Marinduque was placed by PAGASA under Signal No. 2 (Hindi dumaan sa No. 1) 
Pagdating ng 5 pm ay ganito naman ang Pagasa forecast: 

Forecast: Stormy Weather will be experienced over Bicol region, CALABARZON and the provinces of Marinduque, Oriental Mindoro and Romblon.

(Oo nga naman. 'Stormy Weather' which is anywhere from Category 1 to Category 5, so take your pick, ganun?)


Forecast naman ang nasa itaas ng Weather Philippines Dec. 22, 2016 pa lamang. Nakaumang na kaagad sa Marinduque ang bagyo sa projection nila.


Dec. 26/16: Actual typhoon path sa Marinduque mula Dec. 26 (4am to 7am) 
as tracked by Boac MDRCC.

Huli man daw at magaling?

Inquirer, Dec, 26, 2016 at 6:55 am:

Dec 26/16: 'Typhoon “Nina” (international name: Nock-Ten) slightly weakened early Monday as it traversed Marinduque' - Inquirer, 12/26/16 at 6:55 am (That's AFTER the province was already directly hit)

Ang online post ng Inquirer Dec 26 ay may kasamang video kung saan nag-uulat ang isang taga weather bureau. Ito ang sabi niya: 

"...alas-7 po ng umaga ay namataan ang Bagyong Nina sa layong 60 km timog ng Tayabas, Quezon. Ito po ay may malakas na hangin na 140 kms na lamang, mula sa sentro 140 kph, ang gustiness po nya ay umaabot ng 230 kph. Sa ngayon po ay west-northwest ang pag-ikot nito, bumilis po ano... nadaanan po ng bagyong Nina kahapon 6:30 ang Bato, Catanduanes at naglandfall din po ito sa Sangay, Camarines Sur, sa San Andres, Southern Quezon and finally sa Torrijos, Marinduque. At ngayon po approaching na ito sa may Southern Batangas..."

Ayon naman sa kadikit na balita ng Inquirer:

 "The typhoon packed maximum sustained winds of 150 kilometers per hour (kph) near the center—down from 175 kph—and gusts of up to 250 kph, the Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) said."


Sabi pa:

"Nina was last spotted 85 kilometers north of Romblon, Romblon, traversing Mompog pass. It was moving westward with a speed of 20 kph."

(Romblon! May synoptic station kasi doon kaya kahit nasa Marinduque na ang bagyo ay datos na nakasentro sa Romblon pa rin ang pinagbabasihan. Marahil, kung may synoptic station sa Marinduque, ang tono ng report ay magiging "Nina was last spotted 8.5 kilometers east of Torrijos, Marinduque, traversing Mompog pass towards mainland Marinduque." Tama ba?)

Dumaan na sa islang-lalawigan ang bagyo, kaya naisama na tuloy sa Signal No. 3 ang Marinduque kinaumagahan. Kaya lamang, bagsak na lahat ng linya ng kuryente dito at tapos na ngang rumagasa ang mapanirang bagyo! Report ng Pagasa kinaumagahan:

"Signal No. 3 was raised over Camarines Sur, southern Quezon, Marinduque, Batangas, northern Oriental Mindoro, Lubang Island, Cavite and Laguna."

Bagsak na sa bagyo ang Marinduque.

Dinaanan ng Bagyong Nina sa Torrijos, Marinduque.
Kuha ni Ariel Reginio
Mga resulta:

- Ilang araw pa ang lumipas bago magkaroon ng national awareness na 'Marinduque was the hardest hit' in Mimaropa. Lumalabas na tila hindi inasahan ng mainstream media na direktang dadaanan o seriously threatened man lamang ang Marinduque kung saan may 2 casualties. Naipaliwanag na sa itaas ang malaking kakulangan ng Pagasa sa pag-issue ng kaukulang warnings.

- Maging ang ilang local LGUs at mga naninirahan dito ay hindi inaasahan na direktang daraanan ng bagyo ang lalawigan, na magiging malawakan ang pagwasak nito sa agrikultura at mga ari-arian. 

- Facebook, blogs, social media lamang ang kaagad tumugon sa pagpapakalat ng impormasyon at para maiparating ng malawakan sa mga kinauukulan ang mga pangyayari sa Marinduque.

- Huling nabigyan ng tulong kaysa sa ibang lalawigan, ng mga may kakayahang LGUs, ang Marinduque. Dahil hindi nga ito natutukan ng mainstream media, ang pangunahing batayan ng mga kinauukulan sa pagtulong kapag may disaster.

- Baka kaya nakagawian na ng Pagasa ang ganitong sistema? ('World-class' na daw sabi ng isang presidente). Kaya pala wala sa kanilang gunamgunam ang Marinduque palagi? At dahil wala namang pananagutan ang siyensiya ng Pagasa kapag may disaster?

- Paulit-ulit na lamang! Sa gitna ng panahon ngayon ng 'freak weather conditions', 'climate chaos', 'weather that can change in the blink of an eye'.

Kuha sa Balanacan pagkaraan ng bagyo. Larawan ni Manny Pinol
Kaligtasan muna

Paanong makakapaghanda ng sapat ang mga tao at komunidad kung palaging huli o hindi maliwanag o hindi kumpleto ang mga anunsiyo ng isang weather bureau? Para makapaghanda laban sa mga panganib sa kalupaan o karagatan man na dala ng bagyo man o 'tropical depression' man? (Sa karagatan ay mas maraming buhay ang direktang nalalagay sa peligro nang walang laban).

Sa ibang bansa, may mga estado na na nagdedeklara ng state of emergency kahit parating pa lamang ang peligrosong bagyo, base pa lamang sa mga forecast at intensity ng bagyo. Paano kung ang forecast ay experiencing 'stormy weather' lamang ang sinasabi at mga oras na lamang ang hinihintay?

Itigil na muna marahil ang mga 'world class' pronouncements. Unahin muna natin ang kaligtasan ng ating mga mamamayan, ano po? Bago malaktawan na naman ang Marinduque sa oras ng peligro!

Maraming mga bahay at gusali ag nasira ng Bagyong Nina. Isa lamang ito.
Kuha sa Gasan ni Dahlia Nunez Iturralde.


Also read:






Saturday, September 23, 2017

Marinduque 'boat coffins' sinabayan ng nakakabahalang 'floating coffins': Attention PAGASA, PCG, authorities

Fb post ni Kyle David V. Atienza, Sept. 12, 2017


Di po sinasadya. Kakapost ko lang ng tungkol sa prehistoric boat-coffins ng Marinduque nang biglang may nagbahagi naman ng isang post with photos tungkol sa nangyari kamakailan lamang sa isang Roro via Lucena-Balanacan"...para kaming sabaw na hinahalo. Tumutunog ang mga bakal. Kumakalas ang mga kadena. Humahampas nang malakas ang alon, umaabot sa bintana."

Mga Roro na nabansagang 'floating coffins'.




Kyle David V. Atienza added 4 photos and a video.
September 12 at 5:13am ·

We thought it was the end. People were in their life jackets, praying. The trip was supposed to be from 12:30 to 3:30. It's 5 in the morning and we're still on board.

Kalma ang dagat sa unang oras. Lumipas ang dalawang oras... tatlo, para kaming sabaw na hinahalo. Tumutunog ang mga bakal. Kumakalas ang mga kadena. Humahampas nang malakas ang alon, umaabot sa bintana. Yung nanay ko nagdadasal na ng arabic. Ako paulit ulit na nagchachant ng "Lord, pakalmahin niyo po yung dagat". Wala na kaming magawa kundi magdasal at maging faithful na makakarating kami kahit gaano katagal.

Mga alas tres, may crew na lumabas ng bintana. Nagsisigaw. Akala namin lulubog na ang barko. Yun pala tumagilid na yung truck na may lamang mga bottled beverages. May sumigaw na babae. Galing sa loob nung truck. Kasama yung anak niya. Kung hindi raw sila tumalon sa bintana, dala raw sana sila ng napatilapon sa dagat.

5:20 nasa barko pa rin kami. Salamat sa kapitan ng barko, buhay pa rin kami. Hindi po ako naninira ng shipping line, kinukwento ko lang po yung nangyare.

Mga delikadong RoRo na nalagay pa sa seryosong peligro.

Nangyari naman ang sumusunod sa isa pang barkong Roro biyaheng Lucena-Balanacan din noong mga oras ding iyon. Bale dalawang barko pala ang nalagay sa panganib, halos magkasabay na nalagay sa peligro!

Roro (roll-on roll-off, o roll over?), ang mga sasakyang dagat sa Pilipinas na kapag lagpas na sa 20 taon ay hindi na pinapayagang maglakbay sa kanilang bansa dahil itinuturing na itong mga 'junk' o scrap.

Roro na karamihan ay dinisenyo at ginawa para makapaglayag sa kalmanteng inland waters ng Japan (mga malalaking ilog, lawa), at hindi dinisenyo para sa karagatan o coastal waters tulad ng sa Pilipinas.  (Maaari pa ito ayon sa ibang nakakaalam, kung sa lawa ng Laguna de Bay o Taal Lake maglalayag).

Basta masungit ang panahon ay sadyang delikado ang mga Roro dahil sa stability issues nito at dahil flat ang ilalim ayon sa mga panulat. Di hamak na mas delikado ang sitwasyon kapag pinayagang maglayag ito basta masama ang panahon o kapag may masamang panahon sa malapit.

Isang metrong taas ng malakas na alon lamang ay maaaring maglagay sa Roro sa panganib, ayon sa mga eksperto.

Tungkol naman doon sa isa pang barko...

Isang post ko sa Facebook ang nakakuha ng higit sa 2,000 likes at 2,451 shares. Tungkol ito sa isa pang insidente na naganap sa isa pang Roro biyaheng Lucena-Dalahican same date, September 12, 2017, at isang oras lamang ang pagitan. Kasagsagan noon sa 'Northern Quezon' ng bagyong Maring. Basahin:


My post on a similar roro incident same day, Sept. 12, 2017.

Some Comments:

Alberto Besmonte 
Kasama ako sa mga pasahero nyan, 1st time ko naranasan ang ganung takot sa pagsakay ng barko..

Rezel Retardo Peñarubia Narfe Valenzuela 
juskooo muntikan na talaga ako kanina d2 mabuti at d lumubog..nilagay pala sa fb????d ako kumuha ng lifejaket pero lahat nakasuot na sila??..wala pa nman ako kasama umuwe....

Alejandro C. Melaya Jr.
Bkit pinayagan mglayag ng coast guard? Alam nman nila my tropical depression..

Nek Naf Urb 
Wala po.kasing Signal Number 1
September 12
.
Alejandro C. Melaya Jr. 
Kc mahina p lng td kya wla p cgnal... later nag cgnal 1 din.

Delma Laylay
Takot ngani q kagabi lahat ng santo natawag kuna sa laki ng alon mantakin mo inabot kami ng 6 na oras sa laot

Jeneath Ilao Solis
Diba po sa quezon ang bagyo at pag may signal ang quezon automatic walang byahe, bkit sila nagpaalis ng barko.

Erleen Peregrino ·
Dapat po sa panahon ngayon kahit nasa kalapit probinsiya ang signal at wala sa ta2hakin karagatan ay wag na muna magapprove ng mga biyahe ng mga barko....di natin alam ang pihit ng bagyo...tulad niyan...wala signal pero sumama din bigla ang panahon...naabutan na sa kalagitnaan ng dagat...disaster talaga ang aabutin ng ating mga kaba2yan...mabuti na laang at wala nangyari masama..pero ang trauma ay mahirap mawala..lalo na sa mga mata2nda.

Yumico John Alcantara 
Oo nga.e mahina nman tlga yan sa alon.magalaw tlga yan.

Maureen Bantang Rubion
Kasi nga, luma na.

Rosemarie Marasigan Fausto ·
grabe talaga ang lakas, kahit malaki ang barko halos bumigay sa lakas ng hangin at laki ng alon. thank God nakauwi pa rin po kami. di na po ako uulit.

Margarita Chico Palasigue
Oo ngani daw sabi n ate SUSAN PINEDA 3 times daw tumagilid kaya ako natatakot umuwi

Ginger Reginio
d2 n ko sa atin..mga 2am naka alis sa lucena yang barko yan 3am nagsimula ng magkagulo sa barko lakas ng alon...



Steve Javier 
Eh yong PAG-ASA rin naman ang may pagkukulang dito sa babalâ na hindi daw magiging bagyo itong LPA dati na nasa east of Mauban, Quezon tapos biglang nag-announce sila na bagyo na. Kulang pa sa high tech forecast hindi yong advance declaration kasi minsan hindi natutuloy kayâ dagdagan pa nila ang mga lugar na malagyan ng mga radar at satellite office tulad sa atin sa marinduque ni isang forecasting equipment o office at radar walang tinayô ang PAG-ASA. Ay kailan pa PAG-ASA ninyo lalagyan ng radar at satellite office ang Marinduque malalakas po ang mga bagyo sa amin sa Marinduque kapag buwan ng November at December!!! Helpful suggestion lang po....
#pagasadost #dost #tropicaldepressionmaring #marinduque #maringPH

Millar Jovy Semilla ·
May mali din ang dalahican pier... alam na yan na may bagyo kagabi pa binalita na sa quezon maglalandfall nagpabyahe pa sila. Kagabi bago mag Ala syete ng gabi binalita na si typhoon maring kya dilikado na magpabyahe. Mga tga dalahican pier din may kasalanan nyan diba nila npanuod balita?pano ba nman nila malalaman eh puro movie pinapalabas nila sa flat screen nila sa pier.kya salamat at ligtas mga kababayan kong tiga marinduque.

Jerwin Ola
yhup John Paulo Quinto. .muntik na tlgang lumubog

Lhen Dp ·
Nanjan kami kanina grabe sobra yung nerbiyos ko nasa lalamunan lang. Salamat sa Diyos at ginabayan niya kami sa byahe na yan kanina.
September 12 at 7:29pm

Chichi Arellano ·
Wag na po magsisihan isa po ako sa pasahero nyan kasama asawa ko. Hindi po exagearted ung nagpost nyan para lang takutin kayo. Nagpanic lang po talaga ung ilan lalo na ung may mga anak. Opo totoo na malalaki ang alon kay nagpanic ung ilan kahit kami po ng asawa ko medyo kinabahan din kahit alam naming hindi naman malubog un. PANIC po ung pinagumpisahan kaya nagkuhaan na ng life jacket. Pero thank's god at ligtas po kaming lahat. Kahit ung katabi ko eh hinahabilin na ung anak sa akin kung sakaling may mangyaring masama. Tapos ung lalaki sa likod namin eh sumisigaw na kaya po lalong nagpanic ung ilan dahil sa pagsigaw nung ilang mga pasahero.
September 12 at 10:00pm

Chichi Arellano
Lahat naman po kaso kalaban talaga nila PANIC. kahit kausapin namin silang kalma lang pag nagulong na ung alon nasigaw talaga sila.
September 12 at 10:06pm

Beth R Pestaño
Totoo baga na tumagilid barko? Tapos napisan daw mga truck sa kabilang side?
September 12 at 11:01pm

Chichi Arellano
Totoo po tumagilid pero ung truck po na tumagilid sa starhorse po un nauna sila samen pero nauna parin kaming mkapundo.
September 13 at 6:19am

Odette Quimora ·
Magandang araw po
Maganda po Sir ang post nyo at mga opinion
Pero sa TV patrol inanunsyo na ang sama ng panahon at may ilang lokasyon na may signal baka po hindi sila naka monitor sa pag asa tapos magha hatinggabi inanunsyo po ulit kung alas dos sila umalis nakadalawang pagbalita na po ng tungkol sa bagyo maraming salamat po
September 13 at 1:18pm

Ehra Jam Aicah ·
Grabe tlga yung naging karanasan namin nung gabing yun..it was my first tym na magsuot ng life jacket at masasabi qng ayoko n umulit magbyahe ng masama ang panahon..grabe takot takot tlga kaming lahat..
September 13 at 2:50pm

Ehra Jam Aicah
Actually halos isang oras p lng kami s barko nun at sobrang tagal p ng hihintayin naming oras bago makarating ng balanacan..buti n lng tlga ndi kami pinabayaan ng nsa taas..-)
September 13 at 2:54pm


May May V. Maniquiz
ang alam po nmin kpg my signal na bagyo sa part ng Quezon province, aurora or lucena man wala ng byahe papunta dito mga barko cancelled na matic na yun bakit inallow pa natural masakay ang mga pasahero kase nagtiwala sila but yun ang mahirap 3hrs nsa dgat ang buhay ng mga pasahero and bgla anjn n bagyo supla nmn wg nmn mangyri mga bagay na hndi dpt..sa mga pasahero nmn po wg po tau magtake ng risk kc isa lng po buhay ntn wag nmn na sana maulit ganito pangyyari mahal po nmin kau mga kababayan nmin concerned lang po.ingat po tayo and Godbless!
September 13 at 6:47am

Ronn Rocha ·
Ang Marinduque kelan man ay least priority sa mga updates lalo sa mga major disasters; di manlang natututukan ng media...

Aj Jawili Decena ·
Pasahero ang asawa ko ng barkong yan.. Unforgetable nga daw experience nya.. May mga photos nga xa naka life vest..

At maging makulit man, may dagdag pang ilang facts na dapat ilahad:
"Most of the Philippine vessels are far below the international maritime safety standards.
"The latest surprise inspection by the Maritime Industry Authority (MARINA) revealed that some ROROs lack the proper safety equipment for passengers, including ill-maintained life boats and insufficient supply of life vests..."
6 images showing how greatly affected the Lucena and Marinduque coasts were on that day.

Above are images that prove potential error/neglect from PAGASA in warning only against 'sea travel in the eastern seaboards of Aurora, Quezon and Bicol'. (Some larger images below).

Did PAGASA fail to see the dangers of travel in the western seaboards brought about by the same 'tropical depression' with huge waves entering via Verde Island Passage in the west?

Two Roro vessels plying the Lucena-Balanacan route were definitely placed in danger when the warning issued was only for the eastern seaboards. The above story with photo and first-hand accounts of lives endangered are enough proof.

No typhoon signal was raised for 'Southern Quezon', possibly the basis PCG considered in allowing the sea vessels to travel in the wee hours of Sept. 12. However, after the incidents, PCG suspended sea travel the next day, Sept. 13 for the route in question - even without a PAGASA Typhoon Signal Warning for the said location.


 Iri naman ang images from US-based Joint Typhoon Warning Center (JTWC), (Image 1-3), Sept 12 at 0000Z, and Typhoon path projections Sept 12-17; Image 4: Himawari Satellite, last Sept 10 (inadaanan baga yung isla nina Marin at Duke o hindi):

Image 5-6 naman ay real time images ng Wind Speed at Wind Gusts na nagapakita baya na hindi sa Eastern Seaboard naentrada kundi galing sa Western Seaboard papunta sa Islang mahalaga. Ina-factor in din kaya yun? Mas maliwanag kung sa animation atingnan. Tingni at anung ganda baya.
Tama si Gerry Jamilla (tourism officer), na nagsabing may isang bagay na dapat gawin para sa panahong hinaharap. Aniya, "kailangan pong magkameron ng PAGASA Weather Station dito sa atin para mapasama officially ang Marinduque sa mga weather advisory nila, yan po ay advice din ng PAGASA".
Aulitin: "YAN PO AY ADVICE DIN NG PAGASA"
Sources for the Images:
ABS-CBN

PAGASA Warning on September 11-12, 2017: Travel dangerous in the eastern seaboard:
"tropical depression is expected to make landfall in the Quezon-Aurora area on Tuesday afternoon, September 12.
"PAGASA also warned that sea travel is dangerous in the eastern seaboards of Aurora, Quezon, and Bicol."
PAGASA's Warning Sept. 11. No Signal for Marinduque. Nothing about the dangers of huge waves and wind gusts from the western seaboards of Batangas and Mindoro entering the Verde Island Passage that put two Marinduque bound Roro vessels and their passengers in great danger?

Suriin kayang mabuti ang mga satellite images ng mga araw na iyon - attention PAGASA, PCG, mga kinauukulan:
Dalawa silang masungit, Sept. 12 (JTWC)

Isa pang satellite image mula sa JTWC Sept. 12

Himawari Satellite, Sept 10 pa lamang (inadaanan baga yung isla ni Marin at Duke o hindi? Tingning maigi.

Nanggagaling naman sa western seaboard at hindi sa eastern seaboard ang wind gusts at malalaking alon sa pagitan ng southern Quezon at Isla ng Marinduque. Real-time image. Ina-factor in din kaya yun ng PAGASA o wala lang? (Ventusky)

'Let it go, let it go' na lamang ng paulit-ulit?

Susunod: Karanasan pa rin ng Marinduque sa PAGASA weather advisories noong mapanirang Bagyong Nina, December 26, 2016
(May kasunod)
Basahin din:

Paalaala tungkol sa mga Roro kung hindi mo pa alam


Matinding record baya: Sea of Marinduque bilang Graveyard of Spanish galleons, Chinese junks, Japanese warships, and Philippine passenger vessels (5-part series)


Friday, September 22, 2017

On unearthed 'boat coffins' in Marinduque caves


Boat-coffin lid with crocodile images found in Marinduque. From the former collection of Museum of Man now with the musee du quai Bradley, Paris.

'Boat coffins' found by Marche in a sepulchral cave in Marinduque.


Discovery in Marinduque caves by the Frenchman Alfred Marche of wooden coffins with crocodile images carved in the coffin lid were found by the 1890s to be similar to those found in the rocky islet called Nosy Loapasana in Madagascar in the Indian Ocean off the southeastern coast of Africa.















The coffin cover and two coffins from Marinduque shown in these drawings that appeared in the Antananarvio Annual and Madagascar Magazine 1892 formed part of the collections of the Museum of Ethnography at the Trocadero (Paris) during that era.

What else do we know about these 'boat-coffins'?
At the southwestern corner of the larger tower east of Padwa (Indonesia) were several very nicely carved coffins, in one of which were the secondary burial bones of a famous warrior with a carved crocodile on the lid (Solheim 1985b:148 Pl. 18.2) - Archaeology and Culture in Southeast Asia: Unraveling the Nusantao by Wilhelm G. Solheim, 2006
The phenomenon known as "boat-coffin burial" is a mode of disposal of the dead in hollowed-out pieces of logs generally in the shape of a boat. This was a widespread practice throughout Southeast Asia from prehistoric times and, in the Philippines at least, is known to exist in certain areas to the present. The practice of boat-coffin burial in the Philippines was briefly noted in earlier expeditions by foreign scholar.
However, the first mention of boat-coffin burial as such appear in Robert B. Fox's (1963) preliminary report of excavations in western Palawan.
The earliest known archaeological explorations were conducted by Feodor Jagor and Alfred Marche in the late 19th century...
... The other islands in which boat-coffin burial is, at present, known to the author are: Mindanao, Luzon, Palawan, Negros, Panay, Marinduque and Masbate. Type sites are caves and rock shelters, generally accessible from the sea... - The Boat-Coffin Burial Complex in the Philippines and its Relation to Similar Practices in Southeast Asia, Rosa CP Tenazas, Philippine Quarterly of Culture and Society, Vol. 1, No. 1 March 1973.

Also read:

Ano ang mga laman ng ilang kuweba sa Marinduque at nakatago pa?