Showing posts with label Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr. Show all posts
Showing posts with label Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr. Show all posts

Sunday, June 12, 2022

Bishop Junie Maralit: Poll results a 'slap in Church's face'

 


Bishop Junie Maralit

An official of the Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) said on Friday the outcome of the last elections is "a slap in the face" of the Church's local hierarchy.

Boac Marinduque Bishop and CBCP Episcopal Commission on Social Communication Chairman Marcelino Antonio Maralit expressed his view in an interview posted in Caritas Philippines website.

The Church tacitly endorsed the presidential run of Vice President Maria Leonor "Leni" Robredo, referring to her as "the moral choice." Robredo lost badly to Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

Maralit said the question now is "whether we have lost our voice as the hierarchy of the Church." "What happened to our voice? Is it because we're not that credible anymore, and sometimes it's very hard and very painful to ask that question, but credibility when it's a moral choice is based on your own moral ascendancy," he said.

Another possible explanation why the Catholic Church failed to convince the faithful into making the moral choice is that its hierarchy may already be "disconnected with our people," he said.

Maralit admitted that the results of the election is a "slap in the face to wake [the Church hierarchy] up to the reality that we should be really re-thinking about."

"Maybe we still have the morality and the moral ascendancy but our message does not reach the people... maybe we are not speaking the same language," the bishop said.

 


Catholic Bishops Conference of the Philippines. 

Bishop Maralit is Chairman of CBCP Episcopal Commission on Social Communication 


"Maybe we have already failed them by not listening to them," he added. "The election is just a phase of what our people were already telling us. It's really hard to give your message when the person is already disconnected and I think that is another question that we have to ask."

The Church must accept the challenge "to be instruments of not bringing out the message but bringing in the message to the church from the people," he added.

The trust of the people in the Church has never changed, said Maralit.

"When it comes to the pandemic response, specifically on relief, the people really trusted the Church because we were never questioned when it comes to relief."

Maralit believes this all changed when it comes to governance which was based on disinformation.

"Because the question on whether [Marcos] is credible or not was all based on information and now that was the issue that was played," Maralit said. "And that is where disinformation really did its damage to the Filipino people, I believe."

"So all the narratives that were supposed to create mistrust and distrust on the type of governance that he will offer were already changed because of disinformation which really worked," he said.

He said it is time for the Church to strategize.

"It's really not the problem of the Church. It's just something that we live by. We react. We usually respond when there is a problem. Instead of being proactive, sometimes we are always late. We have to also be preventive. In the sense that we should really start strategizing," Maralit said.

"After this, what do we say about the truth? How do we re-educate our people not only about the truth but also about their values? As a Church we really need to re-assess ourselves, especially the leaders and to rise from the ashes," he said.

This article first appeared in The Manila Times


Diocese asks next admin to declare Marinduque as ‘mining-free’ zone


 The Mogpog River in Marinduque province is one of the few tributaries of Mogpog town’s main watershed area. The river has suffered from recurring floods due to siltation caused by the collapse of the Marcopper Mining Corporation’s Maguilaguila siltation dam in 1993. Photo courtesyof Alyansa Tigil MIna

 

A Catholic bishop hinted his diocese will appeal to the incoming government to declare the island province of Marinduque a mining-free zone. 

Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr. of Boac said the plan is to write to the Marcos administration to help them in their campaign to rotect the island’s environment and communities. 

“Then we will ask the national government to declare the province of Marinduque as mining-free,” Maralit said in a video interview with Caritas Philippines. 

According to him, about 83 percent of the small island is “mineable”. “And if we let the miners in, nothing will be left of the island,” he said. 

Marinduque is known as a cautionary tale about the environmental ravages of mining.

After the Marcopper mining tragedy in 1993, Mogpog River has been considered biologically dead, which, prior to the disaster, was valuable natural resource to villages along the river. 

Heavily silted with mine tailings, Boac River also suffered the same fate in 1996. 

Last month, a local court ordered the Marcopper Mining Corp. to pay damages claimed by persons affected by the country’s worst mining disaster. 

The mining firm was directed to pay P200,000 as temperate damages, P100,000 moral damages, and P1 million as exemplary damages to at least 30 plaintiffs. 

But the bishop called it only a ‘small victory’, adding that more cases against Marcopper remain pending for many years now. 

“There is still a long way to go for a total victory,” Maralit said.”But this small victory gives courage for all those who advocate for environmental justice.”


This article first appeared on CBCP News.



Also read a look back from March 2019:

Marinduque could soon be declared a mining-free zone



Monday, March 16, 2020

Bishop of Boac Junie Maralit: Pansamantalang suspendido ang mga Misa, prusisyon at iba pang gawaing pang-Semana Santa

Bishop Junie Maralit sa social media. Screenshot mula sa video ng MNN.

Ang Obispo ng Boac, Lubhang Kagalang-galang Marcelino Antonio Maralit, Jr. ay naglabas ng mga tagubilin para gabayan ang kanyang mga nasasakupan sa Dyosesis bunsod ng kasalukuyang sitwasyon sa Marinduque dala ng COVID-19. 

Ang sakit na ito ay nadeklara na nang World Health Organization (WHO) bilang isang pandaigdigang pandemya.

Tagubilin ng Obispo ang mga sumusunod sa isang Circular Letter na may petsang Marso 15, 2020:

- Ang mga pagdiriwang ng Misa ay pansamantalang sinuspinde mula Marso 16, Lunes. Subalit tuloy pa rin ang pagdiriwang ng Eukaristiya kahit walang kongregasyon.

- Lahat ng mga recollections, pilgrimages at mga prusisyon ay pansamantalang kanselado.

- Mananatiling bukas ang simbahan para sa mga gustong manalangin.

- Patuloy ang pagsagawa ng kaparian ng Sakramento ng Pagpapahid sa mga may Sakit, ng naaayun sa kinakailangang pag-iingat na iminumungkahi ng DOH.

- Sa lahat ng natitira pang mga araw ng Biyernes ng Kuwaresma, hinihikayat ang mga mananampalataya na gawin itong mga araw ng panalangin para sa mga apektado ng COVID-19, mga namatay at para sa ating paglaya mula sa pandemyang ito.

- Bagamat bawal ang pagtitipon sa mga simbahan, pagpapapatuloy pa rin ng mga panalangin na magkakasama bilang isang pamilya.

- Araw-araw na pagdarasal ng rosaryo at pagsamo sa Mahal na Ina ng Biglang Awa para sa proteksyon ng lalawigan.

Ang kabuuhan ng pormal na pahayag ng Obispo ay ang sumusunod:


DIOCESAN CHANCERY
DIOCESE OF BOAC
Sacred Heart Pastoral Center
Boac, Marinduque


CIRCULAR LETTER NO. 2
SERIES OF 2020
March 15, 2020


To the people of God,

Re: PUBLIC HEALTH EMERGENCY, CODE RED SUB-LEVEL TWO – COVID-19

The peace of our Lord be with you all!

With the recent developments surrounding the COVID-19 issue and the return of so many Marinduquenos from the National Capital Region, it is for the safety of the public that we have decided to issue these temporary guidelines regarding our liturgical celebrations and other related church activities:

1.       The celebration of the Mass with the congregation is temporarily suspended from March 16, Monday, until further norive depending on the developments of the situation. Nevertheless parish priests must still make sure that the daily celebration of the Eucharist is done even without congregation.

2.       All public gatherings like recollections, pilgrimages, conferences, processions are to be temporarily cancelled or postponed, pending developments of the situation in our diocese.

3.       Our churches will still be kept open so that those who need to pray and seek prayerful moments may find solace and strength in these trying moments.

4.       We will still continue to minister to the sick by offering them the Sacrament of the Anointing of the Sick, but also in consideration of the health of our ministers, they must take the necessary precautions as proposed by the DOH.

5.       On all the remaining Fridays of Lent I encourage all the faithful, most especially the priests and religious to Fast and make them days of prayer for those infected with COVID-19, those who have died, and from our deliverance from this pandemic.

6.       Even without the gathering in our parish churches, we must still continue to pray in community. Pray together as a family. Pray together as BPKs.

7.       Pray daily the rosary and ask Our Lady of Biglang Awa to protect our province.

Our Lord is a great and loving God who will never forsake us during these trying times! Let us continue to believe in this truth even as we take these precautions for the sake of the most vulnerable in our communities.

And may our Blessed Mother keep us all under the mantle of Her Maternal Protection.

In Christ,

(Signed) Most Rev. Marcelino Antonio Maralit, Jr. D.D.




Tuesday, March 26, 2019

Panawagan ng Marinduqueño sa ika-23 Anibersaryo ng Mine Spill sa Boac River


PANAWAGAN SA MGA PINUNO NG LOKAL AT NASYUNAL NA PAMAHALAAN:

1.  Tuluyan ng maideklara ang buong lalawigan ng Marinduque na mining-free zone;

2.  Agarang maisampa ang kaso ng Pamahalaang Panlalawigan laban sa Placer Dome/Barrick Gold sa bansang Canada;

3.    Magsagawa ng malawakang pagsusuri sa kalusugan at kapaligiran sa mga apektadong pamayanan sa lalawigan;

4.   Maglagay ng mga footbridges at mga babala sa mga ilog at dagat na kontaminado ng nakalalasong kemikal upang maiwasan ang malawakang pagkakasakit ng mga residente sa Boac, Mogpog at Sta. Cruz. 

5.    Isagawa ang rehabilitation ng ilog ng Boac at ilog ng Mogpog gayundin ang Calancan Bay upang unti-unting maisaayos at muling mapakinabangan ng mga mamamayan.   




                   MARINDUQUE COUNCIL FOR ENVIRONMENTAL CONCERNS
             San Miguel Street Barangay Mataas na Bayan,
Boac, 4900 Marinduque, the Philippines
' (06342)332-0229 7 macec.secretariat@yahoo.com

 
                                         

PAHAYAG NG PANININDIGAN AT PANAWAGAN NG MARINDUQUEÑO SA IKA-23 TAONG ANIBERSARYO AT PAGGUNITA SA PAGBULWAK NG BASURANG-MINA SA ILOG NG BOAC

Marso 24, 1996. Dalawamput-tatlong (23) taon na ang nakakaraan nang mangyari ang pagbulwak ng basurang-mina ng Marcopper sa ilog ng Boac. Tinatayang 1.6 milyong metro kubiko ng nakalalasong basurang-mina ang pumuno sa 26 kilometrong kahabaan ng ilog-Boac mula sa Tapian Pit na ginawang mine tailings disposal ng Marcopper/Placer Dome sa panahon ng kanilang mining operation. Ang trahedyang ito ay naitala bilang isang pinakamalaking trahedyang pangkalikasan sa kasaysayan ng pagmimina sa Pilipinas at sa buong mundo.  Sa pagtagas ng basurang mina ay halos limanglibong (5,000) pamilya na umaasa sa agrikultura ang labis na naapektuhan. Hanggang sa ngayon ay walang nangyaring rehabilitasyon dahil iniwan na lamang ng Marcopper/Placer Dome ang kanilang responsibilidad na linisin ang ilog-Boac at maging ang ilog ng Mogpog at Calancan Bay na nauna ng naapektuhan ng dahil sa pagmimina.

Dahil sa kawalan ng rehabilitasyon ay patuloy ang pagkalason at pagkasira ng kapaligiran at dumadami din ang mga nagkakasakit dulot ng heavy metal contamination batay sa mga pagsusuri ng Department of Health (DOH) sa 3 bayang apektado: Mogpog, Boac at Sta. Cruz. Ang iniwan nilang mga dam, open pit at iba pang estruktura ay patuloy ding nagbibigay ng pangamba sa mga mamamayan na maulit muli ang mga sinapit na trahedya.

Mahabang panahon nang nananawagan ang mga mamamayan sa mga kinauukulan na makamit ang hustisyang pangkapaligiran at tuluyang pagdeklara ng lalawigan na sarado na sa pagmimina batay na rin sa sumusunod na kadahilanan:



1.      Halos 3 dekada ng nagdusa ang lalawigan sa mapaminsalang operasyon ng pagmimina at sadyang maliit lamang ang isla ng Marinduque at hindi sapat ang carrying capacity nito upang balikatin pa ang mga basurang-mina at iba pang kasiraan kapag magpapatuloy pa ang operasyon ng anumang uri ng pagmimina;

2.      Maliban sa mga panganib na dulot ng mga abandonadong estruktura ng Marcopper ay mataas din ang pagkalantad ng ating lalawigan sa mga natural hazards tulad ng mga sumusunod:

§  Pangpito mula sa sampung probinsya na natukoy ng DENR na prone to landslide;
§  Daanan ng lindol, Central Marinduque Fault at 93% ng populasyon ng Marinduque ang expose dito;
§   Pangatlo sa may pinaka-kalbong kagubatan sa Pilipinas;
§   Daanan ng bagyo at ng iba pang pagsama ng panahon; 
§  May mataas na peligro sa pagbaha at isa sa mga lugar na maaring maapektuhan ng pagbabago ng panahon (climate change) 
 

3.      Hindi lang po ninanais ng mga mamamayan na maibalik sa dati ang mga nasirang kalikasan dulot ng pagmimina, higit sa lahat ay nais din po naming protektahan ang mga natitira pang likas-yaman ng ating lalalawigan na dapat pag-ingatan kabilang na ang  Marinduque Wild-Life Sanctuary (MWS) na idineklara ng Kongreso bilang Protected Area (Republic Act No. 11038) na sa ngayon ay maraming ng samot-saring buhay ang naitala at  pinagkukunan ng daloy ng tubig ng maraming pamayanan;

4.   Mayaman din ang ating lalawigan sa pangisdaan at kabilang tayo sa Verde Island Passage (the Center of the Biodiversity in the World), kaya’t nararapat lamang na proteksyunan laban sa mga polusyon na dulot ng pagmimina. Maraming ding mga pulo at magagandang tanawin na dapat ding pag-ingatan at pagyamanin sa ating lalawigan upang patuloy itong mapakinabangan ng susunod na henerasyon;  



5.      Nang dahil sa pagbulwak ng basurang-mina, ay naitatag ang Marinduque Council for Environmental Concerns (MACEC) na pinangunahan ng namayapang Obispo Rafael Lim, unang Obispo ng Diyosesis ng Boac, noong Hulyo 27, 1996, apat na buwan makaraan ang pagbulwak ng basurang-mina at hanggang ngayon ay patuloy ang adbokasiya at mga kampanya upang itaguyod ang pangangalaga sa kapaligiran at hustisya sa mga biktima. Maraming pagkakataon na naipakita ng mga Marinduqueňo ang pagkakaisa kaya’t marami tayong napagtagumpayan at nararapat nating ipagpasalamat at bigyan ng natatanging pagkilala lalot higit ang mga naging tagapangunang tagapagtanggol sa pagtataguyod ng kapakananan ng ating kapaligiran tulad ng mga sumusunod:

5.1.Noong 2003, pinangunahan ng namayapang Obispo Joey Oliveros, pangalawang Obispo ng Diyosesis ng Boac ang unang Diocesan Synod sa panahon ng selebrasyon ng ika-25 taong pagkakatatag ng Diocese ng Boac kung saan napagtibay ang mga Dekreto ng Diyosesis. Sa ika-6 na Dekreto sa Katarungan isinasaad na “magkaroon ng patuloy at malawakang kampanya hinggil sa wastong pangangalaga sa likas na yaman at kalinisan ng kapaligiran, at tahasang pagtutol na may matibay na paninindigan sa anumang uri ng malakihang (open pit, underground, etc.) pagmimina at iba pang katulad na industriya at gawaing may malubhang epekto sa kapaligiran o ekolohiya ng lalawigan”.  Ang dekretong ito na ipinatutupad ng Diyosesis sa pangunguna ng Obispo at ng mga kaparian ang isa sa matibay na batayan ng MACEC bilang church-based organization sa mga kampanya laban sa pagmimina at anumang proyekto na maaring makasira ng kapaligiran.

Noong Agosto 10, 2015, nagpalabas ng isang circular letter ang Diyosesis ng Boac sa pangunguna ng Obispo Marcelino Antonio Maralit, Jr.  na nag-aatas na basahin sa mga misa sa panalangin ng bayan ang 2 kahilingang ito:



a)    Para sa ikasusulong ng hangarin nating maisabatas na maideklara ang buong Marinduque bilang lalawigang mahigpit na tumututol at nagbabawal sa anumang uri ng pagmimina, at
b)      Para sa pagkakamit ng hustisyang pangkalikasan at panglipunan, nawa ang mga pinuno ng pamahalaang panlalawigan ng Marinduque ay magkaroon ng sapat na lakas at inspirasyon na maging determinadong ipagpatuloy na isulong ang mga kaso laban sa Marcopper/Placer Dome/Barrick Gold

5.2.Noong Oktubre 28, 2005 ang Pamahalang Panlalawigan sa pamamagitan ng ika-10 Sangguniang Panlalawigan ay idineklara ang Fifty (50) year large scale mining moratorium sa lalawigan (Resolution No. 379 s 2005). Naging consistent ang Sangguniang Panlalawigan sa pagpapatupad ng moratorium sapagkat ito ay matapat na itinaguyod ng mga sumunod hanggang sa kasalukuyang ika-14 Sangguniang Panlalawigan (Resolution No. 13 s 2016). At ito ay suportado ng katulad na mga resolusyon ng limang (5) bayan at nakararaming bilang ng mga barangay sa buong lalawigan.       

5.3.Hiniling din natin sa ating mga naging representative lalawigan sa Kongreso na maideklara ang lalawigan bilang “no go zone” for mining. Isang panukalang batas ang isinulong ng dating Rep. Gina Reyes – House Bill No. 5566 “An Act Declaring Province of Marinduque a Mining-Free Zone” na inaprobahan ng 16th Congress noong Agosto 24, 2015 at naisumite sa Senado noong Agosto 27, 2015 subalit kabilang sa iba pang lalawigan na may ganitong panukalang batas ay hindi rin tuluyang naaprubahan bilang isang ganap na batas. Kaugnay nito, dalawang katulad na panukalang batas din ang isinumite nina Marinduque Rep. Lord Allan Jay Q. Velasco (House Bill No. 6336) at MATA Party List Rep. Tricia Q. Velasco – Catera (House Bill No. 6384) upang maaprubahan ng 17th congress. Sa kasalukuyan, ay patuloy natin itong sinusuportahan sa pamamagitan ng signature campaign upang maging isang ganap na batas. 



5.4.Patuloy din nating sinusubaybayan at sinusuportahan ang mga kasong nai-file laban sa Marcopper/Placer Dome/Barrick Gold sa Municipal Trial Court, Regional Trial Court at sa Supreme Court upang mapanagot ang mga kompanya at makamit ang karampatang hustisya. 

Ngayong ika-23 anibersaryo at paggunita sa pagbulwak ng basurang-mina at sa ating pakikiisa sa World Water Day at Philippine Water Week ay nais po naming bigyan diin ang mga sumusunod na panawagan sa kasalukuyan at sa mga susunod na magiging pinuno ng ating lokal at nasyunal na pamahalaan:

1.      Tuluyan ng maideklara ang buong lalawigan ng Marinduque na mining-free zone;
2.     Agarang maisampa ang kaso ng Pamahalaang Panlalawigan laban sa Placer Dome/Barrick Gold sa bansang Canada;
3.     Magsagawa ng malawakang pagsusuri sa kalusugan at kapaligiran sa mga apektadong pamayanan sa lalawigan;
4.  Maglagay ng mga footbridges at mga babala sa mga ilog at dagat na kontaminado ng nakalalasong kemikal upang maiwasan ang malawakang pagkakasakit ng mga residente sa Boac, Mogpog at Sta. Cruz. 
5.      Isagawa ang rehabilitation ng ilog ng Boac at ilog ng Mogpog gayundin ang Calancan Bay upang unti-unting maisaayos at muling mapakinabangan ng mga mamamayan.   


 Bilang patunay sa aming mga paninindigan at panawagan, kami ay nagkaisa na ilakip ang attendance sa ika-23 anibersaryo at paggunita sa pagbulwak ng basurang-mina sa ilog ng Boac na isinagawa ngayong ika-24 ng Marso 2019 sa Boac Covered Court, Boac, Marinduque

Tuesday, January 8, 2019

Marinduque political matriarch Carmencita Reyes dies; Romulo Bacorro sworn in as governor


Carmencita O. Reyes. From FB of  Lorenzo Vega


Marinduque governor and former representative Carmencita Ongsiako Reyes passed away, her relatives confirmed.

She was 87.

Reyes’ son-in-law and Batangas governor Hermilando Mandanas said Reyes died Monday.

In a text message, Mandanas said Reyes suffered from “an aneurysm in the stomach.” The family provided no other details regarding the governor’s prior condition.

Reyes’ grandson Lorenzo Vega, in a Facebook post, said: “Nanay Carmencita will always be remembered for her dedicated and untiring service to the people of Marinduque.”

Reyes served twice as Marinduque’s lone representative from 1987 to 1998 and from 2007 to 2010. She was governor from 1998 to 2007 and from 2010 to 2019.

Her late husband, Edmundo Reyes Sr., was a former Immigration Commissioner.

Her remains lie in state at the Heritage Park in Taguig City until January 9 and would be flown to Marinduque on January 10.

The funeral mass is set on January 11 at the Sanctuario de San Antonio Church in Makati City. - Inquirer.Net

Carmencita O. Reyes, Photo from Lorenzo Vega's FB

Romulo Bacorro, Jr. sworn in as Marinduque governor

Meanwhile, DILG Marinduque program manager, Joyce S. Ulpo posted in her FB that Vice-Governor Romulo Bacorro, Jr. took his oath of office today, January 8 as Governor of Marinduque due to the permanent vacancy resulting from Gov. Reyes' demise.


By virtue of succession under Section 44 of the Local Government Code of 1991, Bacorro will serve only the unexpired term of his predecessor.

Romulo Bacorro takes oath as Governor. From left Ret. Associate Justice Presbitero Velasco, Jr., Gov. Bacorro, Cong. Lord Allan Velasco and Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit, Jr.
The said oath was administered by Congressman Lord Allan Velasco and witnessed by the Department Heads, Board Members, Ret. AJ Presbitero Velasco, Bishop Junie Maralit, PNP PD Landicho, Dir.Jacinto Mateo of CSC, DILG PD Frederick Gumabol, Outcome Manager Zali Z. Semilla, OIC Program Manager Joyce Semilla Ulpo and other officials and employees of the Provincial Government.

Tuesday, November 13, 2018

Sa Marinduque na winasak ng pagmimina: Paghakbang, pagsulong na kayang talaga para sa Hustisya?

Governor Reyes stresses a point

Kahapong maghapon ay nagkaroon ng round table discussion sa pangunguna ng Marinduque Environmental Concerns (MaCEC) sa Diocese of Boac upang talakayin ang nakabinbin pang pagsasampa ng kaso ng Lalawigan ng Marinduque laban sa Placer Dome/Barrick Gold.

Dinaluhan ang pagpupulong ng Obispo ng Boac, pamunuan ng MaCEC, Gobernador, Bise-Gobernador, ilang mga Bokal, abogado ng gobernador, abogado ng Legal Rights Council, mga representante ng pamahalaan ng Boac, DENR, MSC, DepEd at iba pang stakeholders. 


Dr. Catherine Coumans answers questions during the forum

Dinaluhan din ang meeting ng kinatawan mula sa MiningWatch Canada sa katauhan ni Dr. Catherine Coumans. Si Coumans ay malapit na kaagapay ng lalawigan at mga lokal na NGO's sa mga hakbangin tungo sa paghahanap ng environmental justice sa Marinduque.

Matatandaang dalawang taon na ang nakalipas mula nang ipasa ng Sangguniang Panlalawigan ang pormal nilang desisyon para ipagpatuloy ang paghahabla sa Placer Dome/Barrick Gold sa Korte ng Canada. Ito ay para sa paghahabol ng danyos na sanhi ng pagkasira sa kalikasan ng Marinduque at mga panganib sa kalusugan dulot ng iresponsableng pagmimina.


From left: Bishop Marcelino Maralit Jr., Fr. Arvin Madla,
Ms. Lyn Angeles, Ms. Beth Manggol, Vice-Gov. Romulo Bacorro, Jr.

Noong nakalipas ay makailang ulit na tinanggihan ng Sanggunian ang pagbibigay ng pahintulot kay Gob. Carmencita Reyes para ipagpatuloy ang serbisyo ng Diamond McCarthy, isang US law firm para sa kasong isasampa sa Canada. Huli itong tinanggihan ng SP noong Mayo, 11, 2018.

Diamond McCarthy ang humawak sa kaso ng Marinduque na isinampa noong 2005 sa Nevada, USA. Ang nasabing kaso ay unang ibinasura noong 2011, sa mababang Korte subalit idinulog sa Nevada Supreme Court kung saan noong 2015, ay kinatigan ang nauna ng desisyon ng mababang Korte sa pag-dismiss sa kaso for forum non conveniens. 


Bokal John Pelaez talks about the need for ITT
while Bishop Maralit and Fr. Madla listen intently.
Pilipinas o Canada?
Ang forum non conveniens ay isang kapangyarihan ng Korte na maaaring ibasura ang kaso kung may mas karapat-dapat na forum para dinggin ito. Sa desisyong nasabi ay isinaad naman na alinman sa Canada o Pilipinas ang tamang forum.

Bahagi naman sa ipinaliwanag ni Dr. Coumans na nakadikit sa desisyon ng Supreme Court of Nevada na kapag ang Lalawigan ay magsasampa ng kaso sa Canada ay ipapatupad ang mahahalagang kundisyon tulad ng: 1)  Hindi maaaring hingin ng Barrick ang pagbasura ng kaso sa Canada base sa forum non conveniens; 2)  Hindi maaaring ipabasura ng Barrick ang kaso base sa statutes of limitations post October 2005, kung kailan unang isinampa ang kaso; 3) Kailangang tanggapin ng Barrick na ang Canadian legal system ay pinapayagan ang monetary damages at equitable relief.

Marinduque's Path to Justice still being vigorously pursued

Ayon sa desisyon, ang mga nabanggit na mga kondisyon ay maaari lamang ipatupad kapag ang kaso ay mai-refile sa Canada.

Una na ring naitala ng Huwes sa mababang korte na ang kaso ay maaaring i-refile sa Pilipinas na maituturing na "maybe the most desirable forum". Subalit naitala rin ng Huwes na ang Barrick ay tumanggi nang Pilipinas ang gamiting forum. Anang Huwes, "the court lacks the authority to mandate that the defendants subject themselves to a forum in the Philippines".

Sa huli, hindi nagawa ng Huwes na ipataw sa Barrick ang ganitong mga kondisyon kung ang kaso ay isasampa sa Pilipinas di tulad ng kung ito ay isasampa sa Canada.



Independent Technical Team
Sa round table discussion, napagkasunduan na ituloy sa lalong madaling panahon ang pagbuo ng isang Independent Technical Team (ITT). Ito ay isang grupong binubuo ng mga abogado mula sa Provincial Government, Office ng Congressman, Office ng mga pangunahing municipio na aktibong stakeholders, MaCEC at iba pa. 

Pakay ng ITT na pag-aralan ang mga panukalang kontrata mula sa mga law firms na interesadong ipaglaban ang kaso, pag-aralan ang naging performance ng mga dating humawak sa kaso, at iresolba ang ilan pang mga usapin na may kinalaman sa mga kundisyones ng mga nasabing abogado.

Idiniin ng Obispo ng Boac, Marcelino Antonio Maralit, Jr. na bilang mga 'co-caretakers' ng ating 'island of God', kailangang magkaroon na ng pinagsamang position, magkaisang layunin at pagkilos sa bagay na ito. "May nakagawa ng pagsira sa tahanan natin, kailangan natin ng environmental justice", anang Bishop.

"Ang ginagawa natin ngayon ay isang pahayag para sa mga darating pang henerasyon at pagbibigay ng bagong buhay sa ating kapaligiran", dagdag pa niya.


Justice for the 'Island of God'
Photos courtesy of Bokal John Pelaez

Wednesday, June 13, 2018

Walang pakundangan sa mga mamamayan ng Marinduque: Bagong pirmadong kontrata na with US lawyers

Kaya mo ba 'to? Ito ay kaso ng Provincial Government of Marinduque, pero nakasaad sa kontrata na ito ay isang PRIVATE AND COMMERCIAL (AND NOT PUBLIC) Agreement of the PROVINCE. Kaya walang pananagutan sa PUBLIKO?


Habang lumalaon, mas maliwanag na walang katiwatiwala ang mga nababahalang Marinduqueno sa pirmado nang kontratang inilatag sa Sangguniang Panlalawigan ng Marinduque. Pirmado na ni Gov. Carmencita O. Reyes.

Dahil kaya ang nasabing kontrata ay itinuturing na napakalupit, walang habag, walang pakundangan, at walang respeto sa mga mamamayan ng Marinduque? Ang kontrata ay tila inurungan naman ng Sangguniang Panlalawigan - sa ngayon. Eh, bukas kaya?

Most Rev. Bishop Marcelino Antonio Maralit, Jr.
and Rev. Fr. Arvin Anthony Madla, Chair, MaCEC

Anong kontrata nga ito? Ang Restated and Amended Contract of the Provincial Government of Marinduque (PGM) with Diamond McCarthy (DM) Law Firm para sa pagsampa ng kaso sa Canada. (DM ang US law firm na dating humawak sa kaso ng PGM sa Nevada, USA).

Pangunahin ang MaCEC at ang Simbahan sa mga nagsuri sa kontrata o kasunduang nabanggit. Sila bilang stakeholders ang pangunahin ding iniimbitahan/pinapakiusapan ng SP na maging bahagi at katulong ng SP sa mga deliberations tungkol sa bagay na ito.

'Urgent' na sulat ni Gov. Reyes sa Sangguniang Panlalawigan for ratification of the contract.

Sa dami ng negatibong mga obserbasyon/komento ng stakeholders tungkol sa mga nakasaad sa kontrata ay kakayanin kaya ng mga kababayan natin na masikmura bilang halimbawa lamang ang mga sumusunod?

Sa nakasaad na Waiver of State Immunity. Ayon sa MaCEC, (No.14 sa kanilang position paper), dapat daw pakaisipin ng Lalawigan ang probisyon na ito. Maraming beses na pakaisipin at seryosohin, at pag-aralan sa tulong ng legal experts. Bakit daw? Binubuksan nito ang Lalawigan at/o ang mga opisyales na kasuhan sila sa kasalukuyan o sa darating na panahon.

Isa pa, ang Paragraph B of XII ng kontrata ay nagpapahintulot din sa future execution against assets of the Province in the present and in the future resulting from waiver of its rights. Ayon sa nakakaunawang Diocese of Boac at pangunahing pangkalikasang organisasyong MaCEC.

“... the Province irrevocably and unconditionally acknowledges that the execution, delivery and performance of this agreement constitute PRIVATE AND COMMERCIAL (and not Public) acts of the province”

Masasabi kayang isinasangla pa sa di pangkaraniwang pagkakataong ito ang mga paglalagay sa alanganin ng mga assets ng Lalawigan? Baka mapadilat pa ang mga mata ng mga minamahal nating Marinduqueno sa mga sumusunod:

On the Private and Commercial (Not Public) Nature of the Agreement. Ayon sa MaCEC, VII.C. of the document mentioned “that the Province irrevocably and unconditionally acknowledges that the execution, delivery and performance of this agreement constitute PRIVATE AND COMMERCIAL (and not Public) acts of the province”.

Ano nga naman ang mga implikasyon nito sa katunayang ang Client ay isang Government Institution/Local Government Unit at ang mga Opisyales na nakikipagkasundo sa law firm/pagpipirma ng mga dokumento bilang mga kinatawan ng mga mamamayan na kanilang pinagsisilbihan – ang PUBLIKO?

Dapat daw isaalang-alang na ang mga opisyales ng bayan bilang mga kinatawan ng mga taumbayan ay nanumpa ng Oath of Office at nasasailalim ng Civil Service Laws, Code of Conduct and Standards of Public Officials and Employees, maliban pa sa iba. At ang Konstitusyon daw mismo ay nagsasaad na sila bilang mga namumuno ay may pananagutan sa taumbayan, accountable to the people.

Ang Diocese of Boac at MaCEC na matagal nang nakatutok sa usaping ito at palaging imbitado sa mga pagpupulong nang nagsumite na noon pang nakaraang taon (maging noon pang 2016), ng kanilang masasabi o kinatatayuan sa usaping ito at kanilang mga rekomendasyon. Subalit ayon nga sa kanilang position paper ay “none of these was acted upon by the PGM and or the said law firm thus, “for every new contract presented before the stakeholders and Marinduquenos in general have been onerous and unacceptable.”

PARA SA KAALAMAN NG LAHAT. Anong mga dark secrets kaya ang nasa likod ng pagpipilit gamitin ang mga abogadong Amerikano sa kasong isasampa sa Canada or 'anywhere in the world' kasama na ang Pilipinas?

Isang pagkakataon ng pagbabantay ng mga miyembro ng
MaCEC sa Session Hall para makinig 

Para sa kaalaman ng lahat, direktang isinumite ng Diocese of Boac at ng MaCEC ang kanilang pinakahuling position paper (English) submitted to the Governor at SP noon pang November 2017, at muling isinumite noong May 10, 2018, na nagsasaad (translated, see copy of original document for cross-checking), na:

1.       Ang kontrata ay hindi patas at makasasama pa sa interes ng Lalawigan. Mas binibigyang diin ng kontrata ang karapatan ng law firm, pero  may kalabuan pagdating sa obligasyones at pananagutan nila sa Lalawigan (paulit-ulit lamang na sinasabi na ang maisasad lamang nila sa kontrata ay kanilang opinion at kawalan ng katiyakan,  (“opinions”… “no assurance”), magiging napakamahal para sa Lalawigan at walang magagawa ang Lalawigan kundi tanggapin ang kanilang magiging desisyon base sa kanilang “opinions” na nangangahulugan lamang na magiging mas magastos ito para sa probinsya; labis na diskresyon ang ibinibigay sa law firm kasama na rito ang sole discretion pagdating sa arrangement with local lawyers, kasama ang marami pang iba.

2.      Matapos hinawakan ang kasong ito ng lagpas na sa isang dekada, sa dokumentong ito ay ni hindi mabigyan ng katiyakan ng Diamond McCarthy na magsasampa sila ng kaso at/o dalhin ito sa paglilitis. Matatandaang mula pa noong 2005, ng hinawakan ni Walter Scott ang kaso, ang intensiyon ng probinsya mula pa sa simula ay magsampa ng kaso, litisin, at usigin para magkaroon ng favorable court decision, at hindi pangunahan ang pagkakaroon ng “out of court negotiation o settlement”, dahil kung ganito rin lamang ay maaaring kumuha na lamang noon ng batikang mediator o broker.

3.      Sa dokumento, isinasaad na walang Kasunduan o pakikipagkasundo na magaganap na hindi muna kinukunsulta ang law firm at pinapayagan ang law firm na makibahagi sa mga ganoong negotiations. Subalit, ang kabaliktaran naman nito ay wala. Walang sinasabi ang dokumento na anuman tungkol sa mga direktang representante ng Lalawigaan na dapat makisali sa negotiations na isasagawa ng law firm. In substance, pagsusumite ng payo at resulta lamang ng negotiation sa lalawigan ang nakasaad.

4.      Palaging nakasaad sa dokumento ang mga katagang “reasonable time… for valid reasons”, must not unreasonable withhold or accept (Firm’s advise)… subalit ano ang basehan kung ano ang ‘reasonable at not reasonable’ na dapat gawin ng mga partido? Paano kung ang inihahain ay labis na mapang-abuso at di katanggap-tanggap para sa probinsya tulad ng mga kondisyones at ‘stipulated facts’ na inilatag ng law firm para tanggapin ng Lalawigan noong nakaraan, na kapag hindi tanggapin ay maituturing na ngayong “Termination Without Cause”?

Mga sakit dulot ng mga lasong kemikal, pagwasak ng karagatan na naging
sanhi kung bakit ang lugar na ito sa Calancan Bay ay isang 'No Swim Zone'.

 5.      Almost blanket authority. Halos blanket authority ang ibinibigay ng kontrata sa law firm sa pagtantiya sa resulta/kalalabasan ng claim. Sinasabing nasa Lalawigan nga ang final decision, subalit ang mga nakasaad sa kontrata ay nagtatali sa kamay ng lalawigan para makahanap pa ng ibang options at direksyon kahit pa ito’y makakasama ng todo sa interes ng lalawigan.

6.       Sa pag-aanalisa ng mga probisyon sa kontrata, bagamat hindi tahasang sinasaad, ang panukalang Restated and Amended Contract ay halatang nakatuon at nakatutok sa “out of court negotiation and settlement”, at ang pagtitiyak na kung ano man ang dikta ng law firm ay dapat tanggapin ng Lalawigan kahit ito pa ay hinding-hindi katanggap-tanggap, sapagkat ang kapalit nito ay magiging pagkalugi (halimbawa, ang di pagtanggap sa settlement advise ay maaaring maging dahilan ng pag-urong ng law firm at maaaring gamiting dahilan bilang “termination without cause”. Kaya’t no choice ang Lalawigan kundi tanggapin na lamang ang isang unacceptable settlement offer/terms na dinidikta ng law firm.

7.       Ang dapat isagawa ay ang pagtutok una sa lahat sa pag-uusig ng kaso sa korte at paghahanda para sa ganung pakay, at hindi ang pakikipag-ayos sa labas ng korte at settlement na lumalabas na doon napaka-interesado ang law firm. Nakasaad na “Firm’s conduct of any and ensuing negotiations” ay nakamandato na sa dokumento at ang law firm ay binibigyan ng blanket authority na gawin ito para sa probinsya na hindi naman dapat… ang Lalawigan ang dapat magkaroon ng sole authority na magdesisyon sa bagay na ito at dapat magkaroon ng direktang partisipasyon sa proseso. Hindi maaaring bigyan ng blanket authority ang Firm kung kailan at papaano at sa anong pagkakataon ito dapat simulan at maganap. Kaya, ito ay dapat mapasailalim sa ibang agreement/pagbibigay ng authority ng Lalawigan sa Firm.

8.       Walang garantiya. Ang dokumento ay maraming beses na nagsasaad na hindi nagbibigay ng guarantee ang Firm kundi ang ibinibigay nito ay mga opinyon lamang. Ano ngayon ang pananagutan ng Firm sa mga isasagawa nito na mapapatunayang prejudicial sa interes ng Lalawigan na sanhi ng kanilang failed professional judgment? Ano ang kanilang accountability? Kundi ang oportunidad lamang na ma-terminate sila with cause na kung saan makatatanggap pa rin sila ng kabayaran?

9.      Magkano ba ang dating halaga na nagasta na? Ito ay dapat malaman at stipulated… di pwedeng hula lamang at isaad lamang na “it is the sole and only agreement of the parties and supersedes any prior written or oral understandings or agreements between parties”. Kayat bawat detalye ay dapat nakasulat sa kontrata at matanggap ng mga partido. Ang mga detalye ng halaga ng serbisyo ni Scott at DM na isinama na sa dokumento ay dapat munang ipaalam at matanggap ng lalawigan.

       Sa pagsali ng LOLG (Canadian law firm) bilang local counsel ay hindi dapat automatic. Ang Lalawigan ay dapat maging bahagi ng selection process sa pagpili ng law firm na magrerepresenta dito sa Canada at tiyakin na hindi ito nag-abogado para sa Barrick/Placer Dome at/o alinman sa mga subsidiaries nito. Ang DM ay dapat magpakita ng pruweba na sila ay kumunsulta at nagbigay ng patas na oportunidad sa iba pang law firms. Ang profile ng LOLG gayun din ang track record at nahawakang mga kaso na may kinalaman sa defendants ay dapat iprisinta/isumite sa lalawigan para maisaalang-alang.

Isinuka na ng bayan makailang-ulit ang mga abogadong Amerikano at mga ginawa nilang paghawak sa kaso sa Nevada, US. Bakit kaya iginigiit ng ilang nakaupo sa katungkulan sa pangunguna ni Gov. Reyes?


11.   Sa pagsali ni Scott. Dapat ay labas na siya sa kaso “without prejudice” sa kabayarang dapat mapunta sa kanya para sa dati niyang ginawa.

12.    On Warranty. Karamihan kung di man lahat ng mga provision sa “Client’s Representations and Warranties” ay dapat munang liwanagin dahil napaka-mapanganib para igarantiya ng Lalawigan. Kung may maging kamalian sa mga ginagarantiyahan ng Lalawigan, maaari itong maging dahilan ng Withdrawal of the Firm or Termination Without Cause at maging dahilan ng pagdedemanda sa Lalawigan.
On V.2, Ang Lalawigan ng Marinduque ba talaga ay may “exclusive right”? Ano ang implikasyon nito sa mga kasong naihain na ng iba pang mga partido, lalo na ang mga kasong ni-recognize na ng PGM at ng law firm sa dating naisagawang mediation process. Kayat alam ng Lalawigan na may mga ganitong kaso.
On V.3., Magiging mas tumpak para sa Lalawigan na tiyakin muna na walang Notice or Approval of Third Party ang talagang kakailanganin.
On V.3., Ang katiyakan na walang counterclaim ng alinman sa mga Defendants ang magaganap ay hindi magagarantiyahan.

13.   On Covenants and Agreements (VB). Ang mga ito ay hindi katanggap-tanggap. Halos lahat ng mga stipulations na gagarantiyahan ay prejudicial sa interes ng Lalawigan, at magiging labas na sa control ng Lalawigan kung isasaalang-alang ang mga proseso ng gobyerno at democratic/representative nature ng Gobyerno ng Pilipinas. V.B.3. ay maaring tukuyin bilang tangkang pagpapatahimik hindi lamang sa Lalawigan kundi maging sa mga stakeholders.
V.B.b. Dapat baguhin ang pananalita dito na ang ibig sabihin ay magsisimula lamang ang proseso ng negosasyon para sa settlement kung may offer at matibay na posibilidad na may makuhang claim na hindi bababa sa $300M.
V.B.e. na nagsasabi tungkol sa settlement na mas mababa pa sa $75M ay hindi dapat banggitin, hindi naaayon sa iba pang mga probisyon at dapat alisin.


Sitwasyon sa Brgy. Booboc kung saan dumadaloy ang isang ilog na permanente nang namatay ng walang kalaban-laban dahil sa lason na galing sa minahan


On determination of Cost. Ano ang magiging papel ng Lalawigan? Ano ang Procedure? Paano ang pag-monitor? Ano ang magiging standard rate? Ang control ng Lalawigan para tiyakin na ang provision for cost ay hindi aabusuhin? Ang Cost ay walang identified ceiling/limit. Dapat ito ay maayos na nakasulat para matiyak na ang Lalawigan ay hindi maiwanan na napakaliit lamang ang net proceeds. Ang Cost ng previous engagement with Scott and DM tungkol sa kasong isinampa sa Nevada na dapat i-recognize at isama sa bagong dokumento ay dapat munang i-scrutinize, i-audit at i-apruba ng Lalawigan at dapat nakalahad ng detalyado sa bagong dokumento. Hindi ito dapat maging bukas sa iba pang interpretasyon dahil ang dokumento ay nagsasabing it supersedes even previous verbal agreement. Ang financial provisions ng dokumento kasama na ang katotohanan na ang Lalawigan ay may little say lamang sa halaga ng acceptable settlement ay nangangahulugan na ang Lalawigan ay maaaring maiwan ‘with very little’. Ang mga lawyers’ billing fees and costs ay isasama (maaaring balikan pa ang Nevada case) ngunit ang Lalawigan ay mababayaran lamang ng 55% ng kung ano man ang matira pagkatapos noon – at maaaring napakaliit na nito.

14.   On Firm’s representation on matters related to the Province’s claim. “anywhere in the world”, ay dapat ituwid dahil hindi kailanman ito naging intention ng lalawigan noong 2005 kung isasaalang-alang ang konteksto ng panahong iyon. Katawatawa na kung ang Lalawigan ay magdesisyon na ituloy ang kaso sa Philippine courts, ay kakailanganin pa rin na gamitin ang DM sa ganoon ding mga kondisyones. Ang particular na probisyon na ito ay lalo pang naglalagay sa Lalawigan sa isang napaka-lopsided position. Matibay ang pakiramdam namin na ito ay isang mas masahol, mas restrictive at hindi balanseng kontrata kaysa sa dating kontrata. May kadahilanan kung bakit gusto nilang palitan ang dating kontrata at ito’y tila sa kagustuhan na bigyan ang mga abogado ng mas unfettered  decision at mas marami pang mga karapatan, habang matinding restrictions naman sa ahensya ng Lalawigan.

15.   Waiver  of State Immunity. Dapat isipin ng Lalawigan ang probisyon na ito ng maraming beses at seryosohing mabuti sa tulong ng legal experts dahil binubuksan nito ang Lalawigan at/o ang mga opisyales/mga kinatawan sa posibilidad na kasuhan sila sa kasalukuyan o sa darating na panahon. Paragraph B of XII ay nagpapahintulot din sa future execution against assets of the Province in the present and in the future resulting from waiver of its rights.

16.   On the Private and Commercial (Not Public) Nature of the Agreement. VII.C. of the document mentioned “that the Province irrevocably and unconditionally acknowledges that the execution, delivery and performance of this agreement constitute PRIVATE AND COMMERCIAL (and not public act) of the province”.
Ano ang mga implikasyon nito samantalang ang Client ay isang Government Institution/Local Government Unit at ang mga Opisyales nito ay nakikipagkasundo sa Firm/pumipirma ng mga dokumento bilang mga kinatawan ng mga mamamayan, ang sinasakupan nito – ang PUBLIKO. Dapat isaalang-alang na ang mga opisyales ng bayan bilang mga kinatawan ng taumbayan ay nanumpa ng Oath of Office kayat nasasailalim ng Civil Service Laws, Code of Conduct and Standards of Public Officials and Employees, bukod pa sa iba. Ang Konstitusyon mismo ay nagsasaad na sila bilang mga namumuno ay may pananagutan sa bayan.

17.   On “XIV. Your Independent Determination as to Fairness and Reasonability”. Ang Lalawigan ay sinisiguro na “the Province had ample opportunity to review the Agreement independently and to the extent that the Province has chosen to do so, reviewed the Agreement with a separate law firm.” Dapat munang gawin ito ng Lalawigan bago ito mag-warrant. Ang ilang araw lamang para pag-aralan ang mga mahahalagang dokumentong ito ay hindi maaaring sabihing sapat na panahon para makapag-desisyon. Pag-susuri ng independent firm na katanggap-tanggap sa stakeholders ay marapat gawin at ang resulta ng pag-aaral ay ilahad sa mga stakeholders para sa impormadong partisipasyon at desisyon.

Mga lokal na opisyal ng lalawigan ng Marinduque at bayan ng Boac na nakikipagpulong sa MaCEC hinggil sa usaping ito. Mula kaliwa, Kon. Rolly Larracas, BM Reynaldo Salvacion, BM John Pelez, BM Mely Aguirre,  Ms. Catherine Coumans (bisita), Vice-Gov. Romulo Bacorro, Ms. Beth Manngol (Secretariat Head ng MaCEC), Engr. Luna Manrique, Kon. Sonny Paglinawan, BM Primo Pamintuan at dating Bokal Lyn Angeles.

(All photos courtesy of MaCEC)

(May kasunod)