Showing posts with label HERMENEGILDO FLORES. Show all posts
Showing posts with label HERMENEGILDO FLORES. Show all posts

Monday, August 30, 2021

National Heroes' Day: Alaala sa Bayaning si Hermenegildo Flores

 
Bird in Cage by Raymond Kawataki Go


Ang bantog na makatang Tagalog na si Hermenegildo Flores ang namuno sa himagsikan sa Marinduque sa unang bahagi ng Rebolusyong Filipino (Ang Philippine-Spanish war).

Mas kilala siya ng panahong iyon bilang makata na sumulat ng “Hibik ng Filipinas sa Inang Espana”  (1888), na pumukaw ng katugunan sa panulat ni Marcelo H. del Pilar (“Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas” na sa huli ay pumukaw din kay Andres Bonifacio sa pamamagitan ng kanyang (“Katapusang Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya”}.

Ang pinakahuling tula ni Bonifacio sa nabanggit na tatlong makasaysayang sagutan ay itinuturing na kasukdulan sa kasaysayan ng tulang Tagalog noong ika-19 na siglo.

 

Si Flores, ang bayani  ng  Marinduque

Si Flores ang namuno sa unang direktang pag- atake na ginawa sa Casa Real sa Sta. Cruz, Marinduque noong Marso 4, 1897.

Subalit ito ang naging dahilan para gamitin ng kalaban ang buong pwersa sa isla hanggang si Flores at ang kanyang mga kasamahan ay mabihag at makulong sa Casa Real sa Boac. Kasama sa mga nabihag si Remigio Medina ng Torrijos.

Noong Oktubre 10, 1897, naganap ang naging madugong paglusob sa Casa Real  ng kanyang mga kasamahan mula sa bayan ng Mogpog upang sila ay pakawalan.

Nabigo ang mga rebolusyonaryo. Pinaslang sa kanilang pagkakakulong ng mga Kastila sina Flores at mga kasamahan.

Sa kamay ng mga Kastila, sinunog ang mga bangkay nina Flores at Medina sa pampang ng Ilog Boac.

Limang buwan bago ito mangyari noong Mayo 10, 1897, ay napaslang naman si Andres Bonifacio at kanyang kapatid, si Ciriaco sa Maragondon, Cavite.

Andres Bonifacio by Raymond Kawataki Go. Grand Prize Winner of 1997 Bonfacio Centennial Art Competition, it now hangs at Bonifacio Trial House, Maragondon, Cavite


Basahin din:

Hermenegildo Flores, Rebolusyonaryong Bayaning Filipino






The Spirits of Andres Bonifacio and Hermenegildo Flores, the forgotten Marinduque Hero




Monday, November 30, 2020

Ang bayaning Marindukenyo na nag-iwan ng malalim na marka sa puso ni Andres Bonifacio

 

Bahagi naman ng panghuling kasagutan ni Gat Andres Bonifacio sa magkakambal na tula nina Flores-Del Pilar ang "Katapusang Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya"

 Dahil noong 1896, ang nagtatag ng Katipunan, si GAT ANDRES BONIFACIO ay sumulat din ng kanyang kasagutan sa magkasamang tula nina FLORES at DEL PILAR!

Boac, Marinduque - Ito ang “Katapusang Hibik nang Pilipinas sa Ynang Espana” na tinawag na “the climactic moment to the history of Tagalog poetry during the 19th century”. Sa tula ni Bonifacio ang terms of endearment na ginamit sa mga tula nina Flores at Del Pilar ay hindi na ginamit. Ang Espanya ay tinurang “Inang pabaya’t sukaban” at “Inang walang habag”.

(Boac, Marinduque) - Si Hermenegildo Flores na pinaslang sa Casa Real ng Boac, siya na namuno sa Rebolusyonaryong Puwersa sa Marinduque laban sa Espanya, ay sadyang hindi binigyan ng pang-Kristiyanong libing. Sinunog ang kanyang malamig na bangkay sa Ilog Boac kasama ng bangkay din ni Remigio Medina ng Torrijos.

Higit sa isang-daang taon pa ang lumipas bago naging maliwanag kung sino talaga si Hermenegildo Flores. Masasabi ko po sa mga mambabasa na ang inyong abang lingkod lamang, sa pamamagitan ng mahaba at masusing pananaliksik, ang nakapagtagni-tagni ng ilang mga mahahalagang datos. Naging maliwanag sa pag-aaral ko na si Hermenigildo Flores, ang kinilalang makata, ang siya ring 'Hermenegildo Flores' na namuno ng Himagsikan sa isla ng Marinduque.


Si Flores, mula siya sa Bulacan, ay kaibigan ni Hen. Emilio Aguinaldo. Taliwas sa paniniwalang mababasa sa ilang nailimbag na tala na hindi raw nakipaghamok si Flores, maliwanag na iniwan niya ang kanyang pagsusulat para direktang makibaka at sa isla ng Marinduque siya napadpad. 


Nagtungo si Flores, una sa Mindoro at nagtungo sa Marinduque (na bahagi noon ng Mindoro), sa huling bahagi ng 1896, para hikayatin ang mga makabayan sa dalawang lugar na ito na manindigan para sa Kalayaan. Sa Sta. Cruz, Marinduque niya itinayo ang kanyang kuta. (The Philippine Revolution, Gregorio F. Zaide, footnote on page 145).


Pinangunahan ni Flores ang paglusob sa Casa Real ng Sta. Cruz noong Marso 4, 1897. Noong Marso 23, 1897, (petsa ng panunumpa ni Aguinaldo bilang Pangulo ng revolutionary government), tinipon ni Flores sa Sta. Cruz ang mga makabayan ng Mindoro at Marinduque. Ang tawag sa kanya ng mga taga-rito ay si 'Kang Bindoy'. Si Flores ang namatnugot sa pulong kung saan ay si Mariano Ricaplaza (ng Sta. Cruz), naman ang naging Kalihim. Sa pagpupulong na iyon, matapos ang mahabang pag-uusap ay nanumpa ang mga sumapi ng kanilang katapatan at pag-anib sa Rebolusyon. Sa pagkakataong iyon ay nahirang na Gobernador ng Mindoro at Marinduque si Flores (provisional revolutionary government).




FLORES-DEL PILAR-BONIFACIO 

Si Flores ay kaliga nina Marcelo H. del Pilar at Andres Bonifacio bilang mga makata na sukdulan ang pagmamahal sa bayan. Silang tatlo ay nagkaroon ng katangi-tanging ugnayan sa pamamagitan ng trilohiya (trilogy) ng mga tula na nagpapahayag ng mga sentimyento mula sa konsepto ng repormismo hanggang sa paghihiwalay ng Pilipinas sa Espanya. Lumitaw ang trilogy na ito sa huling dekada ng ika-19 na siglo. 

Si Flores ang sumulat ng una sa trilohiyang ito sa TAGALOG NOONG 1888. Ito ang “’HIBIK NG FILIPINAS SA INANG ESPANYA”. Sa panahong ito ay nasa London si Dr. Jose Rizal at nagsasagawa ng pananaliksik para sa kanyang anotasyon sa isinulat ni Morga tungkol sa Pilipinas. 

Ang “Hibik” ay binubuo ng 66 quatrains (mga saknong), kung saan ang makata na nagsasalita bilang isang pinahihirapan na anak na babae ay nagbubuhos ng kanyang pangunahing karaingan sa Inang Espanya – tulad ng mga pang-aabuso ng mga prayle, ng mga pari! 

(Ang anak na babae ay ganito ang reklamo):

"Sa bawat kapaki-pakinabang mo, ayaw ng prayleng ako'y makinabang, sa mga anak ko ay ibig lang isip ay bulagin, ang butas ay takpan ".

(At tinutukoy niya):

"Sa pag-unlad ng kanilang yaman bendita't bendisyon lamang ang puhunan, induluhensiya't iba't ibang bahay ng mga sagrado naman ang kalakal ".

Kaya’t si Flores ay isang propagandista na may ginampanang papel din sa buhay ni Marcelo H. del Pilar, ang nangunguna sa mga propagandistang Pilipino noong panahong iyon. 

Tinagurian sa panulat ni Bienvenido Lumbera (National Artist) na si Flores ay "dating guro at kapwa propagandista" (former teacher and fellow propagandist), ni Del Pilar. (Tagalog Poetry, 1870-1898: Tradisyon at mga Impluwensya sa Pag-unlad nito, ni Bienvenido Lumbera).


Bahagi ng 66 na quatrains ng Rebolusyonaryong Tula ni Flores

 Isang makasaysayan pang yugto ang magaganap pitong taon mula ng maisulat ni del Pilar (1889), ang kanyang sagot sa tula ni Flores,  “Sagot ng Espana sa Hibik ng Pilipinas” (1889). Mas mahaba with 82 quatrains.


(Itaas) Bahagi naman ng kasagutan ni Marcelo H. Del Pilar sa Rebolusyonaryong Tula ni Hermenegildo Flores. Ang tula ni Del Pilar ay may 82 quatrains.

Dalangin ng marami kasama na ako na sa susunod na mga aklat ng kasaysayan ay mabigyan lamang ng kaukulang mga pahina ang naging buhay, pakikipaglaban at pagkamatay ng dahil sa bayan ng bayaning si Hermenegildo Flores ng Bulacan at Marinduque.



Saturday, October 10, 2020

10 de Octubre 1897 sa Kasaysayan ng Marinduque: Kakambal na ng pangalan ng bayaning si Hermenegildo Flores

  

Ganito pa ang anyo ng Simbahan ng Boac ng mga 
panahon nina Hermenegildo Flores

 Sino baga talaga ang bayaning Marindukenyong si 

HERMENEGILDO FLORES?  


(Boac, Marinduque) - Kasamahan siya nina Marcelo H. del Pilar, Andres Bonifacio, at Emilio Aguinaldo. Si Hermenegildo Flores kasama si Remigio Medina, pawang mga rebolusyonaryo ay pinaslang sila noong 10 de Octubre 1897 sa Casa Real ng Boac. Gabi ng kapistahan ng Santo Rosario.

Si Flores na namuno sa Rebolusyonaryong Puwersa sa Marinduque laban sa Espanya, ay sadyang hindi binigyan ng pang-Kristiyanong libing. Sinunog ang kanyang malamig na bangkay sa Ilog Boac kasama ang bangkay din ni Medina ng Torrijos.

Higit sa isang-daang taon pa ang lumipas bago naging maliwanag kung sino talaga si Hermenegildo Flores. Masasabi ko po sa mga mambabasa na ang inyong abang lingkod lamang, sa pamamagitan ng mahaba at masusing pananaliksik, ang nakapagtagni-tagni ng ilang mga mahahalagang datos. Naging maliwanag sa pag-aaral na si Hermenigildo Flores, ang kinilalang makata, ang siya ring 'Hermenegildo Flores' na namuno ng Himagsikan sa isla ng Marinduque.

Si Flores, mula siya sa Bulacan, ay kaibigan ni Hen. Emilio Aguinaldo. Taliwas sa paniniwalang mababasa sa ilang nailimbag na tala na hindi raw nakipaghamok si Flores, maliwanag na iniwan niya ang kanyang pagsusulat para direktang makibaka at sa isla ng Marinduque siya nadestino. 


Nagtungo si Flores, una sa Mindoro, kasunod sa Marinduque (na bahagi noon ng Mindoro), sa huling bahagi ng 1896, para hikayatin ang mga makabayan sa dalawang lugar na ito na manindigan para sa Kalayaan. Sa Napo Sta. Cruz, Marinduque kung saan noong una pa siya namalagi itinayo niya ang kanyang kuta. (The Philippine Revolution, Gregorio F. Zaide, footnote on page 145).


Pinangunahan ni Flores ang paglusob sa Casa Real ng Sta. Cruz noong Marso 4, 1897. Noong Marso 23, 1897, (petsa ng panunumpa ni Aguinaldo bilang Pangulo ng revolutionary government), tinipon ni Flores sa Sta. Cruz ang mga makabayan ng Mindoro at Marinduque. Ang tawag sa kanya ng mga taga-rito ay si 'Kang Bindoy'. Si Flores ang namatnugot sa pulong kung saan ay si Mariano Ricaplaza (ng Sta. Cruz), naman ang naging Kalihim. Sa pagpupulong na iyon, matapos ang mahabang pag-uusap ay nanumpa ang mga sumapi ng kanilang katapatan at pag-anib sa Rebolusyon. Sa pagkakataong iyon ay nahirang na Gobernador ng Mindoro at Marinduque si Flores (provisional revolutionary government).


Marcelo H. Del Pilar

 



Andres Bonifacio

 FLORES-DEL PILAR-BONIFACIO

 Si Flores ay kaliga nina Marcelo H. del Pilar at Andres Bonifacio bilang mga makata na sukdulan ang pagmamahal sa bayan. Silang tatlo ay nagkaroon ng katangi-tanging ugnayan sa pamamagitan ng trilohiya (trilogy) ng mga tula na nagpapahayag ng mga sentimyento mula sa konsepto ng repormismo hanggang sa paghihiwalay ng Pilipinas sa Espanya. Lumitaw ang trilogy na ito sa huling dekada ng ika-19 na siglo.

 Si Flores ang sumulat ng una sa trilohiyang ito sa TAGALOG NOONG 1888. Ito ang “’HIBIK NG FILIPINAS SA INANG ESPANYA”. Sa panahong ito ay nasa London si Dr. Jose Rizal at nagsasagawa ng pananaliksik para sa kanyang anotasyon sa isinulat ni Morga tungkol sa Pilipinas.

Ang “Hibik” ay binubuo ng 66 quatrains (mga saknong), kung saan ang makata na nagsasalita bilang isang pinahihirapan na anak na babae ay nagbubuhos ng kanyang pangunahing karaingan sa Inang Espanya – tulad ng mga pang-aabuso ng mga prayle, ng mga pari!

 (Ang anak na babae ay ganito ang reklamo):

"Sa bawat kapaki-pakinabang mo, ayaw ng prayleng ako'y makinabang, sa mga anak ko ay ibig lang isip ay bulagin, ang butas ay takpan ".

(At tinutukoy niya):

"Sa pag-unlad ng kanilang yaman bendita't bendisyon lamang ang puhunan, induluhensiya't iba't ibang bahay ng mga sagrado naman ang kalakal ".

Kaya’t si Flores ay isang propagandista na may ginampanang papel din sa buhay ni Marcelo H. del Pilar, ang nangunguna sa mga propagandistang Pilipino noong panahong iyon.

Tinagurian sa panulat ni Bienvenido Lumbera (National Artist) na si Flores ay "dating guro at kapwa propagandista" (former teacher and fellow propagandist), ni Del Pilar. (Tagalog Poetry, 1870-1898: Tradisyon at mga Impluwensya sa Pag-unlad nito, ni Bienvenido Lumbera).



Bahagi ng 66 na quatrains ng Rebolusyonaryong Tula ni Flores

 Isang makasaysayan pang yugto ang magaganap pitong taon mula ng maisulat ni del Pilar (1889), ang kanyang sagot sa tula ni Flores,  “Sagot ng Espana sa Hibik ng Pilipinas” (1889). Mas mahaba with 82 quatrains.



(Itaas) Bahagi naman ng kasagutan ni Marcelo H. Del Pilar sa Rebolusyonaryong Tula ni Hermenegildo Flores. Ang tula ni Del Pilar ay may 82 quatrains.

 Dahil noong 1896, ang nagtatag ng Katipunan, si GAT ANDRES BONIFACIO ay sumulat din ng kanyang kasagutan naman sa FLORES-DEL PILAR COMPANION POEMS!

Ito ang “Katapusang Hibik nang Pilipinas sa Ynang Espana” na tinawag na “the climactic moment to the history of Tagalog poetry during the 19th century”. Sa tula ni Bonifacio ang terms of endearment na ginamit sa mga tula nina Flores at Del Pilar ay hindi na ginamit. Ang Espanya ay tinurang “Inang pabaya’t sukaban” at “Inang walang habag.


Bahagi naman ng panghuling kasagutan ni Gat Andres Bonifacio sa magkakambal na tula nina Flores-Del Pilar ang "Katapusang Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya"

Dalangin ng marami kasama na ako na sa susunod na mga aklat ng kasaysayan ay mabigyan lamang ng kaukulang mga pahina ang naging buhay, pakikipaglaban at pagkamatay ng dahil sa bayan ng bayaning si Hermenegildo Flores.

Higit sa lahat, mapahalagahan at kilalaning lubos ng mga Kabataang Marindukenyo ang ating mga bayani sa pangunguna ni Hermenegildo Flores.


Marker ng kasaysayan sa Casa Real ng Boac


Friday, September 11, 2020

Hermenegildo Flores: Makata, Bayani ng Marinduque, Rebolusyonaryong Bayaning Filipino

 

Ang marker sa Casa Real ng Boac na nagsasaad ng pagkamatay ni Flores dito

Sino ang bayaning si HERMENEGILDO FLORES? 

(Boac, Marinduque) - Si Hermenegildo Flores na pinaslang sa Casa Real ng Boac, siya na namuno sa Rebolusyonaryong Puwersa sa Marinduque laban sa Espanya, ay sadyang hindi binigyan ng pang-Kristiyanong libing. Sinunog ang kanyang malamig na bangkay sa Ilog Boac kasama ng bangkay din ni Remigio Medina ng Torrijos.

Higit sa isang-daang taon pa ang lumipas bago naging maliwanag kung sino talaga si Hermenegildo Flores. Masasabi ko po sa mga mambabasa na ang inyong abang lingkod lamang, sa pamamagitan ng mahaba at masusing pananaliksik, ang nakapagtagni-tagni ng ilang mga mahahalagang datos. Naging maliwanag sa pag-aaral ko na si Hermenigildo Flores, ang kinilalang makata, ang siya ring 'Hermenegildo Flores' na namuno ng Himagsikan sa isla ng Marinduque.

Si Flores, mula siya sa Bulacan, ay kaibigan ni Hen. Emilio Aguinaldo. Taliwas sa paniniwalang mababasa sa ilang nailimbag na tala na hindi raw nakipaghamok si Flores, maliwanag na iniwan niya ang kanyang pagsusulat para direktang makibaka at sa isla ng Marinduque siya napadpad. 

Nagtungo si Flores, una sa Mindoro at nagtungo sa Marinduque (na bahagi noon ng Mindoro), sa huling bahagi ng 1896, para hikayatin ang mga makabayan sa dalawang lugar na ito na manindigan para sa Kalayaan. Sa Sta. Cruz, Marinduque niya itinayo ang kanyang kuta. (The Philippine Revolution, Gregorio F. Zaide, footnote on page 145).

Pinangunahan ni Flores ang paglusob sa Casa Real ng Sta. Cruz noong Marso 4, 1897. Noong Marso 23, 1897, (petsa ng panunumpa ni Aguinaldo bilang Pangulo ng revolutionary government), tinipon ni Flores sa Sta. Cruz ang mga makabayan ng Mindoro at Marinduque. Ang tawag sa kanya ng mga taga-rito ay si 'Kang Bindoy'. Si Flores ang namatnugot sa pulong kung saan ay si Mariano Ricaplaza (ng Sta. Cruz), naman ang naging Kalihim. Sa pagpupulong na iyon, matapos ang mahabang pag-uusap ay nanumpa ang mga sumapi ng kanilang katapatan at pag-anib sa Rebolusyon. Sa pagkakataong iyon ay nahirang na Gobernador ng Mindoro at Marinduque si Flores (provisional revolutionary government).

Marcelo H. Del Pilar
Andres Bonifacio

FLORES-DEL PILAR-BONIFACIO

Si Flores ay kaliga nina Marcelo H. del Pilar at Andres Bonifacio bilang mga makata na sukdulan ang pagmamahal sa bayan. Silang tatlo ay nagkaroon ng katangi-tanging ugnayan sa pamamagitan ng trilohiya (trilogy) ng mga tula na nagpapahayag ng mga sentimyento mula sa konsepto ng repormismo hanggang sa paghihiwalay ng Pilipinas sa Espanya. Lumitaw ang trilogy na ito sa huling dekada ng ika-19 na siglo.

Si Flores ang sumulat ng una sa trilohiyang ito sa TAGALOG NOONG 1888. Ito ang “’HIBIK NG FILIPINAS SA INANG ESPANYA”. Sa panahong ito ay nasa London si Dr. Jose Rizal at nagsasagawa ng pananaliksik para sa kanyang anotasyon sa isinulat ni Morga tungkol sa Pilipinas.

Ang “Hibik” ay binubuo ng 66 quatrains (mga saknong), kung saan ang makata na nagsasalita bilang isang pinahihirapan na anak na babae ay nagbubuhos ng kanyang pangunahing karaingan sa Inang Espanya – tulad ng mga pang-aabuso ng mga prayle, ng mga pari!

(Ang anak na babae ay ganito ang reklamo):
"Sa bawat kapaki-pakinabang mo, ayaw ng prayleng ako'y makinabang, sa mga anak ko ay ibig lang isip ay bulagin, ang butas ay takpan ".
(At tinutukoy niya):
"Sa pag-unlad ng kanilang yaman bendita't bendisyon lamang ang puhunan, induluhensiya't iba't ibang bahay ng mga sagrado naman ang kalakal ".
Kaya’t si Flores ay isang propagandista na may ginampanang papel din sa buhay ni Marcelo H. del Pilar, ang nangunguna sa mga propagandistang Pilipino noong panahong iyon.

Tinagurian sa panulat ni Bienvenido Lumbera (National Artist) na si Flores ay "dating guro at kapwa propagandista" (former teacher and fellow propagandist), ni Del Pilar. (Tagalog Poetry, 1870-1898: Tradisyon at mga Impluwensya sa Pag-unlad nito, ni Bienvenido Lumbera).

Bahagi ng 66 na quatrains ng Rebolusyonaryong Tula ni Flores

Isang makasaysayan pang yugto ang magaganap pitong taon mula ng maisulat ni del Pilar (1889), ang kanyang sagot sa tula ni Flores,  “Sagot ng Espana sa Hibik ng Pilipinas” (1889). Mas mahaba with 82 quatrains.

(Itaas) Bahagi naman ng kasagutan ni Marcelo H. Del Pilar sa Rebolusyonaryong Tula ni Hermenegildo Flores. Ang tula ni Del Pilar ay may 82 quatrains.

Dahil noong 1896, ang nagtatag ng Katipunan, si GAT ANDRES BONIFACIO ay sumulat din ng kanyang kasagutan naman sa FLORES-DEL PILAR COMPANION POEMS!

Ito ang “Katapusang Hibik nang Pilipinas sa Ynang Espana” na tinawag na “the climactic moment to the history of Tagalog poetry during the 19th century”. Sa tula ni Bonifacio ang terms of endearment na ginamit sa mga tula nina Flores at Del Pilar ay hindi na ginamit. Ang Espanya ay tinurang “Inang pabaya’t sukaban” at “Inang walang habag”.

Bahagi naman ng panghuling kasagutan ni Gat Andres Bonifacio sa magkakambal na tula nina Flores-Del Pilar ang "Katapusang Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya"
Dalangin ng marami kasama na ako na sa susunod na mga aklat ng kasaysayan ay mabigyan lamang ng kaukulang mga pahina ang naging buhay, pakikipaglaban at pagkamatay ng dahil sa bayan ng bayaning si Hermenegildo Flores.

Monday, August 31, 2020

The Spirits of Andres Bonifacio and Hermenegildo Flores, the forgotten Marinduque Hero


"Andres Bonifacio" by Raymond C. Kawataki Go of Boac, Marinduque was the Grand Prize Winner of the Bonifacio Centennial Art Competition (1997). It hangs in the wall of the Bonifacio Trial House in Maragondon, Cavite.

The Tagalog poet Hermenegildo Flores who spent the last years of his life as the leader of the revolutionary struggle in Marinduque during the Filipino-Spanish War wrote the poem, “Hibik ng Filipinas sa Inang Espana” prior to his involvement in the Marinduque struggle. 

The said poem elicited a poetic response from Marcelo H. del Pilar (“Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas”), and eventually from Andres Bonifacio (“Katapusang Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya”).

The final Bonifacio poem of this historic poetic triad has been described as “the climactic moment to the history of Tagalog poetry during the 19th century” (Mabangio).

Flores, the Marinduque Hero

Flores led the first direct assault on the Spanish quarters at Casa Real of Sta. Cruz, Marinduque on March 4, 1897. But it was a short-lived victory. 

He was eventually captured together with his comrades and incarcerated at the Casa Real in Boac. He was executed as a prisoner of war on October 10, 1897. Slain by the Spanish leader Fresnede after an attempt by the revolutionists from Mogpog to free him and his comrades including Remigio Medina, the leader from Torrijos. 

The daring attempt to free the prisoners was timed during the procession of the venerated image of Virgen Santo Rosario. 

Five months earlier on May 10, 1897, Andres Bonifacio met his death together with his brother Ciriaco in the mountains of Maragondon, Cavite on orders of Emilio Aguinaldo. 

On October 10, 1897, it was the killing of Hermenegildo and his comrade Remigio, in the hands of the Spaniards, their corpses burned at the Boac River bed.  


Bonifacio Trial House in Maragondon, Cavite










"Andres Bonifacio" by Carlos Botong Francisco










Katapusang Hibik Ng Pilipinas 

Tula ni Andres Bonifacio


Sumikat na, Ina sa sinisilangan
Ang araw ng poot ng Katagalugan,
Tatlong daang taong aming iningatan
sa dagat ng dusa ng karalitaan.

Walang isinuway kaming iyong anak
sa bagyong masasal ng dalita't hirap,
Iisa ang puso nitong Pilipinas
at ikaw ay di na Ina naming lahat.

Sa kapuwa Ina'y wala kang kaparis
Ang layaw ng anak: dalita't pasakit;
pag nagpatirapang sa iyo'y humibik, 

lunas na gamot mo ay kasakit-sakit.

Gapusing mahigpit ang mga Tagalog;
hinain sa sikad, kulata at suntok
makinahi't ibiting parang isang hayop
ito baga, Ina, ang iyong pag-irog?

Ipabilanggo mo't sa dagat itapon
barilin, lasunin, nang kami'y malipol.
sa aming Tagalog, ito baga'y hatol
Inang mahabagin, sa lahat ng kampon.

Aming tinitiis hanggang sa mamatay
bangkay nang mistula'y ayaw pang tigilan,
kaya kung ihulog sa mga libingan,
linsad na ang buto't lumuray ang laman.

Wala nang namamana itong Pilipinas
na layaw sa Ina kundi pawang hirap
tiis ay pasulong, patente'y nagkalat
recargo't impuwesto'y nagsala-salabat.

Sari-saring silo sa ami'y inisip
kasabay ng utos na tutuparing pilit
may sa alumbrado bayad kami'y tikis
kahit isang ilaw ay walang masilip.

Ang lupa at buhay na tinatahanan
bukid at tubigang kalawak-lawakan
at gayon din pati ng mga halamanan
sa paring Kastila ay binubuwisan.

Bukod pa sa rito'y ang iba't-iba pa
huwag nang saysayin, O Inang Espanya
sunod kaming lahat hanggang may hininga
Tagalog di'y siyang minamasama pa.

Ikaw nga, O Inang pabaya't sukaban
kami'y di na iyo saan man humanggan
ihanda mo, Ina, ang paglilibingan
sa mawawakawak na maraming bangkay.

Sa sangmaliwanag ngayon ay sasabog
ang barila't kanyong katulad ay kulog
ang sigwang masasal sa dugong aagos
ng kanilang bala na magpapamook.

Di na kailangan sa Espanya ang awa
ng mga Tagalog, O Inang kuhila
paraiso namin ang kami't mapuksa
langit mo naman kung kami'y madusta.

Paalam na Ina, itong Pilipinas,
paalam na Ina, itong nasa hirap,
paalam, paalam, Inang walang habag,
paalam na ngayon, katapusang tawag.


Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya
Tula ni Hermenegildo Flores


Inang mapag-ampon, Espanyang marilag,
nasaan ang iyong pagtingin sa anak?
akong iyong bunsong abang Pilipinas
tingni't sa dalita’y di na makaiwas.

Ang mga anak kong sa iyo’y gumigiliw,
sa pagmamalasakit ng dahil sa akin;
ngayo’y inuusig at di pagitawin
ng mga prayleng kaaway mong lihim.

Sa bawat nasa mong kagaling-galingan,
ayaw ng prayleng ako’y makinabang,
sa mga anak ko’y ang ibig lamang
isip ay bulagin, ang bibig ay takpan.

Nang di maisigaw ang santong matuwid
na laban sa madla nilang ninanais
palibhasa'y wala silang iniisip
kundi ang yumaman at magdaya ng dibdib.

Sa pagpapalago ng kanilang yaman
bendita't bendisyon lamang ang puhunan,
induluhensiya't iba't ibang bahay
ng mga sagrado naman ang kalakal.

Sapagkat anumang bilhin sa kanila,
kaya namamahal, dahil sa bendita,
kahit anong gawin pag may halong kanta
ay higit sa pagod ang hininging upa.

Ibig ng simbaha't kumbentong marikit
organo't kampana aranyang nagsabit;
damasko't iba pa, datapwa't pawis
ng bayan kukunin, mahirap mang kahit.

Ani sa asyenda't kita sa simbahan
sa minsang mapasok sa mga sisidlan
ng mga kumbento'y di na malilitaw
kaya naghihirap, balang masakupan.

Ang dulo'y marami sa mga anak ko
ang di makabayad sa mga impuwesto
sa gayong katataas ng mga rekargo
pagka't kailangan naman ng estado.

Sa bagay na iyan, ang mga mahirap
na walang pagkunan ng dapat ibayad,
sa takot sa Sibil, aalis ngang agad,
iiwan ang baya't tutunguhi'y gubat.

Dito pipigain naman ang maiiwan,
na di makalayo sa loob ng bayan,
siyang pipiliting magbayad ng utang
kahima't wala ng sukat na pagkunan.

Maghanapbuhay ma'y anong makikita
wala nang salapi, ibayad ang iba
pagkat naubos nang hititin ng kura
sa pamamagitan ng piyesta't iba pa.

Sa limit ng mga piyesta't mga kasayahan
ay walang ginhawang napala ang bayan
kundi ang maubos ang pinagsikapang
sa buhay ng tao'y lalong kailangan.

Ang kapalaluang paggugol ng pilak
nang dahil sa pyesta ay di nag-aakyat
sa langit, kundi ang santong pagliyag
ng puso ang siya lamang hinahanap.

Niyong ang ating Amang hindi madadaya
sa inam ng pyesta at lagi ang ganda,
sapagkat ang ating gawang masasama
ay di mangyayaring bayaran ng tuwa.

Ibigin ang Diyos nang higit sa lahat
at ito ang siyang lalong nararapat
ngunit ang prayle'y walang hinahangad
kungdi magpalalo't ang baya'y maghirap.

Ang pangako nila sa mga anak ko
ay magbigay lamang sa mga kumbento
ng kuwalta'y sa langit naman patutungo
at ligtas sa madlang panganib sa mundo.

Saka sasabihing ang kanilang aral
ay utos ni Kristong dapat na igalang
bago hindi'y gayo't kauna-unahang
lumalabag sila sa Poong Maykapal.

Ang mga anak ko'y turuan nga lamang
ng bala-balaking dapat matutuhan
kahima't maubos ang lahat ng yaman
kikilanlin ko pang darakilang utang.

Dapwa'y sa akin daya at pag-api
ang siyang nakayang pawang iginanti,
kaya hanggang ngayon sa ikabubuti
ng kalagayan ko'y wala pang masabi.

Gayunmay'y ako pa ang siyang masama
kung aking idaing yaring pagkaaba,
sarisaring dusa nama'y nagbabala
sa balang dumamay sa aking pagluha.

Yamang may hustisyang hindi humihibik
kung dili sa balang ayon sa matuwid
sa di natutulog na awa ng langit
ipauubaya yaring pagkaamis.

Ngunit hindi kaya ngatngatin ng pula
ng ibang potensya sa balat ng lupa
ang kamahalan mo kung mapag-unawang
sa anak ay inang tunay ang dumusta?

Hanggang dito ina't ang bahala'y ikaw
dangal mo'y tanghalin ng sansinukuban
ang pagkakasundo ng lahat mong kawal
ay lumagi nawa sa kapayapaan.


Noong taong 1872 ay pinatay sa garote sina Padre Gomez, Burgos at Zamora at nagkaroon ng pag-aalsa sa Cavite.  Ito ang naging simula ng matatawag na panahon ng pagbabago at paghihimagsik sa ating kasaysayan.  Itinuring na isa sa mga matatapang at magiting na manunulat ng panahong iyon ay si Hermenegildo Flores, ang nalimutang Bayani ng Marinduque.

Pinasinayaan ang Bantayog-Wika para sa Tagalog Marindukenyo noong Agosto 26, 2020. Ito ay bilang bahagi ng Sentenaryo ng Marinduque at kasabay ng Buwan ng Wika. Nakasulat sa Bantayog ang bahagi ng tula ni Andres Bonifacio, "Pag-ibig sa Tinubuang Lupa". Ang blogger na siyang tumayong tagapangasiwa sa programa ay makikita sa larawan. Inaasahan din na pagdating ng panahon may karapat-dapat na marker para sa mga lokal na bayani at para higit na malaman ng buong bansa ang naging buhay at kabayanihan ni Hermenegildo Flores.