Showing posts with label EARTHQUAKE. Show all posts
Showing posts with label EARTHQUAKE. Show all posts

Saturday, August 28, 2021

Di inaasahang pagkalat ng pandemya, pagbaha, paglindol sa Marinduque; Ground shaking hazard map ng Marinduque

 


Nagkaroon ng hindi inaasahang pagbaha kamakalawa sa kabayanan ng Boac.

Pero dala lamang ito ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na apektado ang Southern Luzon, Visayas, at Mindanao. Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang naranasan sa Northern Samar, Oriental Mindoro, Romblon at MARINDUQUE.

Patuloy pa rin ang ganitong panahon hanggang sa kasalukuyan.


Baha sa Boac. Kuha ni Dindin O. Mercado

Ganito ang naganap sa gitna ng pagkabahala ng mga mamamayang Marindukenyo sa pag-akyat ng bilang ng Covid-cases sa buong lalawigan. Pero may tumiradang lindol

Interesante na sa gitna mismo ng ganitong mga pangyayari kamakalawa Agosto 26, ay hindi na napansin ang kasabay na paglindol, 7:58:27 AM M2.2 sa karagatan malapit sa BOAC: 13.40N, 121.60E - 027 km S 79° W of Boac (Marinduque), at may lalim na 1 Km lamang.

Detalye ng lindol sa Boac,  Agosto 26, 2021


1 Km lamang! Paano kung naging malakas iyon?

Minsan, mabuting sulyapan o pag-aralan din natin ang Ground Shaking Hazard Map ng Marinduque. 

Ang Ground Shaking Hazard Map ng Marinduque.

Ang mapa sa itaas ay batay sa geology, pagkakaroon ng mga active faults, makasaysayang mga tala ng mga malalaking kaganapan ng lindol na nakaapekto sa isla, at ang pagiging malapit sa maximum credible earthquake na maaaring makaapekto sa isla. 

Semi-detalyado at maaaring gamitin para sa paggamit ng lupa, tugon sa emerhensiya at pagpaplano sa mga pagtugon, at hindi dapat gamitin para sa site specific evaluation. 

Ang Ground Shaking Hazard Map na ito ay hindi naglilimita sa pagtatayo ng anumang istraktura at pagpapaunlad sa isla, ngunit ang pagsunod sa mga construction practices at sa mga pinakabagong pamantayan ng gusali ng National Building Code ng Pilipinas at Structural Code of Philippines ay lubos na inirerekomenda.

Pag-aralang mabuti ang mga lugar na dinaraanan ng Central Marinduque Fault at iba pang faults sa isla sa link na ito. 


This map is based on the geology, presence of active faults, historical accounts of large earthquake events that affected the island, and the proximity of the maximum credible earthquake that may affect the island. 

This map is semi-detailed and may be used for land use, emergency response and mitigation planning, and should not be used for site specific evaluation. 

This ground shaking map does not restrict construction of any structure and development in the island, but adherence to construction practices and to the latest building standards of the National Building Code of the Philippines and Structural Code of the Philippines is highly recommended.) 

Hazards information at the tip of your fingers. 

The Department of Science and Technology - Philippine Institute of Volcanology and Seismology (DOST-PHIVOLCS) has provided our stakeholders a convenient, quick, and hassle-free online access to hazard maps. Local government units, government agencies, and other stakeholders can now access hazard maps using their computers and even through their smartphones free of charge.


Also read:

New data: Mga lugar na dinaraanan ng Central Marinduque Fault at iba pang fault sa isla.

Friday, April 20, 2018

Ground Shaking Hazard Map ng Marinduque inilabas online ng Phivolcs

Ground Shaking Hazard Map of Marinduque inilabas ng Phivolcs.

Kamakalawa ay naglindol na naman sa Marinduque, malapit sa karagatan ng Torrijos sa Katimugang bahagi ng isla. Ang nauna ay M2.9 at ang ikalawa ay M2.6. Nasa ibaba ang mga detalye mula sa Phivolcs.



#EarthquakePH #EarthquakeMarinduque
Earthquake Information No. 1
Date and Time: 18 April 2018 - 07:51 PM
Magnitude= 2.6
Depth = 022 kilometers
Location = 13.20°N, 122.18°E - 017 km S 38° E of Torrijos (Marinduque)


#EarthquakePH #EarthquakeMarinduque
Earthquake Information No. 1
Date and Time: 18 April 2018 - 01:19 PM
Magnitude= 2.9
Depth = 012 kilometers
Location = 13.27°N, 122.19°E - 027 km N 87° E of Buenavista (Marinduque)

Ang Ground Shaking Hazard Map ng Marinduque

Ang Ground Shaking Hazard Map ng Marinduque sa itaas ay batay sa geology, pagkakaroon ng mga active faults, makasaysayang mga tala ng mga malalaking kaganapan ng lindol na nakaapekto sa isla, at ang pagiging malapit sa maximum credible earthquake na maaaring makaapekto sa isla.

Ang mapa na ito ay semi-detalyado at maaaring gamitin para sa paggamit ng lupa, tugon sa emerhensiya at pagpaplano sa mga pagtugon, at hindi dapat gamitin para sa site specific evaluation.

Ang Ground Shaking Hazard Map na ito ay hindi naglilimita sa pagtatayo ng anumang istraktura at pagpapaunlad sa isla, ngunit ang pagsunod sa mga construction practices at sa mga pinakabagong pamantayan ng gusali ng National Building Code ng Pilipinas at Structural Code of Philippines ay lubos na inirerekomenda.

(This map is based on the geology, presence of active faults, historical accounts of large earthquake events that affected the island, and the proximity of the maximum credible earthquake that may affect the island.

This map is semi-detailed and may be used for land use, emergency response and mitigation planning, and should not be used for site specific evaluation.

This ground shaking map does not restrict construction of any structure and development in the island, but adherence to construction practices and to the latest building standards of the National Building Code of the Philippines and Structural Code of the Philippines is highly recommended.)

Hazards information at the tip of your fingers

The Department of Science and Technology - Philippine Institute of Volcanology and Seismology (DOST-PHIVOLCS) has provided our stakeholders a convenient, quick, and hassle-free online access to hazard maps. Local government units, government agencies, and other stakeholders can now access hazard maps using their computers and even through their smartphones free of charge.


Stakeholders can now go to this LINK and fill out the form to download the maps. Active faults, ground shaking, liquefaction, earthquake-induced landslide, tsunami, volcanic hazards, and lahar hazard maps can be downloaded through a link that will be sent via email. The hazard maps are in kmz, pdf or jpg formats. Specific hazards assessment and SHP file may be requested as well.


Also read:

New data: Mga lugar na dinaraanan ng Central Marinduque Fault at iba pang fault sa isla.

Wednesday, August 9, 2017

Exact locations of Marinduque tremors July 24, Aug 2 and twin tremors Aug 8, just 2 mins apart

Locations of recent earthquakes in Marinduque July 24 -Aug 8, 2017, with last two tremors hitting 2 minutes apart
From Phivolcs:

08 Aug 2017 - 10:30:13 PM
Location: 13.43°N, 121.87°E - 004 km S 62° E of Boac (Marinduque)           :
Depth of Focus (Km)     : 030
Magnitude  : Ms 2.3

08 Aug 2017 - 10:32:32 PM
Location: 13.29°N, 121.65°E - 027 km S 50° W of Boac (Marinduque)
Depth of Focus (Km)     : 017
Magnitude : Ms 2.2




Also read:

Marinduque: Rare earthquakes near volcano, giant squid found, rough seas and galleons


Monday, August 7, 2017

3 Intl agencies di magkasundo sa lokasyon, lakas at lalim ng lindol sa Pilipinas?

Di naman talaga bago yun. Ilang blog na rin ang naipost ko tungkol sa hindi pagkakatugma ng mga siyentipikong ahensya tungkol sa pagtatala nila ng mga lindol. 

Medyo kakaiba nga lang ang isang ito, dahil tila pati sa pinangyarihan ng lindol ay hindi pare-pareho ang record nila nang pumasok na ang media.


Fig. 1: "The USGS said the quake was 46.2 miles (74 km) deep but European quake agency EMSC put it at only 6.2 miles (10 km deep, which would increase its impact."

Noong nakaraan, di bababa sa dalawang beses na naipakita ko ang kamalian (o kapabayaan) ng Phivolcs sa pagsabing walang magiging pagkasira (damage) na inaasahan matapos ang isang malakas na lindol, at sa isa naman ay walang inaasahang aftershocks daw na magaganap. Mali sila on both points.

Ngayon naman, sa M 5.9 lindol na naganap bandang General Santos City noong Aug. 5, 2017, ganito ang naging report ng mga pangunahing ahensya sa mundo:

Sa Phivolcs: M5.9; Sa USGS: M5.8; Sa EMSC: M5.8
Depth: Phivolcs70 km; USGS: 73.3 km; EMSC 10 km (as reported by Reuters)

Sa ilang lumabas sa media na mapa ay lalo kang matataranta: Itinuturo ng Indian Express, halimbawa, base sa Reuters ang Zamboanga del Norte bilang pinangyarihan ng lindol sa halip na sa may General Santos City (Sarangani). Fig. 2.

Fig. 2: Map appearing in Indian Express with earthquake location
pointing to Zamboanga del Norte instead of Gen. Santos City
.
Mapapansin naman na ang dating depth na 10 km na ginamit ng EMSC ay naging 90 km na sa ngayon. Fig. 8.

Sa kabilang dako, hindi malimit na mangyari na sa loob ng isang araw ay may maganap na mga lindol mula M4.5 pataas mula Pilipinas hanggang Japan at mangyari ang mga lindol sa isang straight line mula Pilipinas hanggang Japan. Limang lindol ang naganap na M4.5 hanggang M5.9, tingnan sa Fig. 4.

Fig. 4: 5 earthquakes from M 4.5 upwards forming a straight line.
Ang ibig lamang sabihin nito: Huwag magpadalos-dalos sa pagpapaniwala sa mga balitang mapapanood, maririnig o mababasa natin. Kailangang ma-verify lahat. Masyadong magaling ang 'science' at media combined eh. 
Sa panglilihis kaya?


Fig. 3: Distance between General Santos City and Zambonga del Norte is ca 335 kms.


Fig.5: M5.0 in Bukidnon same day, Aug. 5, 2017.

Fig. 6: Phivolcs data on the M5.9 tremor.
Fig. 7: Location of M 5.9 based on Google Earth

In fine, here's the summary of what they said:

PHIVOLCS:
05 Aug 2017 - 08:30:40 AM
Location: 06.18°N, 125.32°E - 023 km N 09° E of Malapatan (Sarangani)
Depth of Focus (Km): 070
Magnitude : Ms 5.9

USGS:
Magnitude: Magnitude 5.8
2017-08-05 00:30:41 (UTC)
Location: 6.141°N 125.446°E
Depth: 73.3 km

EMSC:
Magnitude:  Mw 5.8
Region: MINDANAO, PHILIPPINES
Date time: 2017-08-05 00:30:42.3 UTC
Location 6.20 N ; 125.41 E
Depth: 90 km

Fig. 8: Data from EMSC. Depth now at 90 km

Saturday, August 5, 2017

Marinduque: Rare earthquakes near volcano, giant squid found, rough seas and galleons


Just a reminder of the times we're in.
July 24 EQ; Aug 2 EQ. SW and S of the island.
May post din Aug 2 mandin about a nice giant white squid found in Cabuyo, Torrijos. Ang ganda!

Hindi mababa sa 8 galleons, 6 Japanese warships,1 Dutch ship, 1 Chinese junk, at mas maraming bilang ng inter-island vessels ang nakahimlay sa Tablazo de Marinduque. 
Hindi kayang higitan yan ng alinmang karagatan sa loob ng Pilipinas.
Mapunta raw ngani si Jack Sparrow at baka mas exciting dito. Bantayi!

Read:

Matinding record baya (Part 5): Mga pagtutuwid; hamon; pira-pirasong yaman mapupulot mo pa sa Marinduque


Monday, July 10, 2017

New data: Mga lugar na dinaraanan ng Central Marinduque Fault at iba pang fault sa isla


Sa direksyong southwest malapit sa Mt. Malindig papuntang northeast na bahagi ng Marinduque ang dinaraanan ng tinaguriang Central Marinduque Fault. Ito ay may habang 29.4 kilometros. 

Ang iba pang bahagi ng Marinduque sa northern portion ng Sta. Cruz ay may hiwalay ding fault, gayun din sa karagatan ng Mompong Pass. Sa kanlurang bahagi ng Marinduque ay naroon din ang Lubang Fault na kapag lumindol ng malakas ay ramdam sa mga bahagi ng islang-lalawigan.

Central Marinduque Fault at iba pang faults, kasama na ang offshore fault sa Mompong Pass.

Nitong nakaraang linggo lamang, ito ang naitalang mga lindol na M 4.5 pataas sa dakong ito ng Pacific Ring of Fire. Pinakamalakas ang M6.5 na naramdaman July 6, 2017 sa Central Visayas

Marinduque Faults

Ayon sa Faultfinder ng Phivolcs ang mga susunod ay ang mga lugar sa Marinduque na dinaraanan ng Central Marinduque Fault. Mayroon ding iba pang fault na nakahiwalay sa nasabing fault. Base sa mapa, ito ay nasa Mogpog, Sta. Cruz at Buenavista-Torrijos.

Ang solid line (pula) ayon sa tala ay nangangahulugang 'trace certain' o may katiyakan na naroon ang active fault.

Ang dotted line (pula) ay 'trace in approximate', o malapit doon ang active fault. 

Sa Boac:

 General direction of Binunga, Ogbac, Mainit, Balagasan, Catubugan, Bamban,    Balimbing, Boton, Tagwak, Agot, Apitong 


 General direction of Binunga, Canat, Boi and in the general direction of Tugos.


   General direction of Bayuti, Sabong, Tambunan

Sa Mogpog:


  General direction of Capayang and Nangka II, Janagdong, Sibucao, Danao



   General direction of San Isidro, La Mesa, Aturan, Landy, Lipa and Mompong Pass.

 General direction of Pantayin, Baguidbirin, Matalaba

 General direction of Dolores, Aturan, Baliis

Sa Buenavista at Torrijos

  General direction of Sihi, Bagacay, Bicas-Bicas and Malibago, Talawan at the foot of Mt. Malindig*

 Ito ay para sa karagdagang kaalaman lamang. Mas maigi na ang may kamalayan tungkol dito para makapaghanda kung saka-sakali. At tulad ng mababasa sa mga nakalarawan, the public is advised to consult Phivolcs directly for official hazards assessment.

Mt. Malindig 
*Malindig volcano is an andesitic stratovolcano at the southern tip of Marinduque Island. The summit has sharp peaks. No recent eruptions have occurred. Hot springs are active at its western base.

Thursday, June 29, 2017

Lindulan na sa maraming global hotspots, Pilipinas ang numero uno?

Higit 900 na lindol na pala ang yumanig sa Yellowstone (USA) sa loob ng dalawang linggong nakaraan, pinakamatinding dagungdungan daw ito sa loob ng 5 taon. Ang caldera crater nito sa Idaho ang pinaka-aktibo namang lugar na niyayanig. Umaabot na sa 1,500-2,000 na lindol kada taon ang naitatala, basahin dito 


Kuha ito sa Otsuchi, Japan noong 2011 Tsunami

Kumusta naman sa ibang hotspots?

Sa Northern Iceland, 50 maliliit na pagyanig at dalawang lindol na higit sa 4.0 magnitude ang naramdaman na nitong mga nakaraang araw.

Sa Japan, hindi bababa sa 5 lindol na ang magnitude ay mula 4.7 to 5.2 ang naitala ngayong linggo. Alam natin na tulad ng Pilipinas, ang Japan ay bahagi ng seismically active region na tinaguriang Ring of Fire kung saan panay ang lindol.

Noong 2011, ang isang napakalakas na lindol (M 9.0), sa Japan ang naging sanhi ng isang higanteng tsunami na kumitil sa buhay ng 16,000 katao at pagkasira ng ilang nuclear power plants doon. Hanggang ngayon ay nararanasan pa rin ang masamang epekto ng radiation nito sa buhay dagat, hangin, lupa at iba pa sa ibat-ibang panig ng mundo.

Sa Pilipinas naman, base sa aking pagtingin sa tala ng Phivolcs, 21 magnitude 4.1-5.2 na lindol na ang naitala sa buwan ng Hunyo 2017. 

Kung ihahambing ito sa mga naganap na sunod-sunod na pagyanig noong Abril 2017, umabot noon sa 58 ang malalakas na lindol mula magnitude 4.1 pataas. Naganap din noong Abril ang isang napakalakas na M 7.2 sa karagatan ng Sarangani (Davao Occ.), Abril 29, 2017.

Numero uno ang Pilipinas?

May isang pag-aaral na naisagawa na nagsabing noong 19th century (1801-1900), Pilipinas ang nanguna sa listahan ng 10 mga bansang malimit bisitahin ng lindol. ('Number of shocks divided by area of region expressed in million of square miles' ang ginamit na formula).

Sa nasabing pag-aaral naitala ang sumusunod: Philippines (71), Italy (62), China (59), Asia Minor (48), Japan (42), Mexico (42), Greece (37), West Indies (29), India (27), United States (22).

Sa ngayon, masasabing hindi na bababa sa 3,500 lindol (mahina at malakas) isang taon ang naiitala ng Phivolcs (kada araw ay naiitala ang mga 10-20 pataas na lindol).


Pilipinas ang nanguna sa isang pag-aaral bilang bansang pinakamalimit bisitahin ng lindol (Crustal unrest in the Philippines, A Alcaraz).

Wala na ring kamalayan halos ang mga Filipino na noong 1976 ay naganap sa Moro Gulf sa Mindanao ang pinakamalagim na tsunami sa kasaysayan ng Pilipinas. 8,000 ang namatay sa isang earthquake-triggered tsunami na gumimbal sa kahabaan ng 700 km coastline sa Pagadian City, Cotabato City, Zamboanga City at Lebak sa Sultan Kudarat kung saan sumalpok ang pinakamataas na alon (9 meters).

Larawang kuha sa Lebak, Sultan Kudarat noong 1976 Moro Gulf Earthquake. Wikipedia

Ang Maynila naman ay nakaupo sa tinatawag na Manila Trench katabi ng Manila Bay. Ang isang 6.5 magnitude na lindol daw ay may kakayahang gumawa ng isang 4 metro kataas na tsunami. Sapat daw iyon na pumatay sa 3,100 tao na naninirahan sa Metro. Base ito sa 2004 Metro Manila Earthquake Impact Reduction Study conducted by the Japan International Cooperation Agency

Paano bagang nabubuo ang tsunami? Panuura dini:


Random na bilang ng lindol: June 26, 2017 (22), June 27, 2017 (10)

PS!
May Earthquake Drill baga ngayon sa iyong lugar? Habang inasulat ko ito, tiyempong may natanggap akong text message from NTC. Ang sabi: 

"Sabay-sabay tayong mag-DUCK, COVER and HOLD sa 29 June 2017 2pm. Join the Nationwide Simultaneous Earthquake Drill. #BidaAngHana" - NTC


Agad akong nagsearch sa Internet tungkol sa mahalagang kaganapan na ito ngayong araw. Ni-ha ni-ho ay wala naman, wala talaga. "Nationwide" pa ha? Lokohan?

Update: Matuyatuya National High School in Torrijos, Marinduque conducts its Earthquake Drill June 29, 2019. Other Marinduque schools also held their own similar drills.




Monday, May 1, 2017

Ang 29.4 km Central Marinduque Fault, Fault Lines at Trenches sa Pilipinas

Kamakailan, nagsagawa ng hakbang ang pamahalaang bayan ng Boac para sa pagbuo ng isang geohazard and earthquake assessment of mine structures at facilities sa Marcopper mine site. 

Planong isagawa ito sa pakikipagtulungan ng DENR, DPWH, Phivolcs at LGU Boac. Isa sa mga naging dahilan sa pagsasagawa nito ay ang nadiskubreng mga leak sa isang lumang diversion tunnel ng Marcopper na kapag bumigay ay maaaring maglagay sa panganib sa buhay at ari-arian sa mga apektadong lugar.

Base sa mga naiulat na report, hindi malinaw kung naisagawa ng maayos ang assessment sa kabila ng naiulat din na pag-atubili ng minahan na papasukin sa mine site ang mga opisyales ng mga ahensya ng pamahalaan para sa pagsasagawa ng kanilang ocular inspection nitong huling linggo ng Abril 2017.

Dr. Toto Bacolcol ng Phivolcs. Larawan ni: Pongkoy Manrique

Ang alam lamang natin ay nagpahayag sa isang forum na ginanap sa kanyang pagbisita sa Casa Real, Boac ang Phivolcs associate scientist, Dr. Teresito Bacolcol, ng ganito:  "... ang Central Marinduque Fault ay may kakayahang mag-generate ng maximum of 6.8 magnitude o intensity 7 earthquake".

Sa ngayon ay walang detalyadong mapa ng Central Marinduque Fault na tinatantiyang may 29.4 kilometro ang haba mula Boac hanggang Buenavista. Kaya't isa sa tinututukan ngayon ang pagsasagawa ng detalyadong mapa ng fault na ito, tulad ng mga barangay, mga sitio at mga estrukturang nahahagip nito.


Pagsusuri sa Pamahalaang Bayan ng Boac ng mapa ng Marcopper mine site.
Larawan: Pongkoy Manrique

Nitong mga nakaraang araw, sunod-sunod ang pagyanig ng lupa mula Sarangani, South Cotabato hanggang Batangas at Batanes. May M7.2 lindol na naramdaman sa Sarangani noong Abril 29 at pinakahuli ang M5.4 sa 56 km north of Itbayat, Batanes, April 30 1:57 UTC.



Sa loob ng nakaraang dalawang araw lamang ay gumalaw at naglikha ng malalakas na lindol ang pinakataas at pinakababa ng Philippine Fault! 



Bisitahin natin ang mga fault lines at trenches sa Pilipinas.

Fault Lines at Trenches sa Pilipinas

Isinalin sa Filipino ni Eli J. Obligacion (mula sa artikulong Philippines Fault Lines and Trenches na nailathala sa AffordableCebu, Oct. 2013)

Ang fault ay isang bali/bitak sa isang bulto ng bato, na kung saan nagkaroon ng malalaking displacement sa mga bali/bitak na nagresulta sa paggalaw ng lupa. Ang paggalaw na ito ng lupa ang tinatawag na tectonic forces na dumidikdik sa lupain.

Halimbawa ng isang fault line ay ang San Andreas Fault sa Carrizo Plain, Central California, USA na makikita sa larawan sa ibaba.


San Andreas Fault aerial view 

Faults sa Pilipinas

Sa Pilipinas, ang mga pangunahing faults ay bumabagtas sa kahabaan ng bansa. Ito ay tinatawag na Philippine Fault. Ito ay nagmumula sa Bangui, Ilocos Norte sa hilaga, tumatawid sa Zambales, Digdig, Central Marinduque, at dumadaan sa Central Leyte hanggang sa Mati. 

Sa hilagang-kanlurang Luzon, ang fault ay tila naging tinirintas na binubuo ng maraming mga hibla kaya't hindi na nag-iisa. Ang Philippine Fault, marahil naging aktibo mula noong Middle Miocene ay isang halimbawa ng north-south strike-slip fault zones ng Luzon. 

Kasunod ng malaking lindol noong 1990 Luzon earthquake, muling isinaaalang-alang ng mga siyentipiko ang kanilang mga fault models alinsunod sa mga gawain nina Pinet at Stephan (1989), na nagsabing malamang diumano na ang Benham Plateau ay nagpapagalaw pa rin sa gitnang Luzon at sa Philippine Fault System sa kanluran, kayat naging sanhi ng 1990 Luzon earthquake. Ang 20 segundo o 50 segundong wave noong 1990 quake ay nakabuo ng isang bagong  east-west sub-fault, na naging sanhi ng malaking pinsala sa Baguio.

 Mapa ng Faults at Trenches sa Pilipinas


Listahan ng Faults sa Pilipinas
  1. Bangui Fault
  2. West Ilocos Fault System
  3. Dummon River Fault Sytem
  4. Abra River Fault
  5. Divalacan Fault
  6. Tubao Fault
  7. Casiguran Fault
  8. East Zamabales Fault
  9. Iba Fault
  10. Digdig Fault
  11. Infanta Fault
  12. Guinyangan Fault
  13. Valley Fault System
  14. Central Marinduque Fault
  15. Lubang Fault
  16. Sibuyan Fault
  17. Central Mindoro Fault
  18. Aglubang River Fault
  19. Lake Bato Lineament
  20. Southern Mindoro Fault
  21. Northern Samar Lineament
  22. Tablas Fault
  23. Masbate Fault
  24. Southern Samar Lineament
  25. West Panay Fault
  26. Central Negros Fault
  27. Cebu Linemanet
  28. Central Leyte Fault
  29. East Bohol Fault
  30. Cabanglasan Fault
  31. Tagoloan River Fault
  32. Lanao Fault System
  33. Davao River Fault
  34. Lianga Fault
  35. Eastern Mindanao Fault
  36. Central Mindanao Fault
  37. Mati Fault
  38. Tangbulan Fault
  39. Mindanao Fault Daguma Extension
  40. Zamboanga Fault System

Trenches sa Pilipinas

Ang Philippine Trench (tawag din dito ay Philippine Deep, Mindanao Trench, at Mindanao Deep) ay nasa ilalim ng dagat sa silangan ng Pilipinas. Ito ay may habang humigit-kumulang 1,320 km (820 mi) at ang lapad nito ay mga 30 km (19 mi) mula sa sentro ng Luzon papuntang timog-silangan (south-east) hanggang sa northern Maluku island ng Halmahera sa Indonesia. Ang pinakamalalim na bahagi nito, ang Galathea Depth, ay may lalim na 10,540 metro (5,760 dipa; 34,600 feet). Bago mag-1951, ang ekspedisyon ng HMS Challenger ang nagsukat na may lalim na 10,863 metro (5,940 dipa; 35,640 talampakan) sa Mariana Trench, ang Galathea Lalim ang kinilalang pinakamalalim sa karagatan. Ngayon, ito ang sadyang pinakamalalim na bahagi ng bansa at ika-3 sa buong mundo. 

Sa mismong hilaga ng Philippine Trench naroon ang East Luzon Trench. Ang mga ito ay pinaghihiwalay, nagagambala at pinagagalaw ng Benham Plateau sa Philippine Sea Plate. 

Ang Philippine Trench ang resulta ng isang banggaan ng tectonic plates. Ang Philippine Sea Plate ay lumulubog sa ilalim ng Philippine Mobile Belt sa tulin na 16 cm (6.3 in) bawat taon. 

Listahan ng mga Trenches sa Pilipinas

East Luzon Trench / Trough
Manila Trench
Negros Trench
Sulu Trench
Cotabato Trench
Philippine Trench

Ang iyong lugar ba ay nasa isang fault line? Ano kaya ang iyong plano kapag ang fault line ay gumalaw o kapag ang isang lindol ay maabot ang iyong lugar at sirain ang iyong bahay?


Sunday, March 5, 2017

Recalling Marinduque quakes and waking up for possible strong tremors

26 Earthquakes in and around Marinduque from Feb. 19 - March 4, 2017

The 2017 destructive Surigao earthquake last Feb.10 at 6.7 magnitude damaged 300 houses and collapsed seven bridges.
But the most devastating quake prior to that was the 7.2 magnitude 2013 Bohol earthquake, said to have released underground a tremendous amount of energy equivalent to more than 30 Hiroshima atomic bombs. 
No doubt these events are a wake up call for all Filipinos in the Philippines to brace for possible earthquakes that may strike elsewhere in the country anytime.
The Central Marinduque Fault

Recalling Marinduque quakes

On October 20, 2006, Phivolcs reported a 5.3 magnitude earthquake in Marinduque around 10:30 p.m. with tremors reaching as far as Tagaytay and Quezon City.

The next day with the epicenter located 35 kilometers south and 89 degrees west of Boac, Marinduque a second earthquake struck at 1:27 am.. The Lubang and Marinduque faults were identified as the sources of the earthquake.

The Marinduque quake’s epicenter according to Phivolcs was traced to the eastern segment of the Lubang Fault located offshore between Mindoro island and Marinduque. Five major aftershocks and more than 700 minor aftershocks were recorded. 

The quake caused no damage to property but sent many residents in Marinduque to panic. Phivolcs' Renato Solidum said that despite the earthquake at the Lubang Fault, people should remain alert against "the big quake", but said there is no way to predict where or when the big quake will occur.

2013 Marinduque swarms and the Bohol earthquake

2013 Bohol earthquake. Photo: Marianne Bermudez

Marinduquenos probably still recall that just days before a 7.2-magnitude earthquake struck Bohol and Central Visayas on Oct. 15, 2013, an earthquake swarm took place in Boac, Marinduque epicentered offshore northwest of the island. The said earthquake swarm meant a stunning 25 tremors in a matter of 8 days with 19 of them occurring in 3 days and 15 occurring within 12 hours.

Intrigued by the possibility that the Marinduque earthquake swarms could have triggered the Bohol tremors, I threw the question to the dedicated administrator of Earthquake-Report, Armand Vervaeck (Belgium). He responded in part as follows:

"Nobody will be able to tell you as science isn't able to make prognoses in strength and time. Swarms are not unusual and 98/100 nothing important happens thereafter. In some cases (like in l'Aquila Italy) swarms are precursors of something bigger to come. So I don't think that something will happen BUT we are not really sure about this :))
"Taken into account the location of the Marinduque quakes, they could also have been the trigger to free the Bohol energy BUT nobody will be able to prove that."
Then came a scientific report two years later, in 2015, about Italian scientists discovering that seismic pressure transfers up to 1,000 km causing other earthquakes elsewhere! Story below.

The distance between Marinduque and Bohol is only 458.85 km, which is only half of the stated distance. 

Distance between Marinduque and Bohol is only 468.85 km. This distance is equal to 291.33 miles and 252.99 nautical miles.

How earthquakes can trigger copycat quakes 1000 kilometres away
New Scientist, 21 September 2015
“Seismic waves unleashed during Wednesday’s magnitude 8.3 earthquake in Chile could have triggered aftershocks as far as 1000 kilometres away.
That’s because they can shake up grains of rock wedged inside distant faults. According to computer models, even weak waves at the right frequency could be enough to start a new quake by vibrating that grist into a more slippery, liquid-like layer.
Earthquakes often happen when two tectonic plates that have been pressed together suddenly slip. But we’ve seen that major earthquakes like 1992’s Landers earthquake in California can also send out waves that spark copycat quakes 1000 kilometres away, even though the waves get weaker as they travel.
The mysterious remote triggering of quakes may have also played a role in events in Chile in 2014, and Japan in 2011.
“We were wondering: how could it happen that a very tiny wave with a very small amplitude could trigger earthquakes a thousand kilometres away?” says Lucilla de Arcangelis of the Second University of Naples in Italy.
One idea is that sound waves can lather up the grains between the two plates in a way that decreases friction, to make a slip easier. Now a team including de Arcangelis has built a computer model that shows the process as it happens.
They found that seismic waves could trigger an earthquake in the simulated fault only if they came in a narrow range of frequencies. If the fault was just about to slip, it would hasten the process by starting vibrations in that range. Only the frequency really mattered – weak waves, or even waves that would actually push in the direction against a slip, could still induce an earthquake.
“Each fault will have its own acoustic resonance frequency,” de Arcangelis says. “If a signal arrives at this frequency, the fault that without perturbation would be quiet will trigger an earthquake.”
Combined with a 2005 lab experiment that also showed a resonant frequency could jiggle glass beads in a fake fault into slipping, this simulation could suggest that actual faults have specific frequencies they’re susceptible to.