Wednesday, September 1, 2021

Pandemic deaths 1918-1919 at 2020-2021 sa Marinduque; Covid-19 updates at mga pagsisikap ng mga namumuno

Ang pinakahuli lamang na turnover Aug 30 ng medical supplies, equipment, ambulances, service vehicles para sa Marinduque sa inisyatibo ni Speaker Lord Allan Velasco ay tinanggap ni Gov. Presby Velasco. Pinasalamatan ang DOH, OCD at Pilipinong May Puso Foundation at marami pang iba.
 


Sa Marinduque ay 979 ang namatay sa Spanish Flu noong 1918. 
Datos mula sa The Philippines in the World of the Influenza Pandemic of 1918–1919, F Gealogo. 

Naganap sa mundo at Pilipinas kasama na ang Marinduque ang isang pandemya noong 1918. 

Spanish Flu ang tawag nila dito. 40% ng mga Pilipino ang tinamaan, 88,906 ang pumanaw. 10 buwan ang inabot ng 3 waves noon, yung ikalawa mas nakamamatay kaysa nauna. 

Sa Marinduque ay 979 ang namatay. Panahong ang naitalang populasyon ng ating islang-lalawigan ay 56,868 pa lamang.

Ang populasyon ng Marinduque sa kasalukuyan ay 239,207 ayon sa 2020 Census.

Sa mga karatig lalawigan naman natin sa ngayo'y kilala bilang MIMAROPA ay ito naging death toll sa Spanish Flu: Mindoro, 1,003; Romblon, 279; Palawan, 1,640.

Sa kasalukuyang pandemya ng COVID-19 sa Marinduque makaraan ang 1 at kalahating taon (Marso 2020-August 2021) ay ito naman ang naging record: 1,919 ang inamaan ng sakit at 89 lamang ang sumakabilang-buhay.




Sa kasalukuyan, pinaghirapan na ng husto ng ating mga iginagalang na mga pinuno ng pamahalaan at ang mga frontliners, ay patuloy na ginagawa ang lahat ng kanilang makakaya. 

Walang sino man sa kanila angt nagpapabaya, mula sa punong-lalawigan, Gov. Presbiterno Velasco, Jr., lahat ng opisyales ng pamahalaang panlalawigan, lahat ng opisyales ng anim na bayan at lalong-lalo na ang kongresista ng Marinduque na ngayo'y nakatayo bilang Speaker of the House Lord Allan Velasco.

Unang naganap sa lokal na kasaysayan ng lalawigan ang ganitong pagkakataon.

Di katakatakang lahat ng available resources sa loob at labas ng lalawigan ay kayang-kayang gawan ng paraaan para iparating dito.

Ayaw kang talikuran kahit pagod na pagod na sila at ang panganib na nakaamba ay naiisantabi pa rin dahil sa kanilang dedikasyon at pagkalinga sa pinagsisilbihan.

Hindi maitatanggi na isa itong uri ng inspiradong pamamalakad at paninilbihan sa bayan ng mga lider natin.


Spanish Flu death toll 

Ayon sa isang panulat, “America’s Forgotten Pandemic” ni Alfred W. Crosby sa nabanggit na "1918 Spanish Flu" na basta ang tawag lamang sa atin ay "Trancazo" ay ganito: “Ang flu morbidity at mortality statistics ng Pilipinas, na may populasyon na 9 hanggang 10.5 million, depende na sa kung anong awtoridad ang iyong kinokonsulta, ay di maaasahan. Mga 40 porsyento ng mga Filipino ang nahawa sa sakit, at 70,000-90,000 ang nangagkamatay. 

“Kahit pa gamitan ng pinaka-konserbatibong pagtatantiya, ang pandemic ay pumatay sa 2 porsyento ng mga nagkasakit nito. 

“Sa maraming barangay sa pinakamatinding panahon, walang supisyenteng mga taong may kakayahang maglibing sa mga patay. Ang pandemya ay tila pinakamatinding perwisyo ang ginawa sa malalayong lugar, tulad ng Cotabato sa Mindanao, kung saan 95 porsiyento ang nagkasakit.”