Thursday, August 3, 2023

Ang Battles of La Naval de Manila ay sa dagat ng Marinduque naganap hindi sa Maynila

 


Pagsasalarawan ng tinawag na Battles of La Naval de Manila


Tipong lihis ang pagtawag ng mga historyador sa kabanatang iyon ng "Battles of La Naval de Manila" dahil ang totoo, ang sagupaang iyon ay nangyari sa dagat ng Marinduque noong 1646 ngani. 

Ginugunita naman hanggang ngayon ang kabanatang ito bilang bahagi ng Pista ng Virgen ng Santo Rosario sa Santo Domingo Church sa Maynila. Ito ang ganap tuwing ikalawang Linggo ng Oktubre taon-taon. Ito na nga po iyong Mahal na Ina ng Santo Rosario ng La Naval de Manila, tawag din ay Santo Rosario o kaya ay Our Lady of La Naval de Manila.

Di baga mas tumpak na tawaging La Naval de Marinduque ang kabanatang iyon? Nangyari nga lang na hindi pa kilala ng mga panahong yaon ang probinsya natin. 

Anyway, ano ba yung madugong labanan na iyon sa pagitan ng Spanish at Dutch sa dagat ng Marinduque? 


Ito ang lugar sa may pagitan ng Marinduque at Banton na ngayo'y pinaliigiran ng rich divesite areas. Naroon ang mga Dutch ship, fallen, cold and coral encrusted na.

1646 naman naganap sa pagitan ng Marinduque at Banton ang bombahan sa pagitan ng dalawang Spanish galleons at pitong Dutch warships. Ito ang labanan na itinuturing ng mga mananampalataya na isang tunay na milagro. 1652 nadeklarang milagro ng Cathedral Chapter of Manila at doon pa lamang nagamit ang branding na 'La Naval de Manila'.

Magkahiwalay na sumumpa (vowed), sa publiko baga naman ang mga Kastilang sina Heneral Orellana at Admiral Lopez na kapag napanalunan nila ang laban na ito ay maglalakad silang nakayapak mula Cavite hanggang sa Santo Domingo Church sa Manila sa ngalan ng Virgen ng Santo Rosario. 

Naganap sa karagatang ito ang pinakamadugong labanan na mula mga alas-siete ng gabi, July 29, 1646. Pinaligiran ng pitong Dutch ships ang Encarnacion. Palitan ng mga putukan at may napuruhan sa panig ng mga piratang Dutch.

Ang Rosario naman ay nasa labas ng nakapaligid na kaaway sa Encarnacion. Walang hirap sa ginawang pambobomba ang Rosario mula sa likuran at lumala ang kalagayan ng mga kaaway. Sinubukan ng mga Dutch na pasabugin ang Encarnacion sa pamamagitan ng isa nitong fire ship, subalit sinalubong ito ng mga kanyon kayat umurong. Binalingan naman ang Rosario subalit sinalubong din ng sampung sabay sabay na kanyon. Nahagip ang mga fireworks ng fire ship at sumabog ito, nasunog at lumubog, kasama ang mga tripolante.

 Walang namatay sa Encarnacion pero nalagasan ang Rosario ng limang sundalo. Nang sumunod na araw ay ang Spanish-Filipino fleet naman ang humabol sa kaaway. Nakorner ng dalawang galleon ang mga Dutch noong July 31, 1646 mga alas-dos ng hapon. 

Nakarating ang labanan sa pagitan naman ng Mindoro at isla ng Maestre de Campo. Inihalintulad ang putukan ng magkabilang panig sa animoy "pagsabog ng maraming bulkan". Nalampang isa-isa ang mga barko ng Dutch at lumubog naman ang isa pang barko kasama ang crew at mga armas.

 "Ave Maria! Ave Maria! ang sigaw ng mga bida, "Viva la fe Cristo y la Virgen Santissima del Rosario!" (Long live the Faith in Christ and the Most Holy Virgin".

 

 

I